Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
"Ang paggawa ng isang bagay para sa ibang tao sa labas ng kabaitan ng iyong puso ay nagsasalita ng dami tungkol sa kung sino ka bilang isang tao. "
Unang araw ng Mayo ng kasalukuyang taon nakapanayam ko si Ginang Belinda Cuizon, isang employee sa City Hall sa Taguig.
Ako ay may inihandang mga katanungan para sa kanyang karanasan tungkol sa pagtulong sa ating kapwa.

Ang kapwa ay isang konsepto na tumutukoy sa ibang tao. Ang lahat ng tao na kasama ng isang indibidwal sa isang lipunan ay maituturing niyang kapwa. Ang isang lipunan ay binubuo ng mga taong may ppangangailangan makipag-ugnayan sa isa't isa, ayon kay Dr Manuel Dy, Jr.
Ang pagtulong ay nararapat na gawin para sa at kasama ang ating kapwa.
Ang pagtulong sa kapwa ay bukal sa kalooban at pagpapakita ng pagkukusa at walang hinihintag na kapalit. Isa pang kahulugan nito ay pagbibigay daan na rin sa iyong o ating sarili upang maging isang mabuting tao.
Matagal na ring na simulan ni Ginang Belinda ang simpleng pagtulong sa kanyang kapwa subalit mas napapadalas ito dahil sa kanyang trabaho bilang isang frontliner at miyembro ng Team Malasakit.
Ang karanasan niya patungkol sa pagtulong sa kapwa.
Nagsimula siyang tumulong sa kapwa matagal na panahon ang nakaraan. Sa simpleng pagabot ng pagkain, pagalalay sa mga matatanda sa pagbaba ng jeep o pagtawid sa kalsada. Ilan lang iyan sa mga simpleng bagay na pagtulong sa kapwa na may isang malaking kahulugan sa iyong mga natulungan. Nagsimula muli siyang tumulong sa pamamagitan ng kaniyang trabaho na makipag-ugnayan sa kapwa. Paano kayo tumutulong sa kapwa? "Ako ay tumutulong sa kanila sa simpleng bagay na pagmamalasakit tulad ng pagpapaalala sa kanila ng mga health protocols, pagsuot ng face mask at pagsunod sa social distancing na katulad ng ginagawa ng ating mga kapulisan at paalala ng ating gobyerno."
Sa pagtulong natin sa kapwa ay may nararamdaman tayong bagay o damdamin sa loob ng ating sarili na kaginhawaan, kagalakan dahil nakikita natin ang ating tinulungan na masaya dahil sa ating pagtulong. Ganito rin ang paglalarawan ni Ginang Belinda Cuizon sa kanyang mga nararamdaman habang siya ay tumutulong sa iba't ibang tao at may nais iparating sa karamihan "masarap ang tumulong sa kapwa dahil isa itong mabuting gawa" at sa gawaing ito maraming mahihikayat at magsisimulang tumulong sa kapwa matanda man ito o bata. Ang pagtulong ay walang pinipiling edad.
At kanyan ring ibinihagi ang kaniyang kasagutan at karanasan sa mga katanungang ito. May nagbago ba sa inyong sarili nung nagsimula kayong tumulong sa iba? "Meron, mas umunlad ang aking pagkatao, mas naging magalang sa bawat isa at mas naging positibo sa lahat ng bagay sa resulta at regalo ng pagtulong sa kapwa. Ipagpapatuloy mo pa ba ang iyong pagtulong? "Oo dahil marami akong nakikitang masaya habang ako ay tumulong at minsan ay napupunan ang kanilang pangangailangan sa simpleng nagawa ko, naibabahagi ko ang mga magagandang gawain na dapat lahat ng tao ay gawin ito mas mapayaman natin ang salitang pagtulong".
Ang pagtulong natin sa kapwa ay hindi kawalan sa bawat taong gagawa nito. Hindi mababawasan ang ating pagkatao, hindi masasayang ang oras ito ay simple,tutulong ka sa kung ano ang naaayon at maaaring pangangailangan ng iba. Ang mundo ay puno na ng masasamang enerhiya at mga pananawa ng bawat tao. Makiisa tayo at gawin ang katulad na ginagawa ni Ginang Belinda Cuizon magsama-sama tayong ikalat ang mga positibong enerhiya at gawa sa mundo ng walang kapalit na hinihintay.
1 note
·
View note