jebrenolo
jebrenolo
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
jebrenolo · 5 years ago
Text
“WIKANG PILIPINO KAYSA WIKANG BANYAGA”
GOD GIVEN D. RENOLO
             Ang ating bansa ay mayroong higit na walumpung (80) wika na ginagamit ng mga Pilipino sa buong bansa at wikang Tagalog ang pinaka ginagamit ng mga Pilipino at ang wikang ito ay ang kinikilalang Pambansang Wika ng Pilipinas. Ngunit kahit tayo ay mayroong sapat na kaalaman sa ating wika at maayos naman itong nagagamit sa ibang mga larangan, ang wikang banyaga o wikang ingles parin ang kailangang mas aralin ng mga mag-aaral kaysa sa ating sariling wika.
           Kung ikukumpara natin ang ating bansa sa ibang mga bansa sa larangan ng pag gamit ng wika, sila ay mas higit na mas pinapahalagahan ang kanilang katutubong wika kaysa sa atin. Kung tayo ay ikukumpara sa bansang indonesya, ang kanilang wika ay nag debelop o nag base lamang sa salitang mga ginagamit sa palengke o mga pamilihan. Ngunit ayon sa aritkulo ni Andrew Gonzales, ang kanilang wika dati ay ginagamit lamang sa simpleng pangagalakal at pakikipag usap lamang sa kani-kanilang mga taga indonesya at hindi karaniwang magagamit sa larangan ng agham at pang-akademika. Ngunit hindi nila tinalikuran ang kanilang wika at patuloy lang itong ginagamit at pinapayaman kahit sila ay sakop ng kolonyalismo ng mga Holandes o Dutch. Nung sila ay tulungan ng naging Malaya sa pagsakop ng mga Holandes ay lumaganap na ang kanilang wikang Bahasa Indonesya sa buong kapuluan at dahil sa kanilang pagmamahal sa kanilang wika ay bansa, hindi nila natalikuran ang kanilang katutubong wika at naipaglaban nila ito kaya sa panahon ngayon ay nagagamit na nila ang Bahasa Indonesya sa lahat ng pahayagan ng kanilang bansa pati narin sa pang-akademika. Ang Indonesya ay nagkakaisa sa kanilang wika at sila ay mga dapat tularin sa kanilang pagpapahalaga at pag mamahal ng kanilang bansa at wika.
             Ngayon naman ay akin nang pag uusapan ang wika sa ating bansa. Ang ating wika ay malawak at maaaring gamitin sa iba’t ibang mga larangan kahit sa agham o teknolohiya. Ngunit hindi natin pinapahalagahan ang ating bansa at wika gaya ng mga Indonesya dahil marami ang mga paaralan ngayon ay mas binibigyang diin ang pag aaral ng Ingles at dahil dito ay mas nahihikayat ang ating mga kapwa Pilipino na mag ibang bansa na lamang at doon mag hanap ng trabaho pagkatapos nila mag aral sa kolehiyo. Dahil rin sa pag aaral ng wikang Ingles ay napapabayaan na natin ang ating wika at mas nagiging importante pa aralin and wikang Ingles kaysa sa wikang Tagalog. Halos ang ginagamit na rin na lenggwage ng mga guro sa pagtuturo ay ang wikang Ingles, maliban na lamang sa mga gurong nagtuturo ng Wika o Araling Panlipunan.
             Upang tayo ay maging mas maunlad gamit ang ating wika, kailangan nating maintindihan kung gaano ito kahalaga sa ating mga Pilipino pati narin sa ating bansa. Napaka importante ng ating wika dahil gaya ng sa mga taga Indonesya, ito rin ang paraan upang magkaroon ng pagkakaisa sa ating mga mamamayang Pilipino at hindi lang iyon, ang wika rin natin ang magsisilbing instrumento patungo sa ating pag unlad ng ekonomiya. Malaki rin ang halaga ng ating wikang Filipino sa ating pag aaral o edukasyon dahil importante para sa atin na alamin ang pinagmulan ng ating wika, mga katangian nito, at kung paano ito nagdebelop sa ating paraan ng pag gamit ng ating wika ngayon. Sa ngayon, an gating kaalaman sa ating wika ay mababaw pa lamang lalo na sa mga kabataan ngayong henerasyon na nasa impluwensiya na ng mga bagay na teknolohikal (selpon, tablet, kompyuter, etc.) na galing sa ibang bansa at wikang Ingles ang ginagamit na lenggwahe ng mga bagay na iyon. Mas nahuhumaling ang mga Pilipino sa mga bagay na hindi nanggaling sa ating bansa at yun ang nagsisilbing isa sa mga dahilan kung bakit mas interesado tayo ngayon sa wikang banyaga at mas inaaral na natin ito ngayon kaysa sa ating sariling wika.
             Wala naman masamang matutunan ang wikang Ingles dahil sa panahon ngayon ay napaka importante na rin nito sa lahat ng aspeto. Ang punto lamang nito ay wag kalimutan ang ating sariling wika at pahalagahan ito dahil ito ay ating Pambansang Wika. Dapat natin mas bigyan ng diin ang ating wika dahil sarili natin ito at ito ang nagsilbing instrumento na nagdala sa atin kung nasaan tayo ngayon. Tayong mga Pilipino ay Pilipino rin ang ating mga kailangan kaya dapat tayong manatili sa ating wika at husayan ang ating pakikipag talastasan sa ating mga kapwa Pilipino upang mas maging mayaman an gating wika at para din mas mapalawak ang ating kaalaman at kasanayan sa ating Wikang Pambansa.
  SANGGUNIAN:
https://feu.instructure.com/courses/51428/files/5861157/download?wrap=1
http://iyarys.blogspot.com/2016/10/kahalagahan-ng-wikang-pambansa.html
1 note · View note