Text
PAANO KO HINAHARAP ANG MGA PAGSUBOK SA KABILA NG ATING NARARANASANG PANDEMYA
Sa panahon ngayon, mahigpit na ipinagbabawal ang face-to-face interaksyon dahil mabilis at madali nakakahawa ang virus na COVID-19 sa paraan na nakasanayan natin. Nangangailangan na maging maingat ang lahat lalo na at wala pang bakuna na nakahanda para sa laban na hindi natin makita ang kaaway. Dahil sa pandemya ay napilitan tayong manatili sa loob ng bahay para sa kaligtasan natin at upang mapabagal ang transisiyon ng virus kaya at kadalasan sa interaksyon ng mga tao ngayon ay ipinadaan sa Social Media at Internet. Ang pag-aaral din ng mga kabataan ngayon ay online na upang masigurado na hindi malantad at mahawaan ang mga mag-aaral.
Iba’t ibang pagsubok ang naranasan ng mga tao habang nasa pandmya at ito ang mga ginawa ko kapag nakaharap ng mga pagsubok:
Unang una ay kapag may pagsubok akong naranasan, pipilitin kong maging kalma dahil madali ako masindak. Mabilis din ako makaramdam ng presyur pag nakakita ako ng madaming gawain na ibinigay ng mga guro. Magkakagulo ang aking isipan at hindi ko alam kung ano ang uunahin. Ngunit habang tumatagal ay naayos ko ito sa pamamagitan ng inuuna ang mga gawain na mas malapit ang itinakdang oras sa pagpasa.
Ang online classes ay isa sa mga nagbigay ng mga pagsubok na hinaharap ko ngayon sa panahon ng pandemya. Ang bansang Pilipinas ay nakakuha ng tatak na may pinakamabagal na internet connection sa buong mundo kaya hindi palaging mabilis ang internet sa amin. Kinakabahan ako palagi kapag umuulan dito sa aming lugar dahil nagiging mahina ang internet. Kapag nangyari ito ay kinakalma ko ang sarili at iniiwasan sagutin ang mga pagsusulit habang umuulan sapagka’t baka mawala ang koneksyon at maipasa ang mga sagot kahit hindi pa ako tapos. Hihintayin kong mawala ang ulan bago sagutin ang mga iyon.
Ikalawa ay ang magpahinga. Ilang oras sa pagbabad sa laptop, kompyuter, selpon, at iba pang gadyet na ginamit sa online class at sa social media ay may epekto sa kalusugan ng mga tao. Napansin kong mas lumalabo ang mga mata ko dahil sa paulit ulit na paglalantad sa mga gadyet na ito kaya nagpasiya akong magbigay ng oras na pahinga para sa sarili na malayo sa mga gadyet sa dahilan na hindi masira lalo ang mga mata ko. Kapag nakapaghinga ako ay mas makasagot ako ng maayos sa mga binigay na mga pagsusulit dahil nakapaghinga na rin ang aking isipan.
Ang huli ay ang magdasal. Kapag may nahaharap akong mga pagsubok ay kakausapin ko palagi ang Panginoon. Hihingi ako ng pamamatnubay upang malagpasan ang mga pagsubok. Sa paraan na ito ay mararamdaman ko na hindi ako nag-iisa habang hinaharap ko ang mga ito.
Alam ko na may dadating pa na mga pagsubok sa hinaharap. Maliit man iyon o malaki ay ihahanda ko ang aking sarili upang maharap at malagpasan ko ang mga iyon gamit sa tatlong paraan na ito.
0 notes
Text
MARAMING SALAMAT AT HUWAG KALIMUTAN NA MAG-INGAT PALAGI
1 note
·
View note