Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
nan
Tuwing hating-gabi, 'di natin namamalayan. Na tayo'y sabay na nagmumuni-muni at unti-unting nagiging atin ang gabi
Akala ko dati, ako'y nasa kawalan Dahil sobrang dilim at walang maramdaman. Ngunit 'nung ikay dumating, aba ang galing! Ang dating madilim na kawalan, naging maliwanag na kalawakan
Sa susunod na kabanata, Sana ipapakilala ako sa'yo ni Bathala. Kung saan matatagpuan mo, Ang pag-ibig na hindi pinipilit.
Sa bagong yugto, Hindi mo na kailangan humiling. Dahil hindi ka na babalik, Sa mga paano at bakit.
Kung saan ang iyong pagod ay mapapalitan ng pahinga, Kung saan ang mga yakap ay iyong paghinga Dahil hindi mapapagod sa ating dalawa Na itinuro sa atin ng mga tala
Kahit anumang pagod ang ating maramdaman, Alam kong lahat ng 'yon ay mapapawi kapag tayo'y naghagkan. Pagod man sa magdamag ay sa atin padin uuwian. Dahil ikaw at ako ang magsisilbing tahanan.
Kung kaya't sa madilim na kalangitan, At sa maliwanag na kawalan Sa malamig na bulkan at mainit na karagatan
Ako'y tatalon at hindi lilisan Sana ikaw din, magpakailanman.
0 notes
Text
Maligayang Kaarawan!
Normal lang matakot. Pero 2020 na ata ang pinakamalupet na sampal sa lahat regarding uncertainties. Kung magpapalamon ka sa takot, ikaw talo.
youtube
Totoo naman mahirap malaman kung totoo ba ang isang tao, kung ito na ba ‘yun? Like, ano nga ba talaga feeling ng in love or fall ka na ba talaga sa isang tao? Oo, normal nanaman siguro satin na yes, we care for ourselves. Na mahal natin family natin, nanay natin, tatay natin kapatid natin etc. We give them unconditional love. Pero iniisip natin, ano nga ba kaya talaga ang feeling na naiinlove? Nakalimutan na ba natin o sadyang hindi lang talaga natin alam kaya napupunta tayo sa rational thinking na “ love na ba talaga ‘to? “.
And yes, it’s part of it. Kasi kaya tayo nag-iisip ng rational side sa love kasi takot tayo. Takot tayong masaktan. Takot tayong magkamali. Kaya it’s more of a barrier ‘e, parang mask. Na-subconsiously it guards us dahil mas pinapangunahan tayo ng takot. Ang love kasi hindi mo siya talaga pwede idefine, it’s a feeling ‘e. Kahit naman ang pinakamatalinong tao ‘e nagiging bobo pagdating sa pag-ibig. Love kasi it demands to be felt, not just to be seen and touch. Yes, seeing and touching is part of it pero the whole idea ‘e it’s a feeling.
Basta tandaan mo, wala kang kasalanan.
Kung madali akong na-fall at naattached sa conversations natin. Kung madalas ako nag-aantay ng messages or replies mo. Kung dahil at bakit ako nasaktan paminsan-minsan. at kung bakit patuloy na umaasa.
Ang mahalaga sumaya ako. Yes, nakakalungkot. Nagiinvest ako ng time, effort at kung anu-ano pa. Pero kasama ‘yan sa buhay ‘e.Kasi ang totoo, kailangan lang naman tanggapin ‘e.
Tapos laban lang.
Happy Birthay Amihan! Happy Birthday Shen!
Sana masaya ka ngayong birthday mo, recently nakapagusap ulit tayo, kaso after that parang may problema ka nanaman. Hindi ko alam kung sa akin nanaman o sa iba. ‘yung paulit-ulit na sinungaling and stuff. Oo, katulad ng sinabi ko sa’yo dati, nababasa ko naman lahat ng dinedelete mong tweet. Next time try mo magbilang muna ng “ 1, 2, 3 “ kapag gagawa ka ng irrational move. Para mapagisipan mo.
So ayun, kumusta ka na ba talaga? Nabasa mo na ba ‘yung libro? Napanuod mo na ba ‘yung It’s Okay Not To Be Okay?
Sabi ko lagi ako andito para sa’yo ‘di ba? Pwede mo ako pagsabihan ng mga nararamdaman mo or kahit rants mo. Makikinig ako, papakinggan kita. Kung kailangan mo ng ibang perspective pwede ko din ipakita sa’yo at sabihin ang iba pa.
No matter how scared you are, no matter how lost you are, no matter how far you run away, no matter how far you push me and everyone else away.
I won't follow you unless you ask me to, but I will always be here if you choose to come back.
I am still here.
Even though I feel pain. I’ll never show it unless hope turns into reality.
All I have is hope. I hope your at peace and I hope you get everything you want. I deep down hope you come back.
Anyway,
Kapag andyan na ‘yung taong masasabi mo na “ Siya na. “ Sabihan mo ako ha? Isa ako sa magiging pinakamasayang tao para sa’yo.
----------------------------------------------------------------------------
Ang bilis naman talaga ng panahon. Lumipas nanaman ang isang taon. Tatanda nanaman tayo. Ngayon ay araw ng kasiyahan at mga regalo
Ngayong taon, isa lang naman ang hinihiling Na ang araw na ito ay maging para sa iyo rin. Hindi ko kayang magbigay ng regalo o ng malaking selebrasyon Ang kaya ko lang ay pasayahin ka ngayong malungkot ang panahon.
Alam ko ngayon, siguro ikaw ay nag-iisa Pero ‘wag kang mag-alala Andito ako, para sa’yo Na laging makaka-alala
Sana, sa susunod na taon ay mas masaya Sana, sa susunod na taon, mas masigla Sana, sa susunod kasama mo na ang iyong mga kaibigan Sana, sa susunod may kasama ka ng ka-ibigan.
Isang taon na naman ang lumipas Edad nati'y pataas nang pataas Tumatakbo, pumapatak ang bawat oras Alam ko sa panahon ngayon ay wala pang lunas
Kaya sana ika’y sumaya dito Sa simpleng handog at sulat kong ito Gusto ko sanang sumayaw at tumalon kasama ka Ngunit kailangan muna nating tanggapin ang pag-iisa.
Muli, maligayang kaarawan aking binibini. Kukunin na kita, aking sinta.
I don't want the best for you because obviously I don't know what's best for you and neither do you. So I want the best for whatever you want the best for you.
youtube
0 notes
Text
2nd
Siyempre, kagaya ng libro. Hindi ito natatapos lang sa simula o nagsisimula sa wakas. Madami pang pwedeng maging kadugtong ito. Ito na ang kasunod, ano nga talaga ang mangyayari dito? Magpapatuloy pa ba o hindi na? Bakit naman kasi ganito ang tadhana diba? ‘di mo alam kung totoo ba o hindi. Nakakalungkot, nakakatuwa pero ang mahalaga ay alam mo kung ano ang halaga nito. Hindi ko na maintindihan, ano nga ba aking nadarama? Masaya pa ba? Malungkot na ba? Nakakapagtaka. Iniisip kung bakit naging ganito, Hanggang kailan ba ito? Hanggang kailan ka ba magtatago? Kailan ba tayo magtatagpo? Habang nakatingala sa kalawakan, Iniisip ang ating mga napagkwentuhan. Ano nga ba ang nangyari sa kasalukuyan? Hanggang ngayon ba, hindi parin alam ang katotohanan? Nakakalungkot naman talaga isipin, Ngunit kailangang tiisin. Hanggang kailan mawawala? Pero kailangang tanggapin, kaya gano’n na nga. Oo, masakit at nasasaktan ako. Nasa malapit ka lang pero parang ang layo mo. Gusto kitang makasama pero ano? Wala akong magawa kundi tingnan ka mula sa malayo. Naiintindihan at alam ko, Na hanggang dito nalang muna ito. Pero bakit gano’n? Bakit ganito? Lagi kang merong “ ako “. Umaasa na lang ako na sana, Dumating na yung araw na pwede na kitang makasama. Ng hindi iniisip ang sasabihin ng iba At magawa ang mga gusto natin ng malaya. Kailan kaya dadating ang panahon, Na pwede kitang makasama mula bukas at kahapon. Kung saan madami tayong pwedeng gawin. 'yung tipo na walang makakahadlang sa atin. Parang pagluluto, sa umpisa mahirap. Akala mo ika’y susuko, pero sa huli ito pala’y malalasap. Madaming rekado at maraming pwedeng sangkap. Pero puso ang mahalaga, para ito’y maging masarap. Wala naman akong pwedeng panghawakan. Mga sinasabi mo, aking laging pinagiisapan. Pero sana, walang magbago. Handa akong magtiis kahit gaano pa katagal ito.
0 notes
Text
Para

youtube
Nakakatawa ano? Hahaha. Ganito. Wala hanggang ganito lang. Ang sad kasi ang dami mong sinusulat, ang dami mong sinasabi pero para sa’yo lang talaga. Para bang iniinvalidate mo pag ibang tao na. Pero kung sabagay, ikaw lang naman talaga iniisip mo ‘e. Kailangan intindihin at tanggapin. Ang dami mong ideals, ang dami mong sinasabi na “ kapag ganito close na iba na blabla. “ Pero wala ‘e. gano’n talaga. Kinulong mo sarili mo sa gano’ng pagiisip. Ang lungkot diba?
Ito na, Ito na siguro ang huli. Literal na umiiyak ako habang sinusulat ko ‘to. Akala ko hindi nako makakapagsulat ng ganito kasakit. Pero wala ‘e, kailangang tanggapin.
---
Hindi ko na nga alam kung ano ba talaga ‘to? Tama ba, pero mali ang panahon o Mali, pero tama ang panahon. Hindi ko alam kung alin tayo sa dalawa. Kung itutuloy pa ba o hindi na.
Napakadaya naman talaga ng tadhana ano? Hindi na ba talaga tayo magtatagpo? Ang hirap naman kasi makipaglaro, Talaga bang lagi nalang ganito?
Hindi ko alam kung sino sa atin ang taya O kung sino ang nawawala. Maliwanag naman ang buwan, ngunit ‘di tayo magkakitaan.
O sadyang ayaw mo lang talaga ako makita dahil pakiramdam ko, hindi mo naman talaga nakikita. Kung sino ako at ano ang aking halaga, Kaya patawad kung hanggang dito nalang talaga.
Natatawa nga ako, ako’y ngayo’y naglalakad sa kawalan Na kung saan dati’y ang tingin ko’y kalawakan. Sa ilalim ng kumikinang na butuwin at buwan Ngayo’y madilim at malakas na ulan.
Lumalalim na ang gabi, pero wala ka parin sa aking tabi. Kahit anong gawin ko, alam kong hindi kita pwede maiuwi. Kaya ako’y ngayo’y nagbabakasakali. Na matagpuan kita, kahit sandali.
Gusto ko sana mahawakan ang ‘yong mga kamay at daliri, Ngunit kailangan ko na itong isantabi. Dahil lumalayo ka na unti-unti, At ‘di ko na nakikita ang ‘yong mga ngiti.
Sabi ko kahit nasaan ka, hahanapin kita. At nakita na nga kita, nakita na kita. Nakita kita, sa gitna ng umaga at gabi. Kung saan naglalaban ang liwanag at dilim. Habang ako’y nagaantay ng taimtim. Kung ano ba ang ‘yong gustong maatim. Nakita kita, sa pagitan ng bukang-liwayway at takipsilim. Habang ako’y nasa ilalim ng lilim, Iniisip ko kung saan ba nagkamali O bakit ganito ang nangyari.
Nakita kita, sa gitna ng laban at paalam Kung saan naglalaban ang init at lamig. Ang ‘yong gusto, pilit inaalam Kahit saglit, sana ako’y maging iyong bukambibig.
Para akong nakikipagdigma sa tadhana, Dahil sabi mo, iyong ang tama. Hindi ko na alam kung ano papaniwalaan ko, Ikaw ba o ako?
Nakita kita, sa pagitan ng ngiti at luha. Kung saan ang pagpatak mula sa mata Ay hindi mo alam kung lungkot o saya. at ang tanging gusto lang naman ay ligaya.
Nakita kita, sa gitna ng mahal kita at minahal kita. Ngunit ngayo’y wala ka na. Dahil sa totoo lang, hindi ka naman nakakapit. Ako lang naman ‘tong sumubok at nagpumilit.
Nakita kita, sa pagitan ng ngayon at bukas. Na kung saan dati tayo’y naguusap madalas, Ngunit ngayo’y nakakulong sa rehas Sa pagitan ng simula at wakas.
Kaya patawad, patawad sa pagiging makasarili. Makasarili sa mga bagay na iniisip kong para sa atin.
Kaya patawad, patawad dahil nauna na ang mga mata kong unti-unti ng nalilinawanan kaysa sa puso kong unti-unti nang napapagod kakaisip at kakahintay.
Kaya patawad, patawad dahil ako’y makulit. Alam ko minsan ka lang naman mamansin pero ako ito, madalas bumibitaw ng mga walang kwentang salita para lang iyong mapansin.
Kaya patawad, patawad dahil isa ako sa dahilan kung bakit nagulo ang ‘yong mundo. Kung saan ang dating maayos ay naging komplikado.
Kaya patawad, patawad kung ngayon ako naman ang magtatago para hanapin mo. Sinubukan kong maging makasarili kahit alam kong hindi mo naman ako hahanapin at lagi mong hahanapin ang sarili mo.
Kaya patawad, patawad dahil nakakapagod pala makipaglaro. Makipaglaro sa tadhana na bigla biglang nagbibilang.
Isa, Dalawa, Tatlo. Hindi na tayo magtatagpo. Apat, Lima, Anim. Tapos na ang pag amin. Pito, Walo, Siyam. Malapit na ang pa-siyam. At sampo, patapos na ang kwento.
Kaya patawad, dahil hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang makita ang sarili ko. Makita ang sarili kong nakikipaglaro. Nakikipaglaro at Nakikipagdigmaan sa pagitan ng
Tama at Mali, Araw at Buwan, Umaga at Gabi, Liwanag at Dilim, Bukang-Liwayway at Takipsilim, Laban at Paalam, Init at Lamig, Ngiti at Luha, Lungkot at Saya, Mahal kita at Minahal kita, Ngayon at Bukas. Kaya’t malaya ka na, Ngunit hindi ko padin alam Kung ito ba ay Simula o Wakas
0 notes
Text
Laro

Natagpuan kita sa pagitan ng umaga at gabi Sa pagsapit ng agaw dilim at bukang liwayway Sa laro ng taguan at habulan Sa hingal at galak ng pakiramdam
Natapos na ang bilang sampu. Nawala ka, Hinanap kita Saan man mapadpad ika'y hahagilapin Sa pagtago sa may dilim Mapapagod pa din mahanap ka lang din
Nagtago ka lang ba? O pinilit na lang ding tumakas Tumakas dahil hindi mo na kaya ang laro sa pagitan.
Sa dilim tayo'y umabot Ngayon ako nalang Hindi alintana ang nasa likod ng dilim Kung mapupukaw ba nito ang damdamin Sa saliw ng huni ng insekto bakit narito pa din ako?
Humantong na sa gitna ng kawalang gana Naglaho at lumisan ka Patuloy ang pagpatak ng luha at ang sakit Pero wala ng mas sasakit sa paghintay sa muling pagtigil ng iyong mundo at tayoy muling uukit dito
Namamatay ako sa ala ala Nagagahol dahil tinatanaw kita Tumakbo ng karipas hanggang mamanhid Nagpadala sa daloy hanggang manlimahid
Ang istorya'y muling sisimulan Natagpuan kita sa pagitan ng umaga at gabi Sa pagsapit ng agaw dilim at bukang liwayway Sa laro ng taguan at habulan Sa hingal at galak ng pakiramdam
Alam kong matatapos na'to Hindi kita hahanapin, Dahil alam kong hahanapin mo ang sarili mo. Kaya hindi kita nadatnan dahil iyo nang nakabisado ang pagtakbo at pagtago sa “Pagitan ng Laro “
0 notes
Text
Kabila

Di ko alam kung bakit, Pero may lungkot sa loob ko At kung tatanungin ako kung ano ang kaligayahan, Di ko na ata alam ang isasagot ko.
Kung sa bawat paghinga May kalakip na hikbi Sana bukas pagbukas ng mata May ligaya naman sa aking tabi
At kung magagalit ang langit pag nakamit ko ang Saya Di papakawalan,lalagyan pa ng lubid Kailan kaya darating ang gabi ng ngiti at tawa At ang pagpikit ng matang walang bahid ng luha
-
Ako ang tanungin mo kung ano ang kaligayahan Isasagot ko, hindi mo dapat ito makalimutan Dahil para saan pa ba ang pagtatanim ng magandang kalooban Kung ang dulo'y pag-ani rin sa kawalan?
Kaya gusto kong ipaalala sayo Kung sakaling nakalimutan mo Ang kaligayahan ma'y kasing ilap ng sariwang hangin Ito ay malikot, magalaw, mabilis mawala sa piling
Ngunit sa panahong umihip na sayo ang hangin Hayaan mong ilayo ka nito sa bangin Dahil para saan ba ang lubid na iyong hinahanda Kung ang hangin ay dumaraan lang at malaya?
Kaya bitawan mo na ang lubid na pumipiga rin sa labi At kahit sariwa pa ang luha 'di ba't mas malamig ang basang pisngi Sa pagyakap ng hangin na tulad ko'y daraan saglit "Bumibisita ako sa mga nakalimot huminga," aking isasambit.
0 notes
Text
Tan
Ngayon lang ako natauhan mula ng naisulat ko ito. Na itong unang pahina ay hindi ko matatawag na kwento nating dalawa. Wala naman kasing naganap. Wala naman kasing kwento na naging bida ako...at saka ikaw. Kwento ko pala ito. Pasensya ka na. Umasa ako. Akala ko kasi may kahulugan ang mga kinang sa mga mata mo. Wala pala. Simula pa lang wala na. Gumawa lang pala ako ng kwentong ibinase ko sa imahinasyon ko. Ano bang malay ko? Papalitan ko na lang ang dulo nito. Tatapusin ko ang unang pahina ng kwentong ito. Hindi ito ang kwento mo. Hindi rin ito para sa ating dalawa. Kwento ko ito. Kwento ko ito noong nahulog ako sa'yo. Noong hindi mo ako sinalo. Sayang... Kwento sana natin ito.
0 notes
Text
Litrato
Alam mo ba? Gusto kong punuin sana ang libro ng kwento nating dalawa Simulan natin sa kung paanong nasilayan ko ang iyong mga matang tila ba’y kakaiba kung makapangakit ay wagas. Talaga sigurong may kakayahan kang parang hipnotismo. Dahil sa unang beses na nakausap kita ‘e Tinanong ko sa’yo kung may Instagram ka. Tila saglit mong pinatigil ang mga kamay ng orasan.
Siguro may kakayahan kang patigilin ang mga tao sa paligid. O baka naman sinasadya mong makita ko na tayong dalawa lang ang nagkakaintindihan. Mga ilang segundo lang ‘e ika’y sumagot na agad. At dun palang, alam ko na. Masyado kang malayo at mahirap abutin. Natatawa nga ako, dahil pagkatapos ‘non hindi na ulit kita nakausap. Dahil siguro sa takot? Sa mga bagay na hindi ko alam kung paano kita makakausap at kung kakausap ka ba ng isang katulad ko. Pero pagkalipas ng ilang buwan, muli kitang nasilayan at nakausap. Nakita kitang ngumiti, Isang ngiting alam kong iba sa lahat. Talaga sigurong may hiwaga sa bawat ngiti ng iyong mga labi. Ewan ko ba pero, napangiti din ako. Napangiti ako dahil... Nakakatuwa. Hanggang sa matapos tayong mag-usap. Tungkol sa mga hilig mo. Tungkol sa mga pinagkaka-abalahan ko. Sa mga paborito nating gawin, Hindi ko pa rin matanto kung bakit lagi akong napapangiti kapag ngumingiti ka. Minsan tipid, pero kadalasan 'yung malawak na ngiti. Talaga sigurong sinasadya mong mahawa ako ng pagiging masiyahin mo. O baka naman...masarap ka talagang kasama.
Mahahabang pilikmata. Mapupungay mga mata. Medyo singkit ka pala. Hindi pala katangusan ang ilong mo. Napatingin ulit ako sa mga mata mo. Nakatingin ka pa rin pala. Umiwas ka lang bigla. Sa mga oras na 'yon. May naramdaman ako. Talaga sigurong maamo ang mukha mo. Hindi naman tayo tumakbo pero...bakit parang hinabol ko ang paghinga ko? Bumilis kasi ang tibok ng puso ko. Kumakabog. Sobrang lakas. Gusto ko pa sanang sauluhin ang bawat detalye ng mukha mo. Kung gaano ba kaayos ang bawat hibla ng buhok mo. Kung gaano ba kapula ang mga labi mo. Nakakahiya. Sa isip-isip ko, bakit ba ako napatitig sa'yo? Sinadya mo bang titigan ako? Nakakalito. Oo, simula noon...nalito na ako. Hindi mo alam. Syempre hindi mo malalaman na pasimple kitang ninanakawan ng tingin. Na pasimpleng napapangiti ako kapag nagkukwentuhan tayo. At pasimpleng nasisiyahan ang puso ko kapag nakakausap kita.
Natatakot ako kung minsan kasi. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Parang naririnig mo na nga e. Pero parang wala lang sa'yo. Parang wala lang ako sa'yo. Sa tinagal-tagal ng pagkakaibigan natin, ni hindi ka nagbago. At kabilang rin tayo sa hindi nagbago. Ganito pa rin. Magkaibigan. Umasa. Tama. Dahil...wala naman talagang espesyal sa katulad ko. Alam kong ibang-iba ako. Isa pa, naalala ko na magkaibigan nga lang pala tayo. Kaya imposible. Naisip ko tuloy, talaga sigurong nahulog ako sa'yo. Tapos ikaw, Wala. Hinayaan mo lang ako. Akala mo kasi mababaw ka. Na makakaahon agad ako, oras naahulog ako sa'yo. Mali.
0 notes
Text
Tenen

Yakapin mo ako, habang atin ang gabi. Sa ibabaw ng mga bituin at sa mundo kong nababalot ng dilim. Yakap mo ang susi para ito'y alisin.
Buwagin ang damdamin na puno ng pait at pighati. Hindi na muling luluha pa Pagkat sa yakap mo, natuyo ang luha.
Buong lakas kong dadamhin ang init ng wagas at dalisay na pag-ibig.
Bawat himig mo'y hihimayin. Bawat salita'y bubuohin.
Sa bawat nakaw na sandali Alam kong ito na ang huli.
Kaya sa huling yakap sa gitna ng kalangitan. Iguguhit ko sa kalawakan
Ang mga katagang, " Mahal Kita " At kailangan na kitang pakawalan.
0 notes
Text
Berirong

I took the risk, it was unintentional. I didn't even want it at first. It never crossed my mind for someone to even like me. Kaso wala eh, I liked the attention you gave me, I liked how your so sweet. Akala ko okay lang to, it's nothing serious, na hanggang friends lang. I thought kaya ko, onti onti akong naattach sayo. It was like playing with fire whenever I talk to you. Narealize ko nalang bigla na I really do like you, kaso bawal. Madaming taong madadamay ‘e.
I thought I was special. You really did make me feel special at first. Days passed and you started being cold. Parang ‘di ka na interesado. You don't even seem to care na. You don't bother responding to my random kwentos like you used to. Nagsawa ka ba? Sorry, nasanay ako eh. I don't know why I feel hurt. Wala namang tayo diba? Parang mali to pero I guess talo talaga yung unang magcatch ng feels. Nagexpect lang siguro ako too much.
I don't even know what to think now, pagod na ata ako. Haha. It just sucks na you can't even treat me like a friend at the very least unlike dati when we started. Parang napakadisposable kong tao.
Pero okay lang naman, lalaban at lalaban lang ako. HAHAHA.
Ngayon? Ano ginagawa ko? Ayun, tamang nood lang ako at sulat. Ang hirap pala talaga ano? Badtrip. HAHAHA. Mukhang tama nga ‘yung “ DESISYON “ na post.
0 notes
Text
Trono
Alam mo ba, unti-unti ko nang naiintindihan. Masyado ka ngang mataas. Masyado kang mataas dyan sa trono mo. Masyado mo tinitingala sarili mo.
Sana pagnabasa mo ‘to. Try to introspect yourself. Tama pa ba na andyan ka? Yes, hindi naman kita masisi na mataas walls mo. Given na ‘yan. Nasaktan ka ‘e. Pero alam mo ‘yun? Ang toxic na ‘e. Akala mo lang hindi, akala mo lang okay ang lahat. Pero hindi.
Yes, given na din alam mo worth mo. Pero alam mo ba talaga? Anong klaseng worth ba ‘yan? Worth na hindi na healthy. Oo, hindi na healthy. Hindi na healthy on my side, lalong lalo na sa side mo.
Nakakalungkot isipin na naging ganyan ka, despite of everything na nangyari sa’yo. Kinakain ka na ng sarili mo. No, hindi ‘to hate or hindi ako naiinis sa’yo.
Nalulungkot ako, nalulungkot ako dahil naging ganyan ka. Nalulungkot ako na nakakalimutan mo na ang mga tao. Nakakalimutan mo na din kung sino ka. Yes nagbago ka, nagbabago ang tao. Pero dapat ‘di mo padin kinakalimutan kung sino ka. Dapat malaman mo padin na andyan ka para sa sarili mo.
Ironic no? ‘di mo magets? Magulo ano? Nakakalimutan mo na sarili mo pero all the time minamahal mo lang naman sarili mo. And yes, doon naging malabo. At doon ka nawala. Nawala ka ‘nung minahal mo ang sarili mo.
Sabi ko susupportahan kita sa lahat, pero ayun nga. Hindi naman din kasi pwede ‘yun. Mali na ‘e. Maling mali. Don’t say “I’m always here to listen” when you’re gonna show a person trying to pour their heart out indifference. Don’t say “I understand” when you don’t truly don’t. Don’t ask “di mo ba talaga kaya ___ “ when you don’t understand what it feels to be in that situation. Don’t say mental health advocate ka when you show half assed feelings like that. May pake ka lang kapag gusto mo yung taong kausap mo.
Anyways, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob na hindi ko kayang sabihin sa’yo. Yes, doon palang nagfail na ako. Sorry ha. Watch mo nalang ‘yung “ It’s Okay Not To Be Okay. “ Baka sakaling may matutunan ka.
0 notes
Text
Pansin

Haaaay, sinimulan ko na hindi ka kulitin or ichat. Hindi dahil lumalayo na ako sa’yo pero sa kadahilanang gusto ko malaman kung ichachat mo ba ako. Naisip ko na,Hanggang kelan mo kaya ako hindi ichachat? Maaalala mo kaya ako? Susubukan ko ding hindi magpost kahit saan para wala talagang magpapaalala sa’yo na merong isang ako.
Iniisip ko nga kung ano ba talaga ako sa’yo? Ang lungkot kasi ‘e. Ewan ko ba, naalala ko lang kasi sabi mo nireject mo na si Ced. Ilang beses na, paulit-ulit pa nga e. Pero gano’n padin treatment mo sa kanya. Mas okay pa nga kesa sakin ‘e. Yes, alam ko naman wala ako karapatan gumanito. Pero isipin mo diba? Kaya lalong umaasa sa’yo ‘yung tao kasi ineentertain mo padin. Nakita ko na pinaplay at pinapatugtog mo mga ginawa niyang playlist. About dun ‘yung tweet ko kaya alam ko napansin mo ‘yun kaya napachat ka.
Anyways, about naman sa playlist na ginawa niya. Yes, chineck ko. Stalker talaga ako. Sorry ha? Nakita ko puro lumang tugtugin. Mga favorite mo. Sabi ko sa sarili ko, ay kaya ko hindi ginawa ‘tong playlist na ‘to kasi alam ko na favorite mo siya. Gusto ko umalis sa boundaries at iparinig sa’yo ‘yung mga ‘di mo pa naririnig. ‘yung Maexplore mo ba ‘yung iba pang kanta at genre + ayun nga parang to grow na din at hindi ka puro classic / old song.
Thoughts ko lang naman ‘yun, so ngayon sarili ko naman. Kamusta ba ako? Eto okay lang, nagiintay padin. Umaasa, nanunuod ng kung ano ano. Gusto ko sana kwento sa’yo ‘yung It’s Okay to be no okay, kasi it’s a good kdrama. Try mo panuorin.
Para tanga 'no? Nagpapakahirap ka i-prove yung worth mo sa taong hindi nakikita yung halaga ng presence mo, kaya ang ending self-worth mo yung nawawala mo. Wala mang kasiguraduhan pero madalas nagbabakasakali akong higit pa sa kaibigan ang turing mo sakin. Kahit alam ko sa sarili kong hangang doon lang. Malabo man pero nagbabakasakali ako, baka sakaling hindi lang hangang dito ang salitang "Tayo"
Ayun lang naman. salamat.
0 notes
Text
yak

So ayun, iyak nanaman muna ako. Bobo thoughts ko ‘e. HAHAHA. I always find myself crying nalang bigla. Lagi nalang akong ganito. HAHAHAHA. Wala ‘e. Overthinking hits me hard. Reality hits me harder. nagiillusyon nalang talaga ako. Hirap ‘e. Isusulat ko nalang ‘to at iiyak muna.
Paano ko ba magagawang kalimutan Ala-ala ng ating nakaraan Inakala na ‘di mararanasan ngunit biglang nasaktan
Inibig kita ng wagas at tapat Ginawa ang lahat lahat Upang maging masaya ka’t ‘di maghanap Ngunit ‘di nangyari ang pinapangarap Oras, araw, buwan ang nagdaan Unti-unti mo na ata ako nakakalimutan Ang pagka-kaibigan natin ng nakaraan Umaasa’t inakalang magiging magka-ibigan
Magkaibigan ay maaring magka-ibigan Ngunit ang nasira ay pagmamahalan Magiging malaking hadlang Na ang dating kaibigan ay iwasan nalamang
0 notes
Text
smol
Alam mo ba sobrang natutuwa puso ko sa mga simpleng bagay na pinapakita mo? Simpleng “ Good Morning “.
Kahit ‘di ka masyado nag rereply, kahit parang wala lang ako sa’yo. Alam mo ‘yun? Lahat napupunan at napupuno ng simpleng reply mo. Hahaha! Sabog na ata ako. Maliit na bagay, sobrang big deal sakin. Ewan ko ba, ganito lang talaga ako. Sorry.
Nitong mga nakaraang araw ewan ko, nalulungkot ako sa pagstalk ko sa’yo at sa kanya ( ced ) ‘nung nagkita kayo ulit. Pag tinatag ka niya, pag pinapakinggan mo playlist niya. Yes, nakakaselos. Seloso talaga ako. Pero wala ‘e. Wala naman ako karapatan. Hahaha. Eto ako, hanggang dito nalang. Nagaantay, umaasa, lumalaban.
‘di ko talaga alam kung ano ‘e. Ang pala talaga kumapit kapag walang kinakapitan. Pero wala ‘e, siyempre kahit mahirap. Kahit masakit. Kailangan tanggapin. Ginusto ko ‘to ‘e. Alam ko naman worth it lahat ‘to. Pero kung walang mangyari, edi salamat nalang. Atleast sa buhay ko dumating ka. At minsan sa buhay kinilig ulit ako at nageffort ako ng ganito.
‘di ko nga alam san ko nakukuha ‘yung ganitong pageeffort. Hahahaha. Tangina, sobrang lumalabas creative juices ko lalo na sa pagsusulat. Kaso hanggang doon nalang siguro. Hanggang inspirasyon siguro. Nako, ewan ko. Nitong mga nakaraan kasi malungkot talaga ako. Ang hirap lang magopen-up. Baka kasi isipin mo toxic ako or what. Ayoko naman mastress ka din. Oo nga pala, nababasa ko lahat ng tweets mo. Like ‘yung “ Ang hirap naman makipagusap sa taong blabla “, ‘yung “ There’s a special place in my heart that I won’t open to anyone. “. Nakakatakot talaga. Nakakakaba. Tapos idedelete mo din agad. Hindi naman ako naging toxic sa’yo or what. Or baka naging toxic ‘di ko lang alam. Ang sad. Ang lungkot. Pinipilit ko nalang maging masaya palagi. Ganito naman ako ‘e. Hahaha. Laging positive. Siguro nga ako ‘yung toxic. Dahil sa sobrang pagkapositive ko ‘e. ‘yun ‘yung toxic. Iniisip ko na okay lang. Iniisip ko na worth it ‘to. Iniisip ko na laban lang. Iniisip ko na may pupuntahan ‘to. Baka nga ako lang ‘to. Baka ako talaga ‘yung toxic. Minsan nga iniisip ko, may problema ba talaga ako? or ako mismo ‘yung problema? Hahahaha. Ang lungkot lang kasi talaga. Gusto ko lang din naman makaramdam kahit onti. Kaunting pagcare, kaunting pagaruga, kaunting pagmamahal. Hahaha. ‘di ko nga alam kung totoong natutuwa’t kinikilig ka sa ginagawa at sinasabi ko. Pero ako? Alam mo? Ako ‘yung natutuwa at kinikilig sa mga ginagawa ko for you. Ang tanga diba? Ako na ‘yung gumawa, ako pa ‘yung kinikilig. HAHAHAHAHAHA.
26/07/2020 2:30pm
0 notes
Text
My Heart

I thought I can’t take it anymore It felt like it was my end My life has turned upside down Because of one stupid thing I’ve done.
But then you came You brought back joy in my life You helped me stand again And picked up those pieces that were broken
Now I have to start a new life And I will live it with you For no one can replace The happiness I found in you
My heart, you are the one The only person I want in life For you are my heart.
23/07/2020
0 notes
Text
Open Letter

Naalala ko ‘yung mga araw na lagi lang akong mag-isa at umiiyak sa kalungkutan. Na tila ba parang hindi ako mahal o priority ng mga taong mahal ko. Ang lungkot diba? Hahaha. Pero wala ‘e need lumaban so laban lang ng laban. Minsan nga alam mo ‘yun, pumupunta ka kung saan saan pero ayon. Mag-isa ka lang. Wala kang kilala o kasama. Gano’n naman kasi ako madalas. Sabi ko masaya na ako do’n. Okay lang ako kahit mag-isa ako pero tangina. Ang toxic promise. Masyadong toxic ‘yung gano’ng pagiisip.
Tapos need mo malaman worth mo. Need mo lagi isipin ‘yung worth mo. Pag may tao dyan tapos hindi ka vinavalue. Pag ‘yung actions niya or words niya ‘e hindi worth it. Siyempre pwedeng pwede ka na umalis agad. Pero kasi need mo pa din isipin siya ‘e. Bakit siya gano’n? Baka kaya siya gano’n kasi may pinagdadaanan din siya pero tinatry niya padin na magrisk or umalis dun sa shoes niya. Ang daming pwede kasi talaga diba?
Hanggang sa isang araw, may makikilala ka. May makikilala ka na ipaparealize niya sa’yo lahat lahat. ‘yung tipong hindi ka niya babaguhin pero ipapakita niya sa’yo lahat ng hindi mo nakikita. Ilalabas niya ‘yung lahat ng kaya mo.
Ipaparamdam niya sa’yo kung paano ‘yung pagmamahal at totoong pagmamahal. ‘yung nakikita mo sa mga mata niya na mahal na mahal ka niya at hinintay ka niya ng matagal kaya gano’n na lang siya kasaya para sa’yo. Para sa inyo.
‘yung taong ikaw ang priority pero hindi padin nakakalimot sa career at socials niya. ‘yung taong nagtitiwala sa inyo bawat isa. ‘yung taong hindi alam ‘yung value niyong dalawa. ‘yung lagi kang ililift at susuportahan ka sa lahat. Yes. may mga taong ganito.
Kaya ayon, ‘wag kayo masyado magisip na “ Bakit ganito lang ako. “ or “ Hanggang dito nalang siguro ako. “ Dahil tandaan niyo, lagi at lagi merong naghahangad sa inyo. ‘di niyo lang alam. May tao dyan na willing pasukin ‘yung mundo mo at nakikita kung gaano ka kaganda. ‘yung Flaws mo? Sus, sa mata niyan mas lalo niyang mamahalin ‘yun. ‘yung mga ngiti mo? For sure may isang tao diyan naghahangad niyan. ‘yung mga tawa mo? May isang tao dyan gusto marinig ‘yan. ‘yung taong hindi ka itatake for granted.
‘yung taong ‘yun, para sa’yo. Andyan siya, nagaabang nagaantay. Tandaan niyo, antay lang kayo. Because the best is yet to come. at kapag dumating na siya, ‘e I assure you; whoever this is, it will keep you and they will find you irreplaceable.
0 notes
Text
Sunday. July 19, 2020. 14:47pm
Aking Sinisinta,
Siguro nagtataka ka kung bakit ko tinatanong sa'yo nasaan ang iyong tahanan. Hindi mo rin siguro alam kung ano ang pakay ko para sa pagbibigay ng liham sa'yo. Sa tingin ko kasi, isa ito sa pinakamagandang paraan para ipahayag ang aking nararamdaman. Hindi pa siguro ito ang tamang oras at panahon para magkita tayo, pero sa paraan na ito 'e unti-unti ko pwedeng masabi sa'yo ang gustong ilahad ng aking damdamin. Kung mababasa mo ‘tong sulat na ito. Ngayon ang selebrasyon ng ating ika-isangdaang kaarawan ng ating pagkakilala’t pagkakaibigan. Oo, Ngayon. July 20, 2020. Mali pala ‘yung una kong inakala na sa ika-apat pa ng Agosto.
Nais ko iparating sa'yo na totoo at tunay ang aking nararamdaman. Ibig ko din malaman mo na matagal na ako nahuhumaling sa'yo, ngunit pinapangunahan ako ng takot dahil ayoko naman mawala ka ng gano'n gano'n na lang. Napakadami na nangyari nitong nakaraan. Siguro kapag nakita kita, ako'y mapapaiyak dahil sa silakbo ng damdamin.
Alam ko, isa lang naman sa madaming ginoo na naghahangad sa'yo. Ngunit 'wag mo sana balewalain ang liham na ito, at sa araw na ako'y magpapakilala. 'wag mo sana akong iwasan aking Amihan.
Nagpapasalamat ako sa Bathala na ikaw at itinadhana na maipakilala sa akin dito sa sangkalupaan. Natatawa nga ako 'e, ang liit siguro ng kamay mo. Ngunit, hawak mo ang buong sansinukob.
Sa pagtapos ng aking liham, madami pa sana akong gustong sabihin sa iyo pero sapat na muna ito dahil madami pa akong balak ipadala na liham para sa'yo.
Sana pag ito’y nabasa mo na hindi tayo magkaroon ng ilangan sa isa’t isa. Sana ang pagkakaibigan natin ay hindi mapunta sa kahiyaan. Wala akong ibang hiling kung hindi ang kaligayahan mo. Masaya ako dahil naranasan kong umibig sa isang tulad mo.
May gusto lang akong sabihin at ipaalala lagi sa'yo. Lagi mong tandaan ang katagang:
Hiraya Manawari Nagmamahal, Brent
0 notes