Tumgik
healthallied23-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
0 notes
healthallied23-blog · 7 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
BIONOTE
Ang bionote ay isang sulating nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa isang indibidwal upang maipakilala siya sa mga tagapakinig o mambabasa.
Pagpapakilala ng edukasyon at karangalang natamo mula sa larang na kinabibilangan.
MGA NILALAMAN NG ISANG BIONOTE:
Edukasyon natapos
Kasalukuyang posisyon
Unibersidad kung saan nagtuturo
Organisasyon kung saan kasapi o kabilang
Aklat na nailathala
Pananaliksik na naiharap sa mga kumperensiya
Pagkilala o karangalang natamo
0 notes
healthallied23-blog · 7 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
LARAWANG SANAYSAY
Isang sanaysay na naglalayong magbigay impormasyon, ddeskripsyon, at eksplanasyon kaugnay sa napili o nakuhang mga larawan.
Ito rin ay nagpapahayag ng mga makabuluhang istorya na nakakapukaw ng damdamin sa mambabasa gamit ang mga salita at mga larawan.
MGA NILALAMAN NG ISANG PHOTO ESSAY:
Mga larawan
Isang kronolohikal na istorya
Nagpapahayag ng katotohanan
May isyu o tema na tinatalakay
0 notes
healthallied23-blog · 7 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Uri ng panitikan na nakapasailalim sa anyong tuluyan o prosa.
Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin ng isang partikular na pangyayari.
Naglalayon na maipabatid an mga nakalap na impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan.
Sentral sa mga ito ang kani-kanilang mga karanasan bilang tao.
0 notes
healthallied23-blog · 7 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
TALUMPATI
Isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagsisilbing sining upang ipahayag o maipaliwanag ang kaisipan o opinyon sa isang paksa ng isang tao sa pamamagitan ng pagsasalita sa harap ng mga pangkat ng tao.
Pormal na pagpapahayag sa publiko
Isinasaalang-alang hindi lamang ang laman ng babasahin kundi maging ang intonasyon ng pagbigkas, tindig, at pagkumpas
LAYUNIN NG ISANG TALUMPATI:
Makapaghikayat
Magbigay ng inspirasyon
Magbigay ng impormasyon
Magbigay-aliw
Magbigay ng parangal sa isang tao
1 note · View note
healthallied23-blog · 7 years
Link
Dito sa lungsod ng Davao, ipinagdidiriwang ang sikat na Kadayawan Festival tuwing ikatlong linggo ng Agosto magmula pa noong 1988 at pinagpapatuloy pa rin hanggang ngayon. Ito ay tinaguriang na festivals of all festivals dahil binibigyang pansin nito ang mga kultura at sining ng mga Davaoeno. Nguni’t hindi lamang ang kultura at sining ang ibinabahagi nito kundi ipinagdidiriwang ito bilang pasasalamat sa masasaganang ani ng agrikultura sa Davao, lalo na sa mga prutas at bulaklak.
Nagkakatagpo-tagpo rin dito ang iba't ibang lahi at kultura. Pinagdidiriwang ito kasama ang mga malalaking karosa na may mga palamuti na bulaklak at prutas at sinasabayan din ng indak-indak o ang pagsasayaw sa kalsada suot-suot ang mga makukulay na damit. Ang pista na ito ay nagbibigay-buhay sa lungsod ng Davao tuwing  buwan ng Agosto kada taon. Nagkakaroon din ng mga paliksahan tulad ng Bya'Neng ng Kadayawan o Ang Miss Kadayawan Beauty Contest. Ang Kadayawan Festival ay sadyang nakapagpapaunlad ng karanasan dahil sa kaibahan nitong inihahandog. Nilalakbay nito ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng mga Davaoeño, Mindanaoans, at kapwa Pilipino.
Dito rin pumapasok ang mga sikat na prutas ng Davao tulad ng Durian, Pomelo, Mangosteen, Rambutan, at Suha. Sikat rin sa kanila ang mga pagkain na kinilaw na isda, panga at buntot ng tuna, at iba pang mga pagkaing-dagat. Nabibili lamang ang mga ito sa murang halaga dahil ang Davao ay napapaligiran ng dagat  kung saan nila nahuhuli ang mga binebenta nilang mga isda at iba pa.
Kilala ang bundok Apo sa pagkakaroon ng pinakamataas na hangganan sa Pilipinas. Umaabot ito ng tatlong libo't isang daan at apat na pu’t apat na metro sa iitaas ng lebel ng dagat. Dahil sa kahanga-hangang kataasan nito, nataguriang Grandfather of all Philippine Mountains ang bundok Apo at ang pangarap ng bawat mamumundok na maakyat. Dapat lamang makita at maranasan ito ng bawat manlalakbay na bumibisita sa Pilipinas, lalo na kung siya'y nasa lugar ng Davao dahil dito ito masisilayan.
Ang bundok Apo ay isa sa mga nagtataglay ng kaakit-akit na tugaygayan dahil sa makitid nitong daanan na napapaligiran ng iba’t ibang magagandang halaman. Ang daanan nito ay nagsisimula sa isang maliit na barangay na nangangalang Baruing, Sibulan, Sta.Cruz, Davao del Sur. Ang isang manlalakbay ay kinakailangang dumaan sa mga bukiran at mga patlang sa gubat upang makarating sa tuktok. Ang haba ng lalakbayin ay halos labinsiyam na kilometro.
Ang madadatnan sa itaas ng bundok Apo ay mga magagandang tanawin na hindi pangkaraniwan dahil sa rurok lamang ng bundok ito’y mararanasan. Mayroong pitong magkakaibang tuktok na maaaring puntahan at kuhanan ng mga litrato. Mula sa itaas ng bundok, napapanood ng mga manlalakbay ang paglubog ng araw sa kanluran.
Sa ibaba naman ng bundok, mayroon pang mga lugar tulad ng hot springs na nakakatulong magpahinga ng pagod ng katawan mula sa paglalakbay. Ito ang mga mararanasan sa Bundok Apo kaya’t inirerekomenda itong akyatin ng mga nais lumakbay. Sa lungsod naman ng Davao, matatagpuan ang   tinaguriang “Tagaytay” ng Davao at ito ay kilala sa pangalang Eden Nature Park.  Ang lugar na ito ay ikakatuwa ng mga taong mahilig tumanaw sa kailakasan. Ito ay matatagpuan sa paanan ng Mount Talomo sa Distrito ng Toril, Davao. May kalawakan ang lugar na ito at sinasabi rin na 95% nito ay gawa ng tao. Maraming mga aktibidad ang maaring isagawa dito, halimbawa ang skycycling at zipline na kagigiliwan ng mga kabataan.  At higit sa lahat maraming puno, ibon at iba’t ibang pang kalikasan ang nagbibigay ng katahimikan upang ito ay maituring na isang paraiso sa pagmumuni at padarasal. Ang mga lugar na tulad ng Garden of Eden, Lola’s Garden and Eden Orchard ay halimbawa na lamang sa mga lugar na matatagpuan sa loob ng lubhang kaaya-aya.
Higit pa sa pagiging isa sa pinakamalaki at pinakamapayapang lungsod sa buong Pilipinas ang rehiyon ng Davao, hindi maikakaila na sikat din ito dahil sa mga natatanging baybayin o dalampasigan na taglay  dito.
Sa gitna ng Davao Gulf, Samal mayroong mga magagara at kahanga-hangang tanawin ng mga golpo o look na matatagpuan sa iba't ibang dako at direksyon. Isa na dito ay ang labing apat na hektaryang Pearl Farm. Ang lugar na ito ay tinuturing isa sa mga pinakamarangyang bakasyunan sa rehiyon ng Davao. Mahal man nguni’t hindi masasabing sayang ang binakasyon ng dumadayo. Ang Pearl Farm Resort ay kilala sakanilang mga Parola Bar, mga kubo na may dalawang bahagdan. Ang Parola ay dating inokupa ng mga sinaunang mandaragat o marinero dahil binabantayan nila ang kanilang teritoryo. Ngayon, dito sinasalubong at tinatanggap ng malugod ang mga turista. Sa pamamagitan ng simpleng pagpapahinga sa Pearl Farm Beach Resort, paunting-unti mapapansin ang makukulay na kultura na mayroon ang Mindanao na wala sa mga ibang lungsod. Tinitiyak na sa bawat sulok ng bakasyunan ay may bahid ng kultura ng ating mga tribo.
LAKBAY SANAYSAY
Ang lakbay sanaysay ay isang uri ng di-pormal na sulatin
Sa sanaysay na ito, madalas makikita ang mga salita katulad ng ako, kami, at iba pa sapagkat ginagamitan ito ng mga panghalip na nasa unang panauhan. Sa pagsulat ng ganitong uri ng sanaysay, ang manunulat ay nagbabalik tanaw sa kanyang mga karasan at dadamin sa paglalakbay sa isang lugar.
Inilalarawan dito ang mismong lugar na kanyang pinuntahan, pati na rin ang mga kaganapan doon.
Maaari rin ibahagi ng manunulat ang kanyang mga natuklasan ukol sa mga naninirahan doon. Halimbawa na lamang ang kanilang uri ng pamumuhay o kultura.
0 notes
healthallied23-blog · 7 years
Link
Paano nga ba makapunta sa barangay Dampalit kung ikaw ay nasa Unibersidad ng Santo Tomas? Sumakay lamang ng dyip sa Central  na may nakapaskil na Gasak Recto at maghanda ng labing-walong pesos. Kapag ikaw ay nasa Gasak na, sumakay ng traysikel at sabihin ika’y pupuntang Pitong Gatang. Mula sa traysikel ay mahigit dalawang oras ang biyahe. Habang nasa sasakyan, siguraduhing mabuti na dadaan sa tulay at sa pagbaba mula nito ay nararapat na kayo’y kumaliwa. Simbahan at daanan ng isang barangay sa Malabon City, maligayang pagdating sa Dampalit! Halina't tunghayan ang iba't - ibang klaseng pamumuhay ng mga tao dito.
Twuing umaga, maingay at puno ng mga tao ang kalsada ng Dampalitnguni’tpagsapitnamanng alas-otsong gabi, mapayapa at malinis ang lugar na ito.  Nagkakaroon ng iba’t ibang palaro sa mga mamamayan at ganito magsaya ang mga bata kapag may pista sa Dampalit. Ilang kabataan sa barangay ay mahigit nagsakripisyona siyang inaasahan ng kanilang pamilya.
Pinaparada ng mga deboto ang estatwa ng ating Panginoon tuwing Biyernes Santo.Ilan sa aming nakuhanan na litarto ay mga batang gumaganap bilang mga anghel na magsasaboy ng bulaklak sa birheng Maria para sa Linggo ng Pagkabuhay.
Panghuli, sayang ang pagdayo mo sa Dampalit kung hindi mo titikman ang espesyal na atsara.
​Mula sa ating unibersidad, paano nga ba pumuntang Taal, Batangas? Simple lamang ito, sumakay ng isang UV Express papunta sa istasyon ng bus. Mahigit dalawang oras ang magiging byahe papuntang Batangas. Pagkatapos naming bumaba, kami’y naglakad upang makarating sa bahay ng aming kakilala.
​Isang oras kaming tumuloy sa bahay ng aming kakilala upang makapagpahinga at kumain ng almusal. Kumpara sa Maynila, tahimik at payapa ang lugar. Presko at malinis ang hangin at hindi gaano kainit.Masiyahin at mababait naman ang mga tao roon. Taos-puso nilang tinatanggap ang mga dumadayo, halos isang buong barangay ay magkakaibigan. Kapag may nagaganap na pagdiriwang, lahat ay imbitado; kahit yung mga sorbetero nadumadaan ay nakikisalo.
​I​sang nirentahang jeep ang sinakyan namin upang malibot ang Alitagtag at Taal.
​Noong araw na iyon, maraming mga turista at mamamayan ang dumalo sa simbahan ng Taal. Marami ring mga nagtinda ng samu't saring mga delikasiya na maaari niyong kainin habang naglalakbay o kaya'y ipamigay bilang pasalubong sa inyong pamilya at mga kaibigan.
​Hapon na nung nakadating kami ng isangbeach resort. Aming pinuntahan ang dalampasigan upang kumuha ng mga larawan bago sumisid.
​Kinabukasan kami ay gumising ng maaga upang makapagbangka at ikutin ang mga isla. Isang-daang pesos ang halaga ng sakay at masasabi naming hindi kayo manghihinayang sa binayad ninyo. Napakaganda ng tanawin at hindi lang iyon, maganda sa iyong kalusugan ang hanging dagat lalo na sa mga dumadanas ng hika. Nalilinis nito ang anumang dumi na nakakasabagal sa iyong paghinga.
​Sinubukan din naming sumisid dahil maganda ang panahon at hindi mainit sa balat ang araw. Nadagdagan lamang ng limampung piso ang aming babayaran para makita ang mga tangrib at iba't ibang uring mga isda.
Maganda ang naidulot ng lakbay na ito dahil naalis ang aming pagod mula sa mga gawaing eskwelahan at kaguluhan ng Maynila. Bagaman mainit ang panahon pagbalik namin sa siyudad, kuntento at masaya kami dahil sa aming karanasan sa Batangas.
Kung ikaw ay nasa Batangas, marapat na ikaw din ay pumunta sa Nagcarlan, Laguna upang bistahin ang kanilang natatanging San Bartolome Parish Church o ang Simbahan ng Nagcaralan. Ito ay itinatag noong 1938 nagawa sa mga simpleng materyales lamang. Ngayon, tumatayo ito bilang isang mahiwagang istraktura. Tuwing hapon, kakaunti na lamang ang mga tayo kaya napakatahimik at mas magiging mataimtim ang pagpanalangin. Pagbaba mula sa simbahan papuntang San Pablo ay madadaan mo ang Nagcarlan Underground Cemetery. Isang sakay ng dyip o trisiklo lamang ay mararating mo na ang lugar. Ito ang natatangingsementeryo sa ilalim ng lupa sa Pilipinas na intinatag ng mga paring Pransikano.
Madaling araw palang, nagtipon-tipon na kaming mga mag-aaral sa aming paaralan at naghahanda para sa aming pag-alis papuntang Baguio. Bawat isa sa amin ay may mga baong maleta na naglalaman ng mga damit, pagkain at mga habilan ng aming mga magulang. Habang nag-aabang ng aming masasakyan, nakapila ang bawat isa ayon sa mga pangkat ang magkakasama.  Nang dumating na ang aming masasakyan, sumakay na kami sa van at pumwesto sa likod kasama ang mga kaibigan. Lumipas ang ilang oras, nakakasilaw ang liwanag na bigay ng araw. Isa itong magandang pagkakataon para makapag-selfie.
Nang makarating kami sa Baguio, dumiretso muna kami sa SM Baguio para kumain. Habang hinihintay naming ang aming mga kaibigan, hindi namin pinalagpas ang pagkuha ng mga litrato sa kagandahang ipinapakita ng Baguio.
Pagkatapos namin kumain at magtawanan, kami ay pumunta sa aming mga pangkat at sumakay na muli savan para pumunta sa Mount Saint Paul Retreat House na matatagpuan sa Pico La Trinidad, Benguet. Pagkarating namin doon, naghabilin ng kaunti ang aming mga guro saka kami hinayaang mag-ayos ng aming kagamitan kwarto. Pagkatapos, nilibot namin ang paligid at nagkuhaan ng mga litrato para maging isang palatandaan ng aming unang araw sa bahay bakasyunan.
Dahil mayroon kaming patakaran na kukuhain ng aming guro ang aming mga gadyet, nilibot muna namin muli ang lugar at sa huling pagkakataon ay kinuhaan ng mga litrato ang mga bagay na makikita naming karapat-dapat ipahayag sa Instagram.
Makalipas ng tatlong araw ng pagninilay, ibinalik na sa amin ang mga gadyets. Sobrang sarap sa pakiramdam ang magbalik loob sa Panginoon. Maraming nangyari, maraming tawanan at iyakan. Isang maganda at makabuluhang karanasan ang nangyari sa retreat house. At dahil ang araw na iyon ay ang aming huling araw sa Baguio, kami ay pinagbigyang mamasyal sa Baguio.
Ang una naming pinuntahan ay ang Strawberry Farm. At dahil kami’y napapaligiran ng mga presa, hindi namin pinaglagpas na kainin ang mga pagkaing naglalaman ng prutas na ito. Pangalawang lugar namanang aming napasyal ay ang Mines View Park. Iba sa amin ay namili ng mga pasalubong at ang iba ay kumuha ng mga litrato.
Sobrang ganda ng paligid. Kay sarap ding mag muni-muni kunwari sabay kuha ng litrato na parang candid shot kuno. Halata naman sa litrato kung gaano namin nilasap ang sandaling pag-ihip ng hangin at ang pagkawili sa kagandahan ng Baguio.Dahil hindi kami makausad sa ganda ng Mines View Park, pati mga bulaklak ay kinuhaan namin ng larawan.
Ang pangatlo at huli naming pinuntahan ay ang Fort Del Pilar. Kahanga-hanga ang mga canyon at tanke na panglaban sa giyera ang makikita sa paligid, talagang puno at makulayang kasaysayan ng Baguio.
Hindi namin malilimutan ang araw na iyon dahil lahat kami ay natuwa sa aming mga napuntahan. Marahil ito ang huling araw namin sa Baguio, sinulit namin ang bawat segundo para bigyang halaga ang kagandahan ng lugar na iyon
Ang Boracay ay isa sa mga magagandang beach at resort dito sa Pilipinas. Kilala rin ito sa ibang bansa dahil narin sa angkin nitong ganda. Ngunit, hindi lamang ang mga palm tree, puting buhangin at nakakamanghang tanawin ang maganda dito kundi narin ang mga tao, pagkain at mga kulturang nakataktak na sa lugar na ito.
Una, ang mga tao.Dahil nga ang Boracay ay nahahati sa iba't ibang istasyon, halos makikita na pareho lamang ang mga tao na aming nadadaanan sa isang araw dahil sa rason na iisa lamang ang daan. Sisiguraduhin naman ng mga taong nagtratrabaho rito na iparamdam saamin na parang nasa bahay lamang ang aming pananatili sa kanilang lugar dahil sakanilang 'hospitality'. Ngunit minsan din ay magsasawa kami sa paulit-ulit nilang pagtanong kung gusto ba namin subukan ang kanilang mga pang tubig na aktibidad. Ang mga pagaalok na ito ay parte ng kanilang kinakabuhay kaya’t mabuti na sundin namin ang payo nila na subukan ang mga aktibidad.
Pangalawa, ang pagkain. Dahil nga na nasa tabing dagat ito, sagana ito sa mga pagkaing nakukuha mula sa dagat. Marami silang pagkain inihahanda na galing sa dagat na siguradong nakakatakam.
Pangatlo, water activities. Dahil nga isa itong beach, siguradong may water activities dito. Tulad nalamang ng parasailing at pagsakay sa isang jet ski, at marami pang iba.
Sa Palawan, bago kami makarating ng Underground river, dumaan muna kami saSabong beach. Angsabong beach ay nagsisilbing pantalan ng mga bangkang dumadaan pa Underground River, dito matatanaw ang mga makukulay na bangka at mga turistang galing pa sa iba’t ibang panig ng mundo.
Habang kami ay naghihintay sa bangkang paparating, gumawa muna akong isang maliit na doodle, subalit makulimlim ang langit sa panahong iyon mabilis lumitaw ang araw at tuloy-tuloy ang byahe papunta ng Underground River.
Pagkarating naman sa beach kailanganmaglakadngkauntiparamatanawangisang lugar na nabibilang sa Seven Wonders of the World na kilala natin bilang Puerto Princesa Underground River. Sa loob ng underground rivermakakakitaritoangestalagmitananakakabuo ng mga imahe katulad lamang ng mala birheng mariana bato, isang krus, isang pamilya at iba pang mga kasali sa ating kultura.
Pagkatapos naming magtanaw sa loob ng Underground River, pwedeng rin maglakad lakad sa paligid ng river. Sa labas naman ay may makikita na maraming kapansin pansin na tanawin tulad lamang ng isa batong nakabalot ng mga punong dahon.
At sa kaunting paglakbay sa likod ng mga bato-bato sa labas ng ilog ay nakatanaw kami ng isang magandang taguan na tila parang kami ay nasa isang canyon na pinapaligiran ng makikislap na bato, at mayroon pang maliit pa na parang palanguyan sa gitna nito.
Ang Batanes ay isang lalawigan sa Hilagang Luzon. Ito ang pinakahilaga sa buong Luzon. Ilang kilometro na lamang ang layo nito mula sa Taiwan. Ang Batanes ay isang kakaibang lugar dahil sa kultura at kalikasang ng kanilang taglay.
Kami ay pumunta sa Batanes sa pamamagitan ng eroplano. Medyo may kamahalan ang pamasahe sapagkat kakaunti lamang ang maaaring maisakay sa isang eroplano dahil sa ikli ng runway sa Batanes airport. Pagkarating naming sa nasabing lalawigan ay agad kaming dumrietso sa Amboy’s Hometel kung saan kami pansamantalang tumira sa loob ng ilang araw. Napakaswerte naming dahil may beach sa tabi na kaming hotel.
Pagkatapos namin magpahinga at mag-ayos ay sinundo na kami ng aming sasakyan upang magsimula nang libutin ang Batanes. Agad kaming pumunta sa Mt. Carmel Church. Masasabi namin na  napakasarap magdasal rito dahil payapa ang lugar pati narin ang paligid nito.
Sunod naman naming pinuntahan ay ang Boulder Beach. Makikita rito ang mga naglalakihang mga bato na sinasabing mahigit isang daang taong gulang na.
Agad naman kaming sumakay ng Bangka upang makapunta naman sa susunod na isla. Dito na namin nadatnan ang napakatanyag na arco sa lalawigan ng Batanes na matatagpuan sa Valugan Beach. Napakaganda dito sapagkat bukod sa likas ito na nilikha, ang arco ay may baybayin pang may putting buhangin na nakapaligid dito.
Isa pa sa tanyag na lugar sa batanes ay ang honesty store. Hindi namin ito pinalagpas at kami ay namakyaw ng kanilang mga paninda!
Sa pamamagitan naman ng tricycle ay agad naman kaming pumunta sa Fundacion Pasita, isang tanyag na kainan sa Batanes dahil sa napakasarap nilang mga pagkaing katutubo
Isa sa talagang hindi naming makakalimutang lugar sa Batanes ay ang Basco Lighthouse. Sadyang napakaganda ng lighthouse na ito at talagang makikita mo ang kagandahan ng batanes kapag naakyat ang itaas nito. Ilan lamang ito sa mga aking mga paboritong lugar na nasaksihan sa lalawigan ng batanes. Kahit medyo may kamahalan ang pamasahe papunta sa lugar na ito, talagang masasabi ko na sulit ang ibabayad namin para rito.
LAKBAY SANAYSAY
Ang lakbay sanaysay ay isang uri ng di-pormal na sulatin
Sa sanaysay na ito, madalas makikita ang mga salita katulad ng ako, kami, at iba pa sapagkat ginagamitan ito ng mga panghalip na nasa unang panauhan. Sa pagsulat ng ganitong uri ng sanaysay, ang manunulat ay nagbabalik tanaw sa kanyang mga karasan at dadamin sa paglalakbay sa isang lugar.
Inilalarawan dito ang mismong lugar na kanyang pinuntahan, pati na rin ang mga kaganapan doon.
Maaari rin ibahagi ng manunulat ang kanyang mga natuklasan ukol sa mga naninirahan doon. Halimbawa na lamang ang kanilang uri ng pamumuhay o kultura.
0 notes
healthallied23-blog · 7 years
Link
Ang Calle Crisologo ay isa sa mga pinakadinarayong lugar sa Vigan. Sadyang nakamamangha ang kagandahan ng mga lumang bahay at kagamitan. Para kang bumabalik sa nakaraan buhat ng mga bahay, maging ang mga modernong kainan ay nakadisenyo ayon sa kalumaan ng kalye. Maaari kang maksakay sa kalesa paikot sa mga magagandang tanawin sa Vigan. Napakagandang kuhanan ng litrato ang kalye sa gabi sapagkat nakakaakit ang mga ilaw at mayroon din silang palabas na tinatawag na “dancing fountain”.
Kapag mahilig ka maglakbay malapit sa karagatan ay maamoy ang sariwang simoy ng hangin, ang Cape Bojeador Lighthouse sa Ilocos ay ang lugar na para sayo. Noong kami ay dumayo sa Ilocos, nagsimula kami sa Norte pababa ng Ilocos Sur, kaya’t isa sa unang naming pinuntahan ay ang Cape Bojeador. Sa aming pagpunta sa Cape Bojeador Lighthouse, naging malawak ang aming kaisipan tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas sapagkat nalaman namin na naitayo ito noong Marso 30, 1892, panahon pa ng mga Espanol sa bansa. Nalaman rin namin na ang ga inhinyero nito ay sina magin pers at Guillermo Brockman. Ang lighthouse ay itinayo upang gabayan ang malalaking barko tuwing gabi at magbigay babala na malapit na ito sa lupa. Isa sa dahilan kung bakit ito dinadayo ng mga turistang tulad namin. Kabilang ito sa listahan ng National Treasures ng National Museum. Ito ang pinakamataas na lighthouse at isa sa mga natitirang Spanish Lighthouses sa bansa. Ito rin ang pinakamadaling puntahan na lighthouse sa Pilipinas.
Nung kami ay nasa Ilocos Norte, matatagpuan dito ang Bangui Windmills na kung saan ay natayo sa tabing dagat. Sa aming pagdayo, naranasan namin ang lakas ng hangin na nag papaikot sa mga windmills, ang pangunahing sangkap sa paggawa ng kuryente gamit ang turbine. Nalaman namin sa aming tour guide na ang Bangui ay ginawa noong 1998 sa tulong ng Danish Government. Nagbigay ito ng 48 million dollars upang maipatayoang windmill. 19 windmills ang unang itinayoat ngayon 49 na ang nakakagawa sa malinis na enerhiya gamit lamang ang hangin. Isa rin sa aming nalaman ay dahil sa proyektong ito, ang bayarin ng kuryente ay bumaba sapagkat kinikonsumo nilang kuryente ay nanggagaling sa 25 megawatts na nagagawa ng windmills. Ang Bangui Windmills ay ang pinakamalaking wind farm sa buong Southeast Asia. Tunay na nakakamangha makita ang mga ito mas lalo na ang kanilang kontribusyon sa pagbawas ng carbon dioxide. kaya’t walang duda na ito ay dinadayo sa maraming turista hindi lamang sa kontribusyon.
Ang Ilocos ay kilala bilang baluarte ng mga Marcos. Tinagurian ito bilang Malacanang sa norte na kung saan ay dito nanirahan ang dating presidente ng Republika ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos. Kasalukuyang dinadayo ito ng mga turista dahil sa historikal nitong mga pangyayari noong panahong naninirahan pa ang mga Marcos dito. Kung ating pagmamasid, kahit na makaluma ang mga kagamitan ay talagang nakakapukaw ng atensyon na makita ang mga ito. Mabuhangin at malawak, ang sand dunes ay isa sa mga pinakatampok na pook pang turista sa Ilocos Norte. Mayroong dalawang sand dunes sa Ilocos norte matatagpuan lamang sa La Paz at Paoay. Kung iisipin mo, kakaiba ang mga lugar na ito kumpara sa madalas nating makikita sa Pilipinas. Imbis na napapaligiran ito ng mga masasaganang puno at halaman, ang sand dunes ay bakante, malawak, at mabuhangin ngunit ito ay nakakabighani.
Gayunpaman, kami ay nagulat ng aming matuklasan na maaaring masilayan ang kabilang daka ng Ilocos norte na puno ng halaman. Sa La Paz Sand Dunes, maaari mo ring masilayan ang Laoag river mula sa tuktok. Para sa hindi malilimutang karanasan, ikaw ay makakasakay sa isang 4x4 upang makita ang kagandahan ng pook. Ayon sa mga taga roon, ang La Paz ay isang malawak na dagat na natutunghayan ang West Philippine Sea. Ito ay may lawak na 85 na kilometro at nagkakaron ng mga sand dunes sa kasing taas sa 10 hanggang 30 na metro. Pareho sa Paoay at La Paz ay makakaranas ka na tinatawag na “sandboarding”. Ito ay isang palakasan na madalas na ginagawa a nga bansa na talamak ang disyerto at iba’t ibang paraan kung paano ka makakapag sand board. Isa dito ang pagupo, ang pinakaligtas na gawain. Ngunit para naman sa mga panahas, maari kang pumuwesto na para bang ika’y nakasakay sa isang surfboard sa tabing dagat. Ilan sa mga paanyaya upang ika’y makakapunta sa Paoay at La Paz Sand Dunes ay una dapat pumunta ng maaga upang maiwasan ang trapik papunta doon.
Pangalawa, may dalawang ekstra na mga damit dahil sa mga lugar na ito ay mabuhangin at puwede kang mabalutan nito. Kung sasakay ng 4x4, siguraduhing kakapit sa sasakyan. Sa kasamaang palad, wala itong seat belt. Hindi rin nagbibigay ang mga tauhan ng helmet, ngunit maaari ka ring pumili ng isang closed up 4x4. Hindi natin maitatanggi na ang Ilocos Norte ay isang paraiso ng Pilipinas. Mula sa mga arkitektura hanggang sa pagkain, talagang masasabi natin na isa itong kahanga-hanga na lugar. Magimpake ng magaan at halina’t pumunta sa Norte.Ang kabiserang lungsod ng Ilocos at ang sentro ng pulitika, industriya at komersyo ng bayan, ang lungsod ng Laoag. Dahil sa mahabang biyahe, mula sa vigan papunta sa lungsod ng Laoag ay gagabihin kami. Aming nilakbay ang mga magkakalapit na lugar na dinadayuhan ng mga turista.
Ang unang lugar na aming dinayo ay ang Provincial Capitol of Ilocos Norte na matatagpuan sa JP Rizal Street. Dahil sa taglay nitong disensyong Neo-classical ay kilala ito bilang sa mga tanyag na lugar ng Norte. Tunay nga namang nakakamangha ang gusaling ito dahil sa kaakit-akit na arkitekturang aming nasilayan. Matatagpuan sa harapan ang Kapitolyo ng Ilocos Norte, ang Aurora Park. Makikita dito ang fountain at estatwa ng pamulinawen na matatagpuan sa taas nito. Matatagpuan din dito ang Tobacco Monopoly Monument na nagsisilbing simbolo sa pagpapalaya ng mga sapilitang pagtatanim ng tobacco. Maraming mga simbahan ang nakapalibot sa rehiyon ng Ilocos. Halimbawa nito ang Paoay Church, San Augustine Church, St paul Cathedral. Dinadayuhan ng mga turista ang mga simbahan sapagkat naipapakita nito ang kagandahan at mayaman na kasaysayan ng Ilocos. Sa dami ng mga simbahan, nagiging mainam na lugar para sa Visita Iglesia na nangyayari tuwing mahal na araw.
Tunay na mapapangiti ka sa sarap dahil sa mga kakaibang putahe na handog ng Ilocos. Hindi kaayon ayon sa ating pandinig ngunit may kiliti sa ating mga labi. Hahanap hanapin mo ang mga pagkaing Ilocos hanggang sa pag alis ay tunay na lasap parin ang kiliti sa mga pagkaing ito.
LAKBAY SANAYSAY
Ang lakbay sanaysay ay isang uri ng di-pormal na sulatin
Sa sanaysay na ito, madalas makikita ang mga salita katulad ng ako, kami, at iba pa sapagkat ginagamitan ito ng mga panghalip na nasa unang panauhan. Sa pagsulat ng ganitong uri ng sanaysay, ang manunulat ay nagbabalik tanaw sa kanyang mga karasan at dadamin sa paglalakbay sa isang lugar.
Inilalarawan dito ang mismong lugar na kanyang pinuntahan, pati na rin ang mga kaganapan doon.
Maaari rin ibahagi ng manunulat ang kanyang mga natuklasan ukol sa mga naninirahan doon. Halimbawa na lamang ang kanilang uri ng pamumuhay o kultura.
0 notes
healthallied23-blog · 7 years
Link
LAKBAY SANAYSAY
Ang lakbay sanaysay ay isang uri ng di-pormal na sulatin
Sa sanaysay na ito, madalas makikita ang mga salita katulad ng ako, kami, at iba pa sapagkat ginagamitan ito ng mga panghalip na nasa unang panauhan. Sa pagsulat ng ganitong uri ng sanaysay, ang manunulat ay nagbabalik tanaw sa kanyang mga karasan at dadamin sa paglalakbay sa isang lugar.
Inilalarawan dito ang mismong lugar na kanyang pinuntahan, pati na rin ang mga kaganapan doon.
Maaari rin ibahagi ng manunulat ang kanyang mga natuklasan ukol sa mga naninirahan doon. Halimbawa na lamang ang kanilang uri ng pamumuhay o kultura.
0 notes
healthallied23-blog · 7 years
Quote
The divine flame of thought is inextinguishable in the Filipino people, and somehow or other it will shine forth and compel recognition. It is impossible to brutalize the inhabitants of the Philippines!
Jose Rizal
0 notes