gianne | 94'line | PH. quotes | edit | typography | photography | CAMERA! :) Simple Plan | A Rocket To The Moon | Faber Drive | The Cab DISCLAIMER:I don't own anything unless I say so.. Blog started @ April 20,2011. witches & wizards
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Paalam, Mahal
- oneshot stroy i’ve written years ago.
- I don’t know where I should post it.
Sa pagmulat ng mga mata, bulto mo ang namasdan. Unti-unting tinutungo ang daan palabas. Hindi lamang palabas ng pinto kundi palabas rin ng aking buhay.
Sa nagdaang gabi, naalala ko ang mga pangyayari. Matagal na tayong ‘di nagkakaintindihan. Wala kasing may gustong umintindi. Parehong makitid ang ating mga utak. Marahil ay pawang pagod na sa singhal na paliwanag ng bawat isa.
“Bakit kinailangan natin mauwi sa ganito?” ang tanong mo. Wala akong maisagot. Mga luhang kanina mo pa pinipigilang pumatak, ngayon ay pawang nagpapaunahan pa.
Mahigpit na yakap ang aking nagawa. Mga luha mo’y pinawi. Mga matang nakatunghay, nagsasabing “Mahal kita.”
Sa huling pagkakataon ay inangkin ko ang iyong mga labi. Init nito ang laging nagpapabaliw. Naramdaman ko nalang na unti-unti nang kumikilos ang aking mga kamay. Sa huling pagkakataon ay inangkin ko ang iyong mga dibdib. Mga luha mo’y patuloy pa rin sa pagpatak. Sa huling pagkakataon tayo’y naging isa.
Luha ko naman ang nagsimulang lumandas. Iyo itong pinunasan. Nakangiti ngunit patuloy ang pag-iyak ay nasambit mo, “Mahal kita pero tama na. Pagod na ako. Pagod na tayo. Bukas, aalis na ako hindi lang dito, kundi pati na rin sa buhay mo. Salamat.”
Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango. Sumuko ka na. Sinuko mo na ako. Mahal rin kita pero pagod ka na. Hindi pa ako sumusuko pero dahil wala na akong kasamang lalaban, siguro nga’y tama na.
Wala ka na. Bumangon na ako upang simulan ang buhay nang mag-isa. Ipagpatuloy ang mga bagay na hindi ka kasama.
Sa lamesa’y aking nakita ang isang maliit na aparato. Mayroon itong dalawang pulang guhit. Sa tabi nito ang isang maliit ring sulat.
“Hindi ako pwedeng maging hadlang sa mga pangarap mo. Tapusin mo ang pag-aaral mo ha? Ituloy mo ang mga pangarap natin. Pasayahin mo ang mga magulang mo. Aalagaan ko siya. Papalakihin ko siya na kilala ka. Sa oras na tama na ang mga mali natin, babalik ako, kami. Mahal na mahal kita. Sana ay maintindihan mo ang naging desisyon ko.”
Muli ay pumatak ang aking mga luha.
3 notes
·
View notes
Photo

Feel love. ♥
5 notes
·
View notes
Photo

𝘓𝘪𝘷𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘰𝘶𝘥𝘦𝘳, 𝘥𝘳𝘦𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘰𝘯𝘨𝘦𝘳 𝘵𝘰𝘯𝘪𝘨𝘩𝘵. https://www.instagram.com/p/B2RZHH8nKtE/?igshid=1j3h3cfts3h3c
2 notes
·
View notes
Photo

Westlife: The Twenty Tour in Manila Day 1 [072919] . . I was 7 or 8 when I get addicted to this boyband and seeing them performed live was one of the best day of my life. 💕😍 . . #Westlife #WestlifeInManila2019 #WestlifeInManila #WestlifeTheTwentyTour (at Araneta Coliseum) https://www.instagram.com/p/B0wu-uDnya-/?igshid=1ev4d2j20co75
0 notes
Photo

#mountain #mountainsph #typography (at Mount Tapulao)
0 notes
Photo

Nakatutuwang makita na nagenjoy sila sa pag-ahon. Babalik ulit ako Binicayan. Hindi ko pa rin nahuli ang sea of clouds mo eh. #MtBinicayan #panggapnaorganizer #kapitbahaygoals
0 notes
Photo

Napawow nalang ako sa Tapulao. Hindi ko alam paano ko natapos ang 36km backtrail hike sa loob ng 15 hours. Para kaming nakipagkarera 'wag lang maabutan ng dilim sa trail. #MtTapulao #bundokph #mountainsph #12th (at Mount Tapulao)
0 notes
Photo

Hooray for today! Hindi pa rin nasisira ang yearly post ko ng mga bigay nila. 💕 To my advisory class, 7-Masigla, sobrang sigla niyo talaga. Mapapaos nalang ako kasasaway, 'di pa rin kayo titigil pero salamat, salamat sa pabulaklak at pagmamahal! Yieee. To 7-SCP Mapagmahal, napakaganda ng tulang isinulat ninyo. Yun na yon ang nararamdaman ng mga guro ninyo. Basta yung mga nirecord niyo ha. Lagot talaga kayo. Pati sa iba ko pang mga estudyante, salamat! Mag-aral pa kayong mabuti! Mahirap ang Math kaya dapat pagtiyagaan para mahanap si 'X'. 😀 (at Manuel Luis Quezon High School)
0 notes
Photo

Ganito ba? - - - #mtlagyo #snapseed (at Mt. Lagyo, Montalban Rizal)
0 notes
Photo

May pa-sea of clouds si mayor! Thank you Lord sa napakagandang bungad sa aming pag-ahon. - - - #seaofclouds #mtsusongdalaga #zenfone3laser #zen3laser #snapseed (at Mt. Susong Dalaga)
0 notes
Photo

Passed by Rockwell on a rainy night. - - - #Manual #NightPhotography #Imperfect #zen3laser #zenfone3laser
0 notes
Photo

Walang imposible, sige lang sige. - - - - - #MtPigingan (at Mt. Pigingan)
0 notes
Photo

With the most annoying person in my lifeeee. Happy Mountsary! (at Mt. Pigingan)
0 notes