Text
Blog 6: Gender Roles

➳ Ano ang ibig-sabihin ng gender roles?
Ang gender roles ay ang mga pamantayan na tinanggap ng karamihan bilang basehan ng pagiging babae o lalaki. Ito rin ay matatawag na mga stereotypes. Ito ay batay sa panlipunan o interpersonal na ugnayan.
Halimbawa:
Noong panahon ng mga Espanyol ang mga kababaihan ay inaasahan na maging mahinhin at konserbatibo hindi tulad ngayon na may karapatan na din mag trabaho at magkaroon ng mataas na posisyon ang mga kababaihan.
➳ Paano makikita ang pagkakaiba ng gender roles ng mga kalalakihan at mga kababaihan sa mga sumusunod na aspeto:
o Media
Aking naalala ang isang commercial ng Jollibee tungkol sa pag ibig na noong una ay iisipin mong pag iibigan ng dalawang tao ngunit pinakita sa commercial na ito ang paglaban sa stereotypes sa mga kababaihan tulad ng hindi pagiging maalam sa pag kukumpuni ng sasakya at pag kukumpuni sa bahay.
Madalas nating makita na kapag commercial ito tungkol sa construction materials ay puro lalake ganun din pag dating sa commercial ng kape. Lahat ito ay nagpapakita ng malakas at maasahan na imahe para sa mga kalalakihan.
o Edukasyon
Ang mga kababaihan noong ay walang pagkakataon na makapag aral dahil noon ang mga kababaihan ay para sa bahay at simbahan lang daw ngunit buti na lang ay nagbago ito at nagkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan na mag aral.
Sa sector ng edukasyon ngayon mayroong stereotype na ang mga guro sa mga tinuturing na madadaling mga asignatura ay mga kababaihan at kapag naman daw sa mahihirap na subject ang mga guro daw ay dapat kalalakihan. Nabigyan man ng pagkakataon mag trabaho at mag aral ang parehong kababaihan at kalalakihan mayroon pa ding hindi pagkapantay pantay.
o Trabaho
Ating masasabi sa panahon natin ngayon na mayroon ng pagkakataon ang mga kababaihan ngayon kaysa sa mga kababaihan ngayon ngunit hindi pa din nawawala ang mababa nilang pagtingin sa mga kababaihan. Ito ay isang bagay na kahit isang sikat na tao tulad ni Taylor Swift ay nakararanas nito. "There's a different vocabulary for men and women in the music industry. A man does something, it's strategic. A woman does something, it's calculated. A man is allowed to react, a woman can only react." sabi ni Taylor Swift sa isang interview sa CBS Sunday Morning, sa tingin ko ang mga salitang ito ay maia-apply din kung paano ipresenta ng media ang mga kababaihan.
Ang mga kababaihan ay mayroong gender role na dapat daw ay nasa bahay lamang upang mag alaga sa mga bata o kaya naman ay maging kasambahay kaya ang iba ay nagugulat kapag sila ay may nakikitang kababaihan na mayroong negosyo o nasa malaking kampanya.
Sa mga kalalakihan naman, sila ay may gender role na sila dapat ang nagtatrabaho at kumikita para sa pamilya at kapag ang kaniyang babaeng kabiyak ang siyang nagtatrabaho at kumikita sa pamilya ay kanilang kinukutya ang lalaki dahil lalaki daw ang dapat na gumawa ng mga bagay na iyon. Sa tingin ko din ay may pressure sa mga kalalakihan na mag karoon ng malaking sweldo na dala din naman ng impluwensiya ng gender roles.
o Pamilya
Sa pamilya ay may kaniya kaniyang gender roles ang kababaihan at kalalakihan. Ang mga kalalakihan daw ang dapat gumawa ng mabibigat na gawain tulad ng pagkukumpuni ng mga gamit sa bahay at pagbubuhat ng mga gamit. Sila din dapat ang nagtatrabaho para sa pamilya. Samantala ang mga kababaihan daw ay dapat nasa bahay lamang upang mag alaga ng mga anak, magluto at gumawa ng gawaing bahay.
o Lipunan
Kahit na madaming panahon na ang lumipas ang paniniwala ng ating lipunan sa gender roles ay hindi pa din nag iiba, para sa lipunan ang mga kababaihan ay dapat mahinhin, konserbatibo at mala-maria clara. Para sa kanila ang mga kalalakihan ay dapat makikisig, matatapang at malalaki ang pangangatawan. Nakakalungkot isipin ngunit ito ang kanilang batayan sa pagkilala kung ikaw ba ay "tunay" na lalaki o babae
➳ Paano ka personal na naaapektuhan ng mga gender role stereotypes sa ating lipunan?
Dahil sa mga stereotypes na mayroon ang ating lipunan madalas akong pagsabihan ng mga nakatatanda sa akin kapag kanilang napapansin na wala ako dun sa gender stereotypes o ako ay naiiba dahil din dito ay naapektuhan ang aking mga paniniwala kung paano ba dapat kumilos ang isang babae at lalake.
0 notes
Text
Blog 5 - Political Dynasty
Kung ikaw ay madalas makinig sa mga balita na tungkol sa politika ay tiyak na narinig mo na ang salitang Political Dynasty.
✧ Political Dynasty
Ang political dynasty ay tumutukoy sa isang pamilya ng mga politiko na namumuno sa isang lugar o kaya naman ay nasa iba't ibang lugar ngunit lahat ay may pwesto sa local o national na pamahalaan. Madalas ay naeelect sila sa parehong pwesto pag katapos ng termino ng isa at ito ay mag papaulit ulit.
Ayon kay Josefa L. Quirante Radford ang mga bansang Tsina, Hapon, Inglatera at Espanya ay ilan sa mga bansang nagsimula ng ideya ng political dynasty.
✧ Ano ang epekto nito sa pamahalaan at sa ikauunlad ng bansa?
Sa ating nakaraan na pinag aral ay ating tinalakay ang checks and balances at ang importansya ng pagkakaroon nito sa pamahalaan. Sa pagkakaroon ng political dynasty sa bansa ay hindi naisasagawa ng maayos ang checks and balances dahil ang kanilang mga babantayan ay sarili nilang mga kamag anak.
Isa pang epekto nito ang pag abuso sa kapangyarihan madalas ay hindi ito nagagamit sa tama at napapanatili lamang ang kapangyarihan at impluwensiya sa iisang angkan o pamilya na nagiging dahilan kung bakit kahit may ibang gustong tumakbo ay sila at sila pa din ang nanalo.
✧ Saan nag-uugat ang pagiging laganap ng political dynasties at political families sa Pilipinas?
Ang pagkakaroon ng political dynaties sa Pilipinas ay ating makikita noong unang panahon, mayroon tayong mga sultan na ipinapasa ang kanilang titulo sa kanilang angkan o pamilya lamang. Atin din itong makikita noong panahon ng kastila ang mga namumuno na noon sa ating ay ang mga ilustrado o ang mga mayayamang angkan at ito'y nag patuloy hanggang sa panahon ng mga amerikano ang nagbago lamang ay ang tawag sa kanila, sila ay tinawag na mga elite. Ito lamang ay nawakasan ng dumating ang panahon ni Marcos at nangyari ang EDSA uprising at nang nanalo si Cory ay isinaad sa konstitusyon ng 1987 sa Article II section 26 ang pagbabawal sa "political dynasties" paradiumano ay bigyan ng oportunidad ang mga karaniwang mamamayan na lumahok sa mga election ngunit para sa akin ay isa itong batas na hindi nasusunod ng maayos dahil ayon sa report noong 2013 56% ng mga political dynasties ay nagmula sa mga dating political elites.
✧ Sa iyong personal na opinyon, mawawala pa ba sa sistema ng lipunan ang political dynasties?
Para sa akin ay hindi na ito mawawala sa ating lipunan dahil unang una ay 2016 ay nabanggit ni Senator Miriam na hindi pa din daw naipapasa ang Anti Dynasty Bill, bakit? Ito ay dahil dadaan ito sa mga tao na nagmula mismo at nakikinabang sa mga political dynasty kaya para sakin ay halos imposible na mawala ang political dynasties at kung mawawala man ito ay mawawala din ang kalahati ng pamahalaan natin mapa-national man o local. Para sa akin ay mahihirapan din ang mga tao kapag nawala ang political dynasties dahil sila ay maninibago sa mga tatakbong mga politiko at mahihirapan silang mag tiwala lalo na kung hindi ito gaano kakilala sa larangan ng politika o sa kanilang lugar.
✧ Ano ang iyong opinyon tungkol sa bahaging ito ng ating 1987 Constitution: Article II Section 26: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.”
Mula sa aking pag sasaliksik ang 1987 Constitution: Article II Section 26 ay ipinatupad upang magbigay daan sa mga mahihirap o ordinaryong na mga candidato na makalahok sa election at isinaad din dito ang 'prohibit political dynasties' ngunit para sa akin ay hindi ito nasusunod at ang madalas na sabihin ng mga tumatakbo na mula sa mga politikal dynasty ay mayroon silang karapatan na tumakbo dahil pwede naman daw tumakbo as long as may puso ka para sa pag lilingkod para sa mga tao ngunit para sa akin isang pribiliheyo para sa kanila ang pagsabi ng ganitong mga salita at isa itong abuso sa kapangyarihan nila bilang isang tao na mula sa isang makapangyarihan na pamilya dahil mayroon silang mga resources o pondo, mga connections, at sila ay tanyag na kaya ang pagtakbo sa election ay isang bagay na madali lang para sa kanila at kayang kaya nilang umulit kung sakaling matalo sila hindi tulad ng mga ordinaryong mga mamamayan at dito pa lang ay hindi na patas ang laban kahit na sabihin na binigyan sila ng equal oppurtunities.
0 notes
Text
Blog 4 - 100%
Masasabi pa ba natin na ang ating mga kultura at tradisyon ay purong atin?
Ang ating kultura sa Pilipinas ay matatawag na cultural hybrid dahil sa ating pag tanggap at pagkonsumo sa kultura ng iba't ibang mga bansa dahil sa globalisasyon.
Ang globalisasyon sa madaling salita ay ang integrasyon ng mga nation/bansa kung saan nagpapalitan sila ng kanilang mga pananaw, produkto, ideya at iba pa.
Ang ang ating bansang Pilipinas ay nacolonize noong 1521 at sila ay nag tagal ng mahigit 300 years, dahil sa maagang pag colonize sa atin hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na i-explore, alamin at palaganapin ang sarili nating mga kultura. Kaya mula 1521 ay hindi na purong Pinoy culture ang meron tayo.
Ngayon ba? Sa ating mga pang araw araw na gawain at mga pag konsumo na ginagawa alin ang ating maituturing na "atin".
Ngayong lockdown ay napapadalas ang ating pag papadeliver mula sa mga fast food restaurants ngunit ang konsepto ng 'fast food' ay hindi mula sa atin.
Nahilig ka na din ba sa panonood ng kdrama? Cdrama? o kaya naman ay mga series mula sa ibang bansa. Yan ay maituturing na parte ng globalisasyon.
Pati ang pagpili natin ng damit ay naiiba din ayon sa nakikita natin mula sa mga paborito nating celebrities na kanila din namang nakuha mula sa iba.
Hindi ko madedeny na katulad niyo ay naapektuhan din ng globalisasyon ang aking mga personal choices sa buhay tulad ng mga kanta na pinapakinggan ko pati na rin ang mga pagkain na gusto kong kainin in the future.
Pero meron pa din naman tayong mga katangian na hindi maaalis satin bilang mga Pilipino at ito ay ang ating pagiging magalang sa mga nakatatanda. Tayo ay nag sasabi ng 'po' at 'opo' at nagmamano.
Isa din na aking napansin sa mga Pilipino ay wala satin ang konsepto ng 'moving out' di tulad ng ibang bansa na umaalis na ng bahay pag nag 18 yrs old na, tayo ay nananatili sa bahay ng ating mga magulang hanggang sa tayo ay magkaroon ng trabaho. Kahit na magbago ang ating mga personal choices dahil sa globalisasyon mayroon pa din talaga na hinding hindi magbabago at ito ay ang pagiging Pilipino natin.
Minsan ba ay naiisip niyo na kung pano kaya ang ating mga nakasanayan, kultura at mga tradisyon kung hindi tayo naaapektuhan ng globalisayon?
Nabanggit ko kanina na tayo ay maagang nasakop at hindi nag karoon ng pagkakataon na i-explore ang ating mga kultura at tradisyon. Naisip ko pano kaya kung katulad tayo ng Thailand na hindi nabago o naapektuhan ang kanilang mga tradisyon at kultura.
Panigurado ay mas madami pa tayong malalaman tungkol sa ating mga diyos at diyosa pati na rin ang mga kwento na nasunog ay ating malalaman.
Ano kaya ang magiging relihiyon natin? Actually baka nga wala tayong magiging relihiyon kung hindi tayo maeempluwensiyahan ng globalisasyon.
Siguro ay makikita natin ang mga diverse na kasuotan na maituturing natin na may purong impluwensya ng mga Pilipino. Ano kaya ang magiging itsura ng mga buildings at bahay natin?
Ang ating lenggwahe at alphabet ay paniguradong iba sa ating ginagamit ngayon. Iba rin ang ating mga tugtog o musika.
Ngayon na iniisip ko na talaga kung anong magiging itsura ng Pilipinas kung hindi tayo naimpluwensiyahan napapasabi na lang ako ng 'sayang'kasi ngayon hanggang imagine na lang.
Ikaw ba? May naiisip ka pa ba na 100% filipino sa iyong mga personal choices?
4 notes
·
View notes
Text
Blog 3: Tatlong Araw
youtube
This blog is based on Rappler's documentary 'Tatlong Araw'.
Sa documentary ng Rappler ay makikita ang pamilya ng Buenaflor. Sila ay ilan sa maraming nakakaranas ng paghihirap o poverty.
The Buenaflor family is in a state where they have no money, no means or support to better their situation which leaves them unable to invest in their future thus begins the cycle of poverty.
Hindi lamang kahirapan ang isyung panlipunan na kinakaharap ng pamilya sa documentaryo kanila ring kinakaharap ang mga sumusunod:
Maagang pagbubuntis (Teenage Pregnancy)
Kagutuman (Hunger)
Malnutrition
Limited Access To Education
Unemployment
MAAGANG PAGBUBUNTIS (TEENAGE PREGNANCY)
Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay ang pagdadalang tao ng isang babae, kung saan siya ay wala pa sa hustong gulang ng pagbubuntis. Si Gemalyn, ang panganay na anak ng mag asawang Buenaflor, ay isa sa mga nakaranas ng teenage pregnancy. Nabuntis si Gemalyn sa batang edad na 18 years old, hanggang grade 2 lang ang natapos at walang asawa. Ayon sa kaniya tinamad na siya at wala din naman silang pera. Para sa isang tao na nakararanas ng pag hihirap ang pagakakaroon ng anak ay isang mabigat na pasanin kailangan ng bata ng gatas, diaper at mga gamot para sa mga sanggol.
Aking napansin ang ilan sa mga sinabi ng pamilya sa documentary. Nag tataka ako kung bakit si Nanay Geraldine lamang ang nag tatrabaho para sa pamilya eh kung tutuusin ay mas kaya pang mag trabaho ni Gemalyn kaysa sa ina niyang may sakit. Napaka hirap para sa isang inang may sakit na mag pakain ng 5 miyembro ng pamilya kaya sana naman ay tumutulong siya sa kaniyang ina sa pag kita.
KAGUTUMAN (HUNGER)
Kagutuman o hunger ito ay isang kondisyon kung saan ang tao ay hindi nabibigyan ng sapat na pagkain upang makakakuha ng tamang nutrition na kailangan. Si Nanay Geraldine ay isang scavenger, ang pag kakalakal ay isang gawain na hindi mo maaasahan na lagi kang may kita at maliit lamang ang nakukuhang pera lalo na kung 5 bunganga ang iyong kailangan pakainin. Nabanggit ng pamilya Buenaflor na mayroon mga araw na halos tatlong araw na silang hindi nakakain at kanilang pinapalipas lamang ang kanilang mga gutom sa pamamagitan ng paglalakad at pag tulog. Ang problema ng pagkagutom ay nag lelead sa isang pang issue na Malnutrition.
MALNUTRITION
Ang malnutrisyon ay kawalan ng sapat ng sustansiya upang mapanatili ang malusog ng katawan. Kadugtong ng kagutuman ang malnutrisyon, ang hindi pagkain ng tamang bilang sa araw araw ay nag lelead sa malnutrisyon tulad ng nangyari sa miyembro ng pamilyang Buenaflor dahil sa kakulangan ng pera pambili ng pagkain sa araw araw, sila ay nag titiis mag ulam ng asin, toyo at minsan ay kanin na sinasabawan lamang ng tubig. Ang malnutrisyon ay makikita sa pang pisikal na katawan ng mga bata,mapapansin na silang lahat ay payat at wala sa tamang tangkad ng mga bata na ayon sa kanilang edad.
LIMITED ACCESS TO EDUCATION
Isa sa mga katanungan ng isa sa mga kaklase ko ang "Bakit hindi sila mag aral? Libre naman". Upang makapag aral ang isang bata ay kinakailangan ng mga basic documents ngunit hindi lahat ay mayroon neto marahil dahil hindi nila naasikaso o kaya naman ay walang pera pambayad sa mag aasikaso ng mga basic documents dahil dito ay hindi nakakapag aral ang ilan sa marami. Sige, let's say na meron silang basic documents na required upang makapag aral ang isang bata pero pano yung mga school materials na kailangan ng estudyante? Pambili pa lang ng ulam ay nahihirapan na sila mag hanap pano pa kaya para sa eskwela?
For most people that start out in life with handful of advantages among them is financial capital, education, good health and community investing in education gives them great results in the future but for someone who is in poverty investing in their education won't help them much. Para sa kanila ay mas mainam pang mag trabaho kaysa mag aral upang may maipambili ng pagkain para sa mga kapatid at pamilya.
UNEMPLOYMENT
Ang unemployment ay ang sitwasyon kung saan ang bahagi ng lakas paggawa ay walang trabaho kahit na sila ay nagtapos ng pag-aaral at pasok sa mga kailangang kwalipikasyon. Si Tatay Basilio ay isang halimbawa ng unemployment. Hindi na nag tatrabaho si Tatay Basilio dahil sa kaniyang edad at nag aalaga na lamang ng kaniyang apo at anak. For a family experiencing poverty and only having one person making money feeding 5 mouths it will be very hard to save up on money to help the next generation, which leads to the next generation to also experience poverty because of the earlier generation being unemployed.
AKING SALOOBIN PATUNGKOL SA CYCLE NG POVERTY SA BANSA
Poverty cycle o poverty trap is the set of events by which poverty, once started, is likely to continue unless there is outside intervention like winning the lottery. Umiikot sila sa cycle na ito madalas ay dahil sa kanilang mga mindset na hindi na sila muling makakaahon muli sa kahirapan at ginagaya kung anong ginawa ng kanilang mga magulang. Minsan ay dahil sa kung paano sila pinalaki ng kanilang mga magulang may ibang magulang na hindi pinag aaral ang kanilang mga anak sa kadahilanang hindi naman ito nakakatulong masyado at dagdag gastos lamang kaya habang tumatagal ay nananatili sila sa ganoong posisyon sa buhay dahil kanila lamang inuulit kung anong nakikita sa kanilang mga magulang. Mula sa maliliit na problema tulad ng pagkawala ng basic documents, kawalan ng edukasyon, trabaho at pang araw araw na pagkain ito ay umiikot hanggang sa susunod na generation.
0 notes
Text
Blog 2: Climate Justice
Ito ay isang pag tatalakay batay sa dokumentaryo ni Howie Severino na 'Climate Justice'
youtube
Ano ang ibig-sabihin ng Climate Justice?
Climate Justice ay ang katagang ginagamit sa pagkilala sa climate change bilang isang ethical at politikal na issue at hindi lamang isang natural na pang kapaligirang pangyayari.
Ano ang ginagawa ng mga bansa upang labanan ang climate change?
Nakita ng mga bansa ang napaka lubhang epekto ng Climate Change noong sumalakay ang bagyong Yolanda sa Pilipinas at nag iwan ng pinsala na 'di malilimutan ng kahit sino, dahil dito nabuo ang Paris Agreement noong 21st Conference of the Parties (COP21) sa Paris na may layunin na limitahan ang global warming at mapanatili ang temperatura sa 1.5 Celcius. Sa pagpupulong na ito nag usap ang mga bansa na sila ay a-aksyon upang mabawasan ang Greenhouse Gas emissions.
Ano ang ginagawa ng mga tao upang labanan ang climate change?
Iba't iba ang paraan ng bawat tao sa kanilang pag laban sa climate change. Isang halimbawa ng paglaban sa climate change ay ang ginawa ng magkapatid na sina Yeb at AG. Silang dalawa ay naglakad mula Italy hanggang Paris sa kalagitnaan ng taglamig upang bigyan hustisya ang pagkamatay ng kanilang kaibigan na si Agit at ang iba pang biktima ng climate change. Inabot sila ng 59 na araw upang makarating sa Paris at sila'y lumakad ng 1,500 kilometro. Sa gitna ng kanilang paglalakbay sila ay humihinto upang gumuhit ng mga murals na sumisimbolo sa kanilang layunin.
Isa pang halimbawa ay ang plea ni Yeb sa global meeting noong taong 2013 sa Warsaw, Poland ito ay nag iwan ng isang malaking epekto at nag bigay inspirasyon sa kampanya para sa Climate Justice.
Isa na din dito ang Manila-Tacloban Climate Walk kung saan nag sama-sama ang mga taong nag bibigay pansin na sa Climate change para sa mga napinsala ng mga epekto ng Climate Change at humihingi ng katarungan.
Ano ang mga epekto ng climate change sa indibidwal? Sa isang bansa? Sa mundo?
Bawat indibidwal ay nakakaranas ng climate change tulad ng sabi ni Yeb kapag nakakaranas ng climate change ang ibang bansa sila lamang ay magbabawas ng damit na susuotin sapagka't sila'y may panahon ng taglamig ngunit satin kapag tayo'y nakakaranas ng epekto ng climate change nagkakaroon ng tag gutom at pag tuyot ng mga lupa na nag reresulta sa kakulangan ng pagkain at mga kita ng mga trabahador. Napakahirap para sa isang bansa ang makaranas ng climate change sapagkat lahat ay naapektuhan ang mga pang araw araw na buhay ng tao, ang klima, ang kalagyang pang agrikultural at maging mga baha at bagyo. Dahil din sa climate change ay naapektuhan na ang mundo umuunti na ang laman ng mga water reservoir at ang pagtuyo ng mga katubigan. Nag kakaroon din ng pagkawala ng tirahan para sa mga hayop lalo na ang mga hayop na nakatira sa mga lugar na may yelo na ngayon ay natutunaw na dahil sa climate change.
0 notes
Text
Ebalwasyon : Once Upon A Tune - ni Gary Granada
Ito'y maaring mapakinggan dito: https://youtu.be/887cjDQVMAM
Ebalwasyon:
Sampung mga daliri, panay malilikot
Nangangalabit, nandidikta at nangungurakot
Madudungis na ngipin ng pulitiko
Luho, bisyo, pati tinga pera ng publiko
Dito'y nakalahad ang pagiging corrupt ng pamahalaan. Kanilang ginagamit ang kanilang posisyon at kapangyarihan upang mangdikta, mangurakot at mangdaya. Sa sobrang dami ng kanilang mga nakuha mula sa bansa mismong bisyo at luho nila ay kanilang natutupad sa tulong ng pera ng mga tao.
Kandidatong bobo, lumipad sa langit
Di ko na nakita buhat nang ma-elect
Sayang ang boto kong mura lang ang benta
Nag-enjoy pa sana doon sa artista
Madalas ay nakikita natin ang pagiging "mabuti" at ang kanilang "bukal na puso" na handang mag serbisyo sa bansa ngunit kapag sila'y nanalo na at tapos na ang election ay di na mahagilap tulad ng isang taong nag tatago sa naniningil ng utang.
My nephew, my niece, my brother and sis
My nephew, my niece, my brother and sis
My nephew, my niece, my brother and sis
Are all political appointees

Mayroon talagang mga pamilyang laman lagi ng mga halalan. Ang kanilang mga posisyon ay kanilang pinapasa sa kani-kanilang mga pamilya mayroon din silang tinatawag na mga "domain" ng kanilang pamilya at sa loob ng maraming taon sila ang namumuno dito. Mayroon din silang mga kapamilya sa iba't ibang sektor ng pamahalaan.
Waldas na hands, gastos left and right
Public servant na very bright
Cheat them softly, one two three
Na-wantutri ang botante
Sa mga kasuotan at accessories palang nila ay makikita na kung gaano sila kadami gumastos lalo na sa kanilang mga bisyo na madalas ay galing pa sa pera ng mga taong bayan na kanilang kinurakot. Ang salitang wantutri ay nangangahulugang nagoyo o naloko tulad na lang ng mga botante tuwing eleksyon.
Kapag ang taongbayan
Ay may problema
Dalawang tenga, dalawang mata
Laging nakasara
Pagdating sa mga hinain ng taongbayan tila mga bingi at bulag ang mga nasa pwesto. Pagdating sa mga pangangailangan ng mga tao ay wala silang ginagawa lalo na't tapos na ang election at magagawa na nila ang kanilang gusto kaya mahalaga na bumoto ng maayos ang bawat isa sa atin.
1 note
·
View note
Quote
"You're what the French call 'les incompetents'"
Home Alone
1 note
·
View note