Tumgik
krstnvalerie · 4 years
Text
Pagbabalik Tanaw sa Simula
Ano nga ba ang panitikan? Ito ang unang tanong na nakapaloob sa unang blog na ipinagawa sa amin ng aming propesor. Nakapagbigay ako ng iilang karaniwang kahulugan nito. “Ang panitikan ay nagsasabi o naghahayag ng mga kaisipan, damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Ito rin ang pinaka-payak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at pa tula.” Ngunit ng magsimula kaming mag-aral ng panitikan at makapag basa ng ilang mga akda na ipinabasa sa amin ng aming propesor, nabago nito ang kahulugan ng panitikan para sa akin. Ang panitikan pala ay isang tulay sa mga bagay na hindi natin masabi ngunit nais nating maipaalam sa lahat. Panitikan ang nagsisilbing boses ng mga taong may nais sabihin ngunit hindi maisaboses. Gaya nila Jaena, Rizal at Del Pilar na ginamit ang panitikan upang malabanan ang mga Espanyol noon. Ginamit nila ang panitikan upang maipalaam sa mga tao at sa mga nakakataas ang tunay na kalagayan ng pilipinas sa kamay ng Espanya. Sa panahon ngayon, panitikan pa rin ang tulay upang maisaboses ang mga isyung hindi gaanong napagtutuunan ng pansin sa ating lipunan. Mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin ngunit isinasawalang bahala dahil walang naglalakas loob na sabihin ito. Kaya maraming tao, manunulat man o hindi na idinadaan sa pagsusulat ang mga nais sabihin.
             Sa kalagitnaan ng aming pag aaral sa panitikan ay pinagawa kami ng aming propesor ng maikling kwento tungkol sa isyung panlipunan. Napagpasiyahan ng aming grupo na gumawa ng kwento na tumatalakay sa isang mental health issue na nararanasan ng ilang tao sa ating lipunan. Ito ang paksang naisip namin dahil dapat magkaroon ng malay ang mga tao na may ganitong issue tayong kinakaharap at dapat itong mapagtuunan ng pansin. Dahil nais naming maging tulay ang aming akda upang mamulat ang mga tao sa isyung kaugnay sa mental health.
             Madaming magandang naidudulot ang pagbabasa ng iba’t ibang uri ng panitikan. Iba’t ibang bagay din ang maari nating malaman at matutunan mula sa pagbabasa ng mga ito. Maaring makapagbigay din ito ng kaalaman na bago sa atin o di kaya’y mas mapalawak pa ang mga bagay na alam natin. Nabubuksan din nito ang ating isipan mula sa mga bagay na hindi pa natin alam. Kaya mas mabuting magbasa tayo ng mga akdang tumatalakay sa isyu ng lipunan upang magkaroon tayo ng malay tungkol sa mga bagay bagay sa ating paligid.
0 notes
krstnvalerie · 4 years
Text
Kritikal na Sanaysay
Nasa ika-21 na siglo na tayo ngunit isang malaking isyu pa din ang mababang tingin ng lipunan sa mga kababaihan. Kung saan hindi naman talaga dapat ito maging isang isyu. Una sa lahat dahil pantay-pantay lang dapat ang tingin ng lipunan sa bawat tao. Walang dapat nakakalamang. Ngunit hindi ata ito kayang makamit sa patriyarkal na lipunang ating kinabibilangan. Laganap pa din ang opresyon sa kababaihan. Hindi na ito bago at tila nasanay nalang din ang mga tao sa ganitong klaseng isyu. Dahil nga nasa ika-21 na siglo na tayo at maunlad na ang lagay ng ating teknolohiya, ang social media ay maganda sanang plataporma upang maipalaganap ang feminismo ngunit tila kabaligtaran nito ang nangyayari dahil ginagamit na rin ang social media sa opresyon sa kababaihan.
             Ipinabasa sa amin ng aming propesor ang akdang Ang Kamalayang Feminismo sa Panitikang Filipino ni nanaybunso, tinalakay dito ang lagay ng isang babae sa isang patriyarkal na lipunan. Inilahad ng awtor na hindi nabibigyan ng sapat ng pagkilala ang mga babae sa lipunan kahit pa ilang ulit nang mapatunayan na malaki ang ambag ng mga babae sa hanay ng pulitika, ekonomiya at maging sa siyensa. Sinabi din ng awtor na noong dekada otsenta lang nagsimulang magkaroon ng ilang babaeng kritiko at manunulat upang talakayin ang iba’t ibang isyung nararanasan ng mga kababaihan. Naisama din ng awtor sa akda ang kwentong “Ang himas ni Ricardo” ni Babeth Lolarga na sa kabila ng pagiging kwento na puno ng senswal na pangungusap ay naglalayon itong ibangon ang kamalayang feminismo. Kwento ito ni Lara Sumulong na iniwang ang kaniyang asawang si Joey dahil lagi siya nitong binubugbog at pagtapos ay sumama kay Ricardo. Ipinapakita nito na kahit nagmula sa isang bigong relasyon si Lara ay nagkaroon pa din siya ng pag-asa at ipinapakita din nito na isa siyang matatag na babae.
1 note · View note
krstnvalerie · 4 years
Text
Pagsusuri sa ilang Malikhaing Akda
Inatasan kami ng aking propesor sa panitikan na magbasa ng ilang akda sa ilalim ng uring fiction at non- fiction, ibang iba ang mga tema nito sa mga nabasa ko nung ako ay nasa hayskul pa lamang. Ang mga tema kasi na pinapabasa sa amin noon ng aming mga guro ay kung hindi tungkol sa mga bagay na napaka imposibleng mangyari ay tungkol naman sa kababalaghan o di kaya’y pag ibig. Kaya ibang iba talaga ang mga akdang ipinabasa sa amin ngayon. Ano nga ba ang kaibahan ng fiction mula sa non-fiction? Ang kwentong fiction ay mga kwentong kathang-isip lamang. Kwentong gawa gawa at malayo sa katotohanan, maliit ang tiyansang mangyari sa totoong buhay. Samantalang ang kwentong non-fiction naman ay malamang, kabaligtaran ng fiction. Mga kwentong makatotohanan at maaring hango sa totoong buhay. Maari ring naranasan o naramdaman ng author kaya naisipang isulat.
Ang Kubeta ni Nancy Kimuell Gabriel ay isa sa mga akdang pumapailalim sa kategoryang creative non-fiction. Istoryang tumatalakay sa katotohanan ng buhay. Ayon sa akda ni Gabriel, isa ang kubeta sa pamantayan ng kabuhayan ng isang tao. Maaring totoo dahil hindi naman lahat ng tao ay nakakagamit ng malinis at maayos na kubeta. Isang katotohanang nakakalungkot dahil simpleng kubeta lamang ay hindi pa makamit ng isang tao. Naikwento pa ng may akda na sa kanilang lugar daw sa Tondo ay iisa lamang ang kubeta na ginagamit ng kanilang buong pamayanan. Kubetang napakadumi at nakakasukang gamitin ayon pa nga sa kaniya. Kaya nang magkapamilya daw ang may akda ay nagpagawa siya ng magandang kubeta at naninigurong malinis ito palagi dahil ito raw ang simbolo ng pagkapanalo nilang mag-asawa laban sa kahirapan na ayaw nilang maiparanas sa kanilang mga anak.
Ang Dangal at Kasal ay ilan lamang sa mga akdang nasa ilalim ng kategoryang fiction. Malaki ang kaibahan ng tema nito mula sa mga karaniwang akdang fiction. Malaki ang pagkakaiba ng mga salitang ginamit sa dalawang istorya. Kung sa akdang Kasal ay pormal at maingat ang pagkakagamit ng mga salita, kabaligtaran nito ang mga salitang ginamit sa akdang Dangal dahil balbal at uncensored ang mga salitang ginamit dito. Umiikot ang kwentong kasal sa mag-asawang maghihiwalay na. Dahil pareho silang hindi na nais ipagpatuloy pa ang kanilang pagsasama. Naniniwala silang hindi papel lang ang magtatali sa dalawang taong hindi na mahal ang isa’t isa. May ibang sirkumstansya ring nabanggit na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Hindi ko alam kung anong parte ng kwentong kasal ang naging dahilan para maging isa itong istorya sa ilalim ng fiction. Ang akdang Dangal naman ay maituturing talagang akdang fiction. Sa parteng nakatanggap ng animnapu’t tatlong milyong dolyares pa lamang si Chris na isa sa pangunahing tauhan sa akda ay napakaliit na ng tyansang mangyari ito. Maganda ang daloy ng kwento at hindi ko inaasahan ang nangyari sa dulo. Taliwas sa ending na inaasahan ko.
0 notes
krstnvalerie · 4 years
Text
Ano, Bakit at Paano.
         Ano nga ba ang panitikan? Bakit kailangan ito pag-aralan? At paano ito pinag-aaralan? Ang mga katanungan na ito ay inaasahan na masasagot sa artikulong ito. Kung hahanapin ang kahulugan ng panitikan sa internet ay halos pare-pareho lamang ang isinasaad nito. “Ang panitikan ay nagsasabi o naghahayag ng mga kaisipan, damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Ito rin ang pinaka-payak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at pa tula.” Ito ang kahulugan ng panitikan mula pa nung ako’y nasa elementarya. Ngunit sa aking pagsasaliksik at ayon sa aking propesor, mayroon pang mas malalim na depinisyon ang panitikan. Ang panitikan ay makapangyarihan dahil may mga bagay na hindi natin kayang sabihin at ipaliwanag, ngunit ito ay maaari nating isulat. Ang panitikan din ay maaaring repleksyon o representasyon ng mga nangyayari sa kasalukuyang panahon o di kaya’y mga isyu ng lipunan na hindi masyadong napapansin.          Alam ko na sa panahon ngayon ay hindi na pinahahalagahan ang pag-aaral ng panitikan. Sa panahon kasi ngayon ay modern na ang ating kinalakihan. Ngunit bakit kailangan pa rin ito pag-aralan? May maitutulong ba ito sa atin bilang isang mag-aaral? Ang kahalagahan ng pag-aaral ng panitikan ay lubos na kamangha-mangha. Sa pamamagitan ng pag-aaral natin ng panitikan natututo tayong maging malikhain sa kadahilanang alam natin ang mga salik sa paggawa ng isang akda. Halimbawa nito, ay ang pagkatuto nila ng iba’t ibang anyo ng tula, taludtod sanaysay at iba pa. Isa sa pinaka mahalagang rason kung bakit kailangan natin pag-aralan ang panitikan sa pagkat ito ay daan upang makilala natin ang ating sarili bilang isang Pilipino, at matalos natin ang ating pinagyamang isip at ang angking talino ng pinanggalingan lahi.
         Paano nga ba pag-aralan ang panitikan? Ayon sa aking propesor, walang iisang paraan kung paano pag aralan ang panitikan. Ngunit kung nais mong umunawa ng isang akda ay maari mong alamin ang ang iba’t ibang perspektiba ng akda. Pag aralan ang may-akda at baka sakaling makakuha ng ideya kung bakit niya ito nasulat. Ilan lamang ito sa mga paraan kung paano mo masisimulang umunawa ng isang akda.
1 note · View note