Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
For You.
I once believed that short battles give lesser scars. I met you when I was at my darkest. People were not really sure if we could work out because of our contrasting values. I was not sure as well, but you made me feel otherwise when we took the risk of holding each other’s hands against the odds. It was you who made me alive again and everyone in my life was a witness of that. As a go-getter, I know it would be hard for others to understand that I want to reach as many achievements as I can-- all for validation that I have been wanting my entire life; it was you who understood me well. It was a lazy day when we realized the possibility of being together six days a week in two months. You almost sat beside me, but immediately changed your mind. Discussions passed and when it was time for our caucus to end, you opened a conversation and little did we knew that we would be important parts of each other’s lives.
Some may say it’s OA, but you were a knight in jogger pants and long-tee during the summer. You were always ‘at thy call’ when I was in danger. Never knew that it would go on for the rest of the year. People saw us as temporary, but i really didn’t mind. You were nice to me. You took care of me.
We were lying down at my old bed with my head on your chest and your lips on my forehead. We were talking about old Filipino teleseryes and I cannot believe that someone like you who liked Justin Bieber knows ‘Bituing Walang Ningning”. We were laughing until we fell asleep, but I immediately woke up because I thought of a concept for my thesis and the night went on with just us talking about politics and the wonders of my potential philosophical thesis. I wanted a lot of things to happen my way and you helped me with that. We were together asking for a professor to give us a slot for a subject that we both need and it was the easiest prerogative I had or should I say the most enjoyable of all. Events came and you told me that when no one would help me, you could be my committee member. You may be one, but you were all I needed. Storms came crashing our way when we both made our mistakes. All those fights that turned into learnings made us better people. Love, sorry if I was dumb of doing the things that I did repeatedly. Apologies for being naive and inconsistent. Sorry for hurting you and making you feel inadequate. But at the top of it, thank you for opening your arms in spite of knowing that doing so would gain you more scars. This is not a plea for you to come back, but a plea for you to spread your wings wider. I know it has always been your dream to traverse the skies and be the captain of a flying vessel. Things may go wrong as you reach your goals, but stay undefeated and hold on. At this time that we have to part ways, we are reuniting with the most important person in our lives-- ourselves. Always remember that I will always be with you in spirit; supporting you with all of your endeavours. As you reach for the skies, I will look at you with head up high telling you how proud I am that you are now reaching the dream that was once in your notebook. I used to know that shorter battles have less scars; but it turned out that short wars have the deeper wounds.
0 notes
Text
Sumpa ng isang Patiwakal
Kapag sinabi kong gusto ko nang magpakamatay, hindi ako nagbibiro o nag-iipon ng awa mula sa mga taong sinasabihan ko nito. Sa abot nang makakaya ko, nais kong kimkimin na lang lahat ng ito subalit hindi nawawala ang tiwala ko sa mga taong mahal ko. Naniniwala pa rin ako na kahit anong mangyari, maiintindihan pa din nila ako kahit gaano ako ka-komplikado at hindi ako bibigyan ng hatol na “yan na naman”. Masyadong maraming bagay ang pumapatay sa pagkagusto kong mabuhay pa kaya’t iyon ang mga huling salitang nais kong marinig. Ngayon, binigo na naman ako ng aking tiwala. Marami akong taong inaasahan na umagapay sa akin subalit ako lamang din ang tumutulong sa aking sarili. Pilit kong nilalabanan lahat ng masasamang kaisipan na maaaring mag-udyok sa akin upang putulin ang buhay ko. Mahirap iyon pero kailangan pa ako ng pamilya ko. Kung hindi man kaya ng ibang tao na ibangon ako sa pagkakasadlak, mukahng tatanggapin ko na lamang na ako nalang bahal sa sarili ko. Kung sino ka mang makakabasa nito na nakakakilala sa akin, ‘wag mong sisisihin ang iyong sarili na hindi mo ako natutulungan. Oo, kinailangan ko ng tulong pero hindi ibig sabihin nun ay dapat mo akong tulungan. Nasa iyo na kung nais mo akong ibangon at hindi ko ipagkakait sayo ang desisyong ikaw lang dapat ang may hawak. Wag ka rin mag-alala dahil darating ang araw na hindi mo na ako maririnig na mag-amok dahil matututunan ko ring tanggapin na ako lamang ang makakapagligtas sa aking sarili. Hindi ko hahayaan na magpabitag ako sa mga kamay ng demonyo.
0 notes
Text
Pagod
Kadalasan, ang bilis kong natitipa sa aking makina ang aking mga nadarama lalo na’t kapag malungkot ako. Subalit kakaiba ang lungkot na nararamdaman ko ngayon. Masyadong nakakapanlumo na halos kaladkarin na ako nito sa rurok ng aking kalbaryo at kapag nagpatuloy pa ito, alam kong hindi na ako magdadalawang-isip na tumalon mula sa rurok at tuluyang masadlak sa lambak. Sa panahong iyon, hihina na ang panaghoy at magiging alaala na lamang ang mga panahong dumadaloy ang mala-talon kong luha sa pisngi kong namamanhid sa pagpigil ng tunog nang aking iyak. Sa panahon ding yaon, mawawala na ang mga salitang tila nangongonsenya. Hindi na ako muling makikita pa. Hindi ko kailangan ng iintindi sa akin dahil ako mismo, hindi ko na maunawaan ang aking sarili. Unti-unti nang nabubulok ang aking tiwala sa aking sarili. Hindi ko na din inaasahang babalik pa ako sa pagkakataong magtitiwala ako sa sarili ko na kakayanin ko. Masyado na akong pagod.
0 notes
Text
Kailangan kong patunayan na may karapatan akong maging bahagi pa ng buhay mo. Kailangan.
0 notes
Text
Naiintindihan ko na nangako ako sayo. Sa ngayong lilisan ako, sana ako naman ang pangakuan. Pangakong hihigitin ako mula sa karimlan Hindi susukuan At patuloy na ipaglalaban. Nasa laylayan ako ngayon. Nang di mo alam Ayokong dumagdag Ingat ka nalang.
0 notes
Text
Transpo
Hindi ko alam kung paano at kung kailan sumagi sa aking isipan ang mga hinaing na ito. Hindi ko din alam kung bakit nanahan sa aking gunita ang ideyang ito. Ang tanging nasasagap ng aking memorya ay ang pakiramdam ko noong maisip ko ito. Masikip, masakit, nagkikiskisang balat, nagsasalitang hininga. Biglang tumirik ang aking mga mata. Alas-8 ng umaga. Raymundo gate. Binabagtas na ng jeep na aking nasakyan ang daan papuntang Arko. Nasa kalsada kami sa gilid ng Freedom park papuntang Men’s dorm nang mapansin kong ako lang ang nakahawak sa bakal na hawakan sa kabila ng mala-sardinas na kalagayan naming mga pasahero. Nasa football field na kami nang subukan kong bumitaw. Matapos kong bumitaw, agad namang prumeno ang jeep at nagulat ako nang bigla akong nanigas. Nanigas ako upang humanap ng balanse. Balanseng tanging ako lang ang makakalikha para sa aking sarili. Alas-5 ng hapon. MRT Magallanes Station. Nasa harapan ako ng pila. Halos sampung minuto ang lumipas bago dumating ang tren na inaasahan kong magiging kaagapay ko upang makarating sa aking destinasyon. Gitgitan-- sobra. Nasa loob na ako: Nasagap ko na nga ang simoy ng aircon. Tatlong segundo, lumabas ulit ako. Ikapitong segundo, nasa bandang likod na ako ng pila. Balik sa umpisa. Takot na takot akong matumba kapag prumeno ang jeep kaya pagkasakay ko, kumapit agad ako. Takot na takot akong humarap sa walang kasiguraduhan dahil alam kong maaari naman akong kumapit. Mayroon pa namang kakapitan. Subalit naisipan kong bitawan ang metal na hawakan dahil napapagod na akong isakripisyo ang aking mga braso nang hindi ko pa nasusubukan kontrolin ang balanse ko. Sumaglit at sa kabutihang palad ay nanatili sa aking isipan na hindi ko kailangang kumapit sa isang bagay, isang tao, isang pangyayari na patuloy na lalamunin ang aking enerhiya. Maaari na akong bumitaw. Biglaan mang umalog ang jeep na sinasakyan ko dahil palyado na ang preno ni manong o biglang may bababa, nakasentro na ako sa sarili ko. Sa aking balanse. Ang aking balintataw ay nakatuon sa aking sariling kaluluwa. At ngayon, kaya ko na. Nanginginig ang luha sa aking mga mata sapagkat naiisip ko na sumaglit na ang ginhawa, nawala na agad. “Ayos lang” wika ko sa aking sarili. Ayos lang na magparaya para sa ikagiginhawa ng iba. Ayos lang na kahit gustong-gusto mong manatili, palalayain mo na siya. Dahil hindi na iyon ang inaasam niyang ginhawa. Hindi na iyon ang mundong nais niyang matamasa. Hindi ko hahayaang ang pagmamataas ko ang magtatanikala sa ibang taong tulad ko’y walang ibang inasam kung hindi ang pangmatagalang ginhawa. Hindi ko hahayaang ang kasiyahan ko’y karimlan para sa kanya. Ayos lang na mag-umpisang muli kaysa ituloy ang labang hindi na para sa akin. Ngayong narating ko na ang destinasyong ito. Ipaparada ko na nang tuluyan ang ating mga pinagsamahan. Lilipas ang dantaon at pamamahayan na ng alikabok ang inakala nating pilak na ibabandera natin sa lahat. “Tabi lang po sa may Arko.” “North Avenue Station na po. Huling istasyon na. Pakiingatan ang mga gamit..” Pakiingatan mo ang iyong sarili.
0 notes
Text
Damdamin.Delubyo
Nais kong makitang muling matupok ng apoy ang aking mundo. Nais kong muling lumiyab ang tila pundidong kislap na noo’y nagbabaga. Nais kong malunod sa rumaragasang tubig. Tuloy-tuloy na anurin hanggang sa bughaw na lamang ang kilalang kulay ng aking mga mata. Nais kong lumipad sa delubyong dulot ng habagat. Liparin hanggang sa matamasa ng aking palad ang maiilap na kidlat. Hanggang sa balutin ng kulog ang aking mga tenga na tila ito’y musikang kaaya-aya. Nais kong yumanig ang mundo at patuloy na lamunin ng bukana ng lupa. Hanggang sa wala na akong ibang madama kung hindi ang sarili kong hininga. Nais kong sumama sa karimlang dulot ng mundo’t kalikasan. Sapagkat ang dating damdamin na pumuksa sa apoy na nagtatangkang lamunin ang ating pinagsamahan, dating damdamin na sumagip sa atin sa panahong tayo’y nalulunod na sa nagsanib-pwersang mga karagatan, dating damdaming kumalinga sa atin sa panahong kulog at kidlat lang ang ibinibigay ng langit, at dating damdaming nagpatigil sa pagyanig ng lupa ay hindi na babalik. Dahil hindi na babalik ang damdaming nagparaos sa’tin sa panahon ng delubyo; Hayaan nalang nating maging bahagi ako nito.
0 notes
Audio
(via https://open.spotify.com/user/22mtbouyberbcgpex6rgs234y/playlist/0jlQcszSRpL3bQ1s3TBLxK)
Mga notang kayang magpakalma ng mga ligaw na gunita.
0 notes
Text
Patawad, sarili.
Mahagingan lang ako ng konting kamalian, halos lumuhod ako sa buong kalawakan upang humingi ng tawad. Sa mga oras na ako’y nagkukulang, binubuhat ko ang bulto-bultong bato kahit na halos bumigay na ang likod ko para lang muling mabuo ang mga bagay na salat ako. Sa tuwing hindi tumitinta ang aking pluma, isinusugal ko ang aking dugo at luha upang kumatha. Ang mga panahong hapo na ang aking kaluluwa, nagkukusa ang aking bibig upang mabuo ang pangungusap na “Pasensya na, pagod lang”. Itinuturing kong kasalanan ang mapagod, ang maubusan, ang magkamali. Lahat ng hindi ko kayang mapunan, binubuno ko ng salitang “Patawad” Ngunit kailan ba ako humingi ng tawad sa aking sarili?
Kahit ang iba ang nagkakamali, basta’t apektado ako, “Patawarin mo ako” Kahit ang iba ang nagkulang at nabahagian ko sila ng masasakit na pahayag, “Patawarin mo ako” Kahit na hindi sila nagsasakripisyo ng kahit kaunting tinta ng kanilang pluma at nanghingi ako ng katha, “Patawarin mo ako” Kahit sila na ang pagod at humiling ka ng pagkilos, “Patawarin mo ako” Kailan ba ako humingi ng tawad sa sarili ko dahil nagpatawad ako sa mga taong ako dapat ang nagbibigay ng patawad? Kaya patawad, sarili. Patawad sa lahat ng paghiling ng tawad mula sa iba.
0 notes
Photo

Maligayang pagtatapos sa isa sa mga naging kanlungan ko sa Unibersidad. Hindi ko inaasahan na ang taong kasa-kasama ko lang sa produksyon noon ay magiging isang malaking parte ng aking buhay. Hindi mo lang ako basta-bastang sinabihan na "nandito lang ako", sinamahan mo talaga ako kahit na matinding paglalaan ng oras mo pa ang kakailanganin. Salamat sa paghahanap sa akin at pagsiguro na ayos lang ako. Salamat sa walang humpay na pasensya kapag di natutuloy mga plano natin. Salamat sa paghahatid sa akin sa UHS noong inaapoy na ako ng lagnat. Salamat sa pagsama sa akin sa SU para matapos ko ang papers ko. Salamat dahil noong inaakala ko na wala nang nagmamahal sa akin, ipinaramdam mo sa akin na marami kayong tunay na nagmamahal at kumakalinga sa akin. Salamat dahil kahit na marami kang ayaw sa mundo, kasama ako sa mga taong gusto at mahal mo. Sobrang hinahangaan kita. Sana sa bagong yugto ng buhay mo, wag mong babaguhin ang sarili mo para sa ikasasama mo. Lagi kang sumulong. Alam kong kakayanin mong harapin ang mundo mag-isa pero hindi ko hahayaan na iyon ang mangyari. Kasama mo ako 'nang. Hindi man sa pisikal na aspekto pero ang tibok ng puso mo'y konektado na sa akin. Nandito lang ako. Salamat at padayon! Mahal kita. P.S. yung gift mo ibibigay ko na haha. (at University of the Philippines Los Baños)
0 notes
Text
Kapangyarihan ng Kisapmata
Isang mirakulong maituturing ang pagkakaroon ng matitinding pagbabago sa loob ng napakaikling sandali. Isang segundo, tila bahaghari ang pumupuna sa iyong mga blankong mata at matapos lumipas ang segundong iyon, wala ka nang ibang masilayan kung hindi karimlan. Purong karimlan.
Mainam kung ang mga mirakulong ito’y mangyayari na magiging liwanag ang dilim, subalit hindi ganoon ang palagiang eksena. Darating at darating ang panahon na ang papel na kasing kinis ng perlas ay mapupuno ng dalumat ng itim na dagta na minsa’y dulot ng plumang ligaw o naipong dugo ng isang ligaw na kaluluwa. Nakita ko ang sarili ko sa gitna ng napakalawak na damuhan. Puno ng pagdiriwang ang paligid. Kumukutitap ang mga ilaw na tila ipinunla ng langit sa lupa. Tumutunog ang magigiliw na musika na tila handog ng isang makapangyarihan pwersa sa mundo. Masaya. Kasa-kasama ko ang mga taong naging tahanan ko na. Kausap ko ang taong pumupuno ng galak sa aking puso. Masaya hanggang sa may dumating na hindi inaasahan. Biglaan kaya hindi ko gaanong napaghandaan. Masyadong maligaya ang paligid at hindi ako handang mantsahan ang nagniningning na bahaghari. Nilabanan ko at napakabigat sa puso. Masyado itong malakas para sa puso kong halos kasing laki lamang ng aking kamao. Dumating ang gabi hanggang sa suminag ang araw at nabuo ang panibago na namang linggo. Kinaya kong maiwasan ang bisitang nais na naman manatili sa aking isipan nang walang paalam, subalit hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayaning maranasan ang pagtatampisaw nito sa batis na nasa loob ng aking pagkatao. Unti-unti akong lumalaya sa tanikalang nilikha ng mga tao minsan akong dinukdok sa aking himlayan. Palayain na din sana akong ng bisitang ito nais na naman maging permanenteng bahagi ng buhay ko. Isang kisapmata puno ako ng ligaya, isang kisapmata dumating ka, puno na ako ng pagdurusa. Napakaraming mirakulo ang nais kong masilayan. Hindi ka kasama sa listahan. Palayain mo na din ako.
0 notes
Text
Kailan Ako Matututo?
Paulit-ulit kong kinikintal sa aking isipan na hindi lamang sa iilang tao nakadepende ang buhay ko, subalit hindi ganoon kadali ang maniwala. Mahirap na hindi maapektuhan sa mga taong halos naging konektado na sa mga ugat ng puso mo. Mahirap tanggapin na ang minsang naging kanlungan mo ay kailangan mo nang lisanin o kaya’y hindi ka na kaya pang kanlungin. Mahirap, ngunit kailangan kong matuto. Matutong magparaya. Mayroong mga pagkakataon na ayaw mo nalang sila makita. Hindi dahil sa poot na nararamdaman mo para sa kanila kung hindi dahil sa mga alaalalang nagsusumubsob sa iyong isipan na nais mo na sanang kalimutan. At ang mga alalaalang ito’y kinakalimutan mo upang maitigil na ang kahibangang muli pang mangyayari ang mga ito. Inakala kong sapat na ang mapaniwala ang aking sarili na marami ang sumasalo sa akin, ngunit talagang darating ang panahon na maiisip mo na sana saluhin ka ulit ng mga taong binitwan ka na. Sana bumalik ang lahat sa dati upang mas maging buo ka na. Hindi na mangyayari iyon. Kailan ako matututo? Matagal pa siguro. Ayos lang iyon. Matagal pero sigurado. Itutuon ko ang aking pansin sa pilak na nililikha ng madidilim na ulap. Kakaunti man ito, subalit ang kakarampot ay ang pinagmumulan ng isang kabuuan. Darating ang panahon na ang mga bagay na naiisip ko ay magpipinta ng ngiti sa aking mga labi. Ang panahong iyon ay kapag buong-buo na ang aking puso at isipan na hindi ko na sila kailangan. Malaya na ako. Hindi man ito nangyayari ngayon, pero ito ang ninanais ko. Mararating ko iyon.
0 notes
Text
Hindi Ko Itutuloy
Kani-kanina lang, naisipan kong lunurin ng medisina ang aking bibig hanggang sa umapaw ang bula at lamunin ang buhay na mayroon ako. Kakaiba sa kung ano ang naisip ko noon. Mula sa pagkuha ng patalim at paglibing nito sa aking dibdib, hanggang sa pagkuha ng lubid upang gawing isang mahigpit na kwintas, talagang kakaiba ang naisip kong pamamaraan. Madami akong botelya na nakita. Isang buhos lang sa aking palad, kaya ko nang maglaho.
Ngunit hindi ko itinuloy, at hindi ko itutuloy. Dahil nakita ko sila. Silang mga tunay na umaagapay sa akin. Silang magsasabi ng mga katagang “Nasaan ka? Pupuntahan kita.”. Silang mga hindi nagsasawang makinig sa mga kwentong sinukuan na nang karamihan. Silang walang sawang tumutulong sa akin sa panahong nilalabanan ko ang mga pag-iisip na nagmimistulang lason sa aking pagkatao. Silang mga dahilan kung bakit mas nanaisin kong manatili sa mundo ng karimlan kaysa lumisan para sa tinatamasa kong kapayapaan. Hindi ko itutuloy dahil alam kong hindi ako pinalaki ng pamilya ko upang matibag ng anomang klase ng delubyo. Hindi ko itutuloy dahil marami pa akong isusulat na kwento. Hindi ko itutuloy dahil marami pa akong ipipintang ngiti. Hindi ko itutuloy dahil marami pa akong gustong matutunan. Hindi ko itutuloy dahil may mga pangarap pa akong nais na abutin. Hindi ko itutuloy dahil hindi ako duwag. Hindi ko itutuloy. Kung minsan mo nang naisip na tuluyan nang lumubog sa kasadlakan, alalahanin mo na masyadong malaki ang mundo at kung mawawala ka dito, hindi mo malalaman kung hanggang saan ba ang kaya mo marating. Hindi ganoon kadali, pero kakayanin. Kung naisip mong ituloy, ‘wag na. Maraming nagmamahal sa’yo.
0 notes
Photo

Mula sa araw na ito, pipiliin ko ang sarili ko.
Sa labingwalong taong pamumuhay, pinanindigan ko na hindi lamang sa akin umiikot ang mundo kaya kahit dalawa lang ang aking mga mata, sinikap kong ituon ang aking paningin sa mga bagay at taong sobra-sobra pa sa dalawa. Hindi ito pagmamalaki ng aking pagiging mapagkalinga, isa itong pagbabahagi na isang kabanata ng aking buhay--buhay na nakaangkla sa kung ano ang iisipin ng iba. Buhay na dumidepende sa kung paano ang magiging hatol ng mundo sa kanya. At sa araw na ito, tinatapos ko ang buhay na iyon. Tinatapos ko ang buhay na nakagapos sa isang lipunang mapangmaliit. Ang lakas ng loob na inipon ko nang ilang taon ay patuloy nang magbubunga sa pagpatay ng isang buhay upang mailuwal ang panibago.
Mula sa araw na ito, pinili ko ang sarili ko. Pinili ko ang buhay na ang tanging kasiguraduhan ay ang walang kasiguraduhan; at ito’y tatahakin ko nang mag-isa.
0 notes