griphynx-blog
griphynx-blog
jazer
8 posts
noob marxist-leninist-maoist. join scm.
Don't wanna be here? Send us removal request.
griphynx-blog · 6 years ago
Text
Tumblr media
Mapa-babae, mahihirap, o taong simbahan, walang pinapalampas ang estado na 'to. Basta tumutuligsa sa huwad na Oplan Kapanatagan - na ang mga inaatake lang naman ay mga mahihirap, manggagawa, at magsasaka. Sa likod ng mukha ng Oplan Kapanatagan ay ang walang habas na illegal arrests, pagpatay, at paglabag sa karapatan-pantao ng mga nakikibaka.
Biguin ang Oplan Kapanatagan! Kristiyano, makibaka ka!
0 notes
griphynx-blog · 6 years ago
Text
durugin ang patriarka gamit ang... matriarka?
Inilahad ng aming kaklase ang papaliwanag sa Ang Kabastusan ng mga Pilipino at nahinuha na ang patriarchy ang dahilan kung bakit “bastos” ang mga Pilipino. Tinitingnan natin ang mga tao - lalo na ang mga babae - bilang mga bagay lamang. Pinapairal ang gahum na kung saan ang babae ay tila ba parausan lang, at kailangang ang lahat ng tao sa itinakdang tuntunin ng patriarkal na lipunan.
Ano ang mali dito? Dito papasok ang macho-pyudalismo, na dapat ang lalaki ay dapat matikas, malakas, nagtatrabaho at kumikita. Hinahayaan rin ng pyudalismo na ito ang rape culture at pambabastos sa kababaihan, dahil sinasabi nito na “ganu’n talaga ang mga lalaki.” Kailangang magpaka-macho ng mga lalaki. Ang mga babae naman ay dapat umastang parang damsel in distress: mahina, mahinhin, palasunod sa gusto ng lalaki. Kapag ang babae ay sinubukang magtrabaho, nahuhusgahan na siya ng lipunan dahil ito “gawain ng babae.”
Ang macho-pyudalismo at patriarka ang isa sa ginagamit upang panatilihin ang opresyon sa sistema. Kung titingan natin ang mga bilyonaryo at mga namumuno sa iba’t ibang bansa, kadalasan ay mga lalaki ito. Ang naghaharing-uri ay kadalasang binubuo ng mga lalaki, kaya’t laganap ang patriarka.
Maski ang konsepto natin ng pamilya ay patriarkal din. Ayon sa Origin of  the Family, Private Property, and State ni Friedrich Engels, nagsimulang mamuno rin ang lalaki sa tahanan dahil sa pangangalaga ng kanyang kayamanan. Bumaba ang pwesto ng kababaihan sa tahanan; lahat ay idinidikta ng lalaki dahil siya ang makapanyarihan. Dito na nagsimula ang tila primitibong uri ng kapitalismo: lahat ay pabor sa lalaki, bilang mas nakatataas, at kailangang sumunod ng babae at anak sa kanya. Kung kaya’t sinabi ni Karl Marx at ni Friedrich Engels sa Manifesto na dapat buwagin ang ganitong konsepto ng pamilya.
Ngayong kahit papaano ay may ideya na tayo sa represibong patriarkal, ano ang dapat ipalit? Ayon sa feministang si Heide Goettner-Abendroth, ang sagot at matriarka. 
Ibig sabihin ba ay kailangang magkaroon ng mga Amazonang pumapatay ng mga lalaki sa ating lipunan? Hindi. Napakabarbariko ng ganyang pag-iisip.
Ayon sa  Societies in Balance. Re-thinking Matriarchy in modern Matriarchal Studies, ang isinusulong ng matriarka ay pantay na karapatan sa lahat - maging ano pa man ang gender orientation, at ang lipunan ay dapat maging simbolo ng pagiging ina. Ayon kay Goether-Abendroth:
At the social level, matriarchal societies are based on the clan, and on the the “symbolic order of the mother”. This also means maternal values as spiritual principles, one that humans take from nature. Mother Nature cares for all beings, however different they may be. The same applies to motherliness: a good mother cares for all her children, embracing their diversity.
Hindi mo kailangang maging babae para maging parte ng matriarka, kung paanong hindi mo kailangang maging babae para isulong ang feminismo. Hindi isinusulong ng matriarka na mas paboran ang mga babae. Sa katunayan, sa ilalim ng matriarka, ang matriarkang pangkat ay may responsibilidad na hatiin ang kayamanan sa lahat ng miyembro. Lalaki o babae man ay may parte sa pulitika, ekonomiya, at kultura ng pangkat. Walang nakalalamang na babae o lalaki; lahat ay pantay.
Samakatuwid, hindi ang sagot ang peryodikong pagroromantisa ng feminismo ng mga korporasyon. Hindi rin sagot ang mala-pyudal na lipunan na pinamumunuan ng mga babae. Ang sagot ay matriarka: lipunang walang nakalalamang na kasarian, lahat ay pantay-pantay, walang naghaharing mga taong patriarkal kung mag-isip, maiiwasan ang misogyny, walang taong mababastos.
1 note · View note
griphynx-blog · 6 years ago
Text
bakit amputi ni Hesus?
Isang beses sa isang camp namin, pinalabas ang Passion of the Christ, kung saan ipinakita ang dinanas na pasakit ni Hesus mula sa pagtraydor ni Hudas, hanggang paglilitis ni Poncio Pilato, hanggang ipako Siya sa krus. At habang nag-iiyakan ang ibang mga kabataan dahil ngayon ay ipinapakita na nila ang sakit na dinanas Niya at hindi na nila kailangang gumamit ng imahinasyon para i-visualize ang Kanyang pagpapakasakit, napatanong naman ako:
“Hindi ba si Hesus ay nasa Israel, na nasa Gitang Silangang Asya? Bakit Kano ang ipinapako sa Krus, at hindi Middle Eastern?”
Whitewashing. Talamak ito hindi lamang sa pang-Hollywood na mga pelikula tulad ng Passion of the Christ at Prince of Egypt, kundi maski ng mga lokal na palabas natin kung saan laging mga bida ang mga Pilipinong may pagka-mukhang Kano. Bakit laging puti ang bida sa mga pelikula, kahit na ang tagpuan ng kwento ay Puerto Rico sa West Side Story? Dahil ayon sa sosyolohistang si Lester Andrist, eto ang punto ng whitewashing:
"the tendency of media to be dominated by white characters, played by white actors, navigating their way through a story that will likely resonate most deeply with white audiences, based on their experiences and worldviews."
Medyo ililihis ko lang, pero parang ganto rin ang ideolohiyang pumasok sa kukote ng mga kalalakihang Kano sa pag-usbong ng Cowboy Era sa pelikula. Dahil sa abala na ang mga kalalakihan sa pag-usbong ng Industriyalisasyon, walang makitang imahe para sa pagkalalaki ang mga kalalakihan. Ano ang naging solusyon: mga matitikas na cowboy, na nakikipagbarilan, nakasakay sa kabayo, nakasumbrero sa ilalim na tirik na araw ng Wild West. Doon nila nakita ang pagkalalaking inaasam nilang makamtan. Siguro ay ganun din ang dahilan kung bakit ang mga tatay natin ay mahilig sa action films.
Ganito rin ang ideolohiya sa whitewashing ng mga pelikula. Hirap ang mga Kano na panoorin ang isang palabas kung hindi Kano ang bida, o ang cast. Kailangan makita nilang Kano ang malakas, ang mabuti, ang gwapo o maganda. Kaya naman kahit taga-Middle East si Hesus, makikitang Kano na may mahabang buhok at balbas ang ipinapako sa krus at kinikilalang Kristo sa palabas.
At dahil naging kolonya tayo ng mga puti, lalo na ng US, tumatak na sa isipan natin na ang bida natin ay dapat maputi, matangkad, matangos ang ilong, matipuno kung lalaki at balingkinitan kung babae. Kung magbibida man tayo ng kakulay natin, dapat ay sa comedy natin sila ilagay, dahil madaling pagtawanan ang mga maliliit, kayumanggi, at may pagka-Bisayang accent.
Problematiko ba ito? Oo.
Dahil hindi nabibigyan ng boses ang ibang lahi pagdating sa larangan ng pelikula. Madalas na mga Kano ang mga pinapakitang artista sa mga pelikula, at hindi nabibigyan ng pantay na karapatan ang mga non-whites na may angking talento rin naman sa pag-arte. 94% ng mga palabas sa sinehan ay may mga white people na mga artista, para lamang bumenta ang kanilang palabas sa mga investors at manonood.
Ang whitewashing sa mga pelikula ay isang manipestasyon ng pagka-gahum ng makakanluraning ideolohiya. Ang malala, pinapahalagahan ito ng lokal na film producers sa paggawa nila ng pelikula, sa ngalan ng pera at kasikatan.
0 notes
griphynx-blog · 6 years ago
Text
Estado, malaking mamboboso sa makabagong panahon.
Sa paglabas ng mga smartphones, sobrang bilis na lang ng pagsasalsal ng mga tao ngayon: IG stories ng inuman, tweets tungkol sa walang kwentang prof na nagtuturo, IG posts sa bakasyon, minsan pati inaalagaan MJ sa condominium ay pinopost din. Kung ang iniisip mong salsal ay dahil sa panonood ng porn, hindi iyon ang tinutukoy ko. Pagsasalsal ang ginamit na termino ni Eliserio sa tila ba walang pakundangan nating pagbabahagi ng mga parte ng ating buhay - maski ang paggising na lang sa umaga.
Nakabubuti ba ang pagsasalsal nila sa kanilang buhay? Hindi sa lahat ng oras.
Sila ba ang mali? Hindi rin.
Bakit? Dahil para sa akin, ang mali ay mamboso sa nagsasalsal.
Ang paggamit ng estado at mga spy agencies sa mga dapat ay pribadong mga data ng mga tao ay isang paglabag sa karapatan natin bilang tao.
Pagkatapos ng 9/11, pinaigting ng US ang anti-terorismo nitong mga patakaran. Kasama na rito ang mas mahigpit na surveillance sa mga gadgets tulad ng smartphones, computers, at iba pa. Isa sa pamamaraan ng US para makuha ang mga impormasyon ng diumano’y teroristang pumapasok sa kanilang bansa ay backdoor programs, kung saan maaari nilang buksan ang phone ng isang pinaghihinalaang terorista at i-record ang lahat ng gawain ng naturang tao sa pamamagitan ng pag-access sa camera at mic ng phone. Sinubukang lumapit ng CIA sa Apple, isang kumpanyang pangtelepono, na gumawa ng backdoor program sa mga iPhone products. Tumanggi ang Apple, ngunit sinabi rin ng CIA na nakayanan na nilang ihack ang phones kung kaya’t di na kailangan ng tulong ng Apple.
Ano naman ang naging resulta ng tinaguriang “pinaka-agresibong pambansang kampanya sa ethnic profiling?” Wala. Hindi napigilan ang mga pinaghihinalaan nang terorista, walang nahuli, at mas lalo lamang nagdagdag ng takot ang karagdagang surveillance na isinagawa ng US. Lumalabas lamang na malaking pamboboso lang ang ginawang aksyon ng US, at nagagamit pa ito sa pacifism ng mga aktibista, tulad na lamang sa France.
Ano ang ibig sabihin neto? Magsalsal ka man sa internet, o magtago ka man ng mga datos sa pribado, malaki ang tsansang hindi ka totoong ligtas sa pamboboso. Maaaring sa pagbabasa mo ng blog na ito, o sa paggawa mo ng kritikong papel ukol sa kamalian ng gobyerno, marahil ay may nanonood na sa iyo.
Mag-ingat, baka binobosohan ka na.
0 notes
griphynx-blog · 6 years ago
Text
Ang Wika ay Kapangyarihan, ngunit...
Iniulat ng aming kaklase ang tungkol sa tunay na kapangyarihan ng wika, na ang wika ay maaaring sumalamin sa kultura ng isang lugar. Totoong ang wika ay maaari ring maging daan upang mas magkaisa ang mga tao, at magkaroon ng pagkakakilanlan. Ngunit may tanong na nabuo sa isipan ko.
Pagkatapos kong makipag-diskurso sa isang kaklase, napansin ko lamang na may parang kakaiba sa linyang ito sa isinulat ni Conrado de Quiros:
Kung bumisita ka sa ibang mga bansang Asyano, o Arab, ang unang maiisip mo ay kung gaano tayo kaiba sa kanila... Ang mga higanteng diyaryo sa mga bansang ito ay nasa wikang pambansa.
Sa unang tingin ay talagang may punto si de Quiros - mayaman silang bansa pero hindi sila gumagamit ng Ingles sa diyaryo, establisyimento, at libro. Pero may isang dapat tayong tingnang anggulo kung bakit hindi patas na ikumpara ang Pilipinas sa mga bansang nasa Gitnang Silangan - mayaman sila.
Ang “Middle East” ay ang lugar kung saan mayaman ang langis, katulad ng Iraq, UAE, Saudi Arabia, Yemen, at iba pa. Bagama’t ang iilan dito, katulad ng Iraq, ay nasa proxy wars na pakana ng US, ang mga bansang tulad ng Saudi Arabia ay mayayaman, dahil namomonopolisa nila ang langis.
Eto ang isang larawan ng datos ng langis sa Middle East na hango sa GEO ExPro:
Tumblr media
Kung ganito ang mailuluwas mo na langis sa Kalakalang Pandaigdig, lalakas ang ekonomiya at kapanyarihan ng isang bansa. Kapag lumakas ito, at naging kapitalista, may hahadlang pa ba sa paggamit niya ng pambansang lenggwahe niya? Ang Pilipinas ay hawak pa rin ng US sa pamamagitan ng neo-colonialism, hindi tayo makaalis sa pagkakadena sa atin ng US dahil hawak nito ang ating estado, edukasyon, at iba pa. Kung tayo ay hawak ng isang imperyalistang bansa, hindi hamak na mas limitado ang paggamit natin ng wikang pambansa dahil hindi ito ang tunguhin ng imperyalistang banyaga.
Totoong ang wika ay makapangyarihan, pero dahil iba’t iba ang katayuan ng mga bansang pinanggalingan ng mga wikang ito, iba’t iba rin ang paggalaw at katayuan ng mga wikang ito. Hindi natin pwedeng sabihin na gayahin ng Pilipinas ang Saudi dahil magkaibang uri ng bansa ang dalawa.
0 notes
griphynx-blog · 6 years ago
Text
gahum at edukasyon
Nabanggit ni Lumbera sa Edukasyon para sa Iilan: Bakit Asal-Mayaman si Pedrong Maralita na hindi magkapareho ang kinalakhan ng mahirap at mayaman, kung kaya’t dapat ay magkaiba sila ng pag-iisip. Ang problema, hindi ganito ang nangyayari. Mas lalong hinahangad ng isang maralita na makapag-aral sa isang mamahalin o eksklusibong paaralan, at magkaroon ng marangyang buhay. Saan ang mali?
Napansin din ito ni Antonio Gramsci habang nakakulong siya noon. Napansin niyang marami pa ring nagtitiwala sa Simbahan, sa kabila ng mga kontrobersiyang pumapaligid dito. Napansin din niya na hindi natupad ang malawakang proletaryang rebolusyon na hinulaan ni Marx. At sa pagsusuri ni Gramsci, nahinuha niya ang “Cultural Hegemony”, kung saan may umiiral na kultura na kumokontrol sa pampulitikal na aspeto ng lipunan nang hindi natin napapansin. Ang nangyayari, ang ideolohiyang nanggagaling sa naghaharing-uri ang ibinababa sa lipunan - sila ang nagtatakda ng “magandang buhay.”
Paano ito maiuugnay sa edukasyon? Bilang nalaman nating kolonyal ang edukasyon na umiiral sa ating bansa, lumilikha ito ng kultura na tinatanggap na lang ng lahat, maski ng mahihirap: na kailangang may pera o matalino ka para makapasok sa mga eksklusibong paaralan tulad ng ADMU, UP, at UST, na kailangan mo lang magsipag sa pag-aaral upang hindi maghirap sa buhay. Ang magiging resulta: napagkakakitaan ang edukasyon, at mga iilang pamilya lamang ang nakatatamasa ng magandang edukasyon, samantalang tayo ay tinatanggalan ng class consciousness nang hindi natin namamalayan. Kontroladong edukasyon ay nangangahulugan ng kontroladong mamamayan na walang kamalayan sa lipunan.
0 notes
griphynx-blog · 6 years ago
Text
Knowledge is Power: Edukasyong Kolonyal at Mahabang Pagkaalipin
Kung susuriing mabuti, humigit-kumulang isandaang taon na tayong hawak ng US. Hindi ba’t nakamtan na natin ang kalayaan natin mula sa kanila simula pa noong Hulyo 4, 1902? Isang huwad na kalayaan ang ibinigay nila sa atin noon. Totoong nawala ang direktang presensiya ng mananakop sa ating bansa, ngunit nagkaroon naman sila ng bagong paraan upang kontrolin ang ekonomiya ng ating bansa, na makakaapekto sa ating kultura at pulitika. Ito ang tinatawag na imperyalismo.
Imperyalismo ang tinatawag na “late stage capitalism” kung saan ang imperyalistang bansa ay humahanap ng isang bansang may atrasadong ekonomiya, at gagawing angkatan ng murang raw materials at lakas-paggawa. Sa mga gantong bansa rin ibinebenta ang na-process nang produkto sa mas mahal na halaga, at tambakan ng surplus.
Ano ang kinalaman ng imperyalismo sa kolonyal na pag-iisip ng mga Pilipino at pagkaalipin natin? Pinapanatiling atrasado ng imperyalistang US ang ekonomiya ng ating bansa, at para magawa iyon, kakailanganin ng US ang mga huwad na trade acts, balikatan ng mga sundalo, at iba pa, upang mas humigpit ang pagkakahawak ng imperyalista. Halimbawa na rito ang Bell Trade Act, na nagbibigay ng mas malaking karapatan sa pangangalakal na pabor sa US. Nag-iba ito ng anyo sa paglipas ng mga presidente, ngunit pare-pareho lamang ang tunguhin nito: paboran ang imperyalista sa pangangalakal.
Saan papasok ang edukasyong kolonyal rito? Una, sa mga libro at sistema ng edukasyon makikita na idinidikta lamang ng US ang Kanluraning sistema at pamumuhay, kahit na tayo ay mga taga-Silangan. Ang mga librong tulad ng “Science for Everyday Life” ay nagpapakita ng isang maka-Kanluraning buhay, at hindi ng Pilipino. Maski ang K-12 ay nagtatago sa likod ng “globally competitive students” kahit na ang layunin nito ay maglabas ng murang lakas-paggawa sa World Market. Pangalawa, ang paggamit ng wikang Ingles sa mga prestihiyosong paaralan dahil sa ito raw ay ang lengguwaheng ginagamit sa pangangalakal at agham, na isang malaking kabalintunaan. Nagsisilang lang ito ng mga estudyanteng baluktot na nga mag-Ingles, hindi pa marunong mag-Filipino.
Ayon kay Althusser, ang paggamit sa mga bagay tulad ng edukasyon ay tinatawag na “Ideological State Apparatus.” Ito ang pagkontrol ng ideolohiya ng mga tao sa pamamagitan ng kultura, edukasyon, pamahalaan, at iba pa. Ito ang nagpapaliwanag  kung bakit ang atrasado ng ating lipunan, naghihirap ang sambayanan, at ang tagal ng ating pagkakaalipin. Nagamit ng husto ng US ang ISA tulad ng mga paaralan para kontrolin ang ating mga utak ng hindi natin namamalayan.
0 notes
griphynx-blog · 6 years ago
Text
Quality Education is Expensive: Isang Pagsusuri sa “Misedukasyon” at lagay ng Elitistang Edukasyon
Sa palabas na Misedukasyon, maraming anggulo ang pwedeng tingnan ukol sa lagay ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas - nabubulok, kolonyal, kurap, may pagtatangi sa mga prestihiyosong paaralan tulad ng Ateneo, UP, at iba pa. Lahat ng kabulukan na ito ay bunga tinatawag na “komersalisasyon” ng edukasyon - o para gamitin ang salita ni Marx, “commodification”.
Ano ang commodification? Sa Marxismo, ito ay paglalagay ng halaga sa mga bagay na maaaring mapakinabangan ng mga kapitalista tulad ng tubig, lupain, at edukasyon. Sa panahon ngayon, hindi na lamang mga produktong tulad ng bigas, gulay, lakas-paggawa, at iba pa ang nilalagyan ng mga kapitalista - maski ang mga dapat ay public services ay nalalagyan na rin ng presyo. Tingnan niyo na lamang ang LRT, MERALCO, Manila Water, at mga paaralan na kung hindi private eh marami namang private sponsors.
Masama ba na may katuwang ng estado ang pribadong sektor? Hindi. Maski ang maka-sosyalistang pananaw ay hindi nagsasabi na bawal magkaroon ng mga pambansang negosyante, basta’t magkakaroon ng tamang pagreregularisa sa mga negosyong ito. Saan ngayon nagkakaroon ng mali? Kapag ang mga dapat ay pampublikong institusyon ay hawak ng mga pribadong sektor. Ang tubig na dumadaan sa ating mga gripo ay hawak ng Manila Water, ang kuryente ay sa Meralco, ang LRT ay hawak ng isang abugado, at marami pang iba. 
Paano ko naman nasabing nagiging commodity na ng pribadong sektor ang edukasyon? Hindi binibigyang-pansin ng pamahalaan ang paglalagak ng malaking pondo sa ating edukasyon. Makikita yan sa mga pamantasang tulad ng PUP (kung saan ako nag-aaral ngayon). Libre nga, kulang kulang naman ang mga upuan at prof, walang electricity outlets, at minsan pa ay may nagaganap na koleksyon. Sa madaling salita, pinapanatili tayong mangmang ng estado, na may sapat na talino lamang para makasunod sa gusto ng amo at makagawa ng mga simpleng matematika. Kung gusto mo ng maayos na edukasyon, kailangan mong maging mayaman. Kagaya ng sabi ng CHED chairperson sa palabas, “Quality education is expensive”. Kailangang may pambayad ka, dahil kung hindi, babagsak ka sa PUP, kung saan pinag-aagawan kayo ng mga kumpanya dahil matalino na, mura pang bayaran. Ang pribatisasyon ng mga institusyong dapat ay hawak ng estado ay isang manipestasyon ng isang bulok na ekonomiya. 
Sa aking pananaw, isa rin itong uri ng paglabag sa karapatan ng bawat bata at kabataan na magkaroon ng de-kalidad na edukasyon. Kahit na sino ka man, at kung saang parte ng lipunan ka man nagmula, karapatan mo ang magkaroon ng de-kalidad na edukasyon, na siyang nilalapastangan ng mga kapitalista.
1 note · View note