isphectheunexpected-blog
isphectheunexpected-blog
DAS SEIN
308 posts
Pinagpala sa lalaking lahat
Don't wanna be here? Send us removal request.
isphectheunexpected-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
isphectheunexpected-blog · 8 years ago
Quote
Sometimes, you choose not to speak, not because you don't care but because they don't
0 notes
isphectheunexpected-blog · 8 years ago
Quote
Lodi ko si Lord.
1 note · View note
isphectheunexpected-blog · 8 years ago
Quote
S A M A D A L I N G S A L I T A, M A H I R A P N A N G M A G S A L I T A
0 notes
isphectheunexpected-blog · 8 years ago
Quote
Baka siguro dahil mahirap ka kaya hindi ka mamahalin.
1 note · View note
isphectheunexpected-blog · 8 years ago
Quote
Stop being so nihilistic to yourself, okay? You are worth it.
1 note · View note
isphectheunexpected-blog · 8 years ago
Quote
Don't forget to thank God everyday, for He will provide and guide you eternally.
1 note · View note
isphectheunexpected-blog · 8 years ago
Quote
Memories: Recorded.
1 note · View note
isphectheunexpected-blog · 8 years ago
Quote
Small group of friends but will trigger you to be better version of yourself.
0 notes
isphectheunexpected-blog · 8 years ago
Quote
I see your lips smiling, but your eyes have tears everytime you blink.
0 notes
isphectheunexpected-blog · 8 years ago
Quote
I keep on missing you, I'm overthinking everything just like you do.
0 notes
isphectheunexpected-blog · 8 years ago
Text
Bakit List.
Bakit tayo masaya? Bakit tayo malungkot? Bakit tayo nagagalit? Bakit tayo natatahimik? Bakit palaging may sakit? Bakit uso at trending ang magmahal? Bakit maraming broken at mistaken? Bakit gusto natin ang isang tao pero hindi tayo gusto? Bakit lalaki ang mga nanliligaw? Bakit mahal ang mga bilihin ngayon? Bakit big deal ang appearance? Bakit may mayaman at mahirap? Bakit hindi mo kayang sagutan ang mga exams mo? Bakit uso pa rin ngayon ang mangopya? Bakit kaya may clearance? Bakit kaya ang daming tanong? Bakit kaya hindi na lang sagutin? Bakit tayo masaya? Masaya tayo kasi nakuha natin ang mga bagay na gusto natin. Gusto natin ma-fulfill ang mga wants. Bakit tayo malungkot? Kabaliktaran lang nang kung bakit tayo masaya. Hindi natin nakukuha ang mga bagay na gustong-gusto natin. Hindi kasi tayo nakukuntento. Kahit nakuha na natin, maghahanap pa rin tayo. Bakit tayo nagagalit? Galit tayo kasi may nanakit, kasi may nangbabasa libel natin, kasi may nanloko. 'Yan ang mga kadalasang dahilan kung bakit pero kung nagagalit ka nang walang dahilan, aba naman. Buang ka na. Bakit tayo natatahimik? Tahimik tayo kasi: "nandiyan na si kraaas!" "nagkatitigan kami mga 1.2 seconds" "kasama magulang o jowa" "napagalitan" "mali tayo, tama siya" "may gustong sabihin, kaso ayaw aminin" "walang pake" "may sakit na pipi" Bakit laging may sakit? Maraming klaseng sakit pero malamang kapag narito ka sa panahon ng mga "Millenials" trending 'yan sa pag-ibig o pagmamahal. //sana hindi na lang ako ipinanganak sa panahong itey! huhuhu// Masakit kasi nagmamahal ka. 'Wag ka magrereklamo, 'wag ka nang maraming sinasabi na: "masakit kasi sinaktan niyaaa akooo" – Ang OA mo! Alam kong sinaktan ka, oo alam ko pero kasama 'yaaan. 'Wag kang magmahal kung ayaw mo masaktan. Tanungin mo rin kasi sarili mo, kung may Ritemed ba nito? Bakit uso at trending magmahal? Hindi ko rin alam eh pero isa lang sinisigurado ko. Sa panahon ngayon, madalas ang mga tao, takaw mata lang. Magaling sa umpisa, pero 'pagdating nang kalagitnaan, ayun! Bakit maraming broken at mistaken? Maraming broken kasi maraming nagmahahal nang seryoso pa sa serious. Maraming mistaken o taken for granted lang kasi may mga taong tanga na hindi marunong magpahalaga. //dapat 'yan mga pinapa-tokhang// Napaka engot at immature pero wala nang mas kabibiliban pa sa taong naka move on sa dating ka-dramahan sa buhay. Hindi tayo bet ng bet na bet natin? Kasi nga, magkaiba tayo. Ayaw sa atin kasi may ibang bet na ang masaklap pa, hindi rin siya bet, mukhang hunghang lang, 'diba? Hindi matchie matchie pero minsan o hindi na nga minsan eh, kadalasan sila rin nagkakatuluyan. Parang "from hindi ka bet ng bet na bet mo to bet mo siya, bet ka niyaaa". Pak Bet! Pero eto lang payong kaibigan, ayos lang 'yan kung hindi ka bet. May nakalaan naman sayo. Hindi ka mawawalan. Napakaraming tao sa mundo. 7 billion people and counting oh! 'Wag ka magmadali. Enjoy mo munaaa! Ganern! Bakit lalaki ang manliligaw? Bakit lalaki? Kasi siya nauna eh. Si Adan o Adam. Letter A, edi wow siya! Siya magsisibak ng kahoy. Hindi 'yung liligawan ang sisibakin ah. Bad 'yun. Tsaka kung lalaki ka, nature na 'yan. Kasama na 'yan. Alangang babae pa manghaharana sa bahay niyo. Kapal mo naman na GGSS. Kapag nanligaw ka, aakyat ka talaga ng ligaw at presentable. Hindi 'yung amoy at itsurang Spartan kaaaa! Baka mapa-blotter ka nang tatay ng nililigawan mo. Respeto agad sa una. Hindi kailangan ng flowers o mga masasarap na tsokolate kasi baka mamaya may diabetes pa 'yun. Basta alam mo at naipakita mo sa kanila na aprub ka, aprub ka. Bakit mahal ang bilihin ngayon? Tanong mo sa tindera at tingnan mo kung tumaas ka. //tumaas ka hindi lumaki, there's a difference between that// Bakit big deal ang appearance? Hindi ko alam sa mga tao ngayon. Napaka judgemental sa pagmumukha. Sobrang demanding! Hindi naman dapat ganun eh. Mukha at katawan ang pinagbabatayan para ligawan, para mahalin, para pagsumikapan abutin. Bago bago mga chong at mga chang! Sa kakahanap niyo nang perpekto, baka bumagsak kayo sa hindi niyo pa gusto. Hindi ko kayo sinusumpa, binabalaan ko lang kayo. Bakit may mayaman at mahirap? Kung walang mayaman at lahat mahirap. Sino bibili ng mga produkto na gagawin niyo at natin? Produce kayo nang produce, wala naman bumibili. Kung lahat mayaman at walang mahirap. Aba! Ibang usapan 'yan edi happy! Pero sino gagawa ng mga produkto? 'Yung nakikita mong magsasaka, naka coat na tapos maraming gold bling bling sa leeg o 'diba? Opposite attracts. Kaya kung pangit ka, alam mo na. Bakit hindi mo kayang sagutan ang mga exams mo? Tatlo lang 'yan. Hindi ka nag-aral o nag review. Tamad kang mag-aral at gumawa ng schoolworks. Panay at puro absent ka. Kaya kung gusto mo makapasa, magbago ka na kapatid. Oo, alam kong mahirap mag-aral pero kailangan 'yan. Kasama 'yan sa buhay. Ang mag-aral at matuto. Magsumikap ka kung mahirap. Lahat naman 'yan may kapalit, peksman batman! Bakit uso pa rin ang mangopya? Uso 'yan kasi nga kaysa naman sa bumagsak ka, mangopya at mag kodigo ka na lang. Nakakahiya sa mula sa magulang at kanunu-nunuan mo 'yun, brad. Masaklap magka line of 7. Palakol kung tawagin pero may mas masaklap pa, wala kang line of 7 pero may line of 6 ka naman. Saklap brad! Kasalanan 'yan. Konsensya mo ang nakasalalay diyan. Ngayon, kung ayaw mong maging ganyan na makasali sa: It's better cheat than to repeat. Mag-aral ka ha! Mag-aaral ka! Naintindihan mo 'yan. Malaki ka na. Diyan pa lang tinuturuan ka nang huwag mag cheat para kapag nagka-jowa ka at nagka asawa't pamilya na't lahat. Hindi mo magagawa sa kanila kasi sa umpisa pa lang, tinanggal mo na. At bilang panghuli, bakit may clearance? Eto 'yung kating-kati ka na magbakasyon kahit wala ka namang gagawin at nakatambay ka pa rin sa bahay at hindi naman din uuwi ng probinsya. Ang clearance ang magsisilbing Finals mo. Biruin mo, tapos ka na, hahabulin ka pa nila. Magpapabili ng ganito ganyan kapag incomplete ka sa mga requirements dahil sa katamaran mo pero mga ginagalang na maestro't maestra. Bakit ganun? Projects nila dapat hinahabol ninyo, huwag niyong pabigatan sa mga pinapabili niyo para sa personal na pangangailangan at kagustuhan niyo. Kayo sumasahod, hindi kami. Kaya nga kami estudyante para mag-aral at matuto pero sana huwag kayang magsamantala. Gets niyo? Nasa sa inyo 'yan mga minamahal naming guro. Magbago na kayo. Kung 'yung mga estudyante niyo, pinabibigatan kayo. Obligasyon niyong baliin ang sungay. Hindi mas lalong patalasin sa mga kabalbalan niyo. Makaasa sana ang mga nagmamahal niyong estudyante sa pagbabago. //Punitin ang sedula. Sugoood!//
1 note · View note
isphectheunexpected-blog · 8 years ago
Text
Baka Hindi Na Lang Siguro
May mga panahon na may gusto kang makausap pero walang pagkakataon. Hindi dahil sa busy ang isa sa inyo, pero dahil sa ayaw mong makaabala, at ayaw mo siyang maistorbo, masasabi mong baka hindi na lang siguro. Marami kang gustong ikwento, marami kang gustong itanong at malaman sa isang tao pero paano ang hakbang mo? Walang mangyayari kung mahihiya ka. Walang mangyayari kung maghihintay ka, lalo na sa wala. Pababayaan mo na lang ba? Hindi? Siguro? Ewan ko. Hindi ko alam kung paano masisimulan kung sa una pa lang, matawag sa pangalan. Hindi magawang makalapit at makadikit. Bakit ba kasi tayo nahihiyang magsabi? Bakit ba kasi natotorpe? Hindi ko rin alam. Siguro kaya ganyan, may mga nangyaring karanasan o baka takot na ma-reject. Sa kakatago mo, madalas, hindi na masasabi sa tao. Mananatili ka na lang sa lugar na kung saan hindi mo alam ang salitang subukan. Alam ko, nadama ko, naranasan ko kung bakit hindi mo rin kaya, parehas tayo pero kahit ganoon, gawin mo ang gusto mo. Gawin mo kung saan ka masaya, gawin mo kung paano ka makakagawa ng panibagong kabanata sa isang istorya. Limitado lang, huwag kang papadala sa mga bagay na hahatakin ka lang pabalik o hindi ka papagalawin. Sayang lang. Mapapabayaan.
0 notes
isphectheunexpected-blog · 8 years ago
Text
Tayo Nalang Ang Kulang
Wala naman akong ibang hiniling kundi ang makasama ka lagi at kung maaari nga, tayo na lang. Pero bakit ganoon? Bigla ka agad nanglalamig. Bigla kang hindi namamansin. Kapag masaya ka na kausap siya, balewala ako. Pagkatapos, kapag ayaw mo na ulit siyang makausap dahil hindi kayo magkasundo, babalik ka para ako naman ang kumustahin, kwentuha't kausapin. Magpaparamdam na mahalaga ang isang tulad ko para sayo, ayaw mo akong pakawalan sa mga salita't mga pangako mo sa akin. Hindi ko alam ngayon kung saan ako lulugar. Hindi ko alam kung anong sitwasyon ko ngayon. Bakit kaya ako nandito? Dito sa kinatatayuan kong handang magsakripisyo nang kahit ano dahil mahal kita, dahil mahalaga ka, dahil masyado na akong naging masaya sa tuwing kasama kita kahit nagmumukha na akong tanga. Tanga kasi alam kong wala naman akong karapatan para ipaglaban ka pero patuloy akong umaasa at parang nakikipagsapalaran sa isang mundong kalaban ko ang lahat pero ako lang mag-isa. Alam kong malabo na, malabo nang maging tayo dahil alam kong may mahal kang iba. Sana maging masaya ka at h'wag kang mag-alala, magiging masaya rin ako dahil kapag nakalabas na ako sa madilim na mundong ikaw lang ang nagbibigay liwanag, makakayanan ko na rin na makahanap ng isang taong handa akong ipaglaban at mahalin tulad ng pagmamahal ko pero laging tandaan mo, ikaw lang ang mamahalin ko nang ganito. Ikaw lang. Dahil alam mo kung ano ang kulang? Tayo na lang.
1 note · View note
isphectheunexpected-blog · 8 years ago
Text
Kung saan ka masaya, doon din ako. Kahit hindi man ako ang dahilan ng mga ngiti sa iyong mala-anghel na mukha, kahit sino pa man ang rason sa iyong mga masayang pagtawa, magiging masaya ako para sayo.
0 notes
isphectheunexpected-blog · 8 years ago
Text
BEEN THERE, DONE THAT.
0 notes
isphectheunexpected-blog · 8 years ago
Text
Ka-ibigan
Nandiyan ka na naman sa tabi ko. Magkukwento ng mga ginagawa niyo. Kaibigan lang ako kaya makikinig ako pero kahit na kaibigan lang ang tingin mo sa akin, masaya ako. Kasi, sa tuwing nagkukwento ka, nakakasama kita, napapatawa kita kahit may mga parteng masakit. Kwentong masakit. Hindi laging saya. Laging may halong lungkot kahit masaya ka kung magkwento, kitang-kita sa mga mata mo. Hindi maiiwasan masaktan pero sana sa susunod matuto ka naman. Huwag kang mananatili sa isang taong mahal mo kapag ginagago ka na. Ang tanga ko kasi, nakilala na kita nung una kaso binalewala ko 'yung pagkakataon. Hindi dahil sa torpe ako, hindi dahil sa mahina ako sayo. Ayoko kasing sirain 'yung pagkakaibigan natin. Kaya, mahal, alam kong kaibigan kita. Pasensya ka na kung nasasaktan ka ng taong mahal mo. Alam mo, mahal na mahal kita kaso may nauna at mahal na mahal mo siya. Ang masakit.. alam mo 'yung masakit?! 'Yung hindi man lang kita maipagtanggol, 'yung hindi kita maipaglaban, 'yung kapag magkasama na kayo, nawawalan na ako ng halaga, alam mo ba, kung alam mo lang kung anong nararamdaman ng puso ko sa tuwing alam kong nasasaktan ka, halos parang mawasak. Kaya hanggat nandito pa ako, hanggat may ako na handang makinig sa mga kwento mo. Hindi kita iiwan. Mananatili ako. Kahit maiwan ako dahil sa mahal mo.
0 notes