jyannealiah-blog
jyannealiah-blog
Tatak NoyPi
1 post
Kabataan ng kasalukuyang sinilangan
Don't wanna be here? Send us removal request.
jyannealiah-blog · 7 years ago
Text
Ang Makabagong Kabataan
Tumblr media
Hunyo 19,1861
Isang makasaysayang araw: kapanganakan ng isa sa mga bayani ng Pilipinas na si Gat. Jose Rizal. Isa sa mga naging dahilan ng pagtamasa ng kalayaan ng ating bansa. 
Napakarami niyang binitawang mga makabuluhang kataga at ang pinaka tanyag sa mga ito ay, “Ang Kabataan ay Ang Pag-asa ng Bayan.” 
Tama, hindi ba? Sino pa ba ang nakasasaksi sa mga kasalukuyang pangyayari kaya’t nagkakaroon ng ideya para sa patuloy na pagpapaunlad at pagkakaroon ng magandang hinaharap? Kaming mga kabataan din ang nakatakdang magpatuloy sa kung anong nasimulan ng mga mas nakatatanda at mas nakatataas sa amin. Subalit, hindi lahat ay mayroong magandang kahahantungan. Kabi-kabila na ang mga iligal na gawaing napapanood sa telebisyon maging sa aktwal na pangyayari. Ginagawa ng nakatatanda, tutularan ng nakababata dahil tingin nila’y ito ay tama.
Kabataan, tayo parin ba’y magsisilbing pag-asa o magiging paasa lamang sa ating sinilangan? Tuluyan na ba nating sisirain ang tiwalang pinanghahawakan ng mga mamamayan maging ng ating bayan?
Tumblr media
Kapwa kong Kabataang Pinoy, Nasaan ka?
Hindi ba’t sama-sama pa nating patutunayan ang mga kataga ni Rizal? Subalit, bakit ang iba ay naliligaw na ng landas? Ito ba ay dahil nadidiktahan ng nasa paligid at kapag nagkataon, didiktahan na rin ang iba’t wala nang pipiliin? Samakatuwid, ito na ang pagbabagong nagaganap sa mga kabataan sa kasalukuyan. Isa ba ito sa mga salik ng modernisasyon sa bansa? 
Buksan ang isipan, maging mulat sa pagkakamali
Tumblr media Tumblr media
Napapansin niyo ba ang paglaganap ng teenage pregnancy, mga magkasintahang mangmang pa sa tunay na buhay? Isa sila sa mga representasyon ng mga makabagong kabataan. Hindi sa pang-iinsulto, bakit hindi natin harapin at tanggapin ang katotohanan? Napakalaking pagbabago na ang naganap sa kabataan ngayon kaysa noon. Ang ibang mga nasa hayskul pa lamang ay bitbit bitbit na ang sanggol na bunga ng pagiging pabaya at pagpapadala sa matinding nararamdaman. Nakakalungkot isipin na ganito na pala ang minsan nang naging musmos at mangmang sa mundo. Hindi ko nilalahat, sapagkat ang iba ay biktima lamang ng pang aabuso. Mahirap itong tuldukan subalit, dahil sa modernisasyon, mayroon nang mga contraceptives o mga proteksyon sa gawaing hindi pa nararapat hangga’t wala pang basbas ang palasingsingan. 
Buksan ang isipan, maging mapagmatyag sa mga matang nakapaligid
Tumblr media Tumblr media
Kabi-kabilang mga paalala, batas, at mga naitatalang kaso na may kinalaman sa sexual harassment sa mga pampublikong lugar o mas kilala sa tawag na catcalling. Bakit nga ba ang kadalasang nabibiktima nito ay ang mga kabataang babae? Ito ay marahil dahil sa kanilang pananamit. Noon, pahabaan ng kasuotan. Kitang kita sa mga kababaihan ang pagiging dalagang pilipina. Ngunit ang mga dalaga ngayon, pasusyalan ng suot, mga nauusong fashion style na kung minsa’y sobrang iikli na ng mga pang-ibaba na nagiging dahilan ng pambabastos sa kanila sa lansangan. Yaong mga posts sa social media na nagpapahiwatig ng kanilang galit sa nambastos sa kanila sa lansangan? Ang iba’y makatarungan ngunit ang iba’y imahe ng kanilang malaswang pananamit. Hindi ba mistulang ipinahiya na rin nila ang kanilang sarili online dahil sarili lang din naman nilang kagagawan kung bakit sila naaalipusta? Muli, hindi ko nilalahat. Para sa mga kababaihan, igalang muna natin ang ating mga sarili upang igalang din tayo ng mga taong nasa ating paligid. Laganap pa naman sa panahon ngayon ang krimen lalo na ang kaso ng pangre-rape.
Buksan ang isipan, maging larawan ng kabutihan 
Tumblr media
Ang larawang ito ay mayroong dalawang kahulugan: Ang bata ay sinasakal sa mga mapanakit na mga salita na nakasasama para sa kanya o ‘di kaya’y isa lamang itong paraan ng pagdidisiplina sa bata para sa kabutihan. Napapansin niyo rin ba ang pag-iba ng ugali ng mga kabataan ngayon? Oo, isa rin ako sa mga ito. Base sa aking napapansin, hindi lamang kami nawawalan ng respeto sa magulang at nakatatanda kundi pati na rin sa kapaligiran, inaabuso ang mga hayop at iba pang gawaing lubos na nakaaapekto sa mga nilikha ng Maykapal. Kailan pa naging tama ang mga ito? Tuluyan na bang maglalaho sa ating pagkatao ang “respeto?”
Buksan ang isipan, maging handa sa maaaring kahantungan
Tumblr media Tumblr media
Paninigarilyo, paginom ng alak, pagsusugal at pag gamit ng droga ay ang mga problema na kinakaharap ng mga mamamayan at higit sa lahat ng mga kabataang Pilipino. Handa ka bang panindigan kung ano ang iyong nasimulan? Tandaan, mahirap nang tuldukan kapag masyado nang nakasanayan. Lulong sa masamang bisyo, ano na ang kahahantungan? Habang buhay na pagsisisi sa Rehas na bakal kapag hindi naagapan? Peer pressure — isa sa mga pangunahing dahilan ng pag-usbong nito. Gayundin ang impluwensiya ng social media na nang-uudyok sa mga kabataang usisain ang mga bagay na hindi naman dapat bigyang-pansin. Ayon sa aking pananaliksik, sa edad na 10 (sampu) pa lamang ay marunong nang manigarilyo at ito ay mahirap nang tanggalin sa kanilang nakagawian. Ang masama, marahil sila rin ang maging pasakit sa bayan sa hinaharap.
Mga Kapwa kong Kabataang Pilipino, saludo ako sa mga hindi pa tuluyang nagpapalamon sa bulok na sistema ng kasalukuyan, sa mga hindi nagpapaapekto sa mga mabubulaklak na mga salitang inaakit sa kasamaan, mga hindi pabaya’t marunong magsumikap sa buhay, mga kabataang mayroong konkretong pangarap para sa sarili at para sa bayan, at higit sa lahat, yaong mga patuloy na nananalig sa Itaas kung kaya’t alam ang kabutihan at kasamaan.
Tumblr media
Batid kong hindi pa huli ang lahat. May sapat na panahon pa upang maitama ang mga mali, maituwid ang mga naligaw na landas at mapatunayang karapat-dapat (pa) tayong tawaging mga Pag-asa ng Bayan. 
Habang may buhay, may pag-asa. Bagong henerasyon, bagong kabataang magsisilbing tala sa ating bayang sinilangan.
Tumblr media
2 notes · View notes