excerptofmythoughts
excerptofmythoughts
kumusta?
2K posts
a space that you now hold
Don't wanna be here? Send us removal request.
excerptofmythoughts · 12 hours ago
Text
hindi natin sila bati…
hinding-hindi ko sila magiging bati hangga’t masakit pa.
0 notes
excerptofmythoughts · 6 days ago
Text
alam mo ‘yung mahirap sa pagiging anak, sobrang bigat buhatin lahat ng nararamdaman mo para sa magulang mo nang sabay-sabay. sakit na dulot nila, sama ng loob, at halong pagmamahal.
nakakapagod. gusto ko na lang takasan lahat, iwanan silang lahat.
1 note · View note
excerptofmythoughts · 12 days ago
Text
so grateful to exist at the same time with my favorite songs
0 notes
excerptofmythoughts · 13 days ago
Text
kung hindi covered ng hmo namin ‘yung therapy magpapa-tattoo na lang siguro ulit ako hahaha
0 notes
excerptofmythoughts · 16 days ago
Text
ma
ayoko, hindi ko kaya—maging nanay.
naiintindihan ko ang saya at buhay na dala ng isang supling sa isang nanay. gugustuhin mong ibigay lahat, ang nag-iisang dahilan ng pagkaubos ng sarili ang natatanging katanggap-tanggap para sa akin. alam kong kakayanin ko pero hindi ko kaya dahil ayoko.
hindi ko kakayanin na magkamali at mamuo bilang dahilan para magkaroon ng hindi dapat sa ano mang aspeto ng buhay ng batang bubuhayin ko, ayokong maging puno’t dahilan ng mga bagay na magiging isipin niya gabi-gabi na kapag hinalungkat ako ang ugat. nakakatakot, masakit isipin. hindi ko kakayanin.
hindi ko kaya na pipiliin kong ubusin ang sarili ko—lakas, pera, pasensya, pagmamahal. ayokong limitahan ang sarili ko sa mga kaya ko pang maging. ayokong makulong sa iisang titulo lang na nanay. dahil alam ko kapag naibigay ito sa akin, ito lang ang pipiliin ko—ito ang magiging buhay ko.
hindi ko kayang gawin iyon sa sarili ko.
ang makasarili pakinggan pero ito ang hinding-hindi ko papayagang maging ako. sobrang hanga at saludo ako sa mga nanay na nakikita at kilala ko. kaya alam kong hindi ito ang pipiliin ko para sa sarili ko. ito ang unang pagmamahal na magaan at kusang loob kong ibinigay sa sarili ko. ang hayaan ang sarili ko sa mga gusto ko pang maging. bawat sakripisyo ng mga nanay na hindi matutumbasan ang ano man o sino man. bawat na lunok na tinitiis nila dahil hindi na lang dapat kung ano ang gusto nila kundi kung ano na ang dapat.
hindi ko kayang makita ang sarili kong nag-aalaga buong araw at sasalubong sa isang tao na bumubuhay sa amin ng anak ko at kailangan din pagsilbihan dahil bukod din sa mahal mo ay may nakatagong dahilan na ‘dapat dahil’ isa na ito sa responsibilidad mo. parehong pagod pero magkaiba ng tugon at kilos. alam kong pwede mong maisip na kailangan ko ng maayos at matinong katunga, pero masisisi mo ba ‘ko kung ayokong iasa at isugal ito sa mga pagbabago na kayang gawin ng panahon at buhay? hindi magiging sapat na dahilan sa akin ang anak upang manatili sa sitwasyon at taong sisirain ako. paano mo ipapaliwanag ito nang hindi mag-iiwan ng puwang sa anak mo? hindi ko kayang isugal ang mga pagkakamali na ibabato ng buhay at magigig malaking parte ng paghulma nito sa magiging buhay niya.
buong buhay ko marami akong kulungan na patuloy kong pinakakawalan ang sarili ko. ang pagiging nanay ay pinipili, dapat pinapanindigan. hindi ko kakayaning ibigay ang kahit kaunting pagsisisi at magkaroon ng maliit ngunit mabigat na sana na alam kong ikasasakit din na marinig hindi lang bilang nanay kundi bilang isang anak din.
dahil bago akong maging nanay, naging anak muna ako. naging anak na hindi lang isang beses hiniling na sana hindi nag anak ang nanay ko. na sana pinili niya na lang sa sarili niya at hindi siya naging makasarili.
hindi ko kayang maging nanay—ito ang iyak ko bilang isang anak at babae.
0 notes
excerptofmythoughts · 21 days ago
Text
music
i know for a fact how music can help people—save lives even. alam ko lang pero hindi ko naman siya masiyadong iniisip. kumbaga isa naman ‘yon kasi sa main purpose rin niya, kaya normal lang na dahilan para mahalin ang musika. lately i’m learning to really appreciate it, mas naintindihan ko pa lalo kung paano siya nakakatulong hindi lang sa mga parte ng buhay natin na kailangan natin pala marinig ito kundi sa kung paano siya nakadadagdag ng dahilan sa mga maliliit na bagay.
music made my monday mornings bearable, like literally makes it better. to the point na ngumingiti ako habang nag-aayos papasok ng work kahit pa na lunes na lunes hahaha. pinapagaan nito ‘yung bigat ng lunes sa akin tuwing umaga, na hindi ko naman pala kailangan sumimangot tuwing umaga. made me learn how i enjoy music more every morning compared sa ibang oras na nakikinig ako.
1 note · View note
excerptofmythoughts · 24 days ago
Text
tangina ang tagal mag friday
la lang dumaan lang ako para magmura kasi pagod na me tapos sa friday pa sahod 😭
0 notes
excerptofmythoughts · 26 days ago
Text
you can always borrow the love that i have for you, use it to believe in yourself.
0 notes
excerptofmythoughts · 30 days ago
Text
kahit na ilang beses pagtawanan at lokohin ‘yung micro bangs ko, i still genuinely love it. for some reason i have this weird confidence na hindi malaman bakit gustong-gusto ko hahaha. siguro kasi since nung ginupit ko ‘to five years ago tapos ngayon na lang ulit talaga ako nagkaroon ng firm decision na gawin na ulit, ginawa ko na talaga haha.
0 notes
excerptofmythoughts · 1 month ago
Text
healing, choosing, and loving ourselves
you know how when we’re so much happy, it’s either sobrang laki at liwanag ng ngiti natin or we can’t help but ugly cry?
that’s how healing works too.
it’s not always rainbows and butterflies—looking good and aesthetically pleasing in the eyes. healing can also be messy. it’s also crying in the middle of the day/night, having to finally eat that junk food you’ve always deprived yourself of, even having a really bad hair day.
you feel, and when you do you let it all out.
dahil hinayaan mo na ang sarili mong maramdaman lahat ng pinipilit mong ibaon at itago. tinanggap mo na rin na hindi laging maayos ang lahat… at okay lang. ang pagpili sa sarili ay hindi lang nakikita sa pag-aayos at pagliwanag ng ngiti. ito rin ay pagdilat sa lahat ng anggulo na handa ka nang tanggapin at piliin dahil ito ay parte ng humuhulma sa’yo bilang tao.
you feel and then you heal, in your own healing time.
0 notes
excerptofmythoughts · 1 month ago
Text
love love loved the soul movie
0 notes
excerptofmythoughts · 1 month ago
Text
how can we go back to being friends? (friendship version)
how much can we afford being in a low maintenance friendship?
nakakatakot kung iisipin, baka dumating sa punto na okay lang pala na hindi na maging parte ng buhay ng isa’t isa. kasi habang tumatagal dumadami na ang hindi natin alam sa isa’t isa, na kailangan na pala natin kilalanin ang isa’t isa pero mahirap kasi hindi naman kailangan laging magkita at mag-usap. magiging sapat ba ‘yung ‘hindi lagi’ para masisid natin ang malalalim na parte ng bawat isa na siyang matagal na pala pero ngayon na lang natin nakita.
ang lungkot-lungkot isipin hahaha
0 notes
excerptofmythoughts · 1 month ago
Text
love how love languages work
hindi sa paraan na kung ano ‘yung sa tingin mo paraan mo para maipakita mo. kundi sa alam mo na paraan ‘yon ng pagmamahal mo o pagmamahal itself (ang gulo pero basta naiintindihan ko hahaha). for example, sa pagkakakilala ko sa sarili ko words of affirmation ang giving ko pero for some reason i like using gift giving pagdating sa family ko (lalo na dun sa mahilig mag-chat ng ‘ate’ 😩), acts of service sa friends, quality time para sa sarili ko na may halo rin na gift giving, physical touch sa fur babies.
‘yung fact na everything that you do comes with warmth na hinulma mula sa pagmamaha, regardless kung ano ‘yung pagkakaalam mo kung paano mo ba pinapakita ‘yung pagmamahal na mayroon ka para sa kanila.
also ‘yung idea na pinagsama ‘yung word na love at language. nakatutuwa lang haha. how it aims to help us translate the love that we have without actually saying it.
0 notes
excerptofmythoughts · 1 month ago
Text
malasado (be it boiled or fried) will always be my comfort food talaga 🥹
0 notes
excerptofmythoughts · 1 month ago
Text
ang sakit putanginang ‘yan hahaha
0 notes
excerptofmythoughts · 2 months ago
Text
mahirap pa rin naman pero looking back… gumagaan naman, hindi ko alam kung dahil ba sanay na rin kasi ako at ito na ‘yung araw-araw ko o ‘yung pagbabagong nangyari malaking gaan talaga na hindi ko inaasahang ibibigay sa akin. hindi pa umaabot sa punto na nilolook forward ko ‘yung lunes pero hindi na ganon kabigat—hindi na sobrang bigat kapag iniisip ko. usual o normal na lungkot lang kasi lunes na haha pero hindi ‘yung tulad dati.
hindi ko alam kung hanggang saan, kung hanggang kailan babawi ‘yung mundo sa akin. pwede bang maging makasarili at sana hindi na matapos.
0 notes
excerptofmythoughts · 2 months ago
Text
normal naman ‘yung kapag nagkaka-crush ka ang tagal ‘di ba hahahahahahahaha putcha
0 notes