kuronekopyonpyon-blog
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
The 12th of the month reminds me of how happy but miserable we are together.
0 notes
Text
Para sa'yo Bie <3
Hi! Simpleng bungad mo sa'kin. Kasunod ng isang napakatamis na ngiti.
After all these years, hindi ko inakala na magkikita pa tayo. Gwapo ka pa rin tulad noon, sa tingin ko nga'y mukhang mas gumwapo ka pa ngayon.
Ilang taon na nga ba? Ilang buwan, linggo, araw, oras, minuto at segundo na nga ba kitang hindi nakakasama at nakaka-usap?
Sa sobrang tagal, hindi ko na maalala. Pasensya ka na.
Pero alam mo, naaalala ko pa noong minsan kang nag-text sa'kin ng hindi ko inaasahan. Naglalakad ako noon ng makatanggap ako ng isang text mula sa isang hindi kilalang number. Akala ko naman kung anong mahalagang message yung na-receive ko isang malupit na 'Hi' lang pala. Pasensya ka na kung na sungitan kita. Kilala mo naman ako di ba? Kapag hindi ko kilala ang nag-text, isang walang ka puso pusong 'HU U?' ang matatanggap ng kung sino mang quesihoda mula sa'kin. O! Huwag kang mag malinis, ganyan ka rin naman. Ikaw nga kung makapagsabi ka ng 'I don't know you, don't text me' parang walang bukas. Hahaha! Oo na, likas kang suplado at isnabero, alam ko. Isa nga yan sa katangian mong nagustuhan ko e. Pero laking pasalamat ko noong nagpakilala ka kaagad. Sabi mo pa nga, Bie, si Bok 'to ka-mate mo sa ROTC. Sa totoo nga nyan, dalawang beses kong binasa yung message mo. Tama ba naman kasing tawagin mo akong Bie, napag-isipan tuloy kitang ginugood time mo nanaman ako.
Hindi kita ni-replyan. Dinideadma ko rin ang mga tawag mo, nakakainis ka kasi. Bakit mo ba kasi ako tinawag na Bie? Nakakatanga ka kaya. Pero kahit anong deadma ang gawin ko, tuloy ka pa rin sa pag-tetext at pagtawag sa'kin, hanggang sa napagdesisyunan kong kausapin ka na. Medyo awkward pa ang mga una nating conversations. Pero hindi rin naman naglaon at nagging normal na ulit tulad ng dati ang pag-uusap natin. Napag usapan natin ang mga past relationships natin, ang mga things in common natin at kung anu anu pa.
Ilang linggo rin ang lumipas na ikaw at ikaw lang ang kausap ko. Goodmorning! mo ang bubungad sa'kin pag bukas ko ng cell phone ko at Goodnight! mo naman ang huling mensaheng mababasa ko bago ako matulog. Akala ko unti unti ng nagbabalik ang kung anu mang mayroon tayo noon. Ngunit mali ako! Dumating na lamang ang isang umagang hindi ka na muling nagparamdam. Sinubukan kong tawagan ka, pero out-of-coverage ang phone mo. Bahagyang kirot sa puso ang naramdaman ko ng mga oras ma iyon. Pero knowing you, dapat mas alam kong hindi ko dapat hinayaan ang sarili kong gustuhin kang muli. Ang tanga ko.
Bie, ayos ka lang? Puna mo sa pagkakatulala ko. Ayan ka nanaman, sinisimulan mo nanaman ako sa tawag na yan. D'yan ako napapahamak e! Anu bang meron sa tawag na yan at parang na nagagayuma ako.
Naalala ko nanaman tuloy. After 3-4 months mula noong huli kitang nakausap nag paramdam ka ulit. Sakto ang timing mo, umiiyak ako noong mga oras na iyon at kailangan ko ng kausap. Gusto kitang tawagan pero hindi ko magawa, para kasing mali. Para kasing may mangyayaring ako nanaman ang talo sa dulo. Nakontento akong kausap ka sa text, everything went well hanggang sa out-of-no-where tinanong mo ang mga bagay na hindi ko na sana gustong balikan pa.
Napag usapan natin yung past natin kung bakit hindi tayo nag tagal. Napag usapan din natin yung mga bagay bagay na hindi natin kaya pag usapan before.
Bhie, naalala mo pa ba yung gabing yun? Tanong mo.
Teka anong gabi? Napa-isip ako sa tanong mo. Pero hindi nag laon isang alaala ang bumalik sa'kin.
Christmas party natin 'yon sa bahay nila Ma'am Sam (Upper Class natin). Hindi tayo sabay na pumunta doon, pero hindi ko mawari kung tadhana ba o nagkataon lamang, pareho tayong naka-green na t-shirt.
Hindi ka pa nga masyadong nakikipag-usap sa'kin noong una, hanggang noong mag gabi na. Ang lakas ninyong mag-inom ng iba pa nating ka-mate. Pero kahit ganoon hindi mo nakaligtaang paalalahanan akong huwag masyadong mag-inom. Nakakatuwa ka ng mga sandaling iyon. Para kang sinaniban noon ng isang romantikong lalaki from the past. May pabulong bulong ka pa kasing nalalaman at kung anu ano pang kakornihan. Hahaha. Ngunit dahil likas na matigas ang ulo ko. Hindi ako nakinig sayo, naparami ang inom ko. Alam ko namang alam mo kung bakit ako nag-inom ng mga oras na 'yon. Alam kong alam na alam mong gusto kong makalimutan ang lalaking nagpaasa sa'kin na maaring mag karoon ng kami, pero sa huli binitawan ako sa ere na parang hindi ako taong may sakit ding mararamdaman.
Para akong tangang, nagpapakalango. Umaasang maiibsan ng spiritu ng alak ang bawat kirot, hapdi, sakit at pighating nararamdaman ko. Sa mga oras na 'yon ikaw ang nandyan para sa'kin, pero iba ang asa isip ko. Sinaktan na nga n'ya ako, pero s'ya pa rin ang inaalala ko.
Para akong baliw noon, wala sa tamang katinuan. Naalala ko pa noong hinahabol ko sila ng tingin, nang gagalaiti ako sa selos. Gusto ko mag hamon ng away. Ang gago ko kasi! Nag-seselos ako kahit wala naman akong karapatan. Salamat at sinundan mo ako noong naglakad ako palayo mula sa grupo. Patawad kung nagsinungaling ako. Hindi naman talaga ako nahihilo at nasusuka, hindi ko lang talaga kasi kinaya ang makita silang masaya. Patawad kung naabala kita noon. Pasensya ka na rin kung wala akong ibang ginawa sa harap mo kung hindi ang umiyak, mag mura at magsabi ng mga bagay na hindi ko naman dapat sinasabi.
Alam kong mas marami kang nainom sa'kin, pero kung makaasta ako noong mga oras na 'yon ay parang ako ang lumaklak ng isang case na alak. Nang matapos akong umiyak, akma na sana kitang iiwan pero pinigil mo ako. Sabi mo manatali na lang muna ako doon, samahan ka at hayaan ko ang sarili kong kumalma. Sinunod naman kita at umupo ako sa tabi mo. Nagsimula nanaman akong umiyak, buti na lamang at medyo madilim ang bahaging kinauupuan ko. Umiiyak ako sa tabi mo. Yan ang huling gunita na malinaw sa isip ko. Ang mga sumunod na pangyayari hindi ko na matandaan kung paano nangyari.
I started to hear your heart beat. I started to feel your warmth. You're hugging me and what shocked me is... I'm hugging you back. I remember letting go, when I realize that I'm hugging you back. But what makes things strange is... after letting go, I grabbed you back and that time. I felt my lips next to yours. I kissed you. Hindi ko alam kung anung spiritu ang sumanib sa'kin at nagawa ko 'yon. Basta ang natatandaan ko na lang eh unti unting nawala ang sakit na nararamdaman ko ng mga oras na 'yon. Sa pakiwari ko ay umiiyak ka rin ng mga oras na 'yon. Umiiyak ka? Bakit? Nasasaktan ka rin ba para sa'kin? O dahil nasasaktan na kita.
I heard you saying you love me and I responded I love you back. It sounded sweet but it feels wrong.
Bie, nalipasan ka ba ng gutom? Nga pala si Bea, girl friend ko.
Sunod sunod mong sabi. Natauhan ako sa mga huling salitang binanggit mo. So it's true, you're really with someone else. Akala ko pwede pa, ako may pag-asa pa. Siguro nga I'm too late and we can never be.
Mag aapat na taon na mula noong nag hiwalay tayo. Oo hindi tayo ng tagal pero naging masaya naman ako sa piling mo, napatunayan kong mahal mo ko at napatunayan ko sa sarili kong mahal kita. Wala akong bitterness na nararamdaman kahit biglaan kang lumayo.
Naging masaya ko sayo, kuntento at lahat. Wala kong masasabing hindi maganda.
Naging ok naman ang naging pagsasama natin. Nakaya ko kahit sobrang layo mo, kahit sobrang hussle ang byahe makasama ka lang. Kasi para sa'kin worth it ang lahat ng pagod 'pag ikaw ang kasama. Bie, thank you for everything. Enjoy your life and I'll enjoy mine. Huwag kang mag alala lagi kong tatandaan yung sinabi mo noon.
"Kahit anong manyari, you will always be my bie and you'll always be beautiful in my eyes".
2 notes
·
View notes