ericalimtay-blog
ericalimtay-blog
Erica's Fil 14 Blog
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
ericalimtay-blog · 8 years ago
Text
Porn?
Maraming Pilipinong indie films ang nakahakot at patuloy na humahakot ng mga gantimpala mula sa iba’t-ibang paligsahan na iniorganisa sa labas ng Pilipinas. Ang pelikulang “Serbis” (2008) na mula kay Brillante Mendoza ay ang unang indie film na lumahok sa prestihiyosong Cannes Film Festival para sa pinakamataas nitong gantimpala, ang Palme d’Or. Sumunod na taon, napanalunan ni Mendoza ang Best Director para sa kanyang pangalawang pelikulang na nominado para sa Palme d’Or, “Kinatay” (2009), sa 62nd Cannes Film Festival. Siya ang unang Pilipinong nakakuha ng parangal. Ang pelikulang coming-of-age ni naman Aureus Solito, “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” (2005) ay nakakuha ng sari-saring tropeo kasama na ang tatlo mula sa 56th Berlin International Festival.
Unang lumabas ang pelikulang “Ang Babae Sa Septik Tank” sa 7th Cinemalaya Independent Film Festival noong 2011. Ang pelikula ay tungkol sa tatlong taggapagawa ng pelikula na nasa processo ng paglika ng isang indie film na umiikot sa kapanglawan ng kahirapan. Ginagawa lamang nila ito dahil gusto nilang makilala sa buong mundo at manalo ng mga gantimpala mula ibang bansa. Pagtinignan mo, ang “Ang Babae Sa Septik Tank” ay isang Pilipinong satirikang indie film na tungkol sa industriya ng indie film sa Pilipinas.
Tumblr media
“Ang Babae Sa Septik Tank” Imahe mula sa Cinemalaya (http://www.cinemalaya.org/films/new-breed/ang-babae-sa-septic-tank)
Nung napanood ko ang pelikula sa sinehan, mabilis kong naintindihan na ito ay isang pangungutya sa industriya ng pelikulang indie - mula sa pag-kast sa reyna ng pelikulang indie sa Pilipinas na si Mercedes Cabral hanggang sa paggamit sa kahirapan bilang paksa ng pelikula upang mapansin ng mga banyagang kritiko at manalo ng mga gantimpala. Nagustuhan ko yung pelikula dahil una, hindi siya katulad nang ibang mga pelikulang indie. Nakakahiyang sabihin pero nung mga panahong na ‘yon ang akala ko ay lahat ng pelikulang indie ay malungkot at nagpapakita lamang ng karahasan.
Tumblr media
“Ang Babae Sa Septik Tank” (2011) Dir. Marlon Rivera Producers: Martinez Rivera Films, Quantum Films
Pangalawa, hindi sumemplang yung mga nakakatawang eksena dahil hindi naman ipinagpipilitan na maging katawa-tawa ang mga eksena na ‘yon at hindi ekseherado yung komedya. Isang halimbawa ay yung paggamit ng irony. Ang irony ay nakita sa tatlong pangunahing katauhan – mga burgis na nagplaplano kung papaano nila gagawing ang kanilang obra, isang pelikulang tungkol sa buhay ng mga maralita, habang nasa loob ng isang kapihan hawak ang kanilang mga MacBook Pro at tablet o kaya habang nagmamaneho ng magarang sasakyan. Isa sa mga eksena na bumenta sa akin ay yung bahagi na sumasalamin sa kaburgisan at kawalang malay nung tatlong taggapaggawa nang pelikula. Nag-ikot ang tatlo sa Payatas upang makahanap ng mga lugar kung saan nila pwedeng gawin ang pelikula. Dahil puro eskinita ang pupuntahan nila, iniwan ni Bing Bong, ang produser, yung kotse niya sa gitna ng Payatas na parang wala lang. Habang iniikot nila ang Payatas, tuwang-tuwa sila dahil nakahanap na sila ng lugar na sa sobrang kawawa ng histura siguradong mapapansin ang kanilang pelikula ng mga banyaga. Habang nagdiriwang ang tatlo, nakita nilang pinagpipiyestahan ng mga taga-Payatas yung kotse – ninakaw yung mga gamit sa loob at ibinabaklas yung mga pwedeng ibenta. Walang magawa ang tatlo kung hindi sumigaw at magluksa na parang hindi nila kasalanan yung nangyari. Paano bang hindi mangyayari yun, e iniwan nila yung kotse sa ginta ng pinakamalaking tapunan ng basura sa Metro Manila kung saan ang pinagkakakitaan ng mga nakatira doon ay yung pagbebenta ng mga nakalakal nila.
Tumblr media Tumblr media
“Ang Babae Sa Septik Tank” (2011) Dir. Marlon Rivera Producers: Martinez Rivera Films, Quantum Films
Ipinapahayag ng “Ang Babae Sa Septik Tank” ang paggamit ng “poverty porn” sa mga pelikula lalo na sa mga Pilipinong indie film.
Tumblr media
Imahe mula sa Accurate Pinoy Charts (http://accuratepinoycharts.tumblr.com/post/108524472740)
“Sandali lang. Ano ba ‘yang poverty porn na yan?” tanong ni Pepita.
Ang poverty porn ay tawag sa mga pelikula, palabas, patalastas, kasulatan, etc na ginagamit ang nakakaawang kundisyon ng mga mahihirap upang makabenta o kaya para mapansin. Ang halimbawa nito ay yung mga kumakalat sa Facebook na “one like = one prayer for this little girl who has (put debilitating disease here)” Para namang mawawala yung sakit ng bata kapag nag-like ka. Wala nga atang dasalang nangyari. Sana ginamit nalang yung oras na nasayang sa pag-like sa pagdasal para sa bata. Pagbibigay ba ng suporta ba kamo? E hindi mo nga alam yung pangalan ng bata. Walang nakalagay na pangalan kung saan ka nag-like. Sigurado ka bang batang babae ‘yan? Pwede kasi batang lalaki yan.
Tumblr media
Sa totoo lang, salot sa lipunan yung mga gumagawa ng mga ganito at yung mga nagpapauto sa kanila.
Nagpagbintangan ang batikang direktor na si Brillante Mendoza at ang iba pang direktor ng mga Pilipinong indie film na gumagawa ng poverty porn. Itinanggi ito ng direktor sa isang panayam kasama si Karen Davila na isinagawa noong 2012.
“In my films, poverty is just a background. It’s not what I highlight in my films,” Mendoza said. “It so happens that the characters are poor. It’s how it is in the Philippines. For 80 percent of the Filipinos that’s how they live.”
“I don’t show it for the sake of showing poverty. It so happens that the characters are within that community. And I’m not highlighting poverty per se,” Brillante Mendoza 
Ang paggamit ng poverty porn ay hindi lang laganap sa industriya ng indie film sa Pilipinas. Lahat ng klaseng medya na ginagamit ang kahirapan para sa sympatya lamang ay pwedeng tawaging poverty porn. Sa aking palagay, isa sa mga pinakamalaking ebidensya ng poverty porn sa Pilipinas ay yung palabas na “Wowowee”. Ang pangkaraniwang gawain sa palabas na ito ay ang sumusunod:
Ikwekwento ng kontestant yung kaawa-awa niyang buhay habang may tumutugtog na mabagal na kanta sa likod (siyempre para masmalakas yung emosyon).
Magapapalakpakan ang mga tao pagkatapos ng kwento.
Magsasalita o kaya magpapatawa si Willie ng konti para masira yung tensyon sa studio.
Magpapakita ng talent si kontestant - sayaw o kanta.
Bibigyan ni Willie ng pera si kontestant.
Masaya na ang mga manunuod kasi hindi na masyadong kaawa-awa si kontestant dahil may 10,000 pesos na siya. 
youtube
Wowowee (2005) “Eddie Boy - Houseboy With Talent” Bidyo mula sa Youtube
Nasasalamin ng ganitong kalarakan (poverty porn) ang kaisipan na ang mga mahihirap ay mas mababang uri. Lalong lumalaki ang puwang sa pagitan ng mayaman at mahirap. Patuloy ang pananamantala sa mga maralita dahil ang kanilang pagdurusa ay nakikita lamang bilang katuwaan. Hindi sila tinatratong bilang tao kung hindi bilang mga hayop na susundin ang kung ano man ang inutos sa kanya basta may kapalit ng pagkain. Sa poverty porn, malinaw na nakikita lamang ang mga mahihirap bilang instrumento sa pagtaguyod ng mga kagustuhan ng mga mayayaman. Katulad ng paggamit sa kanilang kwento para makuha ang puso at simpatya ng mga manonood upang makahakot ng mga gantimpala o kaya ang pagmanipula sa mga kilos ng mga mahihirap sa harapan ng ibang tao para sa katuwaan.
Walang pagbabago sa ganitong sistema. Noong kabataan ko ganito ang kaisipan ng lipunan. Bago pa ako ipinanganak ganito na ang kaisipan ng lipunan. Hangang ngayon, ito pa rin ang kaisipan na nagmamayagpag sa lipunan.
Ang pagtangkilik sa kulturang popular ang masasabi kong isang paraan upang paliitin ang puwang sa pagitan ng mayaman at mahirap. Ito ay dahil ang kulturang popular parehas lamang sa lahat - mayaman man o mahirap, babae man o lalaki, matanda man o bata. Higit ang kulturang popular sa uring panlipunan dahil kahit mayaman man o mahirap ang isang tao, parte ng kanyang kasaysayang ang kulturang popular. Kahit saan siya pumunta matatagpuan niya ito kasi popular ito pero depende na sa kanya kung tatangkilikin niya ito. 
Ang Kathniel ay bahagi na ng kulturang popular ng Pilipinas. Marami ang tumatangkilik sa kanila pero siyempre meron din namang mga tao na walang pakielam. Pero kahit ganoon, alam pa rin ng mga walang pakielman kung sino si Kathniel dahil nakikita nila ang Kathniel sa kapaligiran nila - TV, pelikula, internet, billboard, chismis, etc. Walang takas sinuman.
Bukod dito, pinapalawak ng pagtankilik sa kulturang popular ang perspektibo ng isa. Minamaliit ang kahalagahan ng kulturang popular lalo na ng mga mayayaman dahil akala nila pangmasa lang ito sapagka’t kaya ito ay naging popular ay buhat ng karamihan ang tumtatangkilik nito. Siyempre, ayaw nila mapagkamalang jologs. Pero nakakaligtaan natin na malaki ang papel ng kuturang popular sa ating lipunan. Sinasalamin lang naman neto ang ating lipunan at ang nangyayari sa ating kapaligiran. Kaya nga kapag mas tinatangkilik ng isang tao ang kulturang popular, mas napapalawak ang kanyang perspektibo sa mga bagay-bagay at masmalalim ang kanyang nalalaman ukol sa lipunan kanyang kinatatayuan.
0 notes