Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Pag Usbong ng Ating Wika
Ang wika ay mahalaga dahil ito ang nagsisilbing instrumento ng bawat isa upang makipagsalamuha o makipagugnayan. Mahalagang payamanin pa natin ang ating sariling wika upang ito ay patuloy na umunlad. Bahagi ng pagiging malikhain natin ang paggamit ng ibat-ibang paraang upang mas mapaikli natin o bigyang ng iba pang kahulugan ang mga salita at ang pagbuo ng mga bagong salita. Isang halimbawa dito ay “pabebe” na ang ibig sabihin ay maarte. Ito ay magandang aspekto dahil sa paraan na ito ay magiging kawili-wili pa man ang usapan ng bawat isa.Sa pag-usad ng panahon ay hindi maiiwasan ang paggawa ng mga bagong termino.
Ako’y sumasang ayon sa paggawa o pabguo ng mga bagong salita dahil ito ay isang senyas na ang wika natin ay umuunlad. Naniniwala naman ako na malaking impluwensya ang teknolohiya at ang pagbabago ng panahon sa pagbuo ng mga bagong salita sapagkat karamihan ng mga bagon salita ngayong panahon ay nabubuo lamang dahil tayo ay sumusunod sa kung ano ang uso. Natural ang pag usbong nga mga bagong salita depende sa kung ano ang uso. Ang pagkakaroon ng mga bagong salita sa ating wika ay may magandang naidudulot dahil marami tayong natututunan. Bagaman ang pagkakaroon ng mga bagong salita sa ating wika ay kapaki-pakinabang, ito rin ay may onting negatibong epekto dulot ng hindi pagkakaunawaan ng mga kabataan at matanda dahil sa pagkakaiba ng henerasyon.
Kailangan parin natin maging maingat sa paggamit ng mga bagong salita dahil hindi naman ito saplitian at kailangan parin bigyang kahalagahan ang mga salita noong panahon. Gayon pa man, habang nagbabago ang panahon at dumarami pa man ang mga salita sa ating bokabolaryo ay inilalahad lamang nito na ang wika.
0 notes
Text
Ang Wikang Natatangi
Hindi natin matatanggihan ang sarili nating wika sapagkat ito ay sumisimbolo ng ating kultura at sa paraan na ito ay makikilala kung sino at ano tayo. Ang pagkakaroon ng sariling wika ay mahalaga dahil ito ang magagamit na instrumento ng komunikasyon at nagbibigay daan upang tayo ay magkaunawaan at magkaisa. Kung wala tayong wika ay hindi tayo magkakaugnayan.
Ako’y sumasang-ayon sa ipinaliwanag ng guro sa dokumentaryo dahil ang mga kabataan sa panahon ngayon ay mas binibigyang pokus ang teknolohiya o ang ibang bagay na umaagaw pansin. Naniniwala rin ako na mas hasa ang mga magaaral o mga mamayanan noon sa wikang Filipino dahil sa tingin ko ay hindi pa maunlad ang teknolohiya noon kaya’t sila ay nakikipagsalamuha pa sa isa’t-isa.
Samakatuwid, ang wikang Filipino ay natatangi dahil ito ang ating sariling wika na ipinasa ng ating mga ninuno at umuunlad bawa’t taon gawa ng mga bagong nabubuong salita. Ang wika din ay ginagamit natin sa pang araw-araw na pamumuhay upang magkaunawaan ang bawat isa.
1 note
·
View note