emmilesaway
emmilesaway
..livelife..
10 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
emmilesaway · 4 years ago
Text
Heal
Kung darating man yung time na maghiwalay tayo.. Siguro yan yung time na narealize mo hindi sapat yung pagmamahal mo para ipaglaban ako sa mundo..
Tumblr media
3 notes · View notes
emmilesaway · 4 years ago
Text
Luha
Ang buhay ay sadyang napakatalinhaga. Hindi mo masasabi kung ano ang mangyayare sa inyong hinaharap, kahit pa ito ay iyo nang plinano at pinaghandaan. Sa paglipas ng panahon may darating na pagsubok at ikaw ay hahamunin sa iyong kakayahan at susubukin ang iyong pagtimpi at pagiging mahinahon. At sa panahong ika'y malingat, mga pangarap mo'y magbabago at saglit lang magiiba na ang takbo.
Kadalasan magtatanong tayo " bakit nagkaganito ang takbo ng buhay ko? ". Ngunit sating sarili sana ipagtanto, saan tayo nag kulang? Saan tayo nagkamali?. Sapat ba ang aral at payong na sa atin ay gabay sa ating paglaki? O sadyang tayo ay naging suwail at di nakinig nang mabuti? At sa mga panahong tayo ay nagkakamali naisip ba natin na tayo ang may gawa at walang ibang masisisi?
Sa bandang huli darating sa atin ang pagsisisi. Ngunit hindi na maibabalik ang dating plinano mo ng mabuti. Saka mo maiisip, sana pala nakinig kang mabuti sa mga payo at paalala na akala mo lang ay panira sa diskarte. Sa bandang huli saka ka magsisisi, sapat na sana ang dati kung hindi ka lang natuksong sumabay sa daloy ng pagsubok na minsan dumadaan para subukin ang iyong pagtitimpi.
Kaya naman habang maaga pa'y iyong pansinin, kung ang iyong ginagawa'y tama o pagsisisihan mo't magdudulot ng hindi magandang alala sa atin. Habang maaga pa itigil mo na, at bumalik sa dating mga plano at pangarap na hinangad at pinaghandaan para sa magandang bukas at tamang landas na hangad ng lahat sa atin..
3 notes · View notes
emmilesaway · 5 years ago
Photo
Tumblr media
2K notes · View notes
emmilesaway · 5 years ago
Photo
Tumblr media
721 notes · View notes
emmilesaway · 5 years ago
Text
Alaala
Yung mga panahon na nahihiya pag nakikita at nakakasalubong sa daan. Yung nakayuko habang pa simple namang nakatingin pagdumadaan. Yung inaabangan kung anong sasabihin. Yung kinikilig sa isang tapon lang ng sulyap at ngiti. Yung akala mo langit pagkahawak at nasa tabi.
At nung nalaman na mayroon din palang pagtingin, sa sobrang saya hindi mo mawari. Lagi nalang inaabangan na kausapin. Mga sulat na bigay inuulit-ulit basahin. Bawat salitang nakasulat na hindi naman talaga importante, pero sobrang mahalaga sa akin. At nalulungkot sa pakiramdam na walang panahon maibibigay sa akin.
Pinipilit na paliwanagan ang sarili na sa iyo'y may pagtingin. At paulit-ulit nalang tinatanggap na may mga bagay na hindi para sa atin. At nasasanay na sa kasabihang " may darating at umaalis din". Masakit isipin na tinaggap ko ng yun talaga ang nakatadhana sa akin.
Ngunit sa paglipas ng panahon na sayo lang inukol ang buong pagtingin. Darating yung panahon na napapagod na din. Sa pagaakalang ang pagmamahal ay sapat na para patuloy na umasa sa kinabukasang nakalaan sa akin. Hindi maisip na darating ang panahon na babalik balikang isipin yung panahon na wala akong ibang binigyang pansin.
Ngayon ko naisip na marami akong nasayang na panahon sa pagbibigay ng pansin. Pagmamahal na dapat sana una kong ipinagkaloob sa aking sarili. Na sana mas pinahalagahan ko unang una ang aking sarili. Disin sana lahat ng pagkakataon hindi lumipas sa akin. Mga pangarap ko sana ang una kong nabigyan ng pansin. At nang hindi ako ngayon naghahabol sa mga pagkakataong matagal na sanang pinagkaloob sakin.
Ganito nga siguro talaga ang dapat kong makita para mabalik tanaw ko ang aking mga nagawa. Ngunit wala akong pinagsisisihan dahil sa mga panahong naranasan kong madapa ay nagbigay aral ito at saya sa aking mga alaala.
0 notes
emmilesaway · 6 years ago
Text
Selenophile
From miles away I fell inlove to someone with no reason..
Tumblr media
1 note · View note
emmilesaway · 7 years ago
Text
The Past
Ang mga luha at pighati na dulot ng mga hagupit ng pagsubok ang nagdudulot ng bigat at pasakit sa aking pusong puno ng panghihinayang at takot. Mga bagay na nagpapahina sa akin loob. Mga bagay na animo'y bagyo na humahampas sa aking pagkatao. Mga bagay na parang malakas na hampas ng alon na tumatangay sa aking mga pangarap at plano.
Ngunit ang mga bagay na ito ang nagsilbing lakas at inspirasyon para patuloy na lumaban sa hamon ng buhay. Mga pagsubok na nagpatatag at nagpatibay sa aking loob. Mga alon na tumangay sakin sa gitna ng laot patungo sa pampang ng panibagong pagasa ng bukas.
Sa mga panahon na akala ko hindi ko na makakayanan ang lahat ng mga pagsubok. Sa bawat luha at hikbi, sa bawat lungkot at pighati, sa hapdi ng bawat sugat at pasakit. May ngiti sa aking mga labi tuwing aalalahanin ko ang bawat sandali na animo pinapanuod ko lang ang bawat pangyayari. May luha man sa aking mga mata ngunit ito ay tapos na. Tapos na, dahil hindi ko hinayaan na matalo aq ng mga pagsubok sa aking buhay.
Dahil kadalasan hinahayaan nating igapos tayo ng mga hamon sa buhay. Hindi na natin nakikita ang magagandang biyaya n nakapaloob sa bawat pagsubok. Para ihanda tayo sa mas higit pang regalo na matatanggap pagtapos ng lahat.
Ngayon ko napagtanto na tanging AKO lang ang may kakayanan para baguhin ang takbo ng aking kapalaran. Ngayon alam kong pinatibay na ako ng panahon para sa mga darating pang panibagong pagsubok at hamon sakin..❤💛💜
#trials #life #changes #strong #woman #hearts #inspires #alone
Tumblr media
3 notes · View notes
emmilesaway · 7 years ago
Text
Kislap
Wala na akong mahihiling pa, sa bawat sandali, sa bawat minuto, sa bawat oras n dumadaan, sa bawat araw n lumilipas ikaw ang tanging sinisigaw ng puso kong puno ng pag-asam. Sa mga panahon n nagdaan n kasama kang namamasyal sa tabing dagat na magmahawak kamay. Sa mga kwentohan at tawanan sa mga walang kwentang bagay na ating pinag-uusapan. Napakasayang balik-balikan ang bawat alala ng ating masasayang tagpuan.
Sa bawat araw na lumilipas ng hindi kita kasama at malayo sa piling ng bawat isa. Sadya nga namang napakahirap pigilan ang pangungulila. Wala akong magawa kundi pauli-ulit kong balikan ang mga sandali na ikaw ay kasama. Ako ay magtitiis, maghihintay, at kakapit sa yung pagmamahal..
Dahil ang ating pagiibigan ay hindi matitinag ng pagsubok at layo ng ating pagitan..❤💛💜
#sapusokoikawlang #sabawatsandali #alalala #spokenpoetry
1 note · View note
emmilesaway · 7 years ago
Text
Tumblr media
1 note · View note
emmilesaway · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Victoria Harbour, Hong Kong
0 notes