fili12final-baritugo
fili12final-baritugo
Pagiintindi sa 1D
15 posts
Pagbabalik-tanaw: sino ba 'yang 1D na yan? Ang layunin ng blog na ito ay upang bumalik sa panahong Directioner pa ako, at subukang intindihin kung bakit nga ba maimpluwensiya ang isang bandang binubuo ng limang lalaki hindi lang sa aming mga babae, kundi sa buong mundo. Ano nga ba ang kinalaman ng masculinidad o pagkalalaki sa tagumpay ng One Direction bilang isang banda? Ano ang kinalaman ng pagkalalaki sa kanilang paghiwalay noong 2015? Liban sa mga imahe, lahat ng sulat dito ay gawa mismo ni Ashlee Baritugo ng 1 BFA Creative Writing, Ateneo de Manila University.
Don't wanna be here? Send us removal request.
fili12final-baritugo · 4 years ago
Text
Pagiintindi sa 1D: Directioner, Always & Forever
Noong 2011, may nai-diskubre akong isang banda na binubuo ng limang lalaki - si Harry Styles, Zayn Malik, Louis Tomlinson, at Liam Payne; ang tawag sa kanila ay One Direction o 1D.
Noong una, nahiya pa akong aminin na mahilig ako sa kanilang musika, dahil mayroon akong dalawang kuya (na 11/12 años noong 2013) na tuwing nakikita ang mga music video ng 1D, ay pinagtatawanan pa at tinatawagang gay o “bakla”. Marahil dahil sa kanilang kasuotan, o kaya sa panibagong anyo ng midyang nagpapakita na okay pala - at nakakasikat pala - para sa mga lalaki na kumanta sa harap ng camera tungkol sa iba’t ibang topic na dinidiriwang ang mga anyo ng babae, katulad ng What Makes You Beautiful o kaya One Thing, ang kanilang unang mga hit single bilang isang banda. At dahil ako ang target na awdyens ng 1D, bilang isang babaeng pre-teen, taos-puso kong minahal ang banda at ang kanilang mga kanta. Directioner na ang tawag sa akin sa puntong iyon, at dun nagsimula ang aking karanasan bilang isang babaeng pre-teen hanggang tinedyer na nagmahal sa One Direction.
Hindi pa gaano ka-sikat (o tanggap ng mga lalaki) ang mga boyband noong nabuo ang 1D noong 2010. Sapagkat meron nang nauna na sa kanila, katulad ng The Script o Maroon 5 noong 2000s, hindi masasabing kasingsikat nila ang The Beatles noong 1960s; subalit ang 1D, pagkatapos ng ilang taon ng pagbuo, ay kinumpara na sa The Beatles ng iba’t ibang mga manunulat. Ngunit bakit umabot sa puntong kinukumpara na ang isang boyband na binuo lamang ni Simon Cowell sa X-Factor sa isang boyband na masasabing naging isang turning point ng buong mundo noong 1960s? Anong meron sa One Direction at tumagal ang kanilang tagumpay?
Pogi ang mga miyembro ng One Direction
Bata pa lang ang mga miyembro ng One Direction noong sila’y nabuo noong 2010; ang kanilang edad ay 16-17 pa lang. Dahil sa kanilang kabataan, tumpak talaga ang kanilang pisikal na anyo sa mga madla, lalo na sa mga babaeng tinedyer.
Importante ring bigyang pansin ang kanilang mga etnisidad bilang caucasian (o para kay Zayn, kalahating caucasian). Hindi lang tumpak ang kanilang mga pisikal na anyo sa mga madla, kundi sa buong lipunan, lipunang mas gusto at mas tanggap ang mga Western beauty standards.
Masasabing lahat ng mga miyembro ay estereotipikong pogi - matangos ang kanilang mga ilong, matangkad, puti, payat. Maganda ang boses. May appeal. Kabilang ang kanilang kapogian sa kanilang tagumpay, aminin man ng mga Directioner o hindi. Lalo’t lalo na ito kabilang sa kanilang tagumpay sa mga bansang mayroong “colonial mentality” o paniniwala na mas nakatataas at ninanais ang Western beauty standards, katulad ng Pilipinas. Sa makatuwid, hegemonic talaga ang masculinidad ng 1D.
Pwede ang PDA (at iba pang paraang binago ang depinisyon ng masculinidad)
Kapag nag-search ka ng “One Direction” sa mga site na primadong gamit ng mga kabataan katulad ng Pinterest o Tumblr, maraming lalabas na picture, GIF, o video ng mga miyembro ng 1D na gumagawa ng kung anu-ano - nakikipaglokohan habang nakanta sa stage, nakikipaghalik sa isa’t isa, naghahawak kamay, nag yayakapan, at iba pa.
youtube
Una sa lahat, hindi pa nga masyadong tanggap ang pagpapakita ng apeksyon sa publiko sa panahon natin ngayon, lalo sa mga lalaki. Paano pa kaya noong 2010? Kung sabihin, naging turning point din ang One Direction sa masculinidad. Hinamon nila ang mga tanggap na paniniwala tungkol sa pagkalalaki at ang pagpapakita ng apeksyon. Tumpak na tumpak sa mga kabataan ang banda hindi lang dahil sa kanilang mga kantang dinidiriwang ang mga babae, kundi dahil rin sa kanilang pag-ibig at apeksiyon para sa isa’t isa, na hindi nila tinago sa publiko (Massey, 2017).
Sa kabila naman nito, kaya rin siguro mas malaki ang kanilang awdyens na babae. Dahil naiiba ang 1D sa pamantayang pagkalalaki, nirereject o tinatanggihan ng mga lalaki ang banda at ang kanilang mga kanta.
Maganda raw kami, sabi ni Harry
Kahit sino namang babaeng kinantahan ng “You don’t know you’re beautiful” ng limang poging lalaki ay talagang mabibighani.
Sa pinakauna nilang hit single na “What Makes You Beautiful”, ito ang chorus nila:
Baby, you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But when you smile at the ground, it ain't hard to tell
You don't know, oh-oh
You don't know you're beautiful
youtube
Dinidiin ko na iba pang lyrics katulad (at mas maganda pa) nito ay tumuloy at nagtagumpay ng lima pang taon. Bumenta talaga ang 1D dahil sa kanilang abilidad na gamitin ang kanilang kapogian para magpakilig sa mga babae sa kahit anong dulo ng mundo.
Sumabay ang kanilang pag-sikat sa social media
Ang naiiba rin ng 1D sa ibang boyband na nauna sa kanila ang kanilang pamamaraan sa pangangalap at pang-promosyon gamit ang bagong konsepto na social media (Greenwood, 2020). Kakaiba, at hindi kalimot-limot ang panahon ng mga Directioner sa internet. Noon, bago pa lang ang ideya ng mga hashtag, mga social media trends, etc. Pero kinatawan talaga ito ng mga Directioner dahil kinatawan rin ito ng banda.
Noong nasa X-Factor pa sila, kada linggo nagpapalabas ang 1D ng mga video diary, kung saan ay nakikipagkwentuhan lang sila sa harap ng camera. Simple lang ang consepto, ngunit patok na patok sa aming mga Directioner. Hindi lang dahil gusto naming manalo sila, kundi nakaka-adik talaga panoorin ang kanilang dinamiko bilang grupo at bilang magkakaibigan. Dahil karamihan sa fan base ng 1D ay babae, nakakausisa talaga makanood ng mga lalaking close na close sa isa’t isa. Sinalo ng kaaliwan ng mga Directioner ang mga platapormang Twitter, Tumblr, at iba pang mga online forum.
youtube
Sa kabila naman nito, iba ang karanasan naming babaeng Directioner sa mga lalaking Directioner. Wala ako masyadong naka-close noon, ngunit maraming kwentong malulungkot ang mga lalaking Directioner. May ibang miyembro ng fan base na dahil lalaki ay pilit na tinago ang kanilang kagustuhan sa banda dahil hindi pa nga ito tanggap ng lipunan, o ng mga konserbatibong mga pamilya. Minsan’y umaabot sa puntong tinatago pa nila ang kanilang mga merch, tinatago ang kanilang “secret fan account”, o kaya patago lang pinapakinggan ang mga kanta ng 1D (Greenwood, 2020).
Habang hinamon nga ng 1D ang tradisyonal na depinisyon ng masculinidad, marami paring hamon ang hinarap hindi lang ng banda, kundi ng kanilang lalaking awdyens.
Mental health, Zayn Malik, atbp.
Si Zayn Malik lang ang miyembro ng 1D na may halong lahi - siya ay kalahating Pakistani, dahil sa kanyang Tatay. Dahil dito, siya lang rin ang nakaranas ng mga racist na backlash sa internet. Maraming tumawag sa kanya na ‘terorista’, atbp. Kakaiba rin ang mga racist na comments ang binato ng Internet kay Zayn noon, at karamahihan sa mga hate comments na ito ay galing sa (surprise!) mga lalaki. At dahil si Zayn lang nakaranas ng mga komentong tinatarget ang kanyang etnitiko, kailanman ay hindi malalaman ng ibang miyembro ng 1D ang pakiramdam nito. Ibig sabihin, mayroon silang pribilehiyo na kailanman ay hindi mararanasan ni Zayn.
Sa loob ng limang taon, nakapagpalabas ang 1D ng limang album, at lumakbay rin sa limang tour. Kahit sino namang tao ay mapapagod rin doon. Inamin mismo ni Zayn sa isang panayam na “days were structured ‘so that you don’t have time to think because you were concentrating so hard on work’”. Kada Nobyembre na magkasama sila bilang banda, naglabas sila ng album. Mayroon pa ngang mga hashtag na tinrend ng mga Directioners noon tulad ng #ByeModest! (Modest ang pangalan ng kanilang management noon) sa sobrang galit. Hindi ginawang prioridad ng mental health ng One Direction, at sa huli, ay naging kasalanan rin ito ng mga management nila.
Habang ginagawa ko ang proyektong ito, hindi ko rin napigilang umiyak sa mga alalang Directioner pa ako habang nags-scroll sa Tumblr para maghanap ng mga imahe, habang nakikinig sa kanilang mga lumang kanta, nanonood ng dati nilang mga bidyo. Kakaibang karanasan ang maging Directioner noong 2012-2014 - hindi lang dahil masaya makinig sa musika ng banda o dahil pogi sila, kundi dahil sa bukas na pagmamahal na pinagpapalit ng banda at ng mga Directioner. Habang hindi maiwasang maasar noon dahil lang sa pagiging Directioner, alam rin ng lahat na may kakaibang binabago at hinahamon ang bandang One Direction. Noon, akala ko sa musika lang ang kanilang major na kontribusyon, pero kung iisipin na ngayon, pati rin pala sa pagkalalaki.
2 notes · View notes
fili12final-baritugo · 4 years ago
Text
Ang masculinidad ng 1D sa kontekstong Pilipinas
Tumblr media
Magsisimula ako sa mga screenshot na ito -
Tumblr media Tumblr media
Kakaunti lang ang mga nakilala kong lalaking Directioner noong 2012-2014.
Sapagkat malaki ang naging fanbase ng One Direction sa Pilipinas, kakaunti lamang ang mga lalaking kasama rito.
Mas madalas pang makarinig ng mga side comment katulad ng "bakla naman 'yang 1D na 'yan diba?" o kaya "gusto niyo lang naman sila dahil pogi sila, hindi dahil sa kanta" at marami pang iba na galing sa lalaki noon.
Mahirap para sa mga lalaking Pilipino magpakita ng suporta para sa bandang One Direction noon. Minsan, iba-iba ang rason - masyadong "gay" yung kanilang kasuotan o lyrics ng kanta, masyadong maraming make-up, at marami pang iba. Minsan, napapaisip kaming mga babae kung baka kaya ayaw na ayaw ng mga lalaki sa 1D ay dahil gustong gusto naman ito ng mga babae. Nirereject nga, tulad ng sinabi ko sa isang post. Sa kabila naman, maaari ring isipin kung baka kaya ayaw na ayaw din ng mga lalaking Pilipino sa One Direction ay dahil sa kanilang kabilang sa hegemonic masculinity. Dahil minoridad o marginalized masculinity ang karamihan sa Pilipinas (lalo na kung ikumpara ito sa masculinidad ng West), mayroon talagang sense of "envy" o pagkaiba ang mga lalaking marginalized sa mga lalaking hegemonic.
0 notes
fili12final-baritugo · 4 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
#TBT: Paboritong Miyembro
Noong ako'y isang Directioner pa, bale noong 2012-2014, ang paborito ko talagang miyembro ay sina Zayn Malik at Harry Styles. Mahirap talaga pumili noon sa isa lang, dahil iba-iba ang kanilang natatanging anyo't kagalingan.
 Nagustuhan ko si Harry Styles dahil sa makatuwid ay pogi siya, siya ang pinakasikat, ang magaling rin naman talaga kumanta. 
Si Zayn Malik naman ay may natatanging appeal talaga sa aming mga Directioner noon; pa-"mysterious" kumbaga. Sobrang ganda rin ng boses ni Zayn, lalo na sa kanyang mga high notes sa kanilang mga kanta.
0 notes
fili12final-baritugo · 4 years ago
Text
#TBT: Paboritong mga kanta
Tumblr media
Una sa lahat, mas mahirap pa pumili ng paborito kong kanta ng 1D kesa sa pumili ng kurso para sa kolehiyo (joke).
Pero para madali at mas masaya, pumili na lang ako ng paborito kong kanta sa bawat album nila.
More Than This ang paborito kong kanta galing sa una nilang album, na pinalabas noong 2012.
youtube
Irresistible namang ang paborito kong kanta galing sa pangalawa nilang album, Take Me Home, na pinalabas noong 2012 rin.
youtube
Ang paborito kong kanta ng pangatlong album, Midnight Memories, na pinalabas noong 2013 ay ang Don't Forget Where You Belong. Palagi ko 'tong binabalikan kapag biglaang namimiss ang 1D.
youtube
Ang pangapat nilang album, Four, ay pinalabas noong 2014. Paborito kong kanta rito ang Fool's Gold.
youtube
Sa pinakahuli naman nilang album, Made in the AM, na pinalabas noong 2015, ang paborito kong kanta ay Wolves.
youtube
0 notes
fili12final-baritugo · 4 years ago
Text
#TBT: Panahong Directioner
Tumblr media
Sa post na ito, nakapaghalungkat ako ng mga picture ko kasama ang mga kaibigan kong Directioners din, na nagsisilbing "proof of fan-craze".
Ang unang imahe ay noong Augusto 2013. Grade 5 ako nito (gitna).
Nanood kami ng mga kaibigan ko ng This is Us, isang 3D na dokumentaryo tungkol sa 1D sa SM. 'Di ko alam, pero tili kami ng tili habang nanonood, na para bang nasa concert mismo kami. Mga kaibigan ko parin hanggang ngayon ang nakasama ko rito. 'Yung katabi ko sa kaliwa, si Anya, ay kasama ko ring lumipat ng Ateneo para sa kolehiyo.
Tumblr media
Noong 2012 naman ito. Uso ang mga "hand-made" na "ballers" sa mga aming mga Pinoy na Directioner noon, na kung ano-ano tungkol sa 1D o ibang artista ang nilalagay. Yung katabi kong kaibigan dito, si Kirsten, ay kaibigan ko parin hanggang ngayon. :)
Tumblr media
0 notes
fili12final-baritugo · 4 years ago
Text
[Komentaryo ni Ashlee]: Ang mga imaheng 'to ay kinuha noong sila'y nag-perform sa Manila noong 2015, para sa kanilang On The Road Again Tour. Ito rin yung kauna-unahang concert na wala si Zayn.
Tumblr media Tumblr media
OTRA, manila 2015.
2K notes · View notes
fili12final-baritugo · 4 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
one direction: no man left behind
3K notes · View notes
fili12final-baritugo · 4 years ago
Photo
Tumblr media
1D’S FORGOTTEN FOOTAGE! | 10 Years of 1D
3K notes · View notes
fili12final-baritugo · 4 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Countdown to one direction’s 10th anniversary//1st video diary:
liam: “we’ve moved into the x-factor house, which is really exciting. We’ve been waiting ages for this…
louis: “a long time really”
liam: “yeah a very long time”
31 DAYS TO GO
464 notes · View notes
fili12final-baritugo · 4 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Harry Styles - the ballerina ✨
1K notes · View notes
fili12final-baritugo · 4 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Zayn via twitter
497 notes · View notes
fili12final-baritugo · 4 years ago
Text
Tumblr media
Missing this😔2014/15
376 notes · View notes
fili12final-baritugo · 4 years ago
Text
[Komentaryo ni Ashlee]: Napaiyak ako nung nakita ko itong post na ito. Yung unang GIF ay galing sa lyrics ng kanta ng 1D na "you and I", habang yung pangalawa namang GIF ay galing sa lyrics ng kanta ni Zayn nung naghiwalay na sila. :( Minsan, hindi maiwasang isipin lahat ng naranasan ni Zayn bilang nag-iisang miyembro na hindi "pure caucasian". Ano kayang "isolation" ang kaniyang naranasan? Paano naiiba ang kanyang pagkalalaki sa pagkalalaki ng iba?
Tumblr media Tumblr media
you & i / outside
484 notes · View notes
fili12final-baritugo · 4 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
THEN - NOW
901 notes · View notes
fili12final-baritugo · 4 years ago
Photo
[Komentaryo galing kay Ashlee] Ang GIF-set na ito ay pinagdiriwang ang 10-taong anibersaryo ng 1D. Grabe, ang tagal na pala. Ngunit sa sampung taon na lumipas simula ng kanilang pagbuo, at sa limang taon na lumipas mula nang kanilang paghiwalay, nararamdaman parin ang kanilang impacto bilang banda sa iba't ibang parte ng mundo.
Tumblr media Tumblr media
HAPPY 10TH YEAR ANNIVERSARY ONE DIRECTION! 
#10yearsof1D
9K notes · View notes