hannadenise
hannadenise
Hannah Villar
1 post
ABM B-12 HOPE I never dreamed of being alone but when I travel, I will surely bring no one.
Don't wanna be here? Send us removal request.
hannadenise · 5 years ago
Text
Makabuluhang Linggo sa ALCOY: Paglakbay Upang Makalimot
Tumblr media
"The first time you fall inlove, it changes you forever and no matter how hard you try, that feeling just never goes away." Ika nga ni Nicholas Sparks sa isa niyang mga nobela.
Unang pagmahal, unang sakit. Paano makalimot? Ito ang tanong ko sa aking sarili.
ALAS 5 NG MADALING ARAW nang ginising ako ng aking nanay at sinabihang magbihis dahil merong pupuntahan. Ako na bagong gising at walang ka alam-alam sa mga pangyayari ay mabilisang kumilos upang makapagbihis. Maliban sa ginawa ko ito upang maiwasan ang maagang putak ng bibig ng aking nanay, sabik din akong umalis at maglakbay upang malibang ko ang aking isip at maiwasang isipin ang mga bagay na nangyari na nagdulot ng sakit sa aking puso.
Tumblr media
PAGLIPAS NG TATLONG ORAS ko lang nalaman na ngayon, Ika-14 ng Abril 2019, pupunta pala kami sa isang resort bandang south ng Cebu.
BANDANG ALAS 10 SA UMAGA kami nakarating sa Alcoy Beach Resort. Una na kita mo palang sa mga tanawin, lalo na ang karagatan, ay nakakagaan na sa kalooban. Sariwa ang hanging sa lugar. Dala siguro ito ng maraming tanim na nakalatag sa paligid. Idagdag mo pa ang sobrang asul at mailinis na dagat. Sobrang ganda rin ng aming "timing" at biniyayaan kami ng magandang panahon. Napakaganda ng sinag ng araw at walang makulimlim na ulap ang iyong matatanaw.
Tumblr media
HINDI MAIPAGKAKAILA na talagang "instagramable" ang buong paligid. Kahit saang banda ay maganda talaga. Hindi pa nga kami nakakapagbihis ay hindi na maipagpapaliban ang pagkuha ng napakaraming larawan. Salitan sa pagkuha ng litrato, nagkakabangayan na nga dahil gustong mauna sa pagpapapicture. Wala nga namang gusto mahuli makuhanan ng imahe sa isang napakagandang lugar. Nakakawala ng pagod ang lahat na matatanaw mo sa lugar. Kahit may kahabaan ang aming binyahe, walang mukhang pagod sa aming magpipinsan simula nang makarating kami. Mistula ring nawala ang bumabagabag sa aking isip. "Relaxing" ang kabuuang mararamdaman mo sa lugar at kung gusto ko man na muling maramdaman ang emosyon na ito ay wala na akong ibang pupuntahan pa kung hindi dito sa resort na ito.
Tumblr media
HINDI LAMANG ang natural na paligid ang maganda, pati narin ang pagkakagawa ng mga kuwarto at mga huts. Makabago ang mga disenyo ngunit magaling rin ang paglalaro ng mga kulay. Maliwanag ang mga pinturag ginamit ngunit hindi masyadong maliwanag sa puntong nakakasakit na sa mata. Hindi kagaya ng ibang resorts na huts lang ang mayroon, dito marami. May magagarang kuwarto, huts, verandas, coffee places, temples, mahahabang terrace na parang hagdan kung tignan sa dagat dahil iba't iba ang lebel nito sa iba't ibang palapag, at marami pang iba. Hindi pa kasali rito ang mapuputing mga buhangin at malilinaw na tubig. Nasa taas din ang resort kaya hindi ka matatakot sa high tides. Higit sa lahat, ang pinakanagustuhan ko ay ang malaki at sapat na lugar para sa bawat pamilya. Ibig sabihin walang masyadong tao na hindi mo kakilala na nasa paligid. Kung gusto mong mapag-isa, saan ka pa? Dito na sa Alcoy Beach Resort.
Tumblr media
SA GABI NAMAN ay maraming magagandang mga ilaw na kumukontra sa kadiliman ng gabi. Kung sobrang sarap ng simoy ng hangin sa umaga, lalo na sa gabi. Wala ng mas mapayapa pa sa damdaming naramdaman ko rito. Ilang araw na rin ang lumipas ng pamamalagi namin dito ngunit ganon parin kasarap sa pakiramdam kagaya ng una naming pagtapak at pagtanaw sa lugar. Sa puntong ito ay nakalimutan ko na ang hapdi na aking naramdaman dalawang linggong lumipas. Napakapayapa sa pakiramdam.
Tumblr media
PICTURE NANAMAN. Hindi ka talaga magsasawang kumuha ng larawan. Dahil narin siguro walang masyadong tao kaya mawawala lahat ng "insecurities" mo. Tutulungan ng lugar ang iyong isip kagaya ng pagtulong nito sa aking isip na mas mahalin pa ang aking sarili. Hindi ko kailanman naranasan ang ganitong pagbabago sa kaisipan sa ibang lugar.
MARAMING MGA AKTIBIDAD ang maaaring magawa rito na hindi na kinakailangang makipaghalubilo sa maraming tao ngunit tiyak na sasaya ka. Nagpictorial, naligo sa dagat, nagluto, naglaro ng board games ay iba lamang sa mga ginawa namin ng aking mga pinsan, mga tito, at mga tita. Higit sa lahat ay nagkuwentuhan kami buong magdamag. Mas nakilala at mas naunawaan namin ang isa't isa.
Tumblr media
SA HULING ARAW namin ay pinagplanuhan namin na mag island hopping. Isa rin sa sikat na parte ng resort na ito ay ang puting buhangin na matatagpuan sa gitna ng malalalim na karagatan. Madalas ang mapuputing buhangin ay mararanasan lamang sa mga baybayin ngunit sa resort na ito, meron silang bahagi na puti ang buhangin sa ilalim ng malilinaw na mga tubig sa gitna ng malaking karagatan. Napakaganda ng tubig at ang buhangin, lalo na ang panahon. Sobrang sariwa rin ang haplos ng hangin sa aking mga balat habang sumasakay sa bangka patawid sa malalalim at nakakatakot na tubig.
PUMUNTA KAMI SA ibang mga karatig na isla bago naligo at naglibang sa puting buhangin. Pagkatapos ay pumunta na kami sa huling destinasyon ng aming maikling "island hopping adventure" at ito ay ang ocean deeps. Huminto kami sa napakalalim na bahagi sa gitna ng karagatan upang maligo at tignan ang mga corals sa ilalim. Nakita ko rin ang ganda ng ating mga lamang dagat. May mga makukulay na isda kaming nakita na lumalangoy kasama namin. Natakot rin ako ng kaunti dahil kahit saang banda ako tumingin, puro tubig ang aking nakikita. Inisip ko na baka hindi na kami makauwi pero alam naman natin na may katapusan ang bawat magagandang pangyayari.
Tumblr media
ORAS NA PARA UMUWI badang alas 5 ng hapon at oras narin upang maghanda. Maghandang umuwi at iwan na ang lugar. Para sa akin naman ay iwan MUNA ang lugar dahil siguradong babalik ako rito. Sa maikling panahon na naparito ako, napamahal na sa akin ang lugar dahil dito, natuto akong mahalin ang aking sarili at ang mga taong karapat-dapat mahalin. Dahil dito, nabigyang kasagutan ang aking tanong. Paano nga ba makalimot? Hindi na kailangan dahil okay lang ang masaktan. Parte ito ng ating paglaki. Natutunan ko sa pagpunta ko dito na kapag nasaktan ka, hindi pagkalimot ang gamot kundi ang pagtanggap at pagmahal sa sarili ng lubos. Dagdag narin ang pagpunta sa magagandang lugar upang malibang ang iyong sarili. Dahil sa pagtuklas sa mga lugar, hindi mo mamamalayang matutuklasan mo rin ang iyong sarili.
Tumblr media
KUNG MERON KA PANG GUSTO MATUKLASAN, MAGLAKBAY KA. :))
1 note · View note