introverthom
introverthom
jom - timing's worst enemy
955 posts
born on '97, civil engineer, and (still) loveless
Don't wanna be here? Send us removal request.
introverthom · 3 months ago
Text
Ayaw ko sanang maging stagnant sa career ko in terms of salary and benefits.
Shet, 3 years and 10 month na ako sa work ko ngayon. And I am still below market value emerut. Yung lifestyle ko kasi, napaka-mahal (Food lang ako magastos sa true lang.) Nauubos pera ko sa utang. That is my fault, truly. Pero hindi na maka-keep up yung sahod ko sa economy na ito.
Tunog reklamo at excuses itong mga ito, pero it goes for everyone siguro. Hindi natin deserve yung "ganito" lang. Lahat ng presyo tumataas, pero yung sahod natin, hindi. Idk. Nasa maling industriya lang kaya ako? Maling kumpanya (I like my team, I don't find what I do too difficult yet, but their benefits and pay sucks)?
Tapos yung job market ngayon, sobrang hirap!! Hindi ako makahanap ng pwedeng lipatan, kasi walang nagte-take ng chance sa akin.
Or... am I making excuses again? Kulang effort ko?
But I soaferrrrr pray that I get to where I am supposed to be soon. I want to be able to give back to my parents without sacrificing too much for my needs (hindi naman kasi sila humihingi talaga. Reason is "nagtratrabaho pa naman kami, tsaka mas kailangan mo pa iyan". I am privileged enough to have parents like mine). I want to be able to travel without thinking about how much it will cost me, and how long it will make me pay for everything. I want to be able to live life without thinking I don't have enough to pay my bills. I want to start saving for my future - be it for a family or for investments.
Alam ko bata pa ako. Pero fckkk I can't help but crave for more, kasi I know deserve ko ang best for me.
lol wala lang sana walang ma-offend. Adulting is freaking hard.
0 notes
introverthom · 2 years ago
Text
I'm what's stopping me from dating. Too much of a coward to message bumble matches. Hindi pa nakakatulong yung pagse-self sabotage ko.
Ganda ko raw, pero walang jumojowa sa akin. Baka di lang talaga ako marunong lumandi o mag-first move. Or maybe, I'm not good enough to pursue. O baka naman wala talagang taong interesado sa akin.
Idk di naman dapat minamadali pero I long for it. So much. To have and to love someone. Inggit lang ako pag naglalandian yung kapatid ko at yung jowa niya haha
Marami pa akong insecurities. Maybe I should learn to love myself first. Iyon pa lang ang ini-improve ko sa sarili ko.
Share ko lang
7 notes · View notes
introverthom · 3 years ago
Text
You know how one information can ruin everything you've built up in your brain? Like our cousins having a sibling from another mother. And she is 14 years old. Yung youngest sa magkakapatid, 22 na.
It blows my mind on how it all make sense now. Yung mga biglang uwi niya dito sa Pinas, as in random na uwi. How I never really felt my tito's presence. How distant their parents were to each other. How I saw my tita's relationship status back in the 2010s was set to "It's complicated" instead of "Married". I almost forget na may papa sila sa dalang ng pag-uwi niya. I just thought he didn't have the time to go home, o kaya hindi siya pinapayagang umuwi. Baka umuuwi sa iba?
Well, idk the real story. All I know is that, hindi mo tunay na alam ang pinagdadaanan ng mga tao dahil sa lagi mong nakikitang masaya sila. Bawat isa sa kanila, sa pamilya ng tita kong iyon, may pinagdadaanan talaga. Hays.
4 notes · View notes
introverthom · 3 years ago
Text
SuperShow 9: The Road in Manila
Woah. Just woah. Natupad ito dahil kay Tita GG. Siya sumagot ng kulang namin ni Jau for VIP Tix. Shet. Sheeeet.
Kaso, si Siwon, nag-positive sa COVID 3 days before concert date.
Okay lang. May next time naman, sabi ko.
Then Hyukjae lost his father on the day of their flight to Manila, the day before the concert date.
Pighati. Para kay Hyukjae, at sa pamilya ng Super Junior. Hindi mo aakalain na mangyayari iyon. Walang may gusto sa nangyari. I woke up with that news noong araw ng concert. I cried for Hyukjae and his family for their grief and loss.
Nag-announce ang Label SJ na pinag-uusapan nila ang mangyayari sa concert. Nagpush pa rin kami ni Jau na pumunta sa MOA Arena. Marami pa rin ang nagpunta. Halata sa mukha ng bawat fan ang lungkot at pagka-ulila. Alam mong malalim ang bond ng idol at fans kapag nagtitipon pa rin para sumuporta, kahit gaano ito kasakit. May ilan na galing pang Visayas, Mindanao, at iba pang bansa para sumuporta, kahit walang kasiguraduhan sa kung anong mangyayari sa araw na iyon.
Nasa EDSA Carousel Bus kami ni Jau, en route to MOA, noong sabi ng SJ Label na hindi matutuloy ang concert. But instead, the rest of the members of SJ wanted to meet us personally.
Ewan ko rin e, kung bakit nagtuloy pa rin sila sa flight nila dito. Halata sa airport pictures na may mali noong araw na iyon e (wala pang may ideya sa kung anong nangyari ang mga fans). Dumating pa rin sila, Leeteuk running towards their anxious fans.
Super Junior didn't have to face us. But they personally wanted to apologize to us. Kasi hindi raw natuloy ang concert. Hagulgol mga mhie. Tipong gusto mong yakapin ang bawat isa sa kanila dahil sa lungkot na nararamdaman nila. And they sang 3 songs for us, yung ballad songs na nasa setlist: My Wish, Callin', at More Days With You. (These songs will always remind me of SJ's love to us.)
They didn't have to sing for us, but they still did.
The concert wasn't canceled. It was only postponed. Magagamit pa namin ang tickets namin sa rescheduled date. Wish pa ni Leeteuk na sana 2 days na raw ang concert haha. Grabeng sakripisyo niyan. Lalo na sa nag-organize. Pero grabe din ang pagmamahal ng organizer sa Super Junior, e. Anything for them. Anything for us.
Halata mo sa kanila na mahal nila kami. Hindi ko ito naramdaman sa kahit kaninong celebrity o idol.
Almost 3 years pa lang akong fan, pero grabe na ang pagmamahal ko sa kanila.
Hindi man nakatakda na maka-attend ako ng first ever concert ko sa araw na iyon, pero maghihintay kami ni Jau sa inyo. Tulad ng pinangako ninyo. Happier and healthier Super Junior members and ELFs.
(Side note: super glad ako na nasa tabi ni Hyukjae si Heechul, Kangin, at Sungmin noong nandito sa Pilipinas ang ibang members. EVEN IF IT IS ADDED OR EXCLUDED, SUPER JUNIOR IS STILL SUPER JUNIOR! Sit down, haters lol 😜)
Tumblr media Tumblr media
6 notes · View notes
introverthom · 3 years ago
Text
Finally, may pangarap na ako
Tumblr media
Wrote this noong review ko for boards. And it is still my dream to work abroad, specifically Dubai. May perks na ako e. Nandoon pa si Tita GG. She is very willing to help me get there. Sinabi niya iyon, na as long as nandoon pa siya, tutulungan niya kami.
In-open up ko na ito noong umuwi kami sa NV (Aug 25-29, 2022). G naman siya. She would mention ways how to get there/how to apply there. Sabi niya bigyan ko lang siya ng docs, CV. Pati nga hiring ng agency ng company ni Tito Albert, patulan ko na raw. Sinabi ko rin sa mga magulang ko. They supported me. Kailangan ko na lang ay passport, visa, at makalagpas sa immigration. Then, kung wala pang job offer, maghahanap ng trabaho whatever it takes. Pag may trabaho na, mangarap ulit!
Alam ko naman kasing kakasimula ko pa lang magtrabaho. Pero ang baba ng sahod ko sa trabaho ko ngayon. Walang natitira sa akin. Alam ko, ganun din pagdating sa Dubai. Making ends meet pa rin. Pero iba pa rin para sa akin e. The thought of living in a new environment and lifestyle very far from home excites me. Siguro, hanap ko talaga ay malayo sa comfort zone.
I dream of being like Tita GG, working to live her life. She was only 23 years old when she first came to Dubai. I was 2 years old back then. She was that young. If kaya niya, kaya ko rin naman siguro, ano? I am turning 25 this October. Tapos itong pangarap ko, gusto ko nang matupad next year, o kaya the next year. Or maybe as soon as possible pa. Papatulan ko na mga job hiring kapag okay na passport ko. Legit. Gagawin ko lahat para makapunta don. I want to bring my parents there para magbakasyon, habang ako nagwowork para may pangtustos ng pangbakasyon nila haha
Parang sabi ko lang mga 6-7 months ko pa lang sa trabaho ko, kung ang sinasahod/kinikita ko dito sa Pinas ay tulad din sa Dubai, dito na lang ako.
Ngayon, ayaw ko nang mag-settle sa comfort zone ko. Home sickness and going through life without most of the people who I cherish will ruin me, for sure. Pero kung iyon ang makakapag-grow sa akin as a person, I will take it. Nandoon pa naman si Tita GG. She will be someone who is familiar to me, and will be my sense of comfort. And that is okay.
I will thrive abroad. Ako ang magiging simula ng susunod na generation ng Gonzales na magtratrabaho sa Dubai. And I will be happy with my decision. I manifest this.
0 notes
introverthom · 3 years ago
Text
Paano kung nag-chat yung greatest what if mo?
Nag-trend itong sound na ito sa tiktok. Gagi, gusto kong patulan at gumawa ng tiktok dahil WTF?
Eto nanaman tayo sa ex entry! Nag-iisa na nga yung ex ko, almost a decade since our break up (kingina naman haha), siya pa rin ang laman ng tumblr ko? HAHA
Well, in my defense, he initiated the chat.
Sobrang random, di ba? He even admitted it.
Nag-try kasi ako ng NGL na app. In fairness, may mga pumatol na mag-anon.
At isa siya don. Ang message niya?
Jom..
Siyempre, di ko naman kilala kung sino nag-message niyan. Sagot ko na lang "..nani" and went on my night.
IDK, maybe he saw me actively answering anons in the middle of the night. He responded on my IG story about his anon, with the same message, "Jom.."
Gagi, mga 0.99999% lang na kutob ko na siya iyon. Ayaw ko kasi maging assumera, ano. Pero, siya nga pala talaga hahaha.
So I asked him anong meron. Sabi niya hindi rin niya daw alam. He was really clueless as to why he tried to message me anonymously. Kaya ayan, kinumusta ko na lang siya. Told him that someone told me about him coming home dito sa Pinas. Gulat pa siya na nalaman ko kay Julienne, na-share lang kasi sinabi ni Bryan sa kanila noon haha k
Ayun konting chat lang:
Uwi siya para mag-asikaso ng docs niya (apparently, he will take his apprenticeship in Dubai bongga)
Hindi siya sure kung uuwi siya sa NV (pero nandon siya ngayon, actually hahaha)
Di niya alam kung bakit pa siya umuwi e pwede naman daw ipadala yung mga docs niya sa Dubai. Ayaw pa nga raw ng parents niya na umuwi siya e.
Biglaan daw ang uwi.
I asked him if magse-settle siya sa Dubai, oo raw.
Him coming home is really a big deal daw. Kasi hindi siya sure sa future niya. Idk what he really meant by that pero may kutob ako lol
First of all, I assumed na wala na sila ng jowa niya (na 1 year senior namin noong HS lol I think HS schoolmates talaga ang pwede kong patulan for the level of comfort in getting to know potential partners eme). Maybe, they broke up kasi nga magse-settle si ex sa ibang bansa. Maybe, he also went home for closure or to reconnect with ate gorl. To settle his connections (w/ his friends and fam) dito sa Pinas bago tumira sa ibang bansa.
Pangalawa, maybe he needed someone to talk to.
But you know what really stuck to me as an overthinker?
Him: Sorry wag mo na lang ako pansinin [yung random chat]
Me: Bakit naman hindi luuuh nagchat ka for a reason hanapin mo lang
Him: For a reason huh. We'll see abt this
WTF was that supposed to mean? You didn't have to let me know that you are looking forward into finding your reason to message me HAHA
aaaat
Him: Hindi ko din alam na may [impulsive] side ako hahaha pero ikaw naman yan. So oks lang. Sana di ka ma-weirduhan
On to my 2nd point. Why would he choose me, his ex of almost a decade, para kausapin? Hindi naman talaga kami close. May past lang naman kami, in our teens! Meron naman si Bry, si Tim, si Sirach. Why me? Kasi nadaan niya lang yung NGL ko? Ganon ba? Coincidence nanaman? Sabi nga niya, ako lang naman ito. Ano ba talaga ako? Friend??? TALAGA BA? Bago ko matawag na friend ako/friend ko ang isang tao, dapat may deep rooted connection talaga kami: time/bond. Meron palang natitirang platonic connection sa amin sa tagal naming hindi nag-usap HAHA
Maybe he really needed to talk to someone. PERO BAKIT NGA KAILANGANG AKO PAAAA HAHA ANG WEIRD KASI
Sa mata ng ibang tao, hindi dapat big deal ito unless may naiiwan pang ~feelings~
Eh paano ba iyan? He's my greatest what if nga, 'di ba. I moved on, pero may privilege na bigyan siya nang 2nd chance. Tunog may feelings pa ano? HAHAHA whatever
Anyway, nabulabog niya ang mundo ko once again.
And after that, nagre-react na siya sa ibang story ko (about sa naging online crush ko pa yung isa luh, tapos g naman siya sa pagkuha ni Tristan ng pic nila ni insan Popoy haha magbayaw pa sabi ni Tristan haha gago).
Nandito siya for 2 months, so he will celebrate his bday here.
Sige, enjoy mo lang. Maybe you needed to settle things here before settling abroad. Sana masagot na ang mga katanungan mo, yung tunay na rason ng pagbalik mo. Pati yung confusion mo sa future mo.
I wish you all the best talaga.
Kita kits sa Dubai? Balak kong magwork doon e. Lol
The end. I HOPE LOL
0 notes
introverthom · 3 years ago
Text
musta naman love life ko
aaaaaah wala haha
unrequited yung feelings ng guy, though 😅
Workmate ni Jau (lesson learned: wag mag-attempt sa workmate ng kapatid sobrang awkward!). Sumama kasi ako sa KTV nila Jau sa Cubao. May natipuhan ako don (na na-tipuhan din daw ako. DAW. Wag tayong assumera haha), pero iba ang naka-chat ko haha
I tried, okay? I tried connecting, yung papuntang landian sana? Kaso hindi? He's a good conversationalist, for sure. He really was the convo starter. I tried matching up with his energy. KASO HAHA TAMAD TALAGA AKONG MAG-CHAT SA DI KO CLOSE HAHA. At ayun nga, di niya nakuha ang loob ko. Na-fall tuloy siya? Masyado atang friendly ang approach ko. Kingina pa-fall nanaman ako (sabi nga ni Vince, "nadagdagan nanaman kami sa listahan mo, Jom hahahaha" gagu). Mali ba talaga approach ko? Masyado akong caring sa strangers ampotaaaa hahaha yung tipong grabe supporting messages ko - teka paasa nga ako shet. Next time I try talking to potential kalandians, tropa vibes lang hahahaha
He was really a genuine person. Pero ganon naman talaga di ba? Pag hindi mo gusto, bakit mo pipilitin? It came to a point na na-bigla ako sa mga ginawa niya after he gave me space. Ayaw ko pa namang binibigyan ako ng kahit ano just to say sorry, kahit out of pure genuine intentions pa yan. I didn't need that. He didn't have to. Saying sorry is okay, kasi alam kong he's a genuine guy. And maybe that's his love language. Unfortunately, nasa bottom tier ng love language receiving ko yung Gift Giving at Acts of Service hahaha naging uncomfortable tuloy ako.
So, after being so cold in my messages (sorry talaga sa red flag na ito. I am trying not to be avoidant and to be honest sa simula pa lang. Hindi yung iniiwasan ko para siya ang unang bumitaw. Kasi that shit hurts. I will hate it, too. Maybe? idk), he confessed. It was a long confession, and a genuine one. True to his nature. He admitted that he fell too fast, very aggressive and heavy. Nagrespond ako, told him na-overwhelm ako at di ko alam kung paano sasabihin sa kanya iyon kaya ko siya iniwasan. I told him I was thankful for the time he shared, and of course, for his feelings. Siyempre, nagsorry kasi di mutual. ayun. bye ganon. Kaso akala ko di ko na siya makaka-interact shuta. Sumama kasi ako recently kila Jau kumain sa Zarks, w/o knowing na hahabol siya GAGO AWKWARD HAHAHA
TAPOS NAGCHAT SIYA AFTER "Nice seeing you again!" gago baaaaa hindi nice sa akin kasi di ako kumportableeeee di ko nga kinausap katabi ko paaaa hahahahahahahahhaa nagthank you lang ako GAGO TALAGA AKO NOH
Anyway. Selfish realization. I'd rather like it if I liked the person first. Gusto ko ako maghabol shuta hahaha at least alam ko sa sarili ko kasi na may gusto ako sa kanya hahaha kahit gaguhin ako? wag naman sana
I will learn from this experience. Promise yan. I will try to make my friendliness not misleading. Masyado akong sincere, kahit sa stranger gagooooo haha
bye
(up next, sino pa ba kundi si ex 😑)
0 notes
introverthom · 3 years ago
Text
Aba shuta, hello September!
LONG POST ITO HEHE
Nakalahati na yung taon. First half? Enjoy. Sobra. (Maliban sa part noong nagka-gout ako, ha?) I-lista ko para mabalikan ko balang araw eme:
Finally, di na ako WFH by March haha alam ko na tuloy magcommute from apartment to anywhere dito sa "south" haha
Nagpunta kami - Me, Mikee, and her college besties - sa Anawangin (Zambales) noong April. I went to their first official barkada outing ampotah. Doon ko naging unofficial crush si Carlo, yung isang pogi sa barkada nila haha wala lang para lang magka-crush
Yung uwi sa Solano noong holy week love love love
Eleksyon, though? Heartbreaking. Naging presidente yung magnanakaw ampotah. Grabe yung sakit na naramdaman ko noong nagbibilang na sila ng mga boto. Grabe yung bigat na di nanalo si Madam Leni. Para akong nakipaghiwalayan sa jowa ganon. (E kasi raw, may pagmamahal na daw na involved sa pagsuporta mo, kaya siya masakit) Noong Pasasalamat sa Ateneo, pumunta ako. My first and last rally. Dito ako nagka-crisis, though. I was in the middle of the crowd, my friends (Maria and Kuya JD) enjoying the concert, noong biglang napa-"bakit ako nandito puta" nawala ako sa sarili ko that time haha bigla akong na-conscious, na-suffocate, dahil sa dami ng tao hahaha. Then the next day, tumawag si papa noong nakita niya mga IG Story ko. Jusko pumutak, wag raw akong pumunta sa mga ganon baka ma-"recruit" daw ako, wala raw pake mga iyan sa amin eme. Nagalit ako a! Di ako nagsorry na pumunta ako. So gumawa ako ng long message to say na nasaktan ako sa mga salita niya, at dapat siyang maging proud sa stand at mga prinsipyo ko dahil sa ikabubuti naman iyon ng future generation wow. Though, siya unang nag-sorry. Sinend ko pa rin. Ayan. Okay na kami. May greeting siya for father's day haha
Mga May, nagkaroon na ako ng workload. Like finally haha. Sobrang na-guilty kasi ako na walang ginagawa noong una kong pasok, tapos wala pa akong proper training talaga. Nag-train pa sa akin noong una e Asst. Supervisor ng kabilang team (na zatsu ang hawak). Si Sir Embong kasi, yung TL ko, WFH pa siya kaya di ako natutukan that time. So noong dumating siya, ayan. Binigyan na ako ng tasks. Natuto na ako gumawa ng question, mag-pick up sa FKS, at mag-revise haha. Na-enjoy ko pag busy ako, kasi mabilis ang oras pag may ginagawa ka, tapos fulfilling? As an over-achiever (na tamad mag-aral hahaha). Baka ganon pala ako? Anyway ayun. May-July, nakikita ko na rin ang reality ng trabaho ko at environment sa office. Na medyo swerte ako na napunta ako sa team ko? (muntik ko nang ika-gusto na lumipat ng team hahaha) Sobrang bait ng TL ko at ng Supervisor ko, e. Nakakatakot nga, kasi kung sakaling magalit sila sa akin, alam mong may mali talaga hahaha ANDDDD the worst part sa work life ko so far? Yung pay. Ampucha. Di ba kasi tinaas nila minimum wage sa NCR. Akala namin, proportional yung pagtaas ng sahod namin dahil don. Ampucha, sinagad sa minimum? LOL? Dati, mas mataas kami sa minimum (na kulang pa rin tbh), tapos ngayon, minimum? Tapos sa mga susunod na hires (at sa mga sumunod na batch namin), tinaas yung sweldo para maging competitive daw??? GAGOOOOO kawawa naman yung batch ko, lalo na yung mga nag-OOT. Next year na raw talaga increase namin pocha paano yung natitirang mga araw sa taong ito, di namin na-benefit yung talagang pag-taas. Pag naregular na yung batch bago sa amin, mas mataas na rate nila luh hay nako (will touch on this later)
SS9 pt. 1 MORE ON THIS LATER GAGI
I went partying for the first time at Pobla with the Avida Centera Lasinggeros (Me, Mikee, Reymond, Charles, Carlo, Joanna)! Lol baka maulit kasi na-enjoy namin haha. Nagawan pa ng GC dahil dito e haha actually, ito yung same people na madalas na nag-iinuman sa condo nila Charles at Carlo haha noong una, plus 1 lang ako ni Mikee, hanggang napadalas yung "G?" niya sa akin. Kaladkaren amputa, pumupunta kahit kagigising lang haha tapos ayun, nawala na "crush" ko kay Carlo lol sinasabi ko lang naman yon hahahahaha wala naman talaga
GORL separate post yung love life haha
Umuwi kami ni Jau sa NV Aug. 25-29 hehe. Umuwi rin kasi si Tita GG tapos saktong grad rites ni Jau. Di nga sana ako uuwi e. Kaso nabakante ako sa workload noong week na iyon, kaya nag-file agad ako ng leave hehe
aaaand finally, the bad side of the second half of this year:
Nagka-rash ako noong July. Alala ko pa na birthday ni Mikee, at joke ni Reymond (best friend ni Mikee), na magswimming kami. Sabi ko pass ako kasi may rash ako. That was July 8. Then came August. At lumala yung rash. Nagpa-derma ako ampotah fungal infection nga. Tinanong pa ako kung may history of diabetes fam ko. Kasi bihira raw magkaroon ng ganitong kalalang infection ang age ko. Nabanggit yung PCOS, kasi may pre-diabetic tendencies raw ito. Sabi ko kasi tumigil ako magpills (2 months lang yon gago) ayan.
Noong umuwi kami sa Solano, lumitaw mga hives ko. IDK where I got it. At least gumagaling na yung infection ko, di ba? MALI KA DON, BITCH. Turns out, sabi ng derma ko, it's an allergic reaction. From what? IDKKKK di rin masabi kasi di ko talaga alam kung ano nakain ko or what. Kaya nireseta ako, double dose ng cetirizine. Did I get better? NOOOO ang lala ng hives ko dahil sa pagkamot ko. Ang dami kong pantal sa katawan ko. ANG PANGIT TALAGA. Ang pangit sa feeling, sa paningin. Ang medication ko ay for 2 weeks (after 1 week yung follow up check up pag okay na hives ko, 2 weeks after pag hindi pa okay). I'm starting to think na hindi ito allergic reaction. May scare pa ako for diabetes!!! Magpapatest pa lang ako ng blood sugar ko para ma-rule out na ni doc kung ano ang reason ng infection ko.
UTANG NA LOOOOOOB why is this happening to me?????? Sobrang unhealthy ko na simula noong nagpunta ako dito sa NCR. Nagka-covid, may urinary problem at one point, nagka-gout. TAPOS ITO? Nag-cancel na ako sa send off concert ng ben&ben,WFH ulit ako, tapos magbbreak down pag nabwibwisit ako sa sobrang kati ng katawan ko. Ang pangit sa feeling, ang pangit sa paningin. Gusto ko nang matapos talagaaaaa at sana SANA hindi ito jabetis!!!!!1 KING INAAAAA MAY PANGARAP NA AKONG GUSTONG MATUPAD WITHIN 1-2YEARS, UMEPAL PA ITO? (more on this later lol)
to summarize, 3/4 of 2022 gave me friends (for life, I hope), firsts (SS9 pt 2, lovelife eme, partying), happiness... but it fucked me up physically. Do I hate this year? As of the moment, yes kasi naghihirap ako lol. Pag gumaling naman ako, at wala talaga akong jabetis talaga, I will look back on this year as a year of growth. Ang daming nangyari ngayong taon, e. May natitirang 4 months pa. IDK
Until the next life update, I guess.
0 notes
introverthom · 3 years ago
Text
Ano ba ang dapat kong gawin pag natetengga sa work? Do I ask for something o pabayaan ko lang? Kasi nakaka-guilty na walang ginagawa e hahahaha huling huli na ako sa mga ka-batch kong katrabaho wth
Valid ba itong nararamdaman ko hahaha shet
2 notes · View notes
introverthom · 3 years ago
Text
3 weeks in, and I already hate this year.
0 notes
introverthom · 3 years ago
Text
me? overthinking?? blowing something out of proportion and letting it consume me for days??? yes constantly
36K notes · View notes
introverthom · 3 years ago
Text
the more I work from home, the more homeless I look. 🤣
9 notes · View notes
introverthom · 3 years ago
Text
La Union with Hot Pigs (12/26-29/2021)
Lahat na kami ay working, in different fields and experiences. Pero ang bond, nag-mature. Ang comfort ay ganun pa rin. We planned to do this every year now. I hope kumpleto kami sa susunod. (present: Ilad, Rona, Charlie, Bins, at Melo)
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
introverthom · 3 years ago
Text
It's 2022 (Proof of Life Update)
It's been almost 3 years since the pandemic started... at hanggang ngayon, may pandemic pa rin (kasi bulok nga ang gobyerno natin ano pota).
Okay backtrack tayo:
2020:
Wala. Nasa bahay lang ako. Nothing happened. Taga-luto, taga-ligo ng mga aso. Pressured pa rin kasi walang work, tapos yung mga kakilala ko, thriving na sila kahit pandemic pa rin. Nirarason ko lang yung pandemic para di maghanap ng trabaho e. Sa kapitolyo nga sana, sa engineering, kaso ayaw ko ngang magtrabaho sa gobyerno lol. Lovelife? Ayun, single. Tsk.
2021:
Mga January, nag-chat sa akin si Edith, may opening daw sa office nila, Japanese company, subsidiary ng isang leading construction co. sa Japan. Pinatulan ko a, kasi japanese yorn. Pero nag-respond lang sila mga March. Sa sobrang di ko sanay magcheck ng mga emails, mga 2 weeks ko pa nabasa email nila na waitlisted ako potek hahaha nilakad ko pa rin yung application ko sa Provincial Eng'g Office (kasi gusto ko nang mag-work by this year sana)
May. I was asked to come to the office for the final interview. Potek, pinatulan ko na kesa yung sa capitol lol kaya nag-empake na ako ng gamit ko na worth 1 month. Ang balak ko kasi, if ever pala na di ako tanggapin dito, maghahanap ako sa iba, habang nandon ako sa tita ko sa Imus. Kaso, the day after ng final interview ko, pasok na daw ako sa dadating na lunes. I WAS HIRED LOL pero wala akong tirahan. Buti na lang, si Mikee (childhood friend ko from elem dayz), siya yung sumalubong at nag-accommodate sa akin habang wala pa ako sa Cavite, naghahanap ng roomie. Shet pinatulan ko. Ayan, we're roomies gagzzz hahaha
June-Early August, working gurl na ako sa Makati. Himala, at di ako nakaranas ng home sickness. Naranasan ko lang dahil sa kaguluhan sa tirahan (literal lol). It didn't feel like home at all. So that was my first breakdown since moving out. Sa work naman, keri lang. May shuttle service, tapos ako pa unang susunduiin (5AM pa nga gagi), so matic, ako rin ang last na ihahatid sa uwian huhu di ko kaya yung manila traffic. Tambay pa, may gagawin pag may ginagawa.
Late August. Ayan, pota. Tinamaan ako ng COVID19! Kalokaaaaa! Sa office ang test, antigen at RT-PCR, tapos result ko sa antigen, positive. Umiyak pa ako sa harap ng supervisor ko (Sir Adrian) at sa senpai ko na Admin Officer (Ma'am Macy), jusko. Yung libre sa akin na Jollibee Supermeal, di ko na nalasahan. Ang takot ko noon ay baka mahawaan ko sila Mikee at yung mga ate niya. Thank God, di sila positive! Dinala pa ako sa COVID Facility. Hays. Parents were very worried, to the point na gustong magpa-manila si mama para asikasuhin ako. Si Ma'am Macy, she helped me with my needs outside the facility, though. Thankful for her. Buti at bayad pa rin yung mga araw kong nag-qua-quarantine ako.
September. Nakalaya ako. Kaso, may problema ako sa pag-ihi ko. May microscopic na bato pala kaya ang sakit umihi at ang sakit ng puson ko. Potek. Pumasok ako a week after ng laya day ko.
October. Nagkita na kami Edith sa wakassss to celebrate her birthday. Nabudol pa kami ng gitara. Then gagi, nagkasakit naman na yung jowa ni Ate Marla. Ako naman, biglang nakaramdam ng kubed symptoms. So di ako pumasok sa office ng isang linggo. Nagpatest si koya... positive. Potek, I celebrated my 24th birthday in quarantine. Hindi nakakatuwa na makulong, staying at the same spot, for 2 weeks. Wala kaming masyadong galaw sa condo kasi di naman malaki nakakaloka!!!! Ayun, natiis hays.
November. Same same sa akin. My little sis, Jau, passed both of her board exams! Licensed Electronics Engr, tapos registered Electronics Technician. She even went here for an interview, Japanese Company din sa Ortigas. Nag-breakdown din ako noong paalis na siya kasi ayaw ko siyang umalis/gusto kong sumama umuwi levels. Hays. Nakatanggap din ako ng 13th Month haha umaasa na makatanggap ng Christmas bonus sa december.
December. Binibilang ko na ang mga araw bago ako umuwi sa Solano. Met many of Mikee's college friends thru inuman. Jau and Kuya Junnie went here for job hunting (si Jau, final interview and re-exam sa japanese company na in-apply niya, she got the job on Dec. 20, pasok ay Jan. 17!) Tapos noong gipit na ako kasi paubos na pera ko sa bank acct ko, nagbigay na sila ng bonus. Kasali kami. GORL ANG SARAP NG BONUS NILA hahahaha tuwang tuwa ako. Then umuwi ako and grabe... home talaga. Madaming nagbago, madaming nawala, pero same feeling pa rin. Parang nawala nga lang ako ng 2 linggo e. Then nag-aya ang mga Hot Pigs (college main friend group) na magbakasyon sa La Union, Dec. 26-29. Ang present: Me, Rona, Ilad, Bins, Melo, Charlie. Sayang si Edith, di pinayagan ng parents niya ("23 na ako pero di pa rin ako pinapayagan" "Nagwowork ka sa manila, di ka pa pinayagan? hahaha"). Sobrang enjoy! Roadtrip, mga inungkat na nakaraan, tsismis, food, drinks, bonding... then pag-uwi ko, wala na pala si mingming, yung pusa ko. He was with us for 4 years. The love of my life, my kitty cat, died. My heart died. Mahina na siya mga November pa lang. Hinintay niya pa akong umuwi bago siya mawala. :<
Now, 2022:
Went back to Manila feeling sick. Pag-uwi ko pa lang galing La Union, nagkasakit na ako. Yung mga tao nga sa bahay, may ubo at sipon din. Ayaw ko nga sanang bumalik nang Manila na may ubo at sipon. Kaya pinaalam ko na WFH muna ako hanggang sa gumaling na ako. Pero gagi, may surge nanaman sa COVID cases after bakasyon sa buong bansa. Umabot na ng 25k+ for days straight ang mga kaso. Si Mikee naman, bumalik sa bahay nila sa QC para doon magpagaling (pati mga fam niya may mga sakit din), so I was left alone dito sa condo. Pota? Gumaling nga ako sa ubo ko, nagka-gout naman ako? A FEMALE WITH GOUT? AT THE AGE OF 24? I was suffering alone, causing sleepless nights during the first 3-4 days due to the pain. Nagpa-check up ako, mag-isa, sa clinic sa malapit na SM dito sa amin. First time kong mag-wheelchair, sa loob pa ng mall. Tapos pag-uwi ko? Struggle yung pag-akyat ko kasi walang elevator. I was using a monoblock chair as my wheelchair dito sa condo, para lang makagalaw ako. The check up was on a Saturday, and it was the most painful experience that I have ever felt in my whole entire life, physically and emotionally. 5 days pa lang yung experience kong mamuhay mag-isa, kailangan pa sa ganitong paraan? Putangina. Naiiyak na lang ako sa tuwing inaalala ko yung pinag-daanan ko. And this was a week ago. I had my food delivered to my door, I have to sit on a chair when taking a bath (kaya di na ako naliligo minsan para di na ako mahirapan), tatalon pa ako para lang makapunta sa pupuntahan ko within the condo.
I am good now, pang-10th day ko na sa anti-gout. Nakakalakad na ako. Though, medyo na-trigger ko yung gout ulit noong kumain ako ng oreo, meat loaf, at ng ice cream. Bukas, lilipat na kami ni Jau sa titirhan namin sa Guada, kasama ang bebe niyang si Mario.
Isa nanamang milestone. Ang dami kong naranasang milestone ngayong nandito na ako sa manila. Puro sakit (physical at emotional). Life changing events. Hahaha! I mean, universe? Pwedeng tama na yung mga ganito na di naman maganda ang mga pangyayari sa akin? Quota na ako, e. Pwedeng yung life changing for the good? Yung nakakaganda ng buhay, nakakayaman, at punong puno nang pagmamahal? Single pa rin ako, pakigalaw naman ang baso sa department na iyon hahaha
Naging nobela naman na itong update na ito. Sige. Next year ulit. Charot.
(writing this on my company laptop lol)
0 notes
introverthom · 5 years ago
Text
Ang aga naman ng mid life crisis ko. I quit my job of 3 MONTHS kasi gusto kong magwork sa Manila. Kating kati ako sa adventure, maging independent, sa city life... Sobrang gulo pa kasi ng company tapos ghost employee pa ako kasi wala silang lisensya na mag-operate. So nag-quit ako noon March.
Tapos saktong nag-lockdown.
I'm stuck. Hindi ako naghahanap ng work kasi sobrang baba ng confidence ko. Ang hirap din maghanap ng trabaho ngayon.
Or maybe gumagawa lang ako ng excuse?
I have no fucking clue. I hate myself.
5 notes · View notes
introverthom · 5 years ago
Text
March 09, 2020
I finally got to tell my parents that I'm lost in life.
Oo grumaduate ako, pumasa nang board exam, naging engineer... pero di ko pa rin alam talaga yung gusto kong gawin.
I told them na nagCE lang ako kasi yun kukunin ng pinsan ko. Wala akong mapili noon e. Tapos binigyan ako ng chance na magshift. I stayed kasi wala naman akong course na gusto kong kunin. Since okay lang sa akin yung magsolve sige lang.
Yun nga lang, ginagawa ko lang yon para makapagtapos lang. Ginagawa ko lang kailangan kong gawin. Pumasok sa mga klase, ipasa yung mga subjects. To be on top? Nope. Para saan pa e di ko interes. Hindi ko magawang mahalin.
Susubukan ko pa rin naman. Sayang pinang-aral sa akin kapag sumuko ako nang maaga. Sayang oras na ginugol ko. Sayang lang.
Privileged na nga ako na nakapag-aral ako. Napakawalang kwenta ko lang no.
4 notes · View notes
introverthom · 6 years ago
Text
ENGINEER NA AKO
Grabe. Grabe. Grabe.
WALA AKONG TIWALA SA SARILI KO PERO ANG DAMING NANIWALA SA AKIN. ENGINEER NA AKO!!!!!!
10 notes · View notes