honey10393
honey10393
honey: dating italiananghilaw
44 posts
nabura ko yung dati kong blog pucha
Don't wanna be here? Send us removal request.
honey10393 ยท 3 days ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Attempt to blog again.
Today I felt the need na aliwin ang sarili ko. Linggo ngayon at wala akong lakad. Pakiramdam ko tuloy napakaloser ko kapag weekend tapos wala akong group na go-to na imemessage kung ano ganap, especially MFW. Parang nakakafomo lang talag ang life, eme.
Kaya naman pinush ko na aralin mag calisthenics.
Actually nagstart talaga yan dahil summer na at hindi ko pa nakukuha yung ideal bodyweight at figure ko. Sobrang hirap kasi ako magpigil sa sarili ko when it comes to food. Lately nalang talaga ako nagpush talaga na maghanap ng mga papalitan ko sa diet ko kasi, alam kong mahihirapan akong tanggalin ang carbs kaya bumili nalang ako ng complex carbs. Napakaconscious ko sa katawan ko. Pakiramdam ko ang taba ko, ang bigat ko, naiinitan ako ng sobra, tapos syempre napakaikli ng damit ko para presko...tapos makikita ko na ang taba ko lol. Kaya naman talagang nadown ako lol.
So yun nagstart don. Kaya wala na rin muna kaong paki sa fashion week, hanggang sa nakita ko nanaman yung mga events, so fomo nanaman ako. Kaya talagang lets go, hindi na pwedeng ganito na scroll lang tayo ng scroll, tara na sa Decatlon ganern.
Sobrang sarap sa pakiramdam kasi 1 hr din ako trial and error, kasi mahirap naman talaga eh lol. Masasabi ko lang sobrang sarap pala magworkout sa labas ngayon!!! Sobrnag proud ko sa sarili ko, kasi parang kahit sa 1 oras na yon, may progress na kung baga. I'm excited!!!
1 note ยท View note
honey10393 ยท 5 days ago
Text
Dumating na citizenship ko!
Sobrang unexpected nugn pagdating ng confirmation ko ng citizenship kahapon. Nasa water park kami, tapos biglang may dumating daw na sulat sa bahay. Feeling ko talaga yun na yun, pero kinabahan ako kasi wala man lang mga notifications online at emails. Talagang sulat lang ang dumating kaya naman mejo kabado ako. Tas yun nga confirmed na!
Sobrnag happy nilang lahat, parents ko, si Jo, friends namin. Actually ako din naman. Hindi ko nga alam kasi ilang years at months ko na rin 'tong hinihintay. Siguro ko kala ko talaga mas magiging excited ako lol. Hindi ko alam, baka hindi pa nagsisink in, baka buffering pa.
Siguro I had expectations, I had deadlines along with this citizenship. Para bang sign na itu. I promised myself na kapag may citizenship na ako, pwede na akong magapply abroad and probably that scared me. Na new era na talaga 'to, ilang months na rin akong stable lang. Excited ako yes, pero mas aware ako sa mga changes. Or baka din takot ako na madami akong expectations pero wala naman talagang pagbabago. LOL.
Ewan ko ba dito sa overthinker brain ko, ang alam ko lang, finally the wait is over!!!!
0 notes
honey10393 ยท 2 months ago
Text
When life gives you tangerine
Antagal ko nang nababasa everywhere; nakakaiyak daw sobra, nakakarelate, kaya sobrang taas din naman ng expectation ko na maiiyak ako ng bongang bongga. Kaya dalawa lang talaga ang pwedeng risulta, o bonggang bongga din akong madidisappoint o minanifest ko nalang talagang maiyak ng sobra.
Turns out, sobrang ganda pala talaga.
As someone who worked in production, talaga naman I really picked on the details kasi I know the hard work behind the scenes. I appreciate the casting, the location, the set design, the costume...lahat. Kaya naman first episodes palang, ay talagang bongga! At true naman pala talaga 2nd most expensive kdrama for now sya.
Pero bukod sa lahat ng aesthetics, yung story talaga ang nagdala.
Panganay ako na apo ng angkan ng lolo ko, only daughter ako ng pamilya ko, kaya naman kayo nalang magimagine kung gano kalaking pressure yung naramdaman ko nung nagdadalaga ako.
As someone (nanaman) who grew up in Italy, I took that pressure as a negative thing. It almost felt like a huge responsability na you know, to become someone to be proud of. I questioned it a lot but I've never pinpoint kung bakit? Kasi sa totoo lang, hindi naman talaga sobrang laki ng expectations ng parents ko non sakin, sakto lang ba.
Ngayon alam ko na...parang internalized naman pala. Normal pala yun, I felt validated and I felt seen. All this time I went against it, I romanticised the artists' lifestyle, passion kung passion. Lakas pa ng apoy ko non eh, never ako though nagkaron ng why. Reason why. Bakit nga ba? Bakit sobrang laki ng gusto kong patunayan.
Wala naman pala talaga.
Parang sobrang laki lang pala talaga ng respeto ko sa pamilya ko, na gusto ko silang maging proud. Gusto ko na mapakita na meron naman talagang sense lahat ng pinagpaguran nila. Actually parang mas naintindihan ko talaga parents ko after netong drama na to.
Hindi ko na iisa isahin yung mga scene, ang alam ko lang every episode umiiyak ako.
0 notes
honey10393 ยท 4 months ago
Text
Ilang years na akong hindi nakakauwi ng Pinas, magpipitong taon na rin. Maliwanag parin sakin yung mga memories, yung bahay, yung almusal sa balcony, yung kalye...pero madalas halos hindi ko na maalala yung closeness ko sa mga tao na naiwan namin don.
Simula nung nawala yung lolo ko at tita ko, na sobrang dikit sakin, halos nakalimutan ko na magconnect sa mga taga saamin. Hindi ko nga alam, parang ngayon ko lang din napansin, ngayon na nawala yung tito namin.
Hindi ko sya close, hindi ko din sya masyadong nakasama noon sa Pinas kaya halos hindi ko alam kung pano sya tatawagan noon buhay pa sya. Tangina nga, siguro mas ok kung tumawag nalang ako.
Anyways, ang point ng pagsusulat ko e yung natatakot akong masyadong madetach sa pinas, sa vargas, sa hometown ko. Ayokong isipin na pasyalan, at bakasyon lamang ito. Hindi ko alam, siguro naging busy lang din talaga ako, siguro gusto ko lang magpayaman, o ewan ko ba, hindi parin naman ako mayaman, kaya naman, siguro...siguro natakot lang din ako. Natakot, nahirapan magexist sa both worlds. Sobrang overthinker na nga ako para isipin ang present, isipin mo ba naman ang 2 present, char.
Siguro mataas lang din ang feel....putangina, ngayon ko lang nagets talaga yung we act as what we think people think of us. Ano daw?? Gets nyo ba???????
Pakiramdam ko mataas ang expectation nila sakin kaya takot ako umuwi ng walang napapatunayan. Although, wala naman award night kung uuwi man akong walang napatunayan amputa.
Tangina HAHAHHAHAHAHAH
0 notes
honey10393 ยท 5 months ago
Text
New Year, New Kind of Pressure
Okay naman na ako the last few years na hindi binibigdeal yung bagong taon, na gawin lang na normal na araw. Walang expectations, walang eme. I had my old job, go with the flow lang, parang inaccept ko nalang non na wala namang time for any changes, any new hobbies, anything char. At wala ding budget actually, kaya ganon nga. At ano nangyari, I spent the year, existing, counting days, living through the anxiety of my job, the "depression" that came along with it. Hanggang sa, I quit.
Luckily another new job immediately found me!
Now I'm back in Bergamo, I live with my family again and I have more time and mental capacity to try new hobbies, fund some of my passion projects. Kaya ko na magtravel, kaya ko na ulit magset ng goals.
And here it goes, I think I fall into a trap nanaman nang anxiety with the new year. Syempre hindi na rin ako bumabata, I feel like sobrang late ko na mga long-term goals ko noon. Parang pumetiks ako ng sobra, parang I'm such a fucking failure.
Ayun, my period skipped again, I felt so down na hindi bumababa yung kgs ko kahit puro gym ako. Sobrang nakakasad talaga!!!!
Hays I think I will start blogging again para maovercome to.
1 note ยท View note
honey10393 ยท 8 months ago
Text
ang hirap pala talaga magumpisa uli, lalo na kung wala kang naging pahinga...
nagstart ako agad ng bagong trabaho na remote, as a graphic designer as soon as nakaalis na ako sa dati kong trabaho. it was both a blessing and a challenge since I got burnt out from my recent job. nakatulong na remote job sya, pero pakiramdam ko confusing din kasi parang naka bakasyon ako pero wala naman talagang pahinga.
since it's a graphic design job, naninibago din talaga ako kasi parang rusty na yung skills ko, parang kinailangan magstart softly para makapagtrabaho ng maigi at mabilis.
sobrang grateful ko kasi hidni ako nabakante, kasi pakiramdam ko sobrang boring kung agad wala akong work, pero at the same time, sobrang bilis ng mga pangyayari. wala pa kasing 1 week mula nung nagresign ako so talagang mabilisan ang lahat.
andami ko pang aayusin sa bahay pero walang time at energy kasi gusto ko lang talaga magrot sa bed huhu
0 notes
honey10393 ยท 9 months ago
Text
Dear self,
I am proud of you.
0 notes
honey10393 ยท 9 months ago
Text
Dear self,
Mag-resign kana...
Hindi ko alam kung paano ka nakakatagal sa current job mo, but as everyone can notice, even you, hindi na 'to healthy.
Unfortunately, months mo palang na internship sa trabahong yan, umiiyak kana. Alam ko may mga naging rason ka, may mga moments na masaya ka, fullfilled ka, pero ngayon ba? Ano na?
Weekly kanang umiiyak dahil sa pagod, sa anxiety, sa mental breakdowns. Hindi na sya quirky at hindi na nakakatuwa. Ubos kana, ubos na energy mo. Hindi mo na mababalik mga months at years mo na itatagal mo pa jan. You've done your experience, and you've grown a lot, pero tulad sa mga relasyon na toxic...bitaw kana.
Hindi mo maayos ang work culture sa trabaho nyo, hindi sya overnight na pag-babago. Apat nga na taon, ganon parin trato nya sa mga katrabaho mo, san mo ibabase na may pag-asa pang magbago...
hindi ka valued correctly
unpaid ang extra hours at extra responsibilities mo
sexist at manipulative ang boss mo, plus racist pa
nang bobody-shame
I know, nahihirapan ka kasi takot ka sa uncertainty, sa pag-babago...sa unemployment. Pero ganon talaga, kung hindi ka bibitaw hindi mo marerealize kung gano pa kalaki ang mundo. Marami pa tayong hindi nakikilalang tao, marami pa tayong network na hindi mo pa namemeet.
Hindi worth it, hindi na worth it.
Bitaw na. Like what happened before, what is meant for you, will simply find you.
0 notes
honey10393 ยท 11 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Well-rested :)
This weekend, talaga sinulit ko muna magstay sa bahay sa Bergamo. I mean kahapon, I went out para ireturn yung mga binili ko online na hindi ko naman type yung fit. Pagdating ko sa bahay kararating naman ng parents ko nagsundo ng mga balikbayan kong mga lolo't lola galing Pinas. Ayun, para kaming bata uli na nagopen ng maleta, naghanap ng mga pasalubong, kumain.
Sinubukan din magdrive nung pinsan ko at mother ko. Saya lang hmp. Napakain kami sa labas bigla kasi baka di magustuhan ng jowa ng pinsan ko yung ulam kagabi, hindi man lang pinatikim, hmp.
Today naman naggym kami ni Mama tapos nag afternoon nap ang lahat nakakaloka. Ang sarap, antagal na din mula nung last akong walang gala ng weekend tapos ganon lang na nap tapos kain nanaman kila lola ko. Tumulong din ako kasi pano ba naman walang tumutulong sakanya, pagod pa yun sa flight uy.
Sobrang grateful at thankful ko lang talaga sa weekend na to, solid na pahinga, well-rested hihi.
2 notes ยท View notes
honey10393 ยท 1 year ago
Text
Day 1 of daily (?) blogging again...
Matapos ko panooring yung spin off ng Bridgerton about the queen, hindi ko na alam ang gagawin ko. Para bang buong buhay ko na kasi the past year, nakatutok sa either lovelife or trabaho ko. May time ako kanina para magmeditate, magyoga, magstrecth konti, pero wala. Para bang naubos lahat ng willingness ko alagaan ang sarili ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula...ayokong isipin kasi na yung future unemployment ko ang solusyon sa mga problema ko.
Oo, kapag nakapagresign ako, mas may oras na ako para sa sarili ko, sa hobbies ko, sa workout, pero wala akong pera. Sarap sana iromanticize pero nakakatakot yung fact na baka months pa bago ako makahanap ng trabaho...at imbis na mainspire ako, magrorot nanaman ako kasi madedepress ako. Pero okay, let's not say na hindi naman ganon kagrabe.
Pero ang point ko is, I have to start somewhere. Hindi ko dapat hintayin magresign, dapat magstart ako ngayon o bukas.
Ang hirap kasing maging adult, parang kelangan lumabas ka, makipagsocialize, pero dapat healthy ka din kasi hindi ka na bumabata, tapos pati skincare, pero pati career, importante din, pero nasa point ka na rin na wala ka nang paki sa social expectations. Pero hindi ko alam...nakakapressure, nakakapagod, nakakaovewhelm, na gusto mo nalang bumalik sa summer days na kung saan okay lang ang lahat.
0 notes
honey10393 ยท 1 year ago
Text
Idk if this has been done yet-
Tumblr media
19K notes ยท View notes
honey10393 ยท 1 year ago
Text
Gano ba kahirap maging jobless?
Isa taon at 2 buwan na ako sa trabaho ko, ganon katagal na nagtitiis sa low salary, hindi bayad na sobrang daming overtime.
This month, napagdesisyonan ko na hindi ko na kaya. I reached my limits. Ayoko na sa treatment nila, wala na akong paki kung uuwi ba ako ng Bergamo o pagkakasyahin ang natitira kong pera bago makahanap ng trabaho.
Antagal bago ako makapagdecide kasi, wala, after all I don't hate my job. I don't enjoy it often but I don't despise it. I hate the bad treatment, the injustice, the pressure. Hindi ko na kaya. Ayoko na. Para syang toxic na jowa na tangina, tama na. Hindi ako pinagaral ng mga magulang ko para tratuhin ng ganon at magkaron ng trabaho na mas mahirap pa sa sitwasyon nila.
Oo sige, pinili ko yung ganito, yung industry na to, pero pakshet...hindi ko deserve yung ganon na trato.
Ayoko na.
0 notes
honey10393 ยท 2 years ago
Text
Bakit gusto ko mag-stay:
I have grown a lot during the past few months and I know how much more I can grow for the next years
It's challenging and out of my comfort zone
The agency's vision and standard are undoubtedly high and I am still amazed and still got a lot to learn from it
Cool projects
I've earned my position and I have worked hard to get their trust
I think I have proven myself enough
I feel honoured when I feel seen
Travel for work
I have a good relationship with my team, they are understanding and very appreciative
Why do I wanna leave
Extra hours aren't paid
Sometimes, I feel like I have so many responsibilities for what I am paid for
My life revolves around my job
I often spend around 10 hours in the office every single day
I have less time for myself and my loved ones
I miss my freedom by doing remote work
I feel like I have a lot of skills that has gone wasted by now and feel like I could earn more by using them
I miss graphic design and communications
I wanna clock out at 6pm
I wanna have time for my self
I wanna start saving for my future and earning more
0 notes
honey10393 ยท 2 years ago
Text
Next job fundamentals:
hybrid or at least 1 day remote a week: i missed my freedom, i missed getting work done from afar, at homeor anywhere else. Gusto ko at least 1 day remote para may time naman ako umuwi ng Bergamo o magtravel if ever.
paid extra hours: hindi ako volunteer
creative: I wanna create things, be the brain of the project and/or be part of the execution of the design (graphic design, art direction please!!)
professional and humane co-workers and employer: okay lang sakin kung hindi kami close, basta respectful sila at professional more than okay na
buoni pasti
Must-be-nice:
13-month pay: sarap kaya ng may bonus
able to travel for work: i loveeee traveling!!!
free lunch & snacks at work
gym at work
0 notes
honey10393 ยท 2 years ago
Text
Re-define the direction
Kung mababasa nyo the past few posts ko, sobrang tagal ko nang stressed sa trabaho. Noon akala ko masasanay lang ako, lilipas din yan, pero the more nagsstay ako, the more I get stressed and burned out. Actually hindi lang stressed ngayon, mas naiisip ko na ayaw ko na magstay dahil nagbago na values at work ethic ko. Totoo naman kasi ang sinasabi nila, hindi ka mapapakain ng passion kung kuripot ang boss mo, eme.
Naniniwala ako na nasa umpisa palang ako, I am still growing at wala pa ako sa posisyon na magyabang at makahanap agad ng trabaho once na aalisan ko yung trabaho ko. Alam ko kasi na ang fashion industry is a pain in the ass. Hindi ko nga alam kung bakit eto pa gusto kong tahakin.
Pero naniniwala ako na may laman na ang baggage ko, marami ng experience, at naniniwala ako na deserve ko ang basic human rights, eme. Pero totoo nga, nakakatakot man siguro pero kelangan ko na magquit. O no? Ewan huhu.
0 notes
honey10393 ยท 2 years ago
Text
lately hinid ko na din talag aalm gagawin ko sa buhay ko. sobrang nakakaron na ako ng crisis kasi nagtatalo yung gusto ko gawin sa buhay ko at yung reason why ko against pagiging praktikal.
naiinis ako non kapag napagsasabihan ako ng parents ko na maging praktikal pagdating sa trabaho, pero never ako nakinig kasi ayaw ko maging katulad nila na hindi man lang sinubukan yung industry ko an pinangarap kong tahakin. at eto na nga ako, nagtratrabaho sa isang creative agency na puro shooting ang pinag-gagawa. kung tatanungin ako last year, eto naman talaga ginusto ko eh. halos lahat ng pinangarap ko na position, nandito. iba naman kasi kapag nagawa mo na, nasubukan mo na, at the more naeexperience mo, the more narerealize mo kung para ba sayo o ano.
lately what i do in the office doesn't spark joy anymore, sobrang bigat na sa pakiramdam, hindi na magaan sa loob. hindi ko din alam, parang pakiramdam ko kasi porket ginagawa ko lahat, parang natatake advantage ako...
minsan naiisip ko din naman, self-reflection ba, hindi naman ako feleingera, alam ko naman at grateful ako dahil sa trabaho ko ngayon, i've experienced and live alot of extraordinary situations. sobrang thankful ako don.
minsan lang talaga hinid ko na alam, hindi ko alam kung gusto ko pa 'tong ginagawa ko, hindi ko alam kung hinid ko na gusto, hindi ko alam kung bakit, kung bakit pa ako nagsstay, hindi ko alam kung yung reason why noon e nanjan parin, hindi ko alam kung dahil ba 'to sa edad ko na hirap na akong magipon, hindi ko alam.........SOBRANG NAKAKAIRITA...
0 notes
honey10393 ยท 2 years ago
Text
hello, it's me again, maglalabas ng sama ng loob.
sobrang nakakastress netong last namin photoshoot. siguro kasi nga i felt responsible of the lack of information among the members of the team. parang sobrang lumaki ang problema dahil dito...
siguro para hindi ako maguilty, hindi ko nalang talag pinansin mashado pero kung tutuusin takot pa akong bumalik sa lunes...
hindi ko alam kung malaki ang impact neto sa future position ko sa office pero sakin, naging malaking lesson neto...hindi ko talaga alam kung para saan ang post neto lol.
i feel tiredness. tiredness physically, mentally, lahat na. hindi ko alam kung para sakin ba ang trabaho na to o kung gusto ko na ulit lumipat ng trabaho, pero actually, hindi ko din talaga alam kung san pupunta if ever...alam ko lang na napakaconsuming, at hindi ko alam kung kaya ko bang tumagal pa. pwede din siguro magtanong ako ng ibang position, pero parang wala namang ibang position na bakante sa loob...ewan hays.
1 note ยท View note