#DRRRM
Explore tagged Tumblr posts
jcedpunzalan · 6 years ago
Photo
Tumblr media
SARILING PANANAW
          Matapos ang panayam at pagmamasid sa komunidad marami akong aral na natutunan. Una, aaminin ko na hindi ko alam na ganoon pala kasinop at kahirap ang prosesong isinasagawa ng aming barangay sa paghahanda sa mga kalamidad. 
          Natuwa ako nang makita ko ang mga papeles na kung saan nakasaad ang mga plano ng barangay at mga hakbang upang maisakatuparan ito. Napagtanto ko rin na kulang pa rin ang pinansiyal na kapasidad ng aming barangay para tugunan ang buong komunidad kung sakaling magkaroon man ng malakas na bagyo, malaking sunog, o lindol. Mas naging malinaw din sa akin kung ano nga ba ang dapat gawin bilang isang mamamayan. Naiintindihan ko na hindi sapat ang maging alerto lamang sapagkat dapat ay mayroon din akong interaksyon sa aking barangay. Dapat ay matuto rin akong tumulong sa pagbibigay ng impormasyon sa iba, at dapat ay manghikayat din ako ng ibang tao sa komunidad na handang tumulong sa aming barangay. Isa pa, akin ring natutunan na mahalaga talaga ang magkaroon ng disiplina sa sarili. Ito ay hindi lamang sa ikauunlad ng barangay kung hindi ay ng bansa na rin sapagkat kapag natuto ang lahat ng tao mula sa iba’t ibang barangay na magkaroon ng disiplina’y hindi gaano mahihirapang umahon ang ating bansa matapos ang isang kalamidad.
          Nararapat lamang na mabigyang solusyon ang mga isyung nabanggit sapagkat ito ang mga bagay na humahadlang sa pag-unlad ng aming komunidad. Hindi naman ibig sabihin na mayroong bagyo ay kalamidad na kaagad ito. Maaari pa itong maiwasan sapagkat ang bagyo ay isang bantang panganib lamang at kung mababawasan ang bulnerabilidad at maitataas ang kapasidad ng aming komunidad ay mas magiging mababa ang pagkakataong maging kalamidad ito. Masosolusyonan ito kung magiging aktibo ang miyembro ng komunidad at magkakaroon ng “pake” sa mga inilalatag na plano ng mga opsiyal ng aming barangay.
           Bilang miyembro ng komunidad at ng Pilipinas, marami na akong magagawa simpleng paraan upang makatulong na mabigyang solusyon ang mga kinakaharap na problemang may kaugnayan sa kalamidad hindi lamang sa aming barangay, kung hindi na rin sa bansa. Ang mga paraang ito ay mahahati sa dalawa: bulnerabilidad at kapasidad. Una, matutulungan ko ang aming barangay na mabawasan ang bulnerabilidad sa pamamagitan ng simpleng pagpupulot ng basura at pagtapon nito sa tamang lagayan. Hihikayatin ko rin ang aking mga kaibigan at mga miyembro ng aming komunidad nang sa gayon ay mas maging madali ang pagpapanatili ng kalinisan sa aming lugar. Sa ganitong pamamaraan ay mababawasan ang pagkakataong bumaha sa aming lugar sapagkat kakaunting basura na lamang ang babara sa mga kanal. Ikalawa, makakatulong akong maibaba ang bulnerabilidad ng Pilipinas sa kalamidad sa pamamagitan ng aking mga social media platforms. Gagamitin ko ang mga ito upang maipaabot ang aking mensahe sa maraming Pilipino: “dapat ay magkaroon tayo ng disiplina at tanggapin natin na malaking papel ang ginagampanan natin sa pag-unlad ng ating bansa. Ikatlo, matutulungan ko ang aking komunidad na itaas ang kapasidad sa pamamagitan na pakikipagtulungan sa opisyal ng aming barangay sa pagbuo ng mga Barangay Risk Reduction Management Plans upang mas maging epektibo ang mga ito. Ikahuli, matutulungan ko naman ang Pilipinas sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang barangay upang malaman kung anong barangay ang kailangan pa ng tulong. Sapagkat hindi naman maikakaila na kahit may mga barangay mang sapat ang pinansiyal na kapasidad sa pagtustos sa mga ganitong klaseng plano at proyekto, marami pa ring barangay sa mga liblib na lugar ang higit na nangangailangan. Itatak lamang natin sa ating mga isipan na ang pag-unlad ng bansa’y nakasalalay sa atin kaya kailangan na nating kumilos kung nais natin ng tunay na pagbabago.
3 notes · View notes
floresritaastuff · 6 years ago
Text
And lastly, I discovered the small and important details of our barangay. I’ve learned that I’ve been going to this barangay for years already, and yet there are things that are still unseen to me. Knowing that our barangay exhausts itself to cater everyone and everything up to the littlest of things, I suddenly felt so ashamed for not even having the decency to at least acknowledge and appreciate their efforts. I’ve learned to open my eyes to every single thing that is happening around me. I’ve become so much aware of my position and the position of the people living in the same community as I do. In response to this, I became of aware of things that I am capable of doing. Limited as it may be, still, it’s a joy to discover that you can do so much more, be something more, not for yourself alone, but for others as well.
1 note · View note
mikaelabiog-blog · 6 years ago
Text
DRRM: Barangay San Isidro
San Isidro is a barangay in District I, Paranaque city, which was created on April 3, 1978 under the Presidential Decree No. 1321. It consists of 6 subdivisions with a population of 2,582 in 549 households.
Hazards in Barangay San Isidro
Like in any barangay, Barangay San Isidro also have hazards such as:
Cramped houses
Broken roads
Intertwined electric wires
Undisposed trash
Creeks in subdivisions
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Disasters that have been experienced by Barangay San Isidro
Barangay San Isidro being in the Philippines have encountered a myriad of calamities such as earthquakes and typhoons which leads to disasters like floods and fires. With that being said, the most common disaster that the barangay experiences is flood. Flooding is mostly experienced in subdivisions with creeks such as in Greenheights village, Fortunata, Lopez Village, and Santos Compound, where we live. It is common disaster in those places since the creeks tend to overflow due to the excessive rain, and undisposed trash clogging the drainage systems, which leads to flooding. The next disaster that is usual in Barangay San Isidro is fire in places like Silverio Compound due to the houses cramped in the small compound. These calamities are usually learned from the broadcasted news.
Fire in Silverio Compound
Tumblr media
Flood in San Antonio Valley 2
Tumblr media
People vulnerable to disasters in Barangay San Isidro
People who are most vulnerable to floods are the ones living beside and around the creek due to the fact that they are near it, which greatly affects them resulting to flood water entering their houses. On the other hand, the people usually vulnerable to fire are the ones living in subdivisions that are cramped. In case of a fire, it would be able to spread quickly. Lastly, the informal settlers (IFS) are the ones very vulnerable to almost all disasters since they are mostly exposed to hazards and live in risk areas with unstable housings.
DRRM Plans of Barangay San Isidro
Since Barangay San Isidro have experienced a myriad of disasters, their plans in DRRRM are the following:
Hazard Maps
Assigning evacuation centers
Having at least 20 volunteers in DRRM
Conducting Information Drives
Hazard Map
Tumblr media
DRRM Supplies
Tumblr media
DRRM Office
Tumblr media
REFLECTION:
In the “kwentuhan” with the Barangay official in Barangay San Isidro, she mentioned that the prevailing issue or problem hindering them to perform their plans of DRRM (Disaster Risk Reduction Management) is the participation of the community members. Though helping them with their plans are some of the homeowners of the subdivisions, they still have difficulties in engaging everyone to take part of the preparations and activities regarding DRRM, also in encouraging people to evacuate in times of floods. This may be caused by the lack of awareness of the community on the importance of DRRM. In order to address the problems, Government officials may possibly need to raise the awareness of DRRM and how it could help prevent intense damage and a number of casualties/ injuries. Alongside with that are more frequent assemblies or activities regarding what to do in times of calamities and diasasters such as typhoons, flooding, earthquakes and fires, moreover how to prevent those.
After having the “kwentuhan” I have realized that I, myself haven’t put in enough effort in knowing what our barangay is doing to prevent these disasters, and most especially not actively participating in the DRRM activities of the barangay . With that, I totally understand how difficult it is for the barangay officials to engage the community in participating in their activities. It came to my knowledge that participation of everyone in the community is key to having successful communication and organization of the DRRM plans.
Based on my actions before, my possible way of addressing the issues stated above is to mainly help spread awareness about DRRM and engaging my family and friends to actively join activities preventing disasters, also listening to government officials when they tell the people to evacuate.
Interview
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sources: https://paranaquecity.gov.ph/sanisidro.php https://images.app.goo.gl/fSfXwiE4KsRoybGU8 https://images.app.goo.gl/Huu4NAS1wAgQnQo
1 note · View note
jennyrubyjaner · 6 years ago
Text
Disaster risk reduction management in a local context.
I was tasked to perform a module in our NSTP program which consists of a to-do list that is to be done in your barangay. With the help of my local government units or LGU’s, I was able to properly assess the situation and give feedback whilst formulating a possible project proposal that would focus on the problems that our local community is facing, would or could face shortly. 
For a better understanding of the context, I was tasked to interview a member of our barangay (in my case, a barangay councilor) to gather as much insight as I can to give proper judgment on the task at hand. The interview was too long to condense it into this essay but I will share with you the focal points of our interview.
Hazard Identification (Pagtukoy ng mga Bantang Panganib)
Our Barangay is located in Angeles City which is flood-free because of its geographical location, it's relatively high compared to nearby Provinces and its far from the sea.  There is only a creek that transverse the whole City “the Sapang Balen Creek” it's water level is very manageable and to date, there is no incident record of any case of flooding. 
Per record, Barangay Sto. Domingo only suffered one disaster the eruption of  Mount Pinatubo on June 15, 1991. Our Barangay was literally buried by volcanic sand and ashes. We suffered from frequent earthquakes and its aftershocks.
Vulnerability, Elements, and People at Risk Assessment
In terms of vulnerability, just like any Barangay, we are prone to man-made disasters such as fire especially during summer or hot season, Our Barangay has several communities that are densely or overpopulated.
Should any disaster or any event that may cause harm to our citizens, the most vulnerable are the senior citizens, people with disabilities, children and those belonging to the marginalized sectors. 
In terms of difficulty after a disaster, common problems lie in terms of rehabilitation and reintegration due to a lack of funds.
The big challenge to our barangay and to our City as well as the potential hazard if our waterways and creeks will continue to be used as garbage or dumping sites for waste.
Capacity and Disaster Management Assessment
Our Barangay has an existing BDRRM, firefighter volunteers and emergency responders for vehicular related accidents. All of which undergo regular training and drills in cooperation with the City DRRM. we have barangay and Citywide DRRRM Plan, Barangay Vulnerability and Risk Mapping. 
Our City have always been an awardee of “Gawad Kalasag” (Gawad KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan).
To wrap up the discussion, our barangay (which is located within Angeles City) does not witness any strong disasters (excluding Mt. Pinatubo eruption). That does not mean that our barangay is free from hazards and problems. Even if our barangay has not faced any problems of flooding, that does not exclude the possibility of it in the future. It was mentioned in the latter part of the interview that the looming threat was the problem regarding pollution on waterways surrounding our barangay. The growing population in our city affects us in a way that more trash is produced since there are more people in the city. Our local government struggles to keep up with the demand for waste segregation and management. This problem breeds a problem such as improper throwing of trashes on drainages and riverbeds which in time hardens and becomes difficult to remove, resulting in the blockage of flow.
As a prelude to my module 4, I wish to propose a community cleanliness drive that focuses on the drainage system of our community and the natural bodies of water surrounding it. I feel that this can be a prelude to a much more environmental-friendly movement that will help our community in numerous ways we have not thought possible.
1 note · View note
dulcelina · 4 years ago
Text
i really do not understand the point of studying drrrm (disaster readiness and risk reduction management). if we are in the middle of a catastrophe/disaster, i will simply pass away.
0 notes
nicoleangeliquebabol-blog · 6 years ago
Text
DRRM - Barangay 183, Villamor Air Base, Pasay City
Tumblr media
Barangay 183 - a barangay located at Pasay City.
Tumblr media Tumblr media
The interviewees are (from left to right) Kuya Francis (Barangay Secretary Assistant), Hon. Angelico B. Dioso (Barangay Kagawad), and 2LT Dante H. Eleda (Barangay Secretary).
INTERVIEW QUESTIONS AND ANSWERS:
Hazard Identification:
Ano-ano ang mga kalamidad/hazards na tumama sa ating barangay? Paki-kwento.
- Typhoon at flooding ang madalas na nararanasang kalamidad o sakuna dito sa ating barangay.
Ano ang iba pang mga panganib na nakaapekto ng matindi sa ating pamayanan?
- Sa ngayon ay wala namang nakikitang panganib pero naghahanda at kumpleto naman ang paghahanda na ginagawa ng barangay natin. Mayroon tayong sinasabing “The Big One” na paparating, isa itong lindol na napakalaki na maaari daw maranasan dito sa Pilipinas na tatama sa parteng timog.
Paano nalalaman na may parating na bantang sakuna?
- Main source namin ay ang telebisyon, pangalawa ang command center ng buong Pasay na galing sa Pasay City Hall. Trabaho nila na ialarma ang bawat barangay sa Pasay lalo na ang mga barangay na may mga creek na may malalaking mga daluyan ng tubig. Dito kasi sa ating barangay mayroon tayong creek na pinangangalagaan hanggang ngayon at pinapanatiling malinis.
Gaano kadalas ito nangyayari sa pamayanan?
- Ang mga sakuna dito sa ating barangay ay hindi naman palagiang nangyayari. Ito ay nangyayari lamang kapag sumapit ang rainy season, nagkakaroon ng typhoon at flooding subalit hindi na kagaya noon ang ating barangay. Noong dati kasi ay flood prone area ang ating barangay pero ngayon ay nagagawan naman ito ng paraan sa pamamagitan ng pagpapaayos ng mga kalsada dito sa ating barangay.
Vulnerability, Elements, and People at Risk Assessment
Saan ang may pinakamatinding mapipinsala? Bakit kaya ang mga lugar na ito ang may pinakamatindi ang pinsala?
- Pagdating sa kalamidad ng bagyo, ang ating zone 6a, zone 6b at zone 5 ang nagkakaroon ng pinakamatinding pinsala. Ito kasi ang lugar sa ating barangay kung saan low lying areas, subalit bilang solusyon nagkakaroon naman tayo ng road rehabilitation para maiwasan na ang pagbaha sa mga zone na ito.
Kung tumama ang mga bantang panganib, sinu-sino kaya sa ating lugar ang pinaka-maaapektuhan? Tukuyinang ilang mga tao. Bakit kaya silaang pinaka-maaapektuhan?
- Ang mga maapektuhan ay syempre ung mga residente sa barangay lalo na ung mga nakatira sa mababang lugar. Maaari nilang lapitan ang mga first responders ng barangay, urban search team, urban water rescue team, at mga barangay personnels.
Ano kaya ang epekto ng pagtama ng sakuna sa mga tao, pangkabuhayan, serbisyong panlipunan at imprakstruktura ng pamayanan?
- Ang residente ng villamor ay ilang taon at ilang dekada na nadadaanan ng bagyo. Mabilis bumangon ang ating komunidad pagdating sa sakuna dahil wala namang area ng pananim sa ating barangay. Ang ilan sa mga epekto na aming nakita pagnagkakaroon ng mga sakuna ay ang mga pagpasok ng mga estudyante at paglinis ng lugar ng mga residenteng na mga nakaranas ng sakuna.
Saan ang pinakaligtasna lugar sa pamayanan kung may bantang panganib na dumating?
- Ang main evacuation area ng ating mga residente ay ang barangay hall. Ginagamit ito bilang evacuation center, hindi man ito malaking lugar pero ito ay nagiging support center. Makikita sa ating Hazard Map at Evacuation Plan na kapag nangyari ang sinasabing “The Big One”, sa ncr ang villamor golf club ang ating evacuation place.
Saan naman ang pinakadelikado na lugar sa pamayanan kung may bantang panganib na dumating?
- Ito ay depende na lamang sa pagpasok ng bagyo at kung gaano kalakas ang paparating na bagyo. Kagaya noong Bagyong Ondoy naapektuhan halos lahat ng zone sa ating barangay hindi lamang ang tatlong zone na nasa low lying areas ng ating barangay.
Anu-ano ang mga suliranin/problema na kinakaharap ng barangay na humahadlang sa pag-unlad ng pamayanan at pumipigil sa pagbangon mula sa pagkasalanta ng mga kalamidad?
- Pagdating sa ekonomiya, umaangat na ang barangay. Tayo ay nakaadjust sa economic crisis. Minimal na lang ang nagiging hadlang sa pagunlad ng ating barangay subalit dahil sa pagtaas natin ng ekonomiya dito ay dumadami na din ung mga investors, kaakibat nito ay dumadami rin ung mga tao na hindi taga dito sa barangay. Isa na rin sa hadlang ay ang hindi pagsunod o pagiging irresponsable sa mga batas ng ilang mga residente ng ating barangay.
Capacity and Disaster Management Assessment
Ano-ano ang mga ginawa ng pamayanan at barangay sa paghahanda/pag-iwas at kung sakaling may mga bantang panganib tulad ng bagyo, baha, lindol na dumating?
- Pagmay paparating na bagyo o kalamidad sa ating lugar, nagkakaroon tayo ng Information Education Campaign (ICE). Ito ay ang pagkalap ng mga impormasyon at ipapatawag sa mga zone leader. Ang ating barangay ay mayroong zone 1 hanggang zone 6b. Ang mga zone leader ang naatasan upang magpasa sa assistant at block leader ng mga nakalap na impormasyon.
Tumblr media
Ano ang mga nilalaman ng plano ng Barangay pagdating ng sakuna? (kung kaya hingin o hiramin ang BDRRM Plan, Hazard and Safety Map, Barangay Projects for different sectors like Youth, Women, Children, Elderly, Poor, PWD, etc.)
- Ang mga nilalaman ng aming plano ay ang mga disaster equipments ng barangay ay kailangang palakasin o padamihin. Pati na rin ang pagbibigay ng training and seminars sa mga tanods, fire marshall, cleaning team, environmental protection team. Lahat ng basic na dapat malaman ng first responder ay binibigay ng ating barangay.
Tumblr media
Sa kasalukuyan. anong programa, sistema, gamit, pasilidad o kakayahan meron ang barangay na makakatulong sa mga tao, serbisyo at kabuhayan na makabangon mula sa epekto ng kalamidad. Isa-isahin natin.
- Ang ilan sa mga pasilidad ng barangay ay ang ating barangay gymnasium bilang evacuation center, pati na rin ang ating barangay library at barangay session halls na handa maging evacuation center pag may mga malubhang sakuna na mangyari. Mayroon din ang ating barangay na mga gamit gaya ng rubber boats or fiber glass boats, firetrucks, patrol at emergency service vehicles na handa magsilbi bilang pagtransport ng mga pasyente o mga sugatan sa panahon ng sakuna.
Sino ang mga taong namamahala sa paghanda, pagharap at pagtugon sa kalamidad?
- Ang unang una namamahala sa paghahanda ay ang ating punong barangay. Pangalawa ay ang ating kagawad in charge sa drrrm pati na rin ang mga kagawad sa bawat zone ng barangay. Sa kabila nito, ang punong barangay pa din ang nasa head ng mga ito.
Tumblr media
0 notes
phgq · 6 years ago
Text
DOST showcases technologies for DRRM
#PHinfo: DOST showcases technologies for DRRM
Tumblr media
DOST - CAR Regional Director Nancy Bantog (5th from left) and CRDRRMC chair Albert Mogol (4th from right) lead  other DOST officials in a photo opportunity with representatives of Cordillera Provincial DRRM Offices  who  received  ceramic water  filter that can be used to ensure safe drinking water during disaster or emergeny.  (CCD/PIA CAR)
BAGUIO CITY, Sept. 20 (PIA) - -The Department of Science and Technology in the Cordillera region (DOST-CAR) showcased science – based technologies for disaster risk reduction and management(DRRRM)  in a Techno Promo Day activity at Paragon Hotel here on September  19.
A ceramic water filter that can ensure safe drinking water and safely packed ready- to - eat food during calamities were  among the developed technologies that DOST  highlighted.  
The candle type ceramic water filtration system was developed by the DOST –Industrial Technology Development Institute (ITDI) and was adopted by the local government of Bauko, Mountain Province for production through its pottery industry.  It can make accessible around 2 to 3 liters per hour of safe and potable drinking water from any available local and natural water sources even in remote areas.
Another technology produced by the DOST – ITDI for disaster mitigation measure is the ready – to – eat (RET) relief foods dubbed as “Pack of Hope”. RET  Chicken arrozcaldo or smoked fish rice meal (no need to cook or heat) are packed in easy to  open and light weight retort pouch that can be distributed by land,  and  water surface and  aerial at 20 feet drop height, and even under water. 
Also featured was the “HazardHunterPH” of the Philippine Institute of Volcanology and Seismology, a web application designed to increase hazard assessment accuracy, improve process efficiency and enhance the ease of doing business in relevant private and government institutions.
The Apps which can provide hazard assessment, hazard assessment report with explanations and recommendations, and up – to – date hazard information from mandated government agencies can be accessed at https://hazardhunter.georisk.gov.ph.
Tumblr media
Ma. Jowina Galarion of UP Manila National Institute of Health gives a briefing on the Dengue diagnostic kit that has been developed in partnership with DOST. (CCD/PIA CAR)
Another  invention is the Biotek – M Dengue Aqua Kit, a rapid and less expensive Dengue diagnostic kit developed by the National Institutes of Health of University of the Philippines - Manila in partnership with the DOST.
Mapua University’s USHER or Universal Structural Health Evaluation and Recording, a web portal system that allows developers, building owners and managers, local government units, building officials and structural engineers to remotely monitor and analyze the structural integrity of buildings and other structures was also featured.
DOST also presented the updates on the Cordillera DRR Management Information System that they have developed and continuously improving.
DOST – CAR Regional Director Dr. Nancy Bantog outlined that the activity aimed  to promote science – based technologies for DRRM which can be adapted in the region in line with their mandate to bring S&T and innovations as a driver of progress in every community.
Cordillera Regional Disaster Risk reduction and Management Council (CRDRRMC) chairperson and OCD – CAR Regional Director Albert Mogol  congratulated DOST and its partners for their valuable efforts to support the country’s goal of ensuring safe and disaster-resilient communities.
The Techno Promo Day was participated in by CRDRRMC Council member agencies, local chief executives, members of local DRRM council and other DRRM stakeholders. (JDP/CCD-PIA CAR)
    ***
References:
* Philippine Information Agency. "DOST showcases technologies for DRRM." Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1027598 (accessed September 20, 2019 at 07:46PM UTC+08).
* Philippine Infornation Agency. "DOST showcases technologies for DRRM." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1027598 (archived).
0 notes
malcolmcwts-blog · 6 years ago
Text
Vulnerability, Elements and People at Risk Assessment
House Fire can happen to anyone anytime without noticing it and it can be really dangerous especially most houses here in our area our apartments, that are very close from each other but the most common area that always get caught on fire is the INF or the informal settlers because their houses are made out of cheap materials that are vulnerable to risks like fire. This can have a big effect on everyone in the community most especially to them (INFs) because most probably they are displaced and forced to move out and find a new home also it can have a psychological effects to the people around like trauma. Anywhere can be safe except the area of INFs and the small water area like small rivers that crosses our area.
There is no problems for our barangay that they encounter like in financial because 70% of the budget goes to DRRRM, projects, and plans then 30% goes to relief funds.
0 notes
jcedpunzalan · 6 years ago
Photo
Tumblr media
ISYU SA KOMUNIDAD: DAHILAN, SOLUSYON, EPEKTO SA PILIPINAS
          Kung pag-uusapan naman ang mga isyu na kinakaharap ng aming komunidad, masasabi ko na ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng maraming kalat sa daan, at ang paglabag sa ilang mga batas katulad ng bawal mag double park. 
          Simple lamang ang mga bagay na ito kung tutuusin ngunit nagdudulot ito ng mas malalaki pang panganib para sa mga mamamayan. Una, gaano man kaliit ang mga basurang nakakalat ay maaari pa rin itong bumara sa mga kanal. Ikalawa, kapag naharangan ng mga ilegal na nakaparadang sasakyan ang kalsada, mahihirapang lumikas ang mga residente kung kinakailangan lalo pa’t makikitid ang mga kalsada sa aming barangay. Para sa akin, isa lamang ang ugat ng mga isyung ito: kawalan ng disiplina sa sarili. Nararapat lamang na bilang mga residente, magkaroon lahat ng disiplina sa sarili sapagkat ito ang sangkap upang umunlad ang komunidad at agarang makabangon sa oras ng mga kalamidad.
          Hindi naman nagkukulang ang ating lokal na gobyerno sa pagsasabatas ng mga panukalang makakatulong sa ating mga komunidad sa oras ng mga kalamidad. Kaya naman ang solusyon na nakikita ko sa nabanggit kong problema sa itaas ay ang pagiging mas mahigpit sa implementasyon ng mga batas. Sapagakt kapansin-pansin na hindi takot lumabag sa mga “simpleng” batas na ito ang mga mamamayan kaya nararapat lamang na mabigyan sila ng ideya kung gaano kabigat ang kahihinatnan ng kanilang mga aksyon.
          Makikita rin ang kakulangan sa disiplina hindi lamang sa aming barangay, kung hindi ay pati na rin sa ating bansa. Hindi maikakaila na kahit simpleng limang minutong obserbasyon lamang sa isa sa mga kalye sa Maynila ay marami ka nang makikitang lumalabag sa batas. Mula sa simpleng pagkakalat, hindi pagsunod sa batas trapiko, hanggang sa pagnanakaw at pananamantala ng kapwa Pilipino. Kaya naman kung nanaiisin talaga nating makamit ang kaunlaran na ating inaasam, dapat ay handa nating baguhin ang ating mga pagkakamali sapagkat maaaring hindi natin namamalayan na nagagawa rin pala natin ang mga napupuna natin sa iba. Kung maiuugnay ko naman ang kawalan ng disiplina sa pagharap sa kalamidad, masasabi ko na kailangang masolusyonan ito sapagkat katulad na lamang ng sinabi ni Secretary Rose, sapat man ang kanilang paghahanda, hindi ito magiging epektibo kung hindi makiiisa ang mga miyembro ng komunidad.
2 notes · View notes
jcedpunzalan · 6 years ago
Photo
Tumblr media
          Ako si John Cedric “JC” M. Punzalan, isang Tomasino mula sa College of Architecture (C-ARC-3).
1 note · View note
jcedpunzalan · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
         Ito ang Barangay 471 Zone 46 District IV, Navarra Street, Manila. Makikita sa larawan sa itaas ang sakop ng aming barangay.
1 note · View note
jcedpunzalan · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
          Ako ay napaunlakan ni Secretary Mae P. Lambanecio, isang opisyal mula sa aming barangay, na magkaroon ng isang panayam. Ang panayam ay naganap noong Disyembre 7, 2019 (3:57 pm).
1 note · View note
jcedpunzalan · 6 years ago
Photo
Tumblr media
          Ayon sa Manila Times (2019), maraming peligro ang taunang nananalasa sa ating bansa. Nariyan ang mga malalakas na pag ulan, bagyo, sunog, pagputok ng bulkan, at mga hindi inaasahang lindol. Nararapat lamang na maging alerto ang bawat miyembro ng mga komunidad sa mga kinakailangang gawin sa oras ng peligro. 
          Ano nga ba ang paghahandang isinasagawa ng aming barangay upang mapaghandaan ang mga nagbabadyang panganib na dulot ng mga kalamidad na ito? Ayan at ilan pang mga katanungan ang aking inalam sa aking panayam sa opisyal ng aming barangay.
Pinagkuhaan: https://www.manilatimes.net/2019/11/21/campus-press/be-equipped-with-proper-knowledge/657377/
1 note · View note
jcedpunzalan · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
MGA BANTANG PANGANIB
          Ayon kay Barangay Secretary Rose Lambanecio, maraming kalamidad at bantang panganib na ang naranasan ng aming barangay at patuloy pang namiminsala sa mga residenteng naninirahan dito. Iyon ay ang sunog, bagyo, at lindol. Noong Agosto ng nakaraang taon (2018) lamang ay nagkaroon ng sunog sa may Antonio Street na kung saan isang bahay ang higit na napinsala at ang isa naman ay bahagyang napinsala. 
          Bukod pa rito, nitong Disyembre 2019 ay nanalasa naman ang Bagyong Tisoy. Hindi man gaano nakapinsala, nakapagdulot pa rin ito ng panganib para sa ilang mga residente. Noong 2014 pa huling nakaranas ng baha ang aming barangay sapagkat inayos at pinataas na ang kalsada noong 2015. Pagdating naman sa lindol, nabangggit ni Secretary Rose na hindi ito maiiwasan ngunit kahit ganoo’y naghahanda pa rin ang barangay lalo pa’t palaging nakararanas ng lindol ang ating bansa. Wala na siyang iba pang panganib na nabanggit at binigyang-diin lamang niya na hindi inaasahan ang mga kalamidad na nabanggit sa itaas kaya matindi itong nakaaapekto sa komunidad.
          Nang matanong naman kung papaano nalalaman ng aming barangay ang mga nagbabadyang sakuna’y maraming nabanggit na “sources” si Secretary Rose. Aniya, dahil tayo ngayo’y nasa “Digital Age” na tinatawag, hindi na gaano nagmumula sa mga diyaryo ang pangunahing impormasyon na kanilang inihahatid sa komunidad. Bagkus ay mula na ito sa mga istasyon sa telebisyon katulad na lamang ng TV Patrol at GMA News. Gumagamit din sila ng mga radyo upang magkaroon ng balita sa mga ganitong uri ng kalamidad. Bukod pa rito’y ginagamit din nila ang Social Media Platforms katulad na lamang ng Twitter at Facebook ng DOST, PAG – ASA, NDRRMC, at ng lokal na gobyerno.
          Sa kasalukuyan ay hindi pa muling nakararanas ng sunog ang aming barangay sapagkat simula nang mangyari ang sunong noong nakaraang taon ay mas naging maingat pa ang mga miyembro ng komunidad. Kada taon naman, nakararanas 2-5 na bagyo ang barangay ngunit hindi na gaano binabaha sapagkat naayos na ang kalsada.
1 note · View note
jcedpunzalan · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
BULNERABILIDAD AT PELIGRO
          Kapag nagkaroon ng sunog, pinakamaaapektuhan ang mga kalyeng puno ng kainan at ang Navarra Street na mayroong gasolinahan. Ang lugar na pinakamaaapektuhan naman kapag nagkaroon ng lindol ay ang Juaning Street sapagkat makitid ang daan at mahihirapang lumikas ang mga residente kung kinakailangan. 
          Ang grupo ng taong pinaka-mapipinsala naman ay ang mga negosyante tagapangasiwa ng dormitories, pati na rin ang mga nagmamay-ari ng kainan. Higit na maaapektuhan nito ang pinansiyal na kapasidad ng mga tao sapagkat malaiking pera ang kinakalingan kapag napinsala ang mga kainan at tirahan sa aming barangay. Sabi ni Secretary Rose na walang ligtas na lugar sa barangay kung paglilikasan ang pag-uusapan sapagkat puno ng mga gusali ang bawat kalye ng aming komunidad. Pinakadelikado naman ang mga lugar na malapit sa gasolinahan at mga kalyeng may makikitid na daanan.
          Nang mapag-usapan naman ang mga suliranin na kinakaharap ng barangay na humahadlang sa pag-unlad ng pamayanan, isa lamang ang nabanggit ni Secretary Rose. Ito ay ang kooperasyon ng mga residenteng kabilang sa komunidad. Bilang ang barangay nga namin ay katabi lamang ng isa sa pinakamalalaking unibersidad sa bansa (Unibersidad ng Santo Tomas), marami rito, katulad ko, ang naninirahan sa dormitories. Ibig sabihin nito ay marami sa amin ang hindi permanenteng residente kaya marami ang hindi nakakaalam ng mga impormasyong ipinapahatid ng aming barangay. Bukod pa rito, nabanggit niya rin na para bang walang pakielam ang iba kahit na naaapektuhan din sila ng mga nagbabadyag kalamidad at panganib sa aming barangay.
1 note · View note
jcedpunzalan · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
KAPASIDAD AT DISASTER MANAGEMENT ASSESSMENT
          Sa aming barangay, pinamumunuan ni kagawad Babilon Lorica ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC), o ang grupong nakatalagang mag implementa ng mga Disaster Risk Reduction Programs sa aming lugar. 
          Ilan pang halimabawa na isinasagawa ng aming barangay bilang paghahanda sa nagbabantang panganib na maaaring idulot ng bagyo, lindol, at baha ay ang mga Seminar Trainings, Medical Trainings, Information Dissemination, Budgetting, at ang pagtatalaga ng Task Force na rerespondeng rescue teams kung kinakailangan. Ayon kay Secretary Rose ay kailangan pa rin ang buong partisipasyon mula sa mga mamamayan sapagkat sapat man ang ginagawang paghahanda ng aming barangay ay wala naman itong silbi kung hindi walang kooperasyon mula sa madla.
          Pagdating naman sa sakuna, naghanda ang mga opsiyal ng barangay ng isang Barangay Risk Reduction Management Plan (BRRMP) na kung saan nakasaad ang lahat ng planong inilatag upang maging handa sa mga panahon ng kalamidad. Kabilang dito ang weekly clean up drive, de-clogging, ang pagkakaroon ng two-way radio at Raha Fire Volunteer, at ang paglalaan ng badyet kung kinakaliangang mamahagi ng emergency relief goods sa aming mga residente. Sa kasalukuyan, ilan sa mga gamit na mayroon ang barangay upang isagawa ang nakasaad sa nabanggit na BRRMP ay ang mga generator, BP apparatus, fire extinguisher, flash light, nebulizer, first aid kit, barangay patrol, declogging materials, two-way radio, megaphone, at public address system.
1 note · View note