Tumgik
ge-eel · 2 years
Text
Political Dynasties
After ng term ni BBM sa 2028, malamang sa malamang tatakbo si Sara bilang pres.
After naman nya, pwede nang tumakbo si Sandro sa 2034 dahil eksaktong 40yrs old na sya nun. At base sa batas, ang edad na pwedeng maging presidente ay 40 pataas. Or kung hindi pa naman sya tatakbo, siguro si Baste.
2 pamilya lamang ang umiikot na namamahala sa ating bansa Nakakakabahala ba?
Oo kasi nagmumukha na itong negosyo.
Kapag may ginawang mali, hindi ito masusupil dahil pagtatakpan lamang nila. Sino ba ang may gustong makulong ang kamag-anak nila?
Kaya goods din yung hindi na pinush ni madam ang election result. Panahon siguro ito na kailangan nating tanggapin na mahirap kalabanin ang injustices lalo na't ang mga nasa posisyon ay sila-sila ring parte ng bulok na sistema. Masasayang lang ang effort at pera. Nasa panahon pa tayo na ang hustisya ay para lang sa mayayaman at may kapangyarihan.
Oks yung Angat Buhay Foundation. Kung magiging successful ito, baka sakaling handa na ang Pilipinas na bitawan ang mga politikong parte ng dinastiya at yakapin ang mga lider na may prinsipyo at hindi nagpapasilaw sa pera't kapangyarihan. Wag lang sanang ired tag ulit ng mga nasa posisyon at gawan ng kung ano-anong kwento.
Malaki ang responsibilidad ng mga guro ngayon sa pagtuturo ng tama sa mga estudyante. Dahil ang mga estudyante ngayon ang future voters.
0 notes
ge-eel · 2 years
Text
Tumblr media
Apology lang from the Martial Law victims ang hinihingi. Dahil kung gaano katotoo ang naranasang golden era "daw" ng iba ay totoo rin ang dark side ng martial law.
Nakahingi na ng tawad ang anak ni General Ver (Gen. Fabian was the commanding officer ni FEM) kahit wala naman syang kinalaman sa nangyari noon.
Uulitin ko, apology at pagface sa consequences lang ang hinihingi.
0 notes
ge-eel · 2 years
Text
May 20, 2022
Dear Lord,
Ito yung mga panahon na mabigat ang damdamin ko.
11 days na rin ang lumilipas at roller coaster ang feelings ko. Tanggap ko na rin naman na di talaga panalo si VP. Parang ayaw ko na rin sya umupo. Hindi nya deserve ang lahat ng hate at fake news na ibinabato sa kanya. Ayaw naman ng mga Pilipino sa matino eh. Gusto dun sa mga magnanakaw at may kaso. Takot sila sa mga komunista pero hindi takot sa mga kurakot.
Nasasaktan ako na tignan ang karamihan sa mga Pilipino ay mas pinipili pa rin ang mga kriminal at may bahid ng kurapsyon kesa sa mga taong ninanais na maging matuwid, mamahala ng mahusay at may katapatan. Ang hirap magturo ng tama. Nagiging bida-bida sa paningin ng iba.
Laging sinasabi ng mga kapwa ko Kristyano na, "Wag masyadong mainit sa usaping politika. Baka makatisod ka."
Hindi ko alam kung mali ba na sabihin ang tama dahil makakatisod ako ng mga taong ayaw tanggapin ang katotohanan o talagang mali lang ako?
Hindi ba naiisip ng mga kapatid kong ito na nakakatisod ang pagiging neutral nila?
Ang tatapang mangaral ng christian living sa mga indibidwal, pero kapag usaping politika, para bang exempted ang mga politiko. Sa pagbabasa ko ng bibliya, ayaw din ni Hesus ang injustices. Matapang nyang sinabihan ang mga pariseo na may katungkulan noon sa gobyerno na sila'y mga lahi ng ulupong at mga mapang-imbabaw dahil sa kanilang mga ginagawang kasalanan.
Kapag nagsasalita ng against sa katiwalian ng gobyerno, ang tingin agad sa iyo ay anti-government. Kahit legal naman sa batas ang pagiging kritiko. Kaya napapaisip ako, ano naman kaya ang tawag sa mga nagbubulga-bulagan sa injustices, killings, disinformation at dayaan?
Natetempt na rin po akong maging apolitical na lang. Parang wala naman nangyayari. May nabubuksan naman ang isipan kaso ang konti pa rin namin kumpara sa mayoryang nagbubulagbulagan. Na ang akala sa eleksyong ito ay para bang pustahan sa kanto. Na kung sino ang nakalalamang ay doon tataya. Hindi mawari na ang naging desisyon noong May 9 ay makakaapekto sa buhay ng maraming Pilipino. Sa ekonomiya, edukasyon, agrikultura, trabaho at marami pang iba ng bawat Pilipino.
Nakakalungkot talaga Lord.
0 notes
ge-eel · 2 years
Text
May 20, 2022
Dear Sha from Switzerland,
Thanks for this letter. Actually I am in pain right now. It's been 11 days since the election ended. I already accepted the results even there were anomalies. BBM still got a vote more than VP because of his propagandas.
I also think na it is okay na lang na hindi nanalo si VP. Malaki ang pwersa ng kadiliman ang naghahari sa Malacañang. Hindi mga tao kundi mga espiritu. I remember a passage na ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi ang dyablo. Hindi rin nya deserve ang pambabash dahil sa mga fake news.
What sadden me ay ang truth na marami pa ring kapwa ko Pilipino ang nagbubulag-bulagan. Mas pinipili pa rin ang mga may kaso at kriminal kesa sa malinis ang track record. Chance na sana natin yun eh. Chance na natin mabago ang sistema, kaso nawala lang din. Lalo na yung pilit iniiba ang kasaysayan ng martial law.
Nadidissapoint din ako sa iba kong kapwa Kristyano.
Laging sinasabi ng iba na, "Wag masyadong mainit sa usaping politika. Baka makatisod ka."
Hindi ko alam kung mali ba na sabihin ang tama dahil makakatisod ako ng mga taong ayaw tanggapin ang katotohanan o talagang mali lang ako? 
Hindi ba naiisip ng mga kapatid kong ito na nakakatisod ang pagiging neutral nila?
Ang tatapang mangaral ng christian living sa mga indibidwal. Pero kapag usaping politika, para bang exempted ang mga politiko
Ang sakit sa puso.
Alam kong nakahula sa bibliya na darating ang panahon na magiging masama ang mundo. Pero ang sakit lang na nagiging contributor ang maraming kristyano na maganap ito. Sa pamamagitan ng walang pakialam at sa pagboto sa mga tiwali.
Tapos sasabihin si Lord na ang bahala, after bomoto ng mga tiwali. Para bang gagawa ka ng mali tapos ipapasa mo ang burden kay Lord after.
"Ipagpray na lang." What if ito na yung sagot sa prayer nila dati pa?
Ang sakit sa puso.
Hindi ibig sabihin nito ay ang perfect ko na. Hindi. I am trying to be better each day.
Pero salamat sa iyong letter. This is very timely and comforting. Thanks. May our Lord bless you always.
Love,
GL
1 note · View note