Tumgik
jcedpunzalan · 5 years
Photo
Tumblr media
          Ako si John Cedric “JC” M. Punzalan, isang Tomasino mula sa College of Architecture (C-ARC-3).
1 note · View note
jcedpunzalan · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
         Ito ang Barangay 471 Zone 46 District IV, Navarra Street, Manila. Makikita sa larawan sa itaas ang sakop ng aming barangay.
1 note · View note
jcedpunzalan · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
          Ako ay napaunlakan ni Secretary Mae P. Lambanecio, isang opisyal mula sa aming barangay, na magkaroon ng isang panayam. Ang panayam ay naganap noong Disyembre 7, 2019 (3:57 pm).
1 note · View note
jcedpunzalan · 5 years
Photo
Tumblr media
          Ayon sa Manila Times (2019), maraming peligro ang taunang nananalasa sa ating bansa. Nariyan ang mga malalakas na pag ulan, bagyo, sunog, pagputok ng bulkan, at mga hindi inaasahang lindol. Nararapat lamang na maging alerto ang bawat miyembro ng mga komunidad sa mga kinakailangang gawin sa oras ng peligro. 
          Ano nga ba ang paghahandang isinasagawa ng aming barangay upang mapaghandaan ang mga nagbabadyang panganib na dulot ng mga kalamidad na ito? Ayan at ilan pang mga katanungan ang aking inalam sa aking panayam sa opisyal ng aming barangay.
Pinagkuhaan: https://www.manilatimes.net/2019/11/21/campus-press/be-equipped-with-proper-knowledge/657377/
1 note · View note
jcedpunzalan · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
MGA BANTANG PANGANIB
          Ayon kay Barangay Secretary Rose Lambanecio, maraming kalamidad at bantang panganib na ang naranasan ng aming barangay at patuloy pang namiminsala sa mga residenteng naninirahan dito. Iyon ay ang sunog, bagyo, at lindol. Noong Agosto ng nakaraang taon (2018) lamang ay nagkaroon ng sunog sa may Antonio Street na kung saan isang bahay ang higit na napinsala at ang isa naman ay bahagyang napinsala. 
          Bukod pa rito, nitong Disyembre 2019 ay nanalasa naman ang Bagyong Tisoy. Hindi man gaano nakapinsala, nakapagdulot pa rin ito ng panganib para sa ilang mga residente. Noong 2014 pa huling nakaranas ng baha ang aming barangay sapagkat inayos at pinataas na ang kalsada noong 2015. Pagdating naman sa lindol, nabangggit ni Secretary Rose na hindi ito maiiwasan ngunit kahit ganoo’y naghahanda pa rin ang barangay lalo pa’t palaging nakararanas ng lindol ang ating bansa. Wala na siyang iba pang panganib na nabanggit at binigyang-diin lamang niya na hindi inaasahan ang mga kalamidad na nabanggit sa itaas kaya matindi itong nakaaapekto sa komunidad.
          Nang matanong naman kung papaano nalalaman ng aming barangay ang mga nagbabadyang sakuna’y maraming nabanggit na “sources” si Secretary Rose. Aniya, dahil tayo ngayo’y nasa “Digital Age” na tinatawag, hindi na gaano nagmumula sa mga diyaryo ang pangunahing impormasyon na kanilang inihahatid sa komunidad. Bagkus ay mula na ito sa mga istasyon sa telebisyon katulad na lamang ng TV Patrol at GMA News. Gumagamit din sila ng mga radyo upang magkaroon ng balita sa mga ganitong uri ng kalamidad. Bukod pa rito’y ginagamit din nila ang Social Media Platforms katulad na lamang ng Twitter at Facebook ng DOST, PAG – ASA, NDRRMC, at ng lokal na gobyerno.
          Sa kasalukuyan ay hindi pa muling nakararanas ng sunog ang aming barangay sapagkat simula nang mangyari ang sunong noong nakaraang taon ay mas naging maingat pa ang mga miyembro ng komunidad. Kada taon naman, nakararanas 2-5 na bagyo ang barangay ngunit hindi na gaano binabaha sapagkat naayos na ang kalsada.
1 note · View note
jcedpunzalan · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
BULNERABILIDAD AT PELIGRO
          Kapag nagkaroon ng sunog, pinakamaaapektuhan ang mga kalyeng puno ng kainan at ang Navarra Street na mayroong gasolinahan. Ang lugar na pinakamaaapektuhan naman kapag nagkaroon ng lindol ay ang Juaning Street sapagkat makitid ang daan at mahihirapang lumikas ang mga residente kung kinakailangan. 
          Ang grupo ng taong pinaka-mapipinsala naman ay ang mga negosyante tagapangasiwa ng dormitories, pati na rin ang mga nagmamay-ari ng kainan. Higit na maaapektuhan nito ang pinansiyal na kapasidad ng mga tao sapagkat malaiking pera ang kinakalingan kapag napinsala ang mga kainan at tirahan sa aming barangay. Sabi ni Secretary Rose na walang ligtas na lugar sa barangay kung paglilikasan ang pag-uusapan sapagkat puno ng mga gusali ang bawat kalye ng aming komunidad. Pinakadelikado naman ang mga lugar na malapit sa gasolinahan at mga kalyeng may makikitid na daanan.
          Nang mapag-usapan naman ang mga suliranin na kinakaharap ng barangay na humahadlang sa pag-unlad ng pamayanan, isa lamang ang nabanggit ni Secretary Rose. Ito ay ang kooperasyon ng mga residenteng kabilang sa komunidad. Bilang ang barangay nga namin ay katabi lamang ng isa sa pinakamalalaking unibersidad sa bansa (Unibersidad ng Santo Tomas), marami rito, katulad ko, ang naninirahan sa dormitories. Ibig sabihin nito ay marami sa amin ang hindi permanenteng residente kaya marami ang hindi nakakaalam ng mga impormasyong ipinapahatid ng aming barangay. Bukod pa rito, nabanggit niya rin na para bang walang pakielam ang iba kahit na naaapektuhan din sila ng mga nagbabadyag kalamidad at panganib sa aming barangay.
1 note · View note
jcedpunzalan · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
KAPASIDAD AT DISASTER MANAGEMENT ASSESSMENT
          Sa aming barangay, pinamumunuan ni kagawad Babilon Lorica ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC), o ang grupong nakatalagang mag implementa ng mga Disaster Risk Reduction Programs sa aming lugar. 
          Ilan pang halimabawa na isinasagawa ng aming barangay bilang paghahanda sa nagbabantang panganib na maaaring idulot ng bagyo, lindol, at baha ay ang mga Seminar Trainings, Medical Trainings, Information Dissemination, Budgetting, at ang pagtatalaga ng Task Force na rerespondeng rescue teams kung kinakailangan. Ayon kay Secretary Rose ay kailangan pa rin ang buong partisipasyon mula sa mga mamamayan sapagkat sapat man ang ginagawang paghahanda ng aming barangay ay wala naman itong silbi kung hindi walang kooperasyon mula sa madla.
          Pagdating naman sa sakuna, naghanda ang mga opsiyal ng barangay ng isang Barangay Risk Reduction Management Plan (BRRMP) na kung saan nakasaad ang lahat ng planong inilatag upang maging handa sa mga panahon ng kalamidad. Kabilang dito ang weekly clean up drive, de-clogging, ang pagkakaroon ng two-way radio at Raha Fire Volunteer, at ang paglalaan ng badyet kung kinakaliangang mamahagi ng emergency relief goods sa aming mga residente. Sa kasalukuyan, ilan sa mga gamit na mayroon ang barangay upang isagawa ang nakasaad sa nabanggit na BRRMP ay ang mga generator, BP apparatus, fire extinguisher, flash light, nebulizer, first aid kit, barangay patrol, declogging materials, two-way radio, megaphone, at public address system.
1 note · View note
jcedpunzalan · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
MGA LIGTAS AT MAPANGANIB NA LUGAR, PAMUMUHAY, AT ISYU SA KOMUNIDAD
          Ayon kay Secretary Rose, binuksan ng UST ang mga pintuan nito para sa mga kabilang sa aming barangay sa panahon ng kalamidad. Maaaring gamitin ang UST Field bilang aming evacuation area, lalo pa’t nabanggit din niya na walang ligtas na likasan sa aming barangay dulot ng mga gusali at makikitid na daan na mayroon dito. 
          Pagdating naman sa mga mapapanganib na lugar, makikita sa larawan sa itaas na mayroong mga kable ng kuryente na balu-baluktot na at isa itong bagay na dapat bigyang solusyon nang sa gayon ay maiwasan ang sunog na maaaring maidulot nito. Makikita rin na may mga lugar na natatambakan ng mga basura na maaaring bumara sa mga nalinis nang kanal. Maaari itong magdulot ng baha kapag nagkaroon ng malakas na ulan o bagyo, kahit na naitaas na ang aming mga kalsada. Para naman sa mga best practices na aking napansin mula sa aming komunidad, kapansin pansin na kahit may mga lugar nang natambakan ng mga basura, may mga kalye pa ring malilinis sapagkat mayroong mga basurahan sa mga kalyeng ito. Isa pa, napansin ko rin sa aming barangay ang pagkakaroon ng cctv cameras at mga two-way radios na kanilang ginagamit upang mabantayan ang lagay ng aming barangay at agarang maka responde kung kinakalingan.
1 note · View note
jcedpunzalan · 5 years
Photo
Tumblr media
ISYU SA KOMUNIDAD: DAHILAN, SOLUSYON, EPEKTO SA PILIPINAS
          Kung pag-uusapan naman ang mga isyu na kinakaharap ng aming komunidad, masasabi ko na ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng maraming kalat sa daan, at ang paglabag sa ilang mga batas katulad ng bawal mag double park. 
          Simple lamang ang mga bagay na ito kung tutuusin ngunit nagdudulot ito ng mas malalaki pang panganib para sa mga mamamayan. Una, gaano man kaliit ang mga basurang nakakalat ay maaari pa rin itong bumara sa mga kanal. Ikalawa, kapag naharangan ng mga ilegal na nakaparadang sasakyan ang kalsada, mahihirapang lumikas ang mga residente kung kinakailangan lalo pa’t makikitid ang mga kalsada sa aming barangay. Para sa akin, isa lamang ang ugat ng mga isyung ito: kawalan ng disiplina sa sarili. Nararapat lamang na bilang mga residente, magkaroon lahat ng disiplina sa sarili sapagkat ito ang sangkap upang umunlad ang komunidad at agarang makabangon sa oras ng mga kalamidad.
          Hindi naman nagkukulang ang ating lokal na gobyerno sa pagsasabatas ng mga panukalang makakatulong sa ating mga komunidad sa oras ng mga kalamidad. Kaya naman ang solusyon na nakikita ko sa nabanggit kong problema sa itaas ay ang pagiging mas mahigpit sa implementasyon ng mga batas. Sapagakt kapansin-pansin na hindi takot lumabag sa mga “simpleng” batas na ito ang mga mamamayan kaya nararapat lamang na mabigyan sila ng ideya kung gaano kabigat ang kahihinatnan ng kanilang mga aksyon.
          Makikita rin ang kakulangan sa disiplina hindi lamang sa aming barangay, kung hindi ay pati na rin sa ating bansa. Hindi maikakaila na kahit simpleng limang minutong obserbasyon lamang sa isa sa mga kalye sa Maynila ay marami ka nang makikitang lumalabag sa batas. Mula sa simpleng pagkakalat, hindi pagsunod sa batas trapiko, hanggang sa pagnanakaw at pananamantala ng kapwa Pilipino. Kaya naman kung nanaiisin talaga nating makamit ang kaunlaran na ating inaasam, dapat ay handa nating baguhin ang ating mga pagkakamali sapagkat maaaring hindi natin namamalayan na nagagawa rin pala natin ang mga napupuna natin sa iba. Kung maiuugnay ko naman ang kawalan ng disiplina sa pagharap sa kalamidad, masasabi ko na kailangang masolusyonan ito sapagkat katulad na lamang ng sinabi ni Secretary Rose, sapat man ang kanilang paghahanda, hindi ito magiging epektibo kung hindi makiiisa ang mga miyembro ng komunidad.
2 notes · View notes
jcedpunzalan · 5 years
Photo
Tumblr media
SARILING PANANAW
          Matapos ang panayam at pagmamasid sa komunidad marami akong aral na natutunan. Una, aaminin ko na hindi ko alam na ganoon pala kasinop at kahirap ang prosesong isinasagawa ng aming barangay sa paghahanda sa mga kalamidad. 
          Natuwa ako nang makita ko ang mga papeles na kung saan nakasaad ang mga plano ng barangay at mga hakbang upang maisakatuparan ito. Napagtanto ko rin na kulang pa rin ang pinansiyal na kapasidad ng aming barangay para tugunan ang buong komunidad kung sakaling magkaroon man ng malakas na bagyo, malaking sunog, o lindol. Mas naging malinaw din sa akin kung ano nga ba ang dapat gawin bilang isang mamamayan. Naiintindihan ko na hindi sapat ang maging alerto lamang sapagkat dapat ay mayroon din akong interaksyon sa aking barangay. Dapat ay matuto rin akong tumulong sa pagbibigay ng impormasyon sa iba, at dapat ay manghikayat din ako ng ibang tao sa komunidad na handang tumulong sa aming barangay. Isa pa, akin ring natutunan na mahalaga talaga ang magkaroon ng disiplina sa sarili. Ito ay hindi lamang sa ikauunlad ng barangay kung hindi ay ng bansa na rin sapagkat kapag natuto ang lahat ng tao mula sa iba’t ibang barangay na magkaroon ng disiplina’y hindi gaano mahihirapang umahon ang ating bansa matapos ang isang kalamidad.
          Nararapat lamang na mabigyang solusyon ang mga isyung nabanggit sapagkat ito ang mga bagay na humahadlang sa pag-unlad ng aming komunidad. Hindi naman ibig sabihin na mayroong bagyo ay kalamidad na kaagad ito. Maaari pa itong maiwasan sapagkat ang bagyo ay isang bantang panganib lamang at kung mababawasan ang bulnerabilidad at maitataas ang kapasidad ng aming komunidad ay mas magiging mababa ang pagkakataong maging kalamidad ito. Masosolusyonan ito kung magiging aktibo ang miyembro ng komunidad at magkakaroon ng “pake” sa mga inilalatag na plano ng mga opsiyal ng aming barangay.
           Bilang miyembro ng komunidad at ng Pilipinas, marami na akong magagawa simpleng paraan upang makatulong na mabigyang solusyon ang mga kinakaharap na problemang may kaugnayan sa kalamidad hindi lamang sa aming barangay, kung hindi na rin sa bansa. Ang mga paraang ito ay mahahati sa dalawa: bulnerabilidad at kapasidad. Una, matutulungan ko ang aming barangay na mabawasan ang bulnerabilidad sa pamamagitan ng simpleng pagpupulot ng basura at pagtapon nito sa tamang lagayan. Hihikayatin ko rin ang aking mga kaibigan at mga miyembro ng aming komunidad nang sa gayon ay mas maging madali ang pagpapanatili ng kalinisan sa aming lugar. Sa ganitong pamamaraan ay mababawasan ang pagkakataong bumaha sa aming lugar sapagkat kakaunting basura na lamang ang babara sa mga kanal. Ikalawa, makakatulong akong maibaba ang bulnerabilidad ng Pilipinas sa kalamidad sa pamamagitan ng aking mga social media platforms. Gagamitin ko ang mga ito upang maipaabot ang aking mensahe sa maraming Pilipino: “dapat ay magkaroon tayo ng disiplina at tanggapin natin na malaking papel ang ginagampanan natin sa pag-unlad ng ating bansa. Ikatlo, matutulungan ko ang aking komunidad na itaas ang kapasidad sa pamamagitan na pakikipagtulungan sa opisyal ng aming barangay sa pagbuo ng mga Barangay Risk Reduction Management Plans upang mas maging epektibo ang mga ito. Ikahuli, matutulungan ko naman ang Pilipinas sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang barangay upang malaman kung anong barangay ang kailangan pa ng tulong. Sapagkat hindi naman maikakaila na kahit may mga barangay mang sapat ang pinansiyal na kapasidad sa pagtustos sa mga ganitong klaseng plano at proyekto, marami pa ring barangay sa mga liblib na lugar ang higit na nangangailangan. Itatak lamang natin sa ating mga isipan na ang pag-unlad ng bansa’y nakasalalay sa atin kaya kailangan na nating kumilos kung nais natin ng tunay na pagbabago.
3 notes · View notes