Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
DROGA Sa panahon ngayon ang mga kabataan ay naaadik sa paggamit ng Droga,Maraming mga kabataan ang nawawala sa kanilang sarili sa sobrang paggamit ng Droga,Minsan pa hindi na nila sinusunod ang kanilang mga magulang,wala na rin silang pakialam sa sinasabi ng ibang tao,At mas lalo pa lumalakas ang loob nila sa pakikipag away kapag nakagamit ng Droga Marahil kaya siguro na gumagamit ang maraming kabataan nang Droga ay naiimpluwensyahan ito,o di kaya naman gusto nilang mag enjoy. O di kaya naman inuuutusan sila na bumili nito ,Kaya di nag tagal natuto na silang gumamit ng "Bawal Na Gamot" . Ang Droga ay may masamang epekto,Hindi lang ito nararamdaman sa ngayon pero
1 note
·
View note
Text
ALAK Kung tutuusin,Isang napakadaling gawin ang pagpasok sa kahit anumang uri ng ADIKSYON.Ang mahirap ay ang paglabas ng ganitong kondisyon kapag ikaw ay nalulong na.Ang alak ay nakakaadik,Kung patuloy itong aabusihin sa matagal ng panahon,ay maaaring mahulog sa kanyang patibong,maaari kang maging adik dito namamalayan mo na lang na hindi mo kayang kumilos kung wala ito.Magigising ka na lang sa umaga na hindi mo pala kaya kung wala ito na hindi ka nakakainom ng alak . Sapagkat ang alak nga ay nakaka-impluwensya sa karamihan at nakakaapekto rin sa ating kalusugan pati isipan.Na parang kasama mo na ito sa iyong regular na pangangailangan upang makagawa ka ng pang araw-araw na gawain. Alam naman natin lahat ng ang alak ay mapanira sa katawan.May masamang epekto ang labis na pag inum ng alak maaari tayong mag kasakit tulad nang sa atay at marami pang iba.Ito lang ang nais kong sabihin na marami pang panahon para tumigil sa pag inom ng alak.Maraming paraan para malabanan ang pag ka adik sa pag inum ng alak.Pagsisisihan mo lang ang oras na inubos mo sa pag inom ng alak.Sikapin ito na maiwasan para na rin iwasan sa gastusin.
0 notes
Text
Takot Takot,oo takot akong masaktan
Masaktan ng taong tunay kong minamahal
Pero pipigilan ko ang takot,para kalimutan
Kahit pa sabihin ang pag ibig ko'y hangal
Malaking problema talaga
Ang ibigin ka na hindi pa tama ang panahon
Pero sana lagi mong maalala
Na naghihintay ako ngayon
Di rin naman mag tatagal
Magkakasama rin tayo
Kahit pa gaano katagal
Tayo pa rin hanggang dulo
Maghintay ka lang sana Pangako,
Ikaw lang sinta
Kapag Kaya ko ng ipaglaban Ka Pangako,babalik ako
0 notes
Text
KALIKASAN
Kay ganda,kay yaman ng ating kalikasan
Kung pananatilihin ang kalinisan
Kung kaya't nararapat lang na pag ingatan
Sa paglipas ng araw,ating di napapansin
Kapaligiran ay di ka nais-nais
Kung kumuha ng walis at ating linisin
Basurang dumarami atin ng ayusin
Bayan natin ay sana'y bigyan pansinin
Basurang itinapon,Baka pwede mong damputin
Kung lahat tayo'y maaring mag tipon-tipon
Basura Nating,lahat atin ng itapon
Kung ikaw,tayo'y patuloy sa pag- unlad
Isipin naman sana natin ang komunidad
Ugaliing masinop at may dignidad
Nang sa gayon,pumayapa ating syudad
0 notes
Text
KAIBIGAN
Kaibigan,Kaibigan,kaibigan
Siya'y naging aking sandalan
Siya'y naiiba sa lahat
Nang aking nakilala
Nandyan siya sa tuwing ako'y may problema
Handa siyang makinig sa mga drama ko
Drama ko na minsa'y walang kabuluhan
Kahit maliit na bagay lamang
Siya ang isa sa mga rason
Kaya't pumapasok ako sa paaralan
Kami'y mag kasangga
Sa problema man o ligaya
Dati'y buhay ko'y walang sigla
Ngayon ay sumaya na
Asahan niya
Nandito lang ako para sa kanya
0 notes
Text
IDOLO
Sana'y mapansin
Ang lihim na pag tingin
Ako'y iyong taga-hanga
Ika'y aking tinitingala
Ang araw ko'y sumigla
Ng dahil sa iyo'y sumaya
Ang ngiti mong kaytamis
Sa akin ay ligaya
Ako sana'y pakinggan
Sa aking kahilingan
Na ikaw ay masilayan
At iyo'y ako'y aawitin
Sayo lang humanga ng ganito
Sana'y pahalagahan mo
Kaya sa awitin mo Asahan mo,papakinggan Ko
0 notes
Text
INA
Ilaw ng tahanan,tawag sa lahat ng mga Ina
Sakripisyo niya'y walang katumbas,kahit ano pa
Pagmamahal niya'y Dakila Lagi mong madarama
Hirap,pasakit kanya'y di alintana
Makita lang maayos mga supling niya
Ano man maranasan,Okay lang sa kanya
Makita lang ang ngiti ng mga minamahal niya
Dakilang maituturing ang mga ina
Na simula pa'y iningatan ka na Pag-aalaga at pag-aaruga
Lagi mong makikita Salamat sa ating Ina
Wala tayo,kung wala siya
Nararapat lamang ibalik kabutihan niya
Salitang salamat,ibigay mo sa kanya
0 notes
Text
PAGHANGA
Noong una pa lamang kitang
Makita Nabighani mo agad ,Aking mga mata
Tinanong ko kung ano ang pangalan
Maganda ka sana,kaso ang sungit mo
Ako ay tinalikuran sabay alis
Hindi mo man lang sinabi pangalan mo
Sa sarili ko ay nainis
Bakit nga kasi ang pangit pangit ko
Ako lang naman yong kapalit palit na tao
Yung tipong makakita ka lang ng gwapo
Agad-agad papalitan mo na ako
Alam kong wala akong pag-asa sayo
Dahil alam ko na masasaktan lang ako
Pag pinilit ko ang nararamdaman ko
Tama na,ayoko na,ang masaktan pa
Titigil na ko,di na muling aasa pa
0 notes
Text
GURO
Ang aking mga minamahal na Guro
Bumasa,Sumulat,sila'y nagturo
Nagsilbing pangalawang Ina at Ama
Kapag ako'y nasa Eskwela na
Kahit minsa'y tinatamad mag aral
Wala pa rin silang tigil sa pangangaral
Kahit minsa'y nagiging pilya at pilyo
Bibigyan pa rin ng magagandang payo
Kahit minsan kami'y makukulit At minsan sila'y nagsusungit
Minamahal nila kami ng walang kapalit
Kaya naman kaming lahat natutong mag pakabait
Kaya naman para sa inyo
, Ako'y nagpapasalamat at sumasaludo
Salamat sa pagmamahal,at pagtuturo
Salamat sa paggabay,Mula Simula Hanggang Dulo
0 notes
Text
PASASALAMAT
Sa bawat araw
Na tayo'y nabubuhay
Panibagong pag-asa
Ang hinihintay
Tutulungan tayo ng Diyos
Di niya tayo iisnabin
Bukas ang kanyang palad
Na naghihintay lamang sa ating paglapit
Huwag natin siya hanapin
Kung may problema lang
Huwag tayong magdasal
Kung may kailangan lang
Magpasalamat tayo
Dahil Nandyan Siya
Na handang tumulong
At gabayan ang bawat isa
0 notes
Text
PANGARAP
Munting bata'y
Natutong mangarap
Kaya di nag tagal siya'y nagsumikap
Sa bawat problemang dumating
Siya'y naging matatag Nagsumikap,
At Nag tyaga At natamo ang hinahangad
Sa kanyang pag angat
Siya'y di nakalimot
Na magpasalamat Na kaniyang mga nakamit
Mas lalo niyang pinag-butihan
Ang kaniyang Propesyon
At siya'y napuno ng dedikasyo
n At siya'y naging inspirasyon
0 notes