frathla-blog
frathla-blog
Kalayaan sa mga Letra
1 post
Buksan ang hawla't pakawalan ang mga pumipiglas na salita.
Don't wanna be here? Send us removal request.
frathla-blog · 8 years ago
Text
Nasanay kasi ako
Nasanay na akong lagi kang pinapanuod papalayo, 
naglalakad kung saan ka man tutungo. 
Nasanay na akong tinitignan ka ng matagal, 
 minsan pa'y napapatitig at tila oras ay bumabagal 
Nasanay na akong dumaan malapit sa inyong tahanan, 
kasi, hindi ko alam, baka ika'y aking masilayan. 
Nasanay na akong yakapin ka tuwing tayo'y nagkikita, 
upang matanggal ang lungkot at pagkabalisa. 
Nasanay na siguro ako na lagi kang nasa isip, 
sa pagising, pagtulog, o kaya naman sa pag-idlip. 
Nasanay na siguro ang puso ko't dama pag ika'y malapit, 
nararamdaman at alam kong nanjan ka kahit pa nakapikit. 
 Dapat na bang kalimutan at huwag nang balikang muli? 
Tutal, ito'y nakalipas nang panahon at mga sandali. 
Dapat ko na sigurong bitawan at isantabi ang lahat ng ito, 
sapagkat sa huli, ako rin lang naman ang nasanay sa iyo.
0 notes