Tumgik
hindimasabisabi-blog · 13 years
Text
"Gawa ka na rin ng lovestory mo." =)))
"Gawa ka na rin ng lovestory mo." =)))
Nagbabasa ako ng blogs dito sa Tumblr tungkol dun sa mga kwento nila sa kanilang pag-ibig. Nakakainspire. Ang sarap basahin. Nakakatuwa na kahit parang hindi pa lampas ng 18 eh nahanap na nila yung sobra nilang mamahalin at magmamahal sa kanila. Yung tipong pang forever na. Mejo old-school ata ako? Naaamaze lang kasi ako dun sa mga magkarelasyon na strong kahit pa nung highschool days lang sila nagstart nung karelationship at hanggang sa magcollege sila eh, sila pa rin. :)
Tinext ko yung friend ko na nagbabasa nga ko at nireplyan nya ko ng, "Gawa ka na rin ng lovestory mo." =))), ganyan, alam ko pa-joke nya lang yan Sinasabi, pero ewan ko, tumatak kasi sa'kin eh. May crush kasi ako ngayon kaya nya ko tinutukso ng ganyan, pero ewan ko kahit alam kong joke lang sa kanya, may impact talaga sakin eh. Dahilan pa nga at nakakapaglagay ako dito. Kakaiba yung na-feel ko pagbasa ko nyan, swear.
I've been single since birth (Ohyeah, NBSB). Minsan, nafifeel ko maging masaya ng single, minsan naman parang feeling ko, masaya yung may boyfriend. Hindi naman sa walang nagkakamali (nanliligaw), meron naman, sadjang ewan ko lang at ayaw ko pa. Siguro kasi, naranasan kong masaktan and/or kagaya ng sabi sa'kin ng kabarkada ko, tinutulad ko daw lahat ng lalaki dun sa tasong sobrang inakala kong sya na. Sya yung pumalit kay  J nun, nasaktan ako kay J, oo pero ewan mas nasaktan ako kay M siguro kasi umasa ako at nagtrust agad. At siguro dahil hindi ko dinibdib masyado yung kay J nagkaaminan lang kasi, di sya nagtanong. Si M kasi, nagtanong. May nanliligaw after ni M pero siguro sobra nya kong nasktan kaya ang lagi ko nalang dahilan, "Wala kasing spark, eh." ayos diba, SPARK? HAHAHA :| pero siguro, sobra akong kilala nitong kabarkada ko at kinokontra nya ko. Sinasabi nya na dahil lang daw yun kay M na sobra akong nasktan at feeling ko raw eh lahat ng lalaki kaya ganun. Sabi rin nya, gusto ko raw talaga si M kaya ganun. 'Di ko raw matanggap.
Sa totoo lang, hindi ko talaga alam eh. Hindi ko alam kung sobra lang akong nasaktan. Hindi ko alam kung yung spark ba talaga yung hinahanap ko. Hindi ko alam kung sobrang gusto ko talaga sya at kahit nasaktan nya ko eh sya pa rin talaga yung gusto ko o hindi ko alam kung takot na lang tong nararamdaman ko. ayokong maging takot tong nararamdaman ko, kasi hindi ko alam kung hanggang kelan to. Mahirap kasing kapag dahil sa takot to, tapos may dumating at triny kong i-conquer yung fear ko at ganun uli ang mangyayari, siguro di na ko uulit pa. mahirap masktan.
Gusto kong makilala yung taong magpapaalis dun sa kinatatakutan ko. Gusto kong makilala yung taong maglilinaw sa mga hindi ko alam. Gusto kong makilala yung taong magpapatunay na hindi lahat ng lalaki ay magkakapareho. Alam kong totoo yun, pero takot akong patunayan.
1 note · View note
hindimasabisabi-blog · 13 years
Photo
kimpoyfeliciano:
11/11/11 
Tumblr media
5K notes · View notes
hindimasabisabi-blog · 13 years
Text
Natuto kasi agad ata ako?
Dati kasi, nung bata-bata pa 'ko. (Nagmukha naman akong sobrang tanda. Basta, teenager pa rin ako, okay?) May unang lalaking nagpatibok(?) ng musmos ko pang puso. OHA ang drama lang =))). Hindi kasi ako sure kung nagpatibok ang tamang term eh. May parang nagka-gusto sakin nun. Si J, sabi nya may gusto raw sya sakin. Ganun ganun, dahil bata pa ako, feel na feel ko naman yun =)) pero hindi yung todo todo na na-fall na agad ako. Mind over heart ata ako eh?
Kabarkada ko si J. Sabi nya, gusto nya ko. Ewan, naging close kami. Yung sinabi nyang 'yun sakin, walang nakaalam sa barkada ko. Yung bestfriend ko lang na hindi ko naman kasama sa barkada. Hindi nga kasi ako open sa kanila eh. Hindi ko alam kung tama ba iyon o mali.
Tinago ko iyon sa sarili ko lang. Tapos, nalaman ko nalang sa isa kong kabarkada na babae na umamin rin daw si J sa kanya. Nagulat ako. Natigilan ako bigla. Hindi ko alam ang dapat irereact ko. Gara, diba? Hindi naman kami pero ganun ako makareact. Pano kasi, sinabi nyang mahal nya daw ako. Nabasa ko sa text nya sa bestfriend ko. Hati yung nasa utak ko eh. Yung kalahati, umaasang totoo. Yung kalahati, hindi naniniwala. Si J kasi, cute. May itsura, tipong crush ng bayan. Oo, ganun sya. Maraming nagkakagusto at nalilink sa kanya sa school namen. Factors rin yun kaya siguro di buo yung isip ko na maniwala. Hanggang sa nalaman ko yung kwento sakin nung kabarkada ko. Dun ko lang naisip na, "Ah. Buti nalang nag-isip ako. Buti hindi ko tinake seriously yung sinabi nya. Buti nalang." Oo, natutunan ko yan. Eto ata ang puno't dulo kung bakit hindi ako ganun kadali mag-trust lalo na pag sa ganitong bagay. Siguro kasi, natuto agad ako.
Masaya rin ako kasi, close kami ng mama ko. Sa kanya, napakatransparent ko. Sa kanya nasasabi ko lahat. Walang pretentions. Kung hindi dahil sa kanyang mga sinasabi, siguro maaga akong nahulog sa mali. Ewan ko lang
3 notes · View notes
hindimasabisabi-blog · 13 years
Text
Matagal na rin.
Matagal na rin. Oo, matagal na rin talaga simula nung huling post ko dito. Alam ko, ginawa ko 'to para pagbuhusan ng lahat ng gusto kong sabihin. At oo rin, tungkol halos sa ~l0Ve~ HAHAHA ganun kasi yun. Ganun kasi ako. Hindi ako transparent na tao na tipong alam ng lahat na crush kita. Oo, pagkakacrush ko lang sa isang tao eh ikinakahiya ko pang ipaalam sa iba. Siguro kasi, hindi ako handa sa maririnig ko. Hindi ako handa lalo na, sa magiging reaksyon nung mga tao sa paligid. Pati na rin mismo sa iisipin ng crush ko. Oo, ang arte ko diba? Malamang, iniisip mo "Ako nga, alam ng crush ko na crush ko sya at wala lang naman eh." or "Sus, para crush lang. DI na dapat itagao yan. Normal naman yan eh." Pero, para kasi sakin, big deal yun. Oo BIG DEAL para sakin na malamn ng crush ko na crush ko sya. Ayoko kasing inaasar tapos di naman ako makatanggi kasi nga, crush ko sya. At alam nila. Caught off-guard kumbaga.
0 notes
hindimasabisabi-blog · 13 years
Text
11 ways to forget your ex-boyfriend
Oo, alam ko, wala pa kong nagiging ex. Pero sobrang na-hurt, siguro di naman na-hurt. Naiyak lang kasi ako dito. Ewan ko kung bakit ganun ung na-feel ko. Siguro kase, hindi porket wala ka pang ex eh di mo na mafee-feel yung mga ganyang bagay.
Actually, story 'to from wattpad (Here's the link : http://www.wattpad.com/1142028-11-ways-to-forget-your-ex-boyfriend )
Ang ganda nung story :)
0 notes
hindimasabisabi-blog · 13 years
Text
Sana..
Ganito kasi iyon, may nagugustuhan akong tao. Sige, crush muna. May crush ako pero, sa susunod ko na "ipapakilala". Ngayon, madalas na rin kami nagkakatext pati nagkakachat. Hindi naman sa naguguluhan ako pero parang ganon na din. (ISANG MALAKING HAHAHAHA!) Hindi ko alam kung "may kakaiba". Yung sense na sa iyo lang sya ganon. Ayokong mag-isip ng kung ano pero kasi, crush ko sya eh. Tingin ko, likas naman un na mag-isip ka rinng ganon sa crush mo, tama diba?
Ngayon, nakatanggap ako ng text galing sa kanya. Sa tingin ko, GM 'yon. Sana para sa akin lang talaga 'yon. Kung GM man 'yon, sana tungkol sakin din yun. Sana ako yong tinutukoy dun. Sana  gusto nya rin ako(?)
Mukhang madrama lang ako ngayon.
0 notes
hindimasabisabi-blog · 13 years
Text
Una
Una. Hindi ko kasi malaman kung ano ang ipopost ko dito. Hindi ko pa masimulan eh. Siguro, ilang araw, mapupuno ko na rin ito. 
kasalukuyang umuulan ngayon at gusto ko iyon. GUmagaan loob ko pag umuulan. Hindi ko alam pero iba ang saya kapag may ulan. Haaaay :)
0 notes