Tumgik
itsamyna · 4 years
Text
Tumblr media
WOMEN EMPOWERMENT
Last March 8, 2021 we celebrated the women’s month. The 2021 National Women’s Month Celebration serves as a tribute, a platform, and a call to action that highlights the extraordinary roles of ordinary Juanas in the society as trailblazers and harbingers of change. This celebration is also a venue to discuss and address the issues that women continue to face so empowerment can be fully achieved. The campaign is also a call for concrete, sustainable, and inclusive actions towards gender equality. This year’s theme #WomenMakeChange is telling the world that women can lead and can do a change for the betterment of our society. It also encourages fearful women to be fearless and change to be the best version of themselves.
Tumblr media
Women’s Empowerment
Empowering women enables them to confidently and meaningfully engage with appropriate institutions to ensure that they contribute to and benefit from development and changes. Thus, women’s empowerment will make the change that we are espousing or any development effort responsive to women’s concern
#WomenMakeChange – the word change from the theme also means Compassionate and Harmonized Actions and Networks for Gender Equality.
Tumblr media
WEmen (women)
Raise our banner as we go to pave the way for an enabling environment for women to be empowered. As we ensure that the MCW (Magna Carta for Women) is implemented at all levels. As we make change work for women. T all of us, in our various capacities whether as a government officials and employees, members of the private sectors, the academe, non-government organizations, or as private individuals can be partners for a change that is gender-responsive. It emphasizes our collective effort, collaboration, and participation to ensure that women will not be left behind in the pursuit of change
Women empowerment advocates body positivity and cancel body shaming. Through this, women feel empowered and accept their own body as it is. All the flaws you have – stretch marks, uneven skin tone, scars or any imperfection you can name – is an art. You may be flawed but no one is like you and no one will ever be like and that’ll makes you ultimately distinct and valuable. Always remember that regardless of your imperfections, you are loved and highly appreciated.
0 notes
itsamyna · 4 years
Text
Tumblr media
A VALIDATION WHY HENERAL LUNA IS A MUST TO WATCH
Ito ang pinakaunang beses kong napanood ang Heneral Luna, bagaman marami na akong mga nabasang artikulo na ito’y isang natatanging pelikula at nararapat panoorin. Hindi naman sa takot akong panoorin ito kundi hindi ko lang kayang Makita ang paghihirap na dinanas ng mga Pilipino noon.
​Sa unang scene pa lamang kung saan may isang journalist, si Joven Hernando na ginampanan ni Aaron Villaflor, na kinapanayam si Heneral Luna (John Arcilla), bawat sagot na binitawan ni Luna ay damang-dama mo na ang pagiging isang makabayan niya.
​Nakakatindig balahibo ang bawat eksena, mula sa isang meeting na puno ng tension, sa bawat hampas ni Luna sa lamesa, at maging sa pagtugtog niya ng gitara. Sobrang bumilib din ako sa pagganap ni Arcilla bilang si Heneral Luna sapagkat nagawa niya ng maayos ang kanyang role. Bilib din ako sa katapatang ipinakita ni Col. Paco Roman na ginampanan ni Joem Basco, kahit hindi niya sabihin ramdam kong iniidolo niya Luna. Samantala, nakakawala rin ng tension si Archi Almenia sa pagganap niya bilang Capt. Eduardo Rusca dahil sa kanyang pagiging sarkastiko.
​Medyo nanghihinayang rin ako kay Emilio Aguinaldo na ginampanan ni Mon Confiado dahil tila isa siyang Presidente na mahina at takot. Samantala, pinanindigan naman ni Apolinario Mabini (Epy Quizon) ang kanyang pagiging “utak ng himagsikan” , dahil sa ipinakita niyang tiwala kay Luna, na pinakamatalinong Heneral ni Aguinaldo. Nagpupuyos naman ako sa galit at inis kina Nonie Buencamino (Felipe Buencamino) sa pigging makasarili at Ketchup Eusebio (Capt. Janolino) sa pagpapairal ng galit.
​Nakakamangha ang mga iskrip, lalong-lalo na sa mga linya ni Luna na makata at kontrobersyal. Mga salita niyang nakakainspired at nagbibigay ng aral. Mga linyang hindi mo maririnig sa araw-araw at mga linyang nagbibigay buhay sa nalantang makabayan ng Pilipino. Mula sa sound effect maging sa mga lokasyon, magaling ang pagkakagawa kahit na nabitin at nakukulangan lang ako ng kaunti.
​Tunay nga namang ang pelikulang Heneral Luna ay natatangi at isang obra maestra. Sa ipinakita ni Luna ay pinatunayan niya na nasa dugo nating mga Pilipino ang pagiging matapang at mapagmahal sa ating Inang Bayan. Sa bawat linyang kanyang binitawan ay nagmimistulang tubig sa tuyong pagkakaisa ng mga Pilipino at nagiging bahaghari sagitna ng bagyo. Nakakaiyak sa galit ang ginawa sa kaniya, walang puso at makasarili ang pumaslang sa kanya. Kung tutuusin, kung nabuhay lamang siya at naisakatuparan ang plano niya, panalo sana tayo kontra sa mga Amerikano. At maaaring hindi na muli pang tayo nasakop ng ibang dayuhan.
​Sa dedikasyong kanyang ipinakita, nakakahiya ang mga pangyayari ngayon sa ating lipunan. Ang pagiging makasarili ng mga nasa itaas ay ang pinaka ayaw niya sa lahat. Dahil sa pelikulang ito mas lalo lamang akong nainis sa mga pinaggagawa ng mga nasa itaas ngayon. Inuuna ang mga sarili kaysa sa kapakanan ng mga Pilipino. Siguro kung nabubuhay pa lamang si Luna tatawagin niya ang mga ito ng inutil at puta. At tatanongin sila ng isa-isa ng “Bayan o Sarili? Pumili ka.” Kung ako ang tatanungin, ang aking pipiliin ay bayan sapagkat ang aking bayan ay sariling akin. Ito’y akin at hinding-hindi ko hahayaan na kunin ito ng iba. Ipagtatanggol ko ito sa abo’t ng aking makakaya kontra man sa kalaban o kakampi.
0 notes
itsamyna · 4 years
Text
Tumblr media
5/5; REBYU SA PELIKULANG HENERAL LUNA
Ang pelikulang Heneral Luna ay naghahatid ng kuwento na napapanahon hinggil sa mga isyung ating kinakaharap ngayon. Sa pamamagitan ng kamangha-manghang iskrip at cinematography, naihatid nito ng maayos ang mensaheng nais nitong ipahiwatig.
Sa unang sulyap pa lamang, makikita mo ang pagkakaroon ni Heneral Luna ng isang bayaning puso dahil sa katapangan na kanyang ipinakita. Mapapansin mo rin kung gaano siya kadeterminado na makamit ang kanyang mithiin, at iyon ay ang mapag-isa ang mga Pilipino upang labanan ang mga dayuhang Americano. Ngunit hindi niya ito magawa sa kadahilanang may sari-sariling nais ang mga Pilipino – personal na interest at politika.
Sa direksyon ni Jerrold Tarog at sa tulong ng mga kasama niyang iskrip writer, Henry Hunt Francia at E.A. Rocha, ang pelikulang Heneral Luna ay naghatid ng kakaibang kwento kung paano tayo nasakop ng mga Amerikano. Dito ipinakita na ang tunay na pokus ng pelikula ay ang matinding tension sa ranggo ng mga tinatawag nating Ama. Ang Heneral Luna ay isang kwento na nagsasaad na ang dahilan ng hindi pagkakasundo ay ang pagkakaroon ng matinding kaakuhan.
Kung hindi dahil sa husay sa pag-arte ni John Arcilla sa pagganap bilang Heneral Antonio Luna, hindi maisasakatuparan ang pelikulang ito. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang role at damang dama mo ang bawat salitang kanyang binibitawan at bawat aksyon na kanyang ginagawa. Wala akong masabi kundi ihayag ang aking pagpuri sa kanya, sapagkat nadala niya ang emosyon ng mga manonood sa pelikula. Isa sa mga eksena kung gaano kahusay si Arcilla sa pelikulang ito ay noong may eksena siya kasama ang nagtitinda ng manok. Sa pagdeliber niya ng kanyang diyalogo na “walang nakaaangat sa batas, kahit na Presidente”, damang dama mo ang galit at pagkabigo sa kanyang boses. At nung nilapitan niya ang nagtitinda ng manok dahil nabaril niya ang mga paninda nito sa kabila ng galit, ramdam ang pakikiramay at intensyon niyang protektahan ang mga mamamayang Pilipino.
Samantala, wala namang masyadong espesyal sa mga ibang cast maliban sa mahusay nilang pagdala ng mga karakter na kanilang pinoportray. Hindi naman sa hindi sila magaling pag-arte kundi hindi nila nagawang higitan ang performance na ipinakita ni Arcilla. Si Mon Confiado bilang Emilio Aguinaldo ay parang isang mahina na nilalang at nagtatago lamang sa likuran ng kanyang mga opisyal. Si Ketchup Eusebio naman bilang si Capt. Janolino, ang lider sa pagpaslang kay Luna ay masyadong natulak bilang kontrabida at hindi na natural ang kanyang pag-arte. Ang pinakamalapit na tumapat na karakter kay Arcilla ay si Lorenz Martinez bilang Heneral Mascardo, kung saan ang eksenang hindi niya pagsuko kay Luna ay nagbigay ng tension, subalit masyadong mabilis ang mga pangyayari kung kaya’t hindi naging konsistent ang pelikula.
Sa bilis ng mga pangyayari, mula sa pagkakaroon ng mainit na meeting ni Luna kasama si Aguinaldo at iba pang mga kasama sa cabinet hanggang sa pakikipaglaban sa mga Amerikano, naging kulang ang mga koneksiyon sa mga eksena. Dahil rin sa bilis ng mga eksena, hindi masyadong dama ang mga madugong bakbakan, malayo sa inaasahan sa isang war movie. Subalit bawing-bawi naman ito sa mga diyalogo ng mga karakter, lalong-lalo na mga makatang ngunit kontroberysal na linya ni Arcilla. Kagaya na lamang ng mga “kailangan mong tumalon sa kawalan,” “digmaan ang iyong asawa, ako lamang ay iyong querida,” and “para kayong mga birhen na naniniwala sa pag-ibig ng puta” - mga linyang hindi mo maririnig araw-araw at mga linyang magpapaisip sa iyo kung gaano kabigat ang mga eksenang ito.
Tunay na nakamamangha rin ang mga sound effect sa pelikulang ito. Mula sa paghampas ni Luna sa mesa sa mga meeting hanggang sa pagtugtog ng gitara sa kalagitnaan ng pelikula, talaga namang nakakabilib. Kudos kay Jerrold Tarog na hindi lang naging director kundi nagsilbi ring music director.
Sa pangkalahatan, ang Heneral Luna ang hindi lang basta isang pelikula kundi isang wake up call kung saan pinapaalala nito na may mga bagay na hindi nagbabago. Ang mensaheng – ang pinakamatindi nating kalaban ay ang ating sarili – ay nagsilbing eye-opener sa bawat isa. Sa pelikulang ito hindi lamang ipinakita kung gaano karumi at kagulo ang bansang kinain ng pansariling interest at politika kundi ang pagiging Pilipino natin at ating makakaya ngunit hindi natin ginawa. Iniwanan tayo ng tanong sa pelikulang ito kung saan masusubok ang ating pagmamahal sa ating bansa, “Bayan o Sarili? Pumili Ka.”
0 notes
itsamyna · 4 years
Text
Tumblr media
follow me to see more of my edits
0 notes
itsamyna · 4 years
Text
Tumblr media
Real eyes • Realize • Real lies
0 notes
itsamyna · 4 years
Text
Tumblr media
no matter how hard the situation is, always keep that smile on you face.
0 notes
itsamyna · 4 years
Text
you are enough
0 notes
itsamyna · 4 years
Text
Tumblr media
when you feel down and hopeless remember that everyday is a new beginning like how the sun rise every morning
1 note · View note