istoryangmalupet
istoryangmalupet
Istoryang Malupet
21 posts
Don't judge the blog by its theme.
Don't wanna be here? Send us removal request.
istoryangmalupet · 9 years ago
Text
You Don’t Owe Them One.
Tumblr media
        Hindi ‘bat mas madali kung lahat tayo mayroong “study sheets” na pwedeng ibigay sa mga taong nakikilala natin. Eto ako! The quirks! The flaws! Mga bagay na I’m totally insecure about! If only may magbasa lang ng isang chapter and suddenly kilala ka na niya ng lubusan.
         Gusto natin na lahat ng tao ay nakakaintidi sa atin kahit na hindi naman natin into magagarantiyang mangyayari talaga. Kaya pinapapaliwanag natin ang ating mga sarili. Ineexplain natin ang ating mga actions sa kung anong rason ang maisip natin. Kinukwento natin an gating mga karanasan noon bata pa tayo para ma pinpoint ang mga moments na posibleng naging rason kung bakit tayo ganito ngayon. Hindi naman natin maikakaila na  gusto natin at sinasabi ng ating isip na DAPAT ay naiintindihan tayo ng bawat tao. Na DAPAT malaman ng iba ang rhyme and reason kung bakit natin nagagawa ang mga ganiton bagay. It’s not wrong. All of us want to explain ourselves.
         But guess what, YOU DON’T OWE THE WORLD AN EXPLANATION. Hindi mo kailangan ng explanation kung pano mo narrating ang kinatatayuan mo ngayon. Hindi mo kailangan i-explain kung san patungo ang pagbabago mo. Ang purpose ng buhay mo ay hindi para magets ng isang tao (na you barely knew) ang iyong eccentricities. Ang purpose mo sa buhay ay to find love, give love, receive love, get hurt, rise above it. Sa madaling salita ang purpose mo sa buhay is to FEEL. Your purpose in life is to find your way through it.
         Hindi ko naman sinasabing magsisigaw ka sa kalsada ng “HINDI KO KAILANGANG MAG-EXPLAIN SA INYO BAKIT ANG SAMA NG UGALI KO!!! LALALA!” (Of course why would you do that? Hahaha). Kailangan mo paring tandaan na hindi ka immune for consequence. Naniniwala ka man sa Diyos o wala, basta maniwala ka sa karma. And aiming to be a kind, generous human being should be on top of your list.
         But you don’t owe people explanations for who you are. Maaring maubos na ang hininga mo sa kakadescribe lahat ng bagay that make you up. Bakit napapakanta ka sa kantang yan. Bakit mo gusto ang ulan. Bakit ka napapatawa sa isang walang makabuluhang advertisement sa TV. Maari mong magustuhan ang kahit anong gusto mo gustuhin. Maari mong gawin ang mga bagay na ikakasaya at ikaeenjoy mo. Why feel the need to throw in “guilty pleasure” disclaimers? Bakit ba mas pinagkakaabalahan pa nating isipin ang kung ano ang nakikita ng iba sa ating kilos at sa ating pisikal na anyo. Why aren’t we concerned with how often we are honouring our authentic selves?
         Sabi nga ng sikat na quote “No man is an island.” We are not solitary creatures. Naninirahan tayo sa society, hindi lang tayo ang nabubuhay. We are all coexisting with each other. Pero hindi nila hawak ang tadhana mo. Hindi nila hawak ang blueprint ng success mo. Hindi nila hawak ang susi ng kaligayahan mo. Hindi nila hawak ang kalungkutan mo o kahit ano pa yan. Wala silang hawak sa iyo. Minsan, okay lang to take breath at sabihing, 
 “Eto ako. That’s okay. At hindi ko kailangan i-explain ang sarili ko.”
0 notes
istoryangmalupet · 9 years ago
Note
I'm sure you're trying your best to fix what ever the problem is, take your time and don't panic - relax, and ignore stupid people getting angry about small things.
Tumblr media
Wow! Thank you so much! Whoever you are. Thank you. I hope you have a good hair day and fast internet the whole year! Hahaha. Anyways, thank you so much!
0 notes
istoryangmalupet · 9 years ago
Text
Hindi Ko Kailangang Sabihin Mo, Ang Gusto Ko Iparamdam Mo.
short write-up
        Naririnig ko ang mga salita mo. Pumapasok sa tenga ko ang mga pangako mo. Pero ang feelings at emosyon ay may sariling linguahe. Kung sinsabi mong naniniwala ka sa kung ano ang meron tayo, pano ko malalamang totoo unless ipapakita mo?
         Dahil hindi mahirap ang sabihin mo ang mga katagang “mahal kita,” ang mahirap ay kung pano mo patunayan ito. The challenge is the effort, not the declaration.
         Hindi ko hinhintay ang araw na ibubulong mo sa tenga ko kung gano ako kahalaga sayo, hihintayin ko ang araw na madarama ko kung gano ako kahalaga sayo.
         Your words don’t give me reassurance. At hindi naman talaga dapat diba. Kase hindi naman talaga dapat ako ma reassure na totoo ang pagmamahal mo, ang dapat ay malaman ko na totoo talaga ito. That’s the beauty of knowing without being said.
         Kase mas mabuti pang magtitiis akong di marinig ang mga salitang yun kesa araw araw kong naririnig iyon than feeling empty anyway.
11 notes · View notes
istoryangmalupet · 9 years ago
Note
I love you
Hahaha. Sino to? 
0 notes
istoryangmalupet · 9 years ago
Text
PAALAM 2015: THINGS YOU SHOULD SAY GOODBYE BEFORE 2015 ENDS (BEFORE 2016 STARTS)
Tumblr media
·       Say goodbye to your fears of leaving your comfort zone. It may sound overrated but it’s my first thing you should say goodbye to. There are two mountains in life: one is your comfort zone and the other (miles away) is your dream, and what’s in between? That’s life. That’s where you start living. If you seek change and growth, you have to be willing to do something different and embrace the unknown.
 ·       Say goodbye of waiting. Let go of what if’s. Mas madali kasi sa atin na maghintay. Maghintay na ang mga bagay-bagay sa ating buhay ay mangyari.  Panahon na para tigilan na ang paghihintay sa kung ano ang ating gusting mangyari at panahon na para simulang gawin ang gusto nating mangyari. Sabi nga ni John Lloyd sa A Second Chance, “It’s brave to ask ‘what if’, but it’s braver to embrace ‘what is’.” We all have potential within us. Yes, we are always capable of change.
 ·       Say goodbye to the voices in your head that says you are incapable of everything. Dahil yang mga boses na iyan ay palaging nagsisinungaling.
 ·       Say goodbye to the need for validation. Hindi mo kailangan maghanap ng constant validation. Yes we need them at times pero hindi dapat sinusobrahan. As long as alam mo sa sarili mo na kaya mo at masaya ka, who needs other’s validation?
 ·       Say goodbye to other people’s opinion of your life. May mga tao talagang dinidiktahan ka kung ano ang dapat gawin mo. But the thing is, hindi nila buhay yun. Sila ba ang magsisi sa nagawa mo na di mo gusto? Sila ba ang iiyak araw’t gabi? Iba iba tayo ng paraan ng pamumuhay. Iba-iba ang ating pananaw sa buhay at iba rin ang ating paniniwala sa tru happiness. Susubukan ka talagang baguhin ng mga taong iyan pero kapag hahayaan mo rin silang gawin iyon, then you’ll end up living someone else’s life.
 ·       Say goodbye to your opinion of other people’s life. Then you’ll live your own too. Dahil sa nakikita nating filtered photos sa Instagram, posts on Facebook sa kanilang “faultless” relationship, gumagawa tayo ng guidelines sa kung pano natin ipapatakbo ang ating buhay ng nakaayon sa mga taong nakikita natin. Kailangan nating ipaalala sa ating mga sarili na those we envy, and those we compare ourselves to, are capable of doing the exact same thing. Live on your own.
 ·       Say goodbye to the tears. Say goodbye to the times you cry yourself to sleep and you were in such pain that you almost want to end your life. It’s time to pat yourself on the back for getting through yet another obstacle. Pasa-saan pa at mararating mo rin ang finish line.
  ·       Say goodbye to the love that won’t love you back. Etong pagmamahal na ito, ito talaga ang isang bagay na kayang magpasaya at magpalungkot ng isang tao. You always deserve someone or something better. Marami pang ibang tao jan na di mo pa nakikilala. Di mo pa nakakausap. Open yourself up to them. Open yourself up to the kind of love you deserve.
 ·       Say goodbye to what you tolerate. Life? It is not to be endured (too much) but it is to be enjoyed. Kung may gusto kang baguhin, you have all the power in the world to do it. Hindi mo kailangang mag-keep ng toxic people sa circle mo, hindi mo kailangang manatili sa isang nakakasakal na relasyon. There is courage to be found to be found within the hearts of those who refuse to simply stomach their life, within those who pledge to confront what makes them unhappy, or ungrateful, and focus on the things that do the opposite.
 ·       Say goodbye to the idea that it’s too late. Hindi pa huli ang lahat para baguhin mo ang buhay mo. Hindi pa huli ang lahat para magseryoso ka pa sa pag-aaral. In the end, life is not a race. Hindi mo naman kailangang makipag unahan sa ibang tao. Hindi pa huli ang lahat to be the person you always hoped you could be. We don’t have to be who we were a year ago. Hindi nating kailangang gawin ulit ang mga maling bagay na nagawa natin noon. Pwede tayong gumawa ng ibang bagay. Pwede tayong tumingin sa ibang dako ng buhay. Kailangan nating paniwalaan na we are never too old, never too jaded, never too broken para gawin ang mga hakbang tungo sa pagbabago. Gumisising tayo araw-araw dala ang kapangyarihang baguhin ang lahat at magsimula ng bago- hindi pa huli ang lahat para gawin yun.
 ·       Finally, say goodbye to the thought that next year will be the same and nothing will ever change. Start saying hello to all the wonderful possibilities, dreams and opportunities that are waiting for you to grab.
0 notes
istoryangmalupet · 9 years ago
Text
Ganito Kita Mamahalin
Tumblr media
I love you because I choose to. Ikaw ang hahanap hanapin ko sa bawat bukang liway liway. At ikaw ang hahanap hanapin ko sa bawat takipsilim. I love you because you make me laugh. Na kahit ang liit ng pasesnya mo at pikon ka, safe ang puso ko sa mga kamay mo. I love you at hindi ako titingin sa iba. Na kahit may ibang mas mahaba ang pasensya sa iyo jan, ikaw parin. For when I love you, I will love only you.
I will love you in a forgetful way. Makakalimutan ko ang birthday mo. Makakalimutan ko ang middle name ng nanay mo. Makakalimutan ko ang mga monthsaries natin. Pero hindi ko makakalimutan nung sinabi mong mahal mo ako. Hindi ko makakalimutan ang ngiti mo sa akin kahit alam kong napipikon ka na sa mga biro ko. Hindi ko makakalimutan saan ang kiliti mo. Hindi ko makakalimutan ang pagtitig mo sa akin habang kumakain tayo. Hindi ko makaklimutan ang pagyakap mo sa akin nung hindi tayo nagkita ng ilang araw dahil busy sa skwela. I will never forget how you made me feel.
I will love you outside of social media. Two people. Unedited. Unfiltered. Simply loving each other without validation. My love will never be subjected to a 4x4 square. It will never be dimensional.
Hindi ikaw ang magiging babe, honey, bhe, or bae ko. Ikaw magiging puso ko. You will be my home. Handa akong ipagsigawan sa buong mundo kung gano kita kamahal. At kung gano man kalakas ng sigaw ko para marining ng ibang tao, ganun din kalalim ng pagmamahal ko na ang nakakaalam lang ay tayo. Hahawakan ko ang mga kamay mo habang naglalakad tayo. Aakbay ako sayo. Kikilitian kita habang kumakain tayo. We will see our relationship dotted all over the city like Christmas lights.
At higit sa lahat, mamahalin kita ano man ang mangyari. Na kahit mapikon ka. Hindi kita iiwan sa gitna ng isang mainit na tampuhan. Hindi ako maghahanap ng iba kapag ako ay nasaktan. Hindi ako magpapangako, pero kakayanin kong ipaglaban ang pagmamahal ko. Ipaglalaban ko an gating nadarama simula paman. At kahit magka leche leche man ang sitwasyon, alam kong you’re worth it, I will believe in you. I will believe in us. I will love you. I will choose you.
8 notes · View notes
istoryangmalupet · 9 years ago
Quote
Kapag malungkot ka nandito ako pag kailangan mo ng kausap handa akong makinig sa drama mo.
Pero sa oras na masaya kana siguro naman hindi muna ako kailangan :)
2 notes · View notes
istoryangmalupet · 9 years ago
Text
Hindi ako mabilis mapagod. Ang tagal mo lang magmahal.
Tumblr media
0 notes
istoryangmalupet · 9 years ago
Quote
Naayos nga kita pero nasira ko naman sarili ko
Ang martyr ko na pala. (via kwentongsparks)
1 note · View note
istoryangmalupet · 9 years ago
Text
Huwag kang matakot umiyak
Huwag kang matakot umiyak. Nakakagaan yan ng loob. Let it go. Let it flow. Hindi naman nakakadegrade ng one’s worth kung iiyak ka. Iiyak mo lang. Kung may makakita man sayo o wala, huwag mo silang isipin. After all, tears are the physical form of pain. Tandaan mo mas madaling tanggalin ang luha kung naging muta. 
Tumblr media
2 notes · View notes
istoryangmalupet · 10 years ago
Note
Pakilala ka nga please! I love your write ups! They're good! Real talk na real talk ang sinusulat mo. Keep it up.
Hi! Thank you! It’s nice na na-appreciate mo ang write ups ko :) Anyways, magpapakilala ako soon. Not now. Sabi nga ni Lola Nidora ng Kalyeserye (not a fan tho), “SA TAMANG PANAHON.”
Again, thank you so much!
Tumblr media
0 notes
istoryangmalupet · 10 years ago
Text
Saan nga ba?
Tumblr media
“Saan nga ba tayo kakain?” Isa sa pinakamahirap na desisyon na gagawin niyo magkaibigan. Maaga pa ay discussion na agad kung saan kakain. Paglabas sa gate maghanda kanang mamanhid ang mga paa mo sa kakatayo dahil hindi alam kung saan kakain. Ilang beses ng paikot ikot sa mall kase hindi sigurado kung saan masarap kumain. Ano ba ‘yan? Bakit ba ganito tayo? Maliban sa pag-aaral ay isa talaga ito sa problema natin! Tsaka dadagdag pa ang nakakairita, nakakabwesit, at walang sense na sagot.
1.     “Kahit saan.”
-        Saan nga ba ang Kahit Saan na ‘yan? At hindi ko pa rin nahahanap hanggang ngayon?
2.   “Kahit saan basta malamig.”
-        Oh diba! ‘Yan tayo eh! Mahilig tayo sa aircon!
3.   “Dun sa pwedeng tumambay ng matagal”
-        ‘Yan tayo eh! Kaya naghahanap ng aircon! HAHAHA.
4.   “Libre mo?”
-        Try niyo magtrabaho. O mag-ipon. Huwag puro libre. Ano ba naman ‘yan.
5.    “Sa mesa. Alangan naman sa cabinet.” 
-        Mahusay! Mahusay na sagot!
6.   “Kung saan instagrammable ang pagkain nila.”
-        Eto talaga oh! Eto talaga ako!
Eh kase naman pagplano lang kung saan kakain, mahihirapan pang gawin. Bakit ba? Alam mo kung anong sagot? Dahil iniintindi natin kung saan gusto ng mga kasama natin.  Oh diba! Considerate rin pala tayo. At sila rin ‘yan ang iniisip. So wala ng magsasalita. ‘Yan tayo eh.
0 notes
istoryangmalupet · 10 years ago
Text
Baby how can I unlove you?
Tumblr media
1 note · View note
istoryangmalupet · 10 years ago
Text
You were my “Ataya. Lisora i-move on oy.”
0 notes
istoryangmalupet · 10 years ago
Text
Soulmate daw. Ikapila nana nga soulmate. Igata sad ana nga soul oy.
7 notes · View notes
istoryangmalupet · 10 years ago
Quote
It's never too late to let go
Para maiwasan ng masugutan muli ang puso, bitawan mo na.
2 notes · View notes
istoryangmalupet · 10 years ago
Text
Reasons Kung Bakit Dapat Mas Piliin Mo Ang Pagkain Over Lovelife
Tumblr media
Simula pagkabata, gustong gusto na nating kumain. At alam mo naman ang sabi nila, “First love will never die.” Pagkain ang pinakasimple sa lahat ng bagay (at least 95% ng bagay sa mundo). Yes, masarap kiligin. But stress? Drama? Bigyan nyo na lang ako ng burger please.
Eto ang mga bagay kung bakit dapat mas piliin mo ang pagkain kesa magkalovelife:
1.    Hinding hindi siya nakikipag-away.
2.    Hindi ka niya aagawan ng kumot.
3.    Hindi siya humihilik.
4.    Amazing at consistent siya. Alam mo kung saan mo siya mahahanap at hindi ka madi-disappoint.
5.     Kapag kumain ka ng kumain, tiyan lang sasakit. Eh kapag nagmahal ka, hindi lang puso ang apektado, name it. Lahat apektado.
6.    Kapag sumakit ang tiyan, Diatabs lang okay na. Walang gamot ang broken heart.
7.    Hindi siya nag eexpect ng regalo sa Valentine’s day, Christmas o birthday.
8.    Saglit lang hinihintay ang order. Kung tao ang hinihintay mo, magmumukha kanang tanga sa kakahintay.
9.    Kapag matagal ang order at least alam mong darating. Pwede kang magexpect at hindi ka masasaktan.
10.  Table napkin lang ang kailangan mong protection. Forget condom.
11.  Anjan siya, anywhere at anytime of the day.
12.  Hindi ka niya iju-judge.
13.  Hindi mo na kailangan mag dress well at magshave ng legs kapag nakipagdate ka sa kanya.
14.  Hindi ka magkaka-abs sa pagkain. Mas lalong hindi ka magkaka-abs sa pag-ibig.
15.  Sa pagkain, hindi na didilaan ng iba ang dinilaan mo na.
Bottomline: Kapag lonely at depressed ka hindi mo kailangan ng lovelife. Hindi mo kailangan ang lovelife para sumaya. Mahalin mo ang sarili mo. At ikain mo na lang yan.
Tumblr media
3 notes · View notes