Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
PALAGI
Pakiramdam ko, kahit na kaninong matatag na balikat pa ay hindi rin aakma ang aking ulo.
Sa'yo lamang nakahulma ang aking pag-iisip at ang aking mga tunghay sa malayo.
Kahit na kanino pa sigurong matatag na bisig ang umagapay,
hahanapin pa ring mainam ang perpektong lapat ng palad mo sa aking uhaw na kamay.
Himlayan ka na habambuhay ng mapaglayag kong malay.
Nakatatak nang marahil kahit na sino pa ang humagkan.
Tanda na ng aking mga labi ang pasikot-sikot sa kalsada ng sa'yo at sa'yo lang.
Memoryado na ang mga galaw, ang katahimikan, at maski mga hiyaw.
Kahit na sino pa sigurong boses ay tanging bulong mo sa 'king nagniningas-kugon na pag-asa ang pakikinggan.
At kung sirain man ng paborito kong kadiliman ang yong pangalan,
ay sa'yo pa rin marahil mananahanan.
Ikaw at ikaw.
Palagi.
Araw-araw.
.
.
.
Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
22 notes
·
View notes
Text
What I wouldn’t give to love a boy with hair like that, my open heart whispered.
What I wouldn’t give to be a boy with hair like that, being loved by you, my quiet soul replied.
a.a.s.
7 notes
·
View notes
Text
May mga tao tayong kailangang palayain para mapalaya rin ang ating mga sarili
May mga hangganan na kailangan natin tanggapin para maipagpatuloy ang ating lakbayin
May mga distansiyang kailangan nating panatiliin para masagip ang natitirang pag ibig
At may mga peklat na hindi kailangang takpan para mabaon ang aral na gustong ipabatid
52 notes
·
View notes
Text
;:<
Liham mula sa pusong pilit na iniiwasan ang paghihinagpis, pilit na uusad. At higit sa lahat, ninanais lang makaalpas.
Sabi ko noon, hindi na ako magsusulat pa— na hindi na ako mag-aalay ng tula para sayo. Na ang huling piyesa ng tula ay ipinalipas ko na rin noong isang linggo, hahahaha! Ipinatikom sa dagat na bumubura ng bawat larawang binigkis sa buhanginan, napagmasdan ko ang pagbagsak ng bawat dahon ng alaalang dinumog at pinunit ng hangin.
Akala ko 'yun na ang huli, nang bigkasin ko sa mismong harapan mo ang bawat malayang mga tugmang naikatha buhat sa lalim ng sugat nang palihim na pag-ibig... ngunit wala namang lihim na hindi nabubunyag kaya marapat na rin sigurong mailathala ang damdamin sa bawat dahong muling pausbong bagamat hindi ko pa rin alam kung aabutan pa ba ito ng taglagas.
Akala ko yun na ang huling pakikipagtagisan ko sa bawat salitang may mensahe ng pagbitaw. Akala ko kakayanin ko ang agarang pagbitaw, bumitaw nang kusa at tuluyan nang maihihimlay ang bawat tula sa mismong pinagtuyuan ng bawat dahong bumabagsak.
Ilang beses naman kitang pinalaya pero paulit-ulit kang bumabalik.—ni hindi ko alam kung sino o dapat bang sisihin ko ang tadhana o talagang kailangang kong tanggaping parte ito ng pagpapasakop. Paulit-ulit kitang kinatatagpo sa panaginip na halos magtaka ako kung bakit.
Napuno ng listahan ng ngalan mo ang mga petsa sa kalendaryo kung ilang beses ka nga bang naging bisita sa aking pagtulog at paghimbing. Hindi naman ako kumakatok sa aking unan at kumot para masilayan ka pa—
...masilayan kung posible bang maharap na kita at hindi na ako urong-sulong pa.
Paulit-ulit tayong ipinagtatagpo kung saan una tayong nagkita at nagbitaw ng mga pangakong uunahin natin at doon din natapos ang bawat panimulang may matatamis at mabubulaklak na pagsasalarawan ng mga salitang "kung tayo'y tayo naman talaga."
Ngunit hindi ko na yata kayang ipagkait pa kita sa iba bukod sa pagtutol mong ipagdamot kita sa ibang babae'yt hindi naman ako ang makapagsasabing ang bukas ay laan para sa atin ng may iisang pintuan.
Hindi ko maaaring ilibing nang buhay ang bawat alaalang naging parte ng kung sino ako ngayon, mga nakaraang sabi nila'y dapat daw ay daanan ko lang at wag pagtambayan. At kung hihimayin ko ang bawat yugto, hindi ko alam kung kaya bang paluputan ang mga ito ng metaporang pampalasa sa bawat linya ng tula.....
Hindi ko alam kung magkakasya ito sa puso, ni minsa'y hindi mo nagawang pagbuksan. Inilatag ko na ang lahat kasama ang pagpapatawad ko sayo, kasama ang bawat panalangin ko para sa ikapapayapa ng buhay mo na walang ako, mga panalanging para sa ikatatag ng pananampalataya mo, para sa ikalalalim ng relasyon at pundasyon mo sa taong mamahalin mo panghabambuhay, at alam kong hindi ako 'yun.
At hindi, hindi ko lubos maisip na ganito ang paraan mo para sa paghilom ko—sa paghilom nating dalawa, mismong pinagtatagpi-tagpi kl ang bawat tauhan sa paligid para lang maharap kita.
Ilang beses akong umiwas na may sumbong sa kalangitan na sana nga dumating na ang panahon.
...yung panahon na kaya ko na at kaya mo na rin. Nag-iwasan tayo na waring naglalaro ng patintero at nakakapagod nga —nakakapagod na makipaglaro dahil hindi naman natin ninais na makipaghabulan sa wala na.
Pinili kong bitiwan ka pero hindi ko binitiwan ang paghihintay ko sayo -- naghihintay akong marinig lang mula sayo na ayos ka lang. Naniniwala pa rin ako sa mga panahong ito, naiisip mo ako.
At oo, ayokong nakawin ang mga oras at sandali na laan para sa paglago mo sa taong mamahalin mo. Noon pa man, yun na rin ang tanging dasal ko sa'yo. At kahit sa pagbitaw natin nang paulit-ulit, mahal, sayo pa rin ako bumabalik.
— Oo, mas matimbang ang pag-ibig niya (Allah, Diyos o sinumang ating pinapanalangin) para sating dalawa kaya nga't mas mainam na mag-ipon na lamang hindi ng mga pangamba, bagkus ng mga panalanging kalugud-lugod sa Kanya pagkat iisa lang ang ating Ama.
At kahit pa, kahit pa hindi ko masuri sa aking sarili kung ito na ang huling piyesa, hindi pa rin ako bibitaw sa pagsusulat. Maubusan man ng pagdanak ng tinta ng aking pluma'y patuloy akong makapagsusulat ng liham hanggang sa tuluyan na akong makausad.
At hindi matatapos ang mga tula na may ganitong pangwakas. Hindi ko rin alam kung kailan ito madudugtungan at kung dapat bang ihanay ko na sa ibang istilo ang bawat katha.
Gayunpaman, ang bawat tinta ng bawat kataga'y iisa lang ang diin.
Isang mensaheng hindi ko kayang sambitin, hindi kayang sambitin nang harapan kaya't katulad ni Jose Rizal, mas nanaisin kong ganito ang maging istilo ng mapagdamdaming paghihimagsik. Isang mensaheng hindi ko kayang bigyang pamagat at mananatiling isang alamat... —Alamat na hindi ko wari kung makakarating ba sayo o hindi.
Dalawa nalang ang ninanais ng utak, puso at talak ng bibig, ito ay ayos lang namang huwag ka nang bumalik. Ngunit ipangako mo saakin na lagi't lagi mong aalagaan ang iyong sarili dahil hindi ko na malalaman ang mga bagay, o gaya ng dati, kung saan parte ng iyong katawan ang may masakit.
Sasarhan ko na ang plumang may umaapaw na pagbulong ng lahat, pagkat ngayon: ikaw naman sana ang magsulat. Dahil mahal, napapagod na ako. Ngayon, ikaw naman sana ang magbigay ng pamagat. Isang pamagat kung may "tayo" pa nga ba sa huling mga linya o tutuldukan na lang ba natin ito at lilikha ng panibagong kabanata.

11 notes
·
View notes
Text
S'ya At Ako
Sinubukan ko. Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko para sa'yo. Sinubukan kong umaktong normal sa harapan nila at sa harapan mo. Pero ang hirap. Ang hirap pigilan ng damdaming unti-unting lumalago para sa'yo. Ang hirap pigilan ng mga hiling na sana ako ang nasa tabi mo. Na sana ako ang kailangan mo. Na sana ako ang kahawak kamay mo at ang kayakap mo. Na sana ako na lang sya. Hanggang hindi ko na kinaya at tuluyang nahulog sa'yong mga mata. At ngayon ang pintuan ng puso ko'y malayang nakabukas para sa'yo. Naghihintay, umaasa na sana balang-araw papasok ka sa loob nito at doo'y hindi na lilisan pa.
Ngunit alam kong ang araw na aking hinihintay, kailan ma'y hindi darating. Dahil alam ko kung gaano sya kahalaga sa'yo. Alam ko kung gaano katagal ang hinitay mo para magkaroon ng kayo. At alam ko kung gaano kadaming hiling ang nasambit mo sa bawat bulalakaw na daraan para lang maging kayo. Sa kanya umiikot ang mundo mo. Sya ang laman ng bawat pangarap mo. Habang ako, ikaw... ikaw ang syang naging buhay ko.
Gumigising sa bawat umaga na may ngiti sa labi dahil alam kong makikita kitang muli. Maririnig ang tinig mo at masisilayang muli ang 'yong mga ngiti. At doon sa dating tagpuan mat'yagang naghihintayan. Magbabahagi ng masasayang kwento at bubuo ng bagong alaala. Ang sarap sa pakiramdam na kasama kita. Ngunit sa paglipas ng bawat oras ang ngiti at sayang nararamdaman ko'y unti-unting naglalaho. Dahil sa bawat kwento mo nakalakip ang pangalan nya. At ngayon napagtanto ko na ang mga pangarap at planong magkasama nating binuo. Mga pangarap at planong ang laman ay ikaw at ako... ngayo'y napalitan ng kayo.
Ang hirap. Ang hirap magpanggap na kaibigan lang ang tingin ko sa'yo. Ang hirap magkunwaring masaya ako para sa inyo. Ang hirap sambitin ng mga salitang 'Hangad ko ang kasiyan nyo' 'Na sana habang buhay maging kayo'. Gayong ang nais naman talga ng puso ko ay 'sana ako na lang ang mahal mo.'
Sabagay, sa kabilang banda naging bahagi din ako ng kwento nyo. Isa sa mga naging dahilan kung bakit nagkaroon ng kayo. Ako ang syang naging tulay ng mga puso nyo. Naging mensahero ng bawat liham nyo. Lingid sa kaalam nyo na ang puso ko'y lumuluha't nagdurugo dahil masayang mukha ang syang ipinapakita ko. Pero ginusto ko 'to. Ginusto ko 'to dahil alam kong sya ang kailangan mo. Na sya ang kasiyahan mo. Na sya ang bagay at mas tamang mahalin mo. Na sya ang pangarap mo. At sya... ang mahal mo. At alam kong kahit gaano pa kadaming hiling ang gawin ko. Hindi kailan man mapaplitan ang SYA ng AKO.
- 🐝
2 notes
·
View notes
Text
Ouch ;>
huli na ng aking ika'y minahal/loving you too late
fem!yuu
maybe ooc vil
slight azul x yuu
filipino and english version
FILIPINO VERSION
ang pagmamahal ng tao sayo ay 'di dapat inaabuso, dahil ang pagmahal ay parang tayo din. Pag unti-unti nating pinamimigay nang walang kapalit, ay mauubos din ito
si Vil ay hindi ordinaryong lalake, sa dinami daming nagkagusto sa kanya, ang mata niya ay di maalis kay Yuu
babeng di makukumpara sa iba, mala perlas ang kutis, gandang tulad ng bagong bukang rosas, ngiting nagbibigay liwanag kahit sa pinakamadilim na gabi
si Yuu ay nasanay na sa mga manliligaw na may gusto sa kanya, buwan-buwan may bagong darating.
"sa mata ko ay ikaw lang ang babae sa mundo"
"hindi kita kayang lokohin. At nang tumingin ka lang sa aking direksyon, ay parang biniyayaan na ako ng diyos"
"hindi ako tulad ng ibang lalaki, na gagamitin at paglalaruan ka lang"
sa daming beses na niya ito narinig ay parang naririndi na siya. Kaya nagulat siya na meron pading malakas na loob na magpakita at lokohin siya
si Vil na ilang buwan na pinag-iisipan ang desisyon at pag-ipon ng kumpiyansa, ay nasira ang loob
nasanay na din si Vil na siya ang hinahabol ng mga babae, kaya bakit? Bakit ang unang beses na totoong nagka-gusto siya, ay hindi siya gusto neto?
si Yuu alam na ang mga sasabihin neto
"mahal na ata kita"
"gusto kong pasayahin ka"
"hindi kita lolokohin"
sa galit ni Yuu, agad-agad niya itong tinanggihan. Gaano ka laki ang kaakuhan? Gaano siya kahangin?
sa tingin ba niya na pag-narinig ito ni Yuu na agad-agad siyang magkaka gusto dito?
hindi, hindi niya tinanggap ang malalim na damdamin ni Vil
pero hindi nagpa-pigil si Vil
mga liham, regalo, rosas lahat nang mai-isip na pwede i regalo ay niregalo na niya
pero si Yuu ay nagka-gusto sa iba, lalaking nakatutok lang sa kanyang pag-aaral, lalaking walang oras na maibigay sa kanya, lalaking nakatutok sa kanyang pangarap, lalaking nag-ngangalang Azul
araw gabi nasa isip ni Yuu eto
'gaano kaya ka lambot ang kanyang buhok'
'ang ganda ng kanyang tawa, parang anghel ang bumaba sa langit para sa aking mga mata'
nang nakita ni Vil na wala na siyang pagkakataon, ay lumayo na siya. Ayaw niya din abalahin si Yuu
si Yuu na hindi napansin ang pagka-wala ng presensya ni Vil sa kanyang buhay
ilang buwan lumipas at nawala na din ang kanyang nararamdaman, at parang may kulang sa buhay niya
ano ang kulang?
ang pagmamahal na dati niyang naramdaman, taos-pusong papuri na dating sinabi sa kanya, ang magandang pakiramdam na ibinigay sa kanya. Sino nga ba siya?
yung taong gusto siya kahit hindi maayos ang kanyang itsura, taong may oras para sa kanya para lang mapasaya siya, ang taong nag-mamahal sa kanya
ah, si Vil
pero sinaktan na ni Yuu noon siya, mapapatawad kaya ni Vil si Yuu?
ilang araw nag-ipon ng lakas loob si Yuu, para mag-hingi ng patawad, at ilabas ang kanyang nararamdaman
dahil sa saya at gustong makita agad si Vil, ay napa tingin ito sa social media ni Vil
ay, huli na ba si Yuu?
parang tinutuya siya ng mga larawan
si Vil may kasamang babae, masaya, naghahawak kamay
ay, kasalanan to ni Yuu eh
kung hindi lang siya pahuli huli
gabing-gabi na nag-scroll sa kanyang profile ay parang pang-araw-araw na ritwal para kay Yuu
hindi matanggap na sinayang niya ang pagkakataon niya kay Vil
mahal na mahal siya dati ni Vil tapos sinayang lang niya
kung maaga kaya nalaman ni Yuu ang kanyang totoong nararamdaman, meron kayang pagkakataon na maging sila?
ENGLISH VERSION
people's love should not be abused, because love is like us. If we gradually give away pieces without anything in return, we will be all used up
Vil was not an ordinary man, many girls like him pursue him even. But his eyes can't be taken off of Yuu
a girl incomparable to others, complexion like that of a pearl, beauty like a newly blossomed rose, smile that lights up even the darkest nights
Yuu is used to those who pursue her, every month a new one arrives
"in my eyes you are the only woman in the world"
"I won't fool you, as when you looked at my direction, it was as if God had blessed me"
"I'm not like other men, who will only use and play with you"
she had heard it so many times that it's seems like she's going deaf. So she was surprised that someone had the courage to show up and fool her
Vil who had been mulling over the decision for months and gathering confidence, was devastated
Vil had gotten used to being the one being chased, so why? Why did the first girl he truly liked not like him back?
Yuu already knows every line that came out of his mouth
"I think I love you"
"I want to make you happy"
"I will not fool you"
due to Yuu's anger, she rejected him. How big was his ego? How big was his head?
did he think that once Yuu hears this, she'll immediately fall in love?
no. She didn't accept Vil's feelings
but Vil didn't let it hold him back
love letters, gift, roses, everything that can be gifted was gifted
but Yuu fell in love with someone else. A man focused with his studies, a man who was focused with his dreams, a man who didn't have time for her, a man named Azul
he was on Yuu's mind day and night
'how soft is his hair?'
'his laugh is enchanting, like an angel descended from heaven for my eyes'
when Vil saw that he had no chance, he walked away. He didn't want to bother Yuu
Yuu who didn't notice the absence of Vil's presence in his life
a few months passed and her feelings disappeared, and it seemed like something was missing from her life
what was missing?
the love she used to receive, heartfelt praise she used too receive, the good feeling he gave her. Who gave it to her?
a person who likes her even if she doesn't look the best, a person who has time for her just to make her happy, the person who loves her
ah, it's Vil
but Yuu had hurt him before , can he ever forgive her?
Yuu mustered the courage, to ask for forgiveness, and show her feelings
because of her impatience to see Vil, she immediately went to his social media page
oh, was Yuu too late?
the pictures seems to be mocking her
vil, with a woman, happy, and holding hands
oh, it's Yuu's fault
always beating around the bush, if only she wasn't too late
late nights scrolling through his profile is a daily ritual for Yuu
Yuu couldn't accept that she wasted her chance with Vil
Vil used to love her so much, and she just wasted it
if Yuu knew earlier about her true feelings, would there be a chance for them to be together?
28 notes
·
View notes
Text
“Growth is painful. Change is painful.But nothing is as painful as staying stuck somewhere you don’t belong.”
— Mandy Hale
17K notes
·
View notes
Text
“I’m still learning to love the parts of me that no one claps for.”
— Rudy Francisco
15K notes
·
View notes
Text
Nakalaya na ako sa kadena ng kahapon, aking bilangguan ay tinalikuran. Nakulong noong kailan, dala-dala ang mga bagahe ng nakaraan. Ngayon ako'y makakalaya nang walang hawak-hawak. Balik sa umpisa ngunit alam ko na kung saan magsisimula, nakaukit sa aking palad ang mga plano't balak.
Saan magsisimula? Hanggang kailan? Hanggang saan? Mga katanungang matagal nang bumabagabag sa aking isipan. Bago pa humantong sa aking sariling bilangguan, kung aking iisipin ay 'yon ba ang aking naging sala? Ang aking krimen at kaso, ako rin ang nagpasimuno.
Sa aking pagkalaya, aalpas at sasabay sa daluyong ng karagatan. Pahimakas sa nagdaan, ako'y magpapatuloy..
Padayon, laban.
49 notes
·
View notes
Text
“I dream of lost vocabularies that might express some of what we no longer can.”
— Jack Gilbert, “The Great Fires”
481 notes
·
View notes
Text
Sa gitna ng “sana sa akin ka nalang" at “paano ba ako mag papaalam”
Wala kang sinabi nung umamin ako sayo,
Kaya inisip na baka hindi mo ako gusto.
Ayokong ipagpalagay na pareho ang nararamdaman natin,
Dahil masakit umasa kung hindi mo naman aaminin sa akin.
Kailangan kong marinig, kahit minsan, kahit isang beses lang
Ang iyong tinig na nagsasabing ‘gusto rin kita’ —
Hindi mo na kailangang ulitin pa kung nahihiya,
Isang beses lang, at habambuhay na akong sayo
Hindi mo pa sinasambit, mukhang hindi na lilisan
Tumigil na ako sa pag subok na maintindihan
Hindi ko din alam kung bakit sa dami ng tao, sayo ako lapit ng lapit
Parang gamo gamo na sa’yong liwanag ay laging naaakit
Nabihag na nga ako, hindi na mawawala ito
Kaya gawin mo ang iyong gusto at bumalik sa akin kapag napagod ka na
Magiging pahingahan kapag sawa ka na
At kung aalis ka mang muli, dito mo parin ako babalikan
Sa gitna ng “sana sa akin ka nalang" at “paano ba ako mag papaalam”
3 notes
·
View notes
Text
PATUNGONG WAWA
THIS IS MY TRAVELOGUE ESSAY
(JAMES KURT PEREZ, 11-HUMSS-2B)
2 notes
·
View notes