kiminazarro-blog
kiminazarro-blog
KimberlyNazarro
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
kiminazarro-blog · 7 years ago
Text
She's Dating the Gangster
Ni: Kimberly Nazarro
Nagsimula ang kwentong ito ng minsang magkabunggoan ang isang simpleng studyante at isang kilalang tao ng kanilang paaralan. Si Athena Dizon ay isang simpleng studyante samantalang si Kenjie Delos Reyes naman ay kilala bilang siga o gangster sa kanilang paaralan. Nang minsang mabunggo ni Kenjie si Athena.
Ipinahanap ngayon ni Kenjie si Athena dahil sa naganap, Nagkaroon sila ng kasunduan na kailangang magpanggap ni Athena bilang ang bagong nobya ni Kenjie upang pagselosin ang dating kasintahan ni Kenjie na si Athena Quizon. Walang nagawa si Athena Dizon kung hindi ang pumayag. Nagpanggap nga sila at gumana ang kanilang plano na mapagselos ang dating nobya ni Kenjie, ngunit ang hindi nila napapansin ay nahuhulog na sila sa isa't isa. Doon din nila nalaman kung bakit nakipaghiwalay ang dating nobya ni kenjie ay dahil sa malubhang sakit ngunit ayaw ng balikan ni kenjie ang dating nobya dahil na rin sa nahulog na siya kay Athena Dizon. Nakiusap ang ina ni Athena Quizon na bumalik na si kenjie sa kanyang anak ngunit ayaw pa din ni Kenjie ngunit ng si Athena Dizon na ang nakiusap at nagpaubaya ay walang nagawa kundi ang sundin ang gusto ng kanyang mahal.
Simula noon ay nawalan na ng komunikasyon si Athena Dizon at Kenjie. Bumalik si kenjie sa dating nobya at sila'y nagpakasal. Sila'y nagkaroon ng isang anak, ngunit sa kasamaang palad namatay si Athena Quizon. Sa kabilang dako naman, si Athena Dizon ay may malubha ring sakit nguniy siya ay nagpaubaya. Nagkaroon na lamang sila ng pagkakataong magkita ng hanapin si kenjie ng isa sa mga pamangkin ni athena ngunit iba ang kanyang nahanap, ang nahanap niya ay ang anak ni Kenjie, dahil na rin sa tulong ng dalawa ay muling nagkita si Kenjie at Athena sa huling pagkakataon.
0 notes
kiminazarro-blog · 7 years ago
Text
Ah Boy
Ni: Kimberly Nazarro
Ang mga tauhan ay si boy, ang kanyang ina at kanyang mga kapwa kamag-aral. Ang tagpuan ay sa kanilang paaralan at bahay. Si boy ay isang masipag at masunuring anak, ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang siya ay makapagtapos at makatulong sa kanyang ina, tuwing umaga ay nagdadala siya ng mga dyaryo sa mga kalapit bahay upang siya ay magkaroon ng ekstrang pera.
Dahil dito palagi siyang nahuhuli sa klase at siya'y palaging napapagalitan ng kanilang guro, parati siya nitong pinaparusahan. Isang araw ng matapos ang klase napadaan si boy sa kanilang "bulleting board" may nakita siyang isang anunsiyo na nagsasaad na may gaganaping patimpalak sa pagtakbo. Natuwa si boy at gusto niyang sumali ngunit siya ay inapi ng kanyang mga kapwa kamag-aral na hindi niya daw ito makakaya, ngunit hindi ito pinansin ni boy. Nagpaalam si boy sa kanyang ina. Nagpursigi si boy upang makabili ng bagong sapatos ngunit nakita nanaman ito ng kanyang mga mapang aping mga kamag-aral, itinapon nila ang bagong sapatos ni boy na kanyang pinag iponan. Umuwi si boy ng lumuluha at sinabi ang nangyari s kanyang ina. Naisumbat ni boy sa kanyang ina na kung bakit siya nabuhay sa mahirap na pamilya, binigay ng kanyang ina ang isang pares ng sapatos kay boy, ito ang kaisa-isang ala-ala ng kanyang ama. Sinabi ng kanyang ina na ito ang gamitin sa araw ng patimpalak.
Araw ng patimpalak, nanood ang kanyang ina kung kaya't mas naging pursigido si boy. Nangunguna siya sa patimpalak ng bigla siyang itulak ng kanyang katunggali, natumba si boy at muling bumalik ang lahat ng ala-ala na kanyang pinagdaanan. Tumayo siya at humabol upang siya ang manalo sa paligsahan. Nagtagumpay si boy, siya ang nanalo, ito ang kinalabasan ng lahat ng kanyang pagpupursiging ginawa.
Huwag magpapadala sa sinasabi ng ibang tao. Kung alam mong kaya mo gawin mo, wag mo silang intindihin at ipakita mo sakanilang mali ang kanilang mga sinasabi at kaya mong magtagumpay.
0 notes