Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo

Ano ang mga tatak ng kotse na kilala mo? Saang bansa ito nagsimula?
Ano ang iyong paboritong animated na pelikula?
Anu-ano ang mga karibal na kainan ng ating proudly Pinoy na Jollibee?
Sa kasalukuyan, mapapansin mo na patuloy na umuusbong ang iilang Amerikanong tatak; sa mga tatak ng kotse na inangkat mula sa ibang bansa, sa industriya ng entertainment katulad ng mga pelikulang Disney, at sa mga fast food chain, katulad ng McDonald’s. Sa mas maliit pa na eskala, ang ating mga pang araw-araw na pangangailangan—katulad ng pagkaing de-lata at mga inumin na pag-aari ng dayuhang kumpanya—ay, sa sobrang prakrikal na ng mga ito, hindi napapansin na sila ay pinanganak ng kanluraning impluwensiya. Nagiging tugma ang ating mga pangangailangan at kagustuhan sa mga produktong inililikha ng mga Amerikano, kaya hindi mapaghihiwalay ang mga ito sa ating kultura, at pinupuri dahil sa kanilang kalidad. Walang duda na umiikot ang ating mundo nang nasa gitna ang kapitalismo.
Siguro kilala naman nating lahat si Lightning McQueen. Pula. Astig. Kathang-isip. Kahit na siya ay isang hindi totoong tauhan na sobrang nalalayo sa realidad, ito ay ang mismong dahilan kung bakit siya nababagay bilang isang simbolismo ng kapitalismo na dulot ng kolonisasyon.
Makikita sa kanyang katawan ang mga sticker ng mga tatak na kanyang tinataguyod gamit ang kanyang katanyagan sa mundo ng mga nagsasalitang kotse. Ito ay repleksyon ng kabisahan ng paggamit ng mga marketing strategy ng mga kumpanya; si Lightning McQueen ay nagiging isang daluyan lamang para dito—at tayo bilang madla ay hinihikayat na bumili. Naiuugnay ito sa pagsulong ng dayuhang produkto na, dahil sa kolonyal na mentalidad, naituturing mas nakatataas pa sa lokal na sikap.
"Kachow!"
"I am speed."
Ito ang mga sipi ni Lightning McQueen kung saan natin siya agad-agad na nakikilala. Nakakatawa isipin ang kakayahang magsalita ng mga kotse, pero sa kontekstong ito ay may mas malalim na implikasyon sa mga katangian ng kasalukuyang Pilipino. Gamit ang nauunawaang komunikasyon at panitikan, ang kathang-isip na kotse ay may patok sa madla. Nasasaklaw dito ang "Art for Art's Sake" na nagiging anyo lamang ng mababang kaaliwan, na sa kasong ito ay mabisa para lamang sa ekonomikong benepisyo. Nawawala ang kahalagahan at kahulugan ng mga salita mula sa makapangyarihang idolo na may kakayahang maghikayat ng politikal at kultural na pagsulong.
0 notes
Photo

Ang relihiyong Katoliko ay isang sangay ng Kristiyanismo na kontrolado ng ilang pinuno, iyong mga “Bishop”, ng Simbahang Katoliko o komunidad ng Diyos. Ang mga ‘Bishop’ bilang mga awtoridad ng ‘Church’, ayon sa kasaysayan, ay isang malaking impluwensiya sa lipunan at pamahalaan at nandito pumapasok ang kapintasan ng relihiyon: ang mga tao mismo, ang mga mananampalataya at ang mga lider at dahil sa kanila, nararanas ng iba ang pagdusa. Ang bansang Espanya noon ay pamamahala ng isang hari, na pinagpala ng Simbahang Katoliko na may karapatan din bilang isang awtoridad ng Estado. Magkasing laki ang impluwensiya nilang dalawa kaya dahil dito, halos pantay lamang ang pamahalaan at ang church. Sa pamamagitan ni Magellan, nagkarelasyon ang Pilipinas sa Espanya. Noong una, isa itong relasyong negosyo pero sa paglipas ng panahon, inimpluwensya nila ang mga katutubo sa pananampalataya sa gamit ng idolo na kamukha namin; si Sto. Nino. Doon nagsimula ng kolonisasyon. Ang ‘human flaw’ ng relihiyon ay ang ‘inherent narcissism’ ng tao. Naniniwala tayo ng may diyos na makapangyarihan at alam sa lahat ay may pakiaalam sa atin. Isang diyos na sa palagay natin ay may kontrolado sa ating mundo hangang sa mga tala. Isang diyos na ganoon na ginawa tayo sa kanyang imahe? Naniniwala ako na ang itong thought process ay isang manifestasyon ng narcissism na kita sa lahat ng tao, kahit saan. Na kailangan talaga na tayo ang nasa gitna ng lahat, na tayo ang pinaka importante. Sa kayabangan na dala ng ganung klaseng kaisipan. Siyempre may darating isipang makasarili na ginagamit ang pangalan ng Diyos bilang isang dahilan sa pagnanakop sa ibang tao sa paghanap ng yaman at luwalhati.
0 notes
Photo

Ang nawawalang historya at pamatbat ng Pilipinas dahil sa pagtago nito ng mga kolonisador at ang binago nila ayon sa kanilang mga bias at pakinabang sa kanilang sarili.
Noong bata ka pa, minsan may mga bagay na hindi mo talaga maiintindihan tungkol sa nakaraang buhay ng magulang mo at madalas, yung sasabihin nila’y malalaman mo na fake news lang pala to. Nangyayari din to kapag lumaki na tayo; Minsan may mga bagay tungkol sa aming nakaranas nung bata pa tayo at kailangan talaga natin ang tulong ng aming mga kaibigan, pamilya, magulang, mga lolo’t lola, etc., tapos yung sasabihin nila ay yung tatangapin nating katotohanan. Parang lang kung biglang natakip ang mga mata namin at may nangyaring importante, o kung may suot kang headphones tas ‘di mo naririnig na may taong sumisagaw para matulongan mo sila. Kung ‘di namin kayang alamin and nakaraan. Tatanggapin nalang natin ang kinahinatnan ng nangyari o kaya’y tatangapin nalang ang kanino mang katotohanan. Ito ang nangyari nung nasakop tayo ng mga taga Espanya. Nung nasakop tayo ng mga Espanyol, maaari mong sabihin parehas lang ang panahon na yun sa pagiging bingi’t bulag, na nasa kanilang kamay ang istorya ng aming buhay, at nang buhay ng taong nauna pa s’atin, at nang buhay ng nauna pa sa kanila. Nasa kanilang kamay ang kinabukasan ng identidad namin bilang Pilipino. May alam tayo tungkol sa nakaranas ng bansa namin dahil lang sa sabi ng ibang bansa, at sino tayo, bilang isang bansang “Indio’t alipin”, na kayang sabihin na totoo ang alam namin tungkol sa kasaysayan dahil ito ang tinuro ng white man. Parang lang na lahat ng nangyari s’atin, ay di namin nakita, kahit na nangyari lang to sa harap natin at ‘di namin narinig ang mga sigaw ng namatay.
0 notes