kariansolerio-blog
kariansolerio-blog
K A R A T U L A
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
kariansolerio-blog · 8 years ago
Text
SANA (Tayo hanggang dulo)
Wag kang bumitaw. Pakiusap aking mahal. Alam kong mahirap akong mahalin ngunit akong nagmamakaawa ako’y huwag mong pakawalan. “Mahal mo ako at mahal kita, yun ang mahalaga” mga katagang sinsabi mo sa akin na nagpapabilis sa tibok nitong puso kong umaasa sa mga sinasabi mo at patuloy na aasa hanggang sa sabhin mo na maging tayo na.
Di ito isang guni-guni dahil mula sa mga kilos at salita na iyong ipinadarama di ko maiiwasang umasa. Di mo ako masisisi kung akoy nahulog sayo. At sana mapatawad mo ako dahil minahal kita ng husto. Wala akong karapatan kasi nga naman nagdesisyon na tayong pumasok sa isang relasyong walang karatula.
Nagseselos ka at nagseselos ako, ano bang tawag dito? Nagmumukha lamang tayong tanga. “Kayang kong maghintay.” Parating sinasabi sa sarili kong di naman sigurado na mapapanindigan mo. Malayo pa ang ating lalakbayin at alam kong may mahahanap ka pang mas hihigit sa akin. Takot at kaba. Mga damdaming nananaig sa tuwing iniisip ko na balang araw ikaw ay mawawala. Bakit nga ba ganito? Paano nga ba tayo umabot dito?
Isang katuwaan. Diyan tayo nagsimula. Naaalala mo pa ba? Mga panahong ang lahat ng meron at ano tayo ngayon ay isang malaking biro lamang. Birong di inaasahang hahantong sa isang seryosong usapan. Mga birong sa huli ay ating pinanindigan ngunit di ko alam kung hanggang kailan. Mahal, hanggang kailan? Hanggang kailan tayo aasa sa salitang SANA? Hanggang kailan natin lolokohin ang mga isa’t-isa sa posibilidad na di ka mahuhulog sa iba?
Naaalala ko pa na halos di kita mahagilap sa mundo ko pero ngayon sa iyo na umiikot ang mundo ko. Isusugal ang puso na para bang sa isang laro na di ka sigurado na di ka matatalo. Ang palitan ng mga salita na nagpapasigla sa bawat gabi, mga tawang namumutawi sa labi sa tuwing magkausap, mga pusong tumatalon sa bawat bigkas ng dalawang salit “MAHAL KITA”
Relasyong maihahalintulad sa pagkaing walang lasa. Kung sa laro naman siguradong walang kakasa. Di ko lubos maisip na ikaw at ako, pero walang tayo. Ang gulo diba?
Alam kong mahal mo ako, pero paano kungmahulog ka sa iba at iiwan akong mag-isa. Wala naman akong mapanghahawakan dahil di ka naman akin. Di naman sa pagiging sakim pero gusto na kitang angkinin.
“Parang tayo, pero hindi” tagos at dama.Tanong ng karamihan “Ano ba ang meron kayo?” Wala akong maisagot dahil wala naman talangang “TAYO.”
Marami tayong plano. Planong gusto ko na ikaw ang kasama. Mga planong balang araw ikaw at ako sa harap ng altar at bibigyan tayo ng basbas Niya. Mga plano na nakadisenyo na sa isipan ko. Ikaw at ako magkasamang maglalakbay at maglalayag sa mundo. Pangakong lagi kang mamahalin kahit di naman tayo
0 notes