Tumgik
filipino10-group8 · 6 years
Text
Kahirapan
Kahirapan. Ano nga ba ang kahirapan? Sino nga ba ang naaapektuhan nito? Ano nga ba ang maaaring epekto nito sa mga mamamayan? Ang kahirapan ay isa sa pinakamalaking problemang kinahaharap ng ating bansa.
Kahirapan. Ano nga ba ang dahilan kung bakit maraming mamamayan ang nakakaranas ng kahirapan? Isa sa dahilan nito ay ang korapsyon, ang mga opisyal ng gobyerno na ninanakaw ang pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng ating mamamayang Pilipino, ay napupunta lang sa bulsa ng mga ito. Idagdag pa ang pataas na pataas na presyo ng mga bilihin, paano nalang ang mga kapos palad na hindi kayang mabili ang kanilang mga pangunahing pangangailangan? At ang isa pang dahilan ay ang kawalan ng trabaho, papaano magkakaroon ng kita ang mga mamamayan kung wala naman silang mapasukang trabaho? At ang isa pang pangunahing dahilan ay ang kawalan ng pagsisikap ng mga Pilipino, wala silang ginagawang paraan upang makahanap ng trabaho, hindi sila gumagawa ng paraan upang maiangat ang kanilang pamumuhay. Meron silang pagkakataon na umunlad pero sinasayang lang nila ito at ipagnagsasawalang bahala, kung kaya't patuloy at patuloy pa din silang naghihirap.
Kahirapan. Isa sa nagiging sanhi ng kahirapan ay ang pagkalat ng mga masasamang loob. Dahil sa sobrang kagipitan at kahirapan ay napipilitan silang kumapit sa patalim, nakakagawa na sila ng mga bagay na hindi nila gusto upang magkaroon ng pera katulad nalang ng pagnanakaw, panghoholdap, at pagtutulak ng droga. Nagagawa din nila na pumatay ng kapwa nila kahit na labag sa kalooban nila para lang magkaroon ng pera.
Hahayaan nalang na natin ang ganitong mga kagawian? Bakit nga ba hindi tayo makaahon sa kahirapan? Kailan pa tayo kikilos upang masi-ayos ang ating pamumuhay? Kailan pa tayo gagawa ng paraan upang makaalis sa kagipitan?
Bilang isang kabataan, pag-iigihan at tatapusin ko ang aking pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan, at para na din matulungan ang aking pamilya. At kung mapagtatagumapayan ko ang aking mga
KRISTELLE KAYE RAMOS
10-Saint Matthew
0 notes
filipino10-group8 · 6 years
Text
Pilipinas, Kailan Kaya Magbabago?
           Ang mga taong naninirahan sa isang bansa ang dumedipina sa bansang kanilang tinitirhan. Bakit nga naman hindi? Dahil sila ang siyang nagpapausbong at namamahala sa kung ano man ang bansang iyon, kagaya nating mga Pilipi`Q`no. Ang kinabukasan ng ating bansa ay nakadepende sa ating mga Pilipino sa kasalukuyang panahon.
           Kilala ang mga Pilipino sa pagiging magiliw at matanggapin sa mga bisita, ‘hospitable’ ika nga nila. Madaming positibong mga ugali ang mga Pilipino, ngunit madami din ang hindi magandang ugali na dapat ay mabago dahil minsan, ang mga bagay na sa tingin natin ay normal lang ang maaaring magpabagsak sa ating bansa.
           Una, ang ugali ng karamihan sa mga Pilipino na pagiging mapanghusga. Ang mga Pilipino ay konserbatibo dahilan ng impluwensiya ng ating mga ninuno, pero hindi naman ata dahilan iyon upang husgahan ang isang tao base sa kanyang pananamit, pananalita o pagkilos. Isa ito sa mga dahilan kung bakit madami ang natatakot na ilabas kung sino talaga sila dahil alam nilang madaming mga mata na nagmamasid at mga bunganga na nakahandang sabihin ang mga mapanghusgang salita. At dahil masyado na tayong makabago ngayon, maging sa social media ay nanghuhusga tayo. Public shaming na matatawag. Dapat sana itong mapigilan dahil maaaring magdulot ito ng depresiyon sa isang tao.
           Ayon sa DOH ay 2,550  ang naitalang mga nagpakamatay at 90 porsyento nito ay dahil sa depresyon, at ayon sa kanilang Suicide Hopeline, ay 20 porsyento ng tumatawag sa kanila ay ang mga taong inaatake na ng depresyon. Malaki ang epekto nito sa ating bansa, dahil unti-unti na itong lumalaganap.  Kaya dapat ay respetuhin natin ang isa’t-isa. Ang inaakala mong simpleng respeto ay mamaring makasagip ng buhay ng isang tao.
               Pangalawa, ang ugali ng mga Pilipino na pagiging tamad. Karamihan sa mga Pilipino ay walang travbaho at ayon sa PSA, 1.4 milyon  na mga tao ang walang trabaho, at malaking bahagi nito ay ang mga kabataan o mga taong tambay lamang o mga palamunin nga na matatawag. Usong salita nga nila ay “Bahala na”, na hindi dapat pinapauso, dahil malaking dahilan ng hindi pagunlad ng Pilipinas ay ang mga taong tamad.
               Pangatlo, ang pagiging tuso o ganid. Ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay isa sa pinakamalakig problema ng ating bansa ngayon. Ang sinusweldo ng mga manggagawa ng Pilipinas ay hindi sapat na pangtustos sa mga pangangailangan ng pamilya nila. Tumataas man ang porsiyento ng mga taong nagkatrabaho na ay hindi padin ito sapat para sa pag-unlad ng Pilipinas dahil madami pading tao ang humihila sa ating bansa papunta sa laylayan. Sa pagtaas ng mga bilihin ay madaming tao ang sumasamantala nito upang kumite ng pera. Dinadaya ang mga presyo ng mga bilihin, dinadagdagan ito para lamang kumita sila ng malaking halaga. Dapat sana itong matutukan ng ating gobyerno.
               Ang kinabukasan ng ating bansa ay nakasalalay sating mga taong namumuhay sa ating henerasyon ngayon. Tayo ang gumagawa ng ating kapalaran at kapalaran ng mga susunod pang mga henerasyon. Kaya sana’y magbago na tayo para sa ikauunlad rin ng ating bayan at ikabubuti ng mga mamamayan.
Princess Claire Buendia
10- St. Matthew
(510 words- Bilang yan haha)
0 notes