Hello! Ako si Justine. Pero wag niyo akong tawaging Justine. Boyfriend at family ko lang pedeng tumawag niyan sakin.Sasaya ako kung Tine itawag niyo. Kasalukuyang nagaaral sa Unibersidad ng Batangas. CPASOON! Welcome sa blog ko. Personal blog to kaya wag kang magrereklamo pag puro kwento at pictures ko yung makikita mo. Nagmumura din po ako pero hindi naman ibig sabihin nun ay masama na akong tao. Madalas puro drama yung mababasa niyo dito. Madalas puro tungkol sa relasyon namin ng boyfriend ko. Sa personal, makwento akong tao. Kahit di ko masyadong ka'close dinadaldal ko. Pero hindi ako open pag yung damdamin ko na ang pinaguusapan. Madalas niyo akong makikitang nakangiti. Defense mechanism ko yun. Hindi naman kasi ako mahilig magexplain kung bakit ganto, kung bakit ganyan. Hahaba lang yung usapan kasi. Minsan, itong site din na dito yung nagiging way para sabihin ko sa boyfriend ko yung nararamdaman ko talaga. Nahihiya kasi ako sabihin sa personal na naiinis, nagseselos, naasar, nsasaktan ako. Haha! Tama na ang tungkol sa drama. Dancer ako. Oyes, kembot ako ng kembot. Bata pa lang ako, mahilig na akong magsayaw. Mapahiphop, contemporary. Maliban na lang sa ballroom. Hindi na ako nagattempt na kareerin ang ballroom, ewan kung bakit. Member din ako ng theater group nung HS, sabi ko naman sainyo e, madrama talaga ako. Frustrated singer din ako. Mahilig akong magconcert sa banyo. Ang mga audience ko ay ang tub, shower, sabon, shampoo at kung ano pang bagay na nasa banyo namin. Hindi ako sporty type of kid. As in tagapanood lang ako sa bleachers. Haha! Tagasigaw at kung ano ano pa. Mahilig akong makpagdebate. Actually, gusto kong maging lawyer kaya ineexpose ko ang sarili ko sa mga ganang bagay. Super inlove ako sa boyfriend ko. As in super. Mahal na mahal ko siya. Wala e. Siya na ang gusto ko forever kaya dun sa mga potapeteng may balak lumandi sa kanya, humanda na po kayong patayin ng aking utak. Kawawa naman kayo. Hahahaha!
Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo

Hi baby! Sobrang kinikilig ako kagabi, di ko lang sinasabi sayo. Haha bakit ba kasi ang gaganda ng mga sinasabi mo sakin e? Di mo na naman ako kelangang bolahin. Mahal na mahal kita 😘💕💋❤
0 notes
Text
If you don’t value your life, start smoking and you’ll die ten years early. Or, start drinking alcohol and you’ll die fifteen years early. Or you could love someone who can't love you back and you’ll die everyday.
0 notes
Note
Can u guess who i am? :Dill give clues if yah reply XD
GOOOOO! :)
0 notes