kenthought
kenthought
KenThought
6 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
kenthought · 5 months ago
Text
PUTANG INANG MINDSET
Alam nyo 12:35 na Ngayon habang Ginagawa ko to,
Ang Dami Dami kong naiisip, Ang Dami Dami kong gusto sabihin, Ang daming Tao na Gusto ko Sapaken sa Mukha.
Ang Dami kong Gusto itama, at Marami din akong Gustong mangyari.
Ang Hirap lang na Naka KULONG ka sa Mindset na "Kailangan mong maging mabuti para Iwas Gulo"
Pero sa kaka pigil ko sa sarili ko para di Magulo Ang Sitwasyon MAS gumugulo Ang Isip ko.
PUTANG INANG MINDSET YAN.
Tumblr media
0 notes
kenthought · 5 years ago
Text
Tumblr media
TIME IS GOLD
APPRAISER?
Tangina ano Yun?
Yan Yung unang pumasok sa isip ko noong nag walk in ako sa isang Kumpanya sa mundo ng Pawnshop, galing Kasi ako sa Sales Kaya napakalaki ng transition ko noong napadpad ako dito.
Wala Naman Sana talaga ako balak pumasok sa ganitong trabaho pero kailangan ko na talagang mag resigned sa dati Kong trabaho, Kasi na toxic-kan ako.
Sa tagal ko sa sales na umabot lang naman ng walong taon, sa araw araw na pag bati ko ng Goodmorning Ma'am/Sir. Sa Oras Oras na pag tango at pag abot ng basket, sa paulit ulit na pag papa frisk sa Guard kapag lalabas at papasok ng Store. Sa mga Customer complaint sa Customer service, at sa Oras Oras na Jingle ng Department store lahat ng yan Ang pumurga sa akin.
Di Naman nag tagal na promote bilang Store Supervisor, tapos after two years sa dati Kong trabaho na promote Naman ako bilang Roving Supervisor na parang Coordinator na din.. pero sad to say Yung Position lang Yung umangat pero Hindi Yung sahod. (di ko Alam Kung tatawa ako ng Hahaha or Hehehe) wag na lang.
So ayun nga, sa pagiging Customer friendly na Environment, napunta ako sa pagiging Appraiser..
Sabi sa Google Appraiser is a person whose job is to assess the monetary value of something. In lay mans term taga uri ng mga bagay na may halaga at pwedeng isangla.
Noong nag walk in ako sa Opesina ng kilalang Pawnshop sa bansa, at Hindi Biro to dahil Isa Ito sa mga matagal na at kilalang magagaling sa mundo ng Pawning.
Pag abot ko sa HR Manager, Ang unang tanong sa akin, Ano inaaplayan mo hijo?
May Gulay di ko talaga Alam Kung ano ba pinunta ko doon basta Ang Sabi sa akin Hiring daw dine eh.. (Laguneño Accent)
Ang talagang nasabi ko na lang "kayo na po bahala Kung ano available na Position" king ina talaga hahahaha bakit ko nasabi yunmga Salita na Yun?? Alam Kong sablay yun pero sa mga Oras Kasi na Yun ginawa ko Yun pag wawalk in Kasi na no bored na ako sa Laguna at kailangan ko libangin Ang sarili ko dahil sa mga bagay bagay at issue ng nakaraan.
Kaya Do or Die.. na ang motto ko, Kung matangap eh di Ok kapag di matangap di next plan (kahit Wala Naman).
Sabi ni Ma'am HR "Appraiser".
Parang bigla na paatras Yung ulo ko medyo kumunot Yung noo tapos ng mga Oras na Yun parang kailangan ko si Pareng Google. May Offer pa Sana sa akin na mag office pero umayaw na ako, Kasi Alam Kong toxic Ang Opesina.
So ayun nga dahil Oo lang ako ng Oo Ng panahon na Yun na Assigned agad ako sa Branch na malapit sa tutuluyan ko dito sa QC.
Naging Trainee ako ng tatlong buwan.
Observe Observe..
Yung mga Pawnshop pala eh may mga Remittances na kasama, doon din ako nalinawan sa Trabaho Ng Appraiser..
To be Continued.. (antok na me)
0 notes
kenthought · 5 years ago
Text
Bobotante para sa Pulpolitiko
Alam ko naman na hindi lahat sa inyo nag babasa ng mga BLOG dahil sa pangunahin rason na tamad mag basa ang mga Pilipino, mabilis tayo mang husga agad ng konteksto at inaayon mo ito sa pamagat, pero isa yan sa mga trick naming mga blogger para malaman naming kung binasa nyo yung kabuuan ng mga kuda namin.
Ngayon ang huling araw ng mga pulitiko para mangampanya at marami pa rin sa ating mga kababayan ang nanatiling undicided. at wala pa ding kandidato ang nag mamay-ari ng kanyang matamis na OO. Uunahan ko na kayo hindi po ako mangangampanya para sa napili kong kandidato, ginawa ko tong blog na ito para matulungan ka na mag karoon ng sapat na impormasyon para sa gusto mong kandidato, gaya ng ginawa kong pag pili sa mga tumatakbo ngayong 2016. (lakas maka political analysis )
Sa totoo lang napaka exciting ng Eleksyon ngayon sa bansa, kasabay ng pag yabong ng kasaysayan ay kasama na natin ang mga social site kagaya nito, para makibalita at makapag siyasat sa mga kandidato ngayon. may nag tanong sa akin kung sino daw baa ng pwede kong i. suggest na presidente sa kanya dahil naguguluhan na sya, lalo na ngayong papalapit ang eleksyon mas tumitindi ang bangayan ng mga partido, ganito lang naman kasimple yan.
SINO ANG DAPAT KONG IBOTO? AT BAKIT SYA?
Ang unang salita na SINO?” ay isang PANGHALIP NA PANANONG na tumutukoy sa panagalan ng TAO.
Eh “SINO” nga ba ang panagalan na pipiliin mo? Umiwas ka sa mga pangalan o apelyido na paulit ulit mo nang naririnig sa mga kampanya, mga pangalan na sinalin salin sa mga anak para manatili sa pwesto. Tandaan mo na ang Pagiging PUBLIC SERVANT ay para sa lahat ng nag nanais na makatulong sa kapwa hindi para maka buo ng Family tree sa loob ng opesina, alamin mo kung may nagawa ang mga mokong na yun sa bayan niyo, o baka ang bayan nyo lang ang may nagawa sa mokong na yun. Malinaw sa Republic Act 7160 na bawal na bawal ang mga mag kakamag anak sa gobyerno, alamin mo din kung gaano na ba katagal namumuno ang mga hinayupak na yan sa lugar niyo.
Bukod sa tagal at nagawa nya, makakabuti din na alamin mo ang mga brighter side ng kandidato (kung meron man) sa ganoong pagsisiyasat mababalanse mo din yung mga negatibong naririnig mo sa kanya.
Ano ba sya bilang AMA / INA ?, ASAWA , KAPATID at ANAK.. Wag mo din seseryosohin ang mga naririnig mo sa mga WALANG TRABAHO at mga PABIGAT sa PILIPINAS na mga TSIMOSA, maaring makasagap ka ng tamang tsismis (teka kailan pa nagging tama ang tsismis?) mas mabuting pag aralan mo pa din mabuti ang mga pinaparatang sa kanya in short wag kang funny, funnywalain!!
Ang Pangalawang salita ay DAPAT ( teka muna, diba ANG yung pangalawang salita? ). Tumutukoy ito sa NAIS natin mangyari.
DAPAT lang talaga na nakaayon ang mga PAngako ng kandidato sa mga kababayan nya, ang PLATAPORMA ang isa sa mga dapat mong pinakikingan sa mga tumatakbo, malalaman mo kung may VISION at MISSION ba sya at CORE VALUE para sa mga hangarin niya, hindi lang sa bayan maging sayo bilang indibidwal..
Malimit kong marinig ang mga pangakong TATAPUSIN KO ANG KAHIRAPAN tuwing mag hahalalan at araw ng eleksyon. Pero masakit man tangapin ARAW ARAW PA RIN NATIN NARARANASAN ANG KAHIRAPAN. Ang plataporma ay hindi lamang nakatuon sa kahirapan, mahalagang malaman mo kung may pakialam ba ang tumatakbo oh isang kandidato sa kinabukasan ng mga anak mo pag dating sa EDUKASYON, PABAHAY, PATRABAHO, at usaping PANG SIGURIDAD.
Ang DAPAT na kandidato ay hindi nasusukat, sa GALING NG BUNGANGA, sa HATAW NA PAGSAYAW sa entablado, at sa pag papangap na kaisa nyo sya sa kahirapan ng bansa, ang lakas maka LECHE ng mga hinayupak na kandidato na yan.
Ang DAPAT na kandidato ay HANDANG TUMAYO SA HIGAAN KAHIT HATING GABI, HAHARAP AT MAKIKINIG SAYO, MABILIS NA TULONG NG WALANG EK-EK,. AT WALANG DRAMA.!!!
Ang DAPAT iboto “PUBLIC SERVANT” hindi “PULITIKO”.
Sa Huling tanong na BAKIT SYA?
Dahil sya ang sa tingin mo ang tama. Bumoboto ka hindi para sa ibang tao, bumoboto ka para sa sarili mo at sa bayan na tahanan mo, walang sino man ang makakapagsabi at makakapag dikta sayo kung SINO ang DAPAT , duties and responsibility natin yun bilang botante at bilang Pilipino, bumuboto tayo ayon sa PRINSIPYO (pero karamihan at sa panahon ngayon BULSA.) at KARANASAN mo sa nagdaan na anim na taon,. wag mong hayaan na LAMUNIN KA NG SISTEMANG BULOK, at MAUTO ka ng mga TRAPO.
Wag kang mag padala sa matatamis na ngiti nya sa Billboard sa EDSA tandaan mo na labag sa batas yung ganong kalaking Campaigned materials ang standard size ng poster ay kasing laki ng long bond paper o 8 ½ by 14 inches, habang ang tarpulina naman ay two by three feet ang pinaka-maximum. Wag kang bobo nginitian mo din naman.!!
Matuto kang magsuri sa mga sagot nila sa DEBATE wag puro MEMES ang IKINAKALAT.
Alamin mo din kung sumusunod sa batas yang mga PUTANG INANG PULITIKO na yan.
Wala din sa Dumi ng bunganga ang sukatan ng kakayahan sa pagiging PUBLIC SERVANT .
Wala din sa Talino at taas ng pinag aralan kung kay BATMAN lang din iaasa ang lahat.
Wala din yun sa Dugong Aksyon star, hindi to showiness, kinabukasan mo nakataya dito.
Higit sa lahat wag ka doon sa MALABONG SUMAGOT sa ISSUE sigurado na MADILIM kinabukasan natin doon. (Makati din kamay non peste!)
O sya wag kang maging BOBOTANTE iwasan ang mga PULPOLITIKA.
#dapattama
#wagmaytama
0 notes
kenthought · 5 years ago
Text
JUICE KO PO!
(Originally Written by me way back May 2016)
Totoo po ba yan?
Way back 2005 noong ako ay kasalukuyang sacristan naitanong ko yan sa Pari namin, bata palang ako ang dami ko nang tanong dito sa mundo, bakit ganito? Bakit sya ganyan? Kailan nag umpisa? Kalian matatapos? Ano tawag dito? Anong lasa nyan? Anong ginagawa natin? At PAANO KUNG HINDI PALA SYA TOTOO? At nag papasalamat ako kay father dahil ibinigay nya ang side ng pananalig nya at paniniwala sa Diyos,. At gusto nya na ganon din ang gawin ko, Sinagot ko sya ng Ngiti lang..
Naalala ko kasi noong Grade school ako nakatira kami noon sa APELO CRUZ Pasay City.. noon pa man mahilig na ako sumama sa mga gawaing banal.. (kuno) Bible study dine, Worship dito! Kanta doon..
Ako po ay Binyagang Katoliko, pero dahil sa impluwensya ng mga kaibigan ng magulang ko at mga taong nakapligid sa akin, nagawa ko po maka dalo ng ibat ibang gawain at pag sama sa ibat ibang relihiyon.. natigil lang ito ng nag trabaho na ako sa isang Malaking Mall, Pero hindi rin nag tagal bumalik din ako sa pag seserbisyo sa Simbahan dahil nagging Choir ako sa mall na yun at kailangan ko kumanta every first Friday ng Buwan.. Pero bakit sa kabila ng lahat may pag dududa padin ako, kung saan ako naka anib.. at aanib?
Honestly Speaking .. dumaan ako sa isang mahabang Proseso ng pag tangap sa Paniniwala ng mga Magulang at kamag anak ko sa mga bagay na kinalakihan na” dahil malikot ang pag iisip ko sinubukan ko umattend ng mga bible study ulit.. mag research sa internet, mag hanap ng mga BLOG na may kinalaman sa usaping Relihiyon, mga Debate at talks about faith.. and Guest what? Nakaka disappoint!
Walang kahit anong Relihiyon ang naka kumbinsi sa akin para umanib sa kanila.. Walang pag kakaiba ang mga Relihiyon sa Palengke, Groceries, at kahit sa mga TV ads, Billboard sa Edsa.. Lahat sila nakikipag agawan at nakikipag tagisan ng pananampalataya sa tinatawag nilang diyos..
Akala ko ba na kapag Relihiyosong tao ka “;magiging mabuti ka?” “hindi ka gagawa ng mga labag sa Bibliya?” “No Bad words?” Pero anong nang yayari sa mga relihiyon na dapat nauuna mag pakita at mag paramdam ng salitang “PEACE” “LOVE”???
Hanggang sa nasabi ko sa sarili ko “LORD TULUNGAN MO NAMAN AKO MAKITA YUNG RIGHT PATH” GUSTO KONG MAGPASALAMAT SAYO NG MAAYOS , GUSTO KONG IKAW YUNG MAG GUIDE SA AKIN.
Habang nasa CR ako at nag babawas madalas akong mag Random Thoughts , habang nakaupo sa inidoro.. naisip ko na MAY DIYOS PA NAMAN AKONG KINAKAUSAP, MAY DIYOS AKO KANINA NA KINAKAPITAN” ibig sabihin, kaya ko naman pala mag dasal ng walang kahit na anong seremonya? Kaya ko naman palang maging mabuting tao kahit hindi ko sa ulo ang mga verse sa bible.. kaya bago ako mag hugas ng pwet inisip ko lahat ng mga dapat kong tangalin sa Sistema ko at isama ko na sa pag flush..
Five months ang nakalipas simula ng malalim na pag tatanong ko tungkol sa Relihiyon, at nag roroving na ako noon may mga NON BELIVERS ako na nakilala, Demo sya sa BF PARANAQUE at meron din syang kaibigan na dumalaw sa kanya sa store, pinakilala nya ako sa kaibigan nya at nag kausap kami after duty ko sa store about ATHEIST narinig ko na sya dati pero akala ko mag katulad sila ng ILLUMINATI ek ek.. yun pala ang layo nila sa inaakala ko… Hindi nya ako kinumbinsi na Sumama sa Organization nila dahil hindi nila gawain na mag BENTA ng mga salita sa tao para mabago nila ang pananaw mo sa buhay.. Hindi sapat yung Isang Oras na kwentuhan pero ang dami kong natutulan sa kanya.
Nirerespeto nya ako sa kalagayan ko, sa pag hahanap ng sagot.. at mas doble ang respeto ko sa kanya dahil kahit WALA SYANG DIYOS napaka buting tao nya, inad nya ako sa Facebook at nakikita ko kung paano sila tumulong sa mga na ngangailangan..
Ngayon kapatid ang tanong ko sayo bilang isang relihiyosong tao, nakatulong ba sayo?
NAGING MABUTING ANAK KA BA 100%?
NAGING MABUTING MAGULANG KA BA NG DAHIL SA RELIHIYON MO?
NAGING MAGANDA BA ANG TAKBO NG BUHAY MO DAHIL SA MGA SIANULO MONG VERSE?
Napakalalim at napaka laking usapin ang RELIHIYON.. pero kahit ba minsan naitanong mo sa sarili mo kung dapat ba na mag patali ka sa “PANINIWALA” kesa sa mga bagay na “GANAP” na?
Ang PANINIWALA ay yung mga bagay na hindi mo nakita ng personal pero dahil nakasanayan at nag salin salita na ay pinaniwalaan mona lang dahil naniniwala ka na ito ay MAJORITY BELIEVE ng SEKTA niyo.
Ang GANAP na ay mga bagay na nakikita mo at hindi na kailangan ng paliwanag.
Para sa akin ang PANANALIG SA DIYOS ay WALANG LABEL, WALANG INUURI, at higit sa lahat WALANG DONASYON!
Makakapagdasal ka sa Diyos ng WALANG MALAKING SIMBAHAN, WALANG KAHIT NA ANONG SEREMONYA AT REBULTO..
Pumunta ka lang sa kwarto mo, pumikit kalang, mag pasalamat ka sa kanya, at humingi ng alalay sa mga panahon kailangan mo..
Kaya mong maging mabuting tao na WALANG SEKTA na kinaaniban.
Kaya mong maging magalang sa mga nakatatanda.
Kaya mong maging modelo sa iba.
Kaya mo ng walang Relihiyon..
Wag kang umasa na magiging maganda ang tingin sayo ng tao, kung nag sisimba sa araw ng lingo kung chismosa ka naman buong buhay mo, at sinisira mo ang buhay ng ibang tao.
Wag kang umasa na dahil sa pagiging relihiyoso mo tutuparin nya na lahat ng hiling mo, MAG TRABAHO KA KAYA!!
Kung relihiyoso ka panindigan mo..
Ngayon kung idadahilan mo sa akin na “SORRY TAO LANG?!” nag kakamali din .. eh di shing…! Eh di hindi nga epektib ang relihiyon mo!!!
Ang Relihiyon sa akin ay parang isang Negosyo na kailangang I maintain..
Oppss Reminder lang, Hindi kita kinukumbinsi, na kwento ko lang yung kalagayan ko bilang walang relihiyon. Alam ko naman na hindi ito normal na pinag uusapan sa inuman, at sa bahay.. kaya dito na lang sa social media pag usapan..
Para sa mga RELIHIYOSONG TAO katulad ni ALEX GONZAGA paki tigil tigilan mo yung mga NON BELIVER.. kung maka husga ka naman na naliligaw ng landas yung mga walang diyos.
NANINIWALA AKO SA DIYOS PERO HINDI SA RELIHIYON.
Marami pa akong hindi na ilagay dito, kaya sa lahat ng mga may balak mag comment at supalahin ako, available po ang comment box ko.. usap tayo..
kenthoughts.tumblr.com
0 notes
kenthought · 5 years ago
Text
Validation
Tanong lang,
Nasubukan niyo na ba na mag isip at gumawa ng isang bagay pero ni Reject ng kaibigan mo ka trabaho mo at mas worst yung mga mahal mo pa sa buhay? Gaano ka bullshit yun?
Lahat ng Ginagawa natin dito sa Mundo kailangan tama, maayos at katangap tangap.
Pero bakit may mga tao na hindi natin kaya i Please sa mga bagay na alam naman nating tama para sa atin.
Kailan ba natin kailangan ang salitang "VALIDATION"
0 notes
kenthought · 5 years ago
Text
Newbie Again.
Hello may mga Pilipino pa ba na nag susulat diti sa Tumblr?
Alam niyo nakakalungkot man pero bibihira talaga ang mga Pilipino na nag babasa, pero anyway highway Ako po si Kenneth Andrew Ognilla Tulipas Pero *"KEN"* na lang po para maikli hehehehe
Hindi po ito ang First time ko sa Tumblr, maraming beses na po ako gumawa ng account pero everytime na nag papalit ako ng gadget kung di ko nakakalimutan ang password ko, nasasama ko sa Repormat ang mga Apps ko at files kaya ang Ending Back to Beggining.
Pero One thing na natutunan ko sa mga ganong sitwasyon, yung "Wag ka mag hohold back" sa mga nagawa mo ng nakaraan, <nakss> kasi everything happens for a reason <gasgas na to tsong> minsan nakaka pang hina din ang magsulat, pero pilit kong nilalagay at binabalik sa isip ko bakit ko to ginagawa.
Any way highway Jologs po ako. Hindi ako mag papaka trying hard mag conyo dito.
Gusto ko lang mag share ng Thougts.
Kaya tatawagin natin tong "KenThoughts"
1 note · View note