Tumgik
laginghopia-blog · 9 years
Text
Ilang beses ka na bang napunta sa “MU”? As in “Magulong Usapan”. Yung parang kayo sa kilos at salita pero walang exact date na kayo officially. Ang hirap diba? Di mo alam kung saan ka lulugar sa ibang sitwasyon kasi baka pag naging OA o naging mahigpit ka sa kanya ay bigla ka na lang tanungin ng “Ano ba kita?”. Nandun yung takot na baka bigla na lang siyang mawala o magsawa. Yung itapon nya na lang lahat ng pinagsamahan nyo kasi nga wala namang “kayo”. Mayroong “sya” at “ikaw” pero walang “kayo”. At di mo masasabi ang salitang “kami”. May sakit pero hindi pwedeng manumbat dahil wala namang karapatan. Mahirap, magulo pero aminin mo, masaya ka. Walang mapaglagyan yung saya mo tuwing magkasama kayo. Tuwing sasabihin niyang “I love you” o “I miss you” at “Ingat ka lagi ha”. Yung kahit sabihin mo na, ititigil mo na dahil wala namang patutunguhan yun ay tuloy ka pa rin. Di naman kasi madaling umalis sa ganung sitwasyon. Pero sana, tandaan mo na tao ka lang din. Nasasaktan at napapagod. Lalo na kung paulit ulit lang. Tirhan mo naman yung sarili mo ng pagmamahal. Itigil mo na yan kung hindi nya talaga kaya ibigay sayo yung deserve mong pagmamahal. Niloloko ka na nga niya, tapos hahayaan mo lang?
0 notes
laginghopia-blog · 10 years
Text
Masaya ako.
Minsan, maiisip mo na lang yung mga masayang nangyari sa inyo. Tapos malulungkot ka kasi naiisip mo na sana mangyari ulit yun. Pero ngingiti ka pa rin kasi alam mo na sa sarili mo na, gusto mong mangyari yun pero hindi na kasama yung taong kasama mo noon. Iba na kasi nakamove on ka na. Hindi mo na kailangan pang ipilit sa sarili mo kasi nararamdaman mo na lang na wala na yung sakit at masaya ka na ulit. Wala ng tanong, tanong pa o pag-dadalawang isip. 
0 notes
laginghopia-blog · 10 years
Link
Balang araw, maiisip mo rin yung mga ginawa ko para sayo. Maiisip mo rin kung gaano ka kaswerte kasi ikaw yung minahal ko. Maiisip mo na sinayang mo pala ako. Maiisip mo na kahit kailan wala ng makahihigit ng pagmamahal na binigay ko sayo. Kasi kahit ako? Hindi ko rin naisip na kaya ko palang...
142 notes · View notes
laginghopia-blog · 10 years
Text
Ewan ko. 4 months na pala. Nung kelan lang, nakita ko post niya with his new girl. At ang saya kasi di ako nakafeel ng kahit anong pain. Tinitigan ko pa yun picture, pero wala talaga. And nakatulog din ako ng maayos that night. Di ko rin siya naisip pagkagising ko. So, feeling ko, nakamove on na ako. Not totally kasi sometimes naiisip ko pa rin siya. Lalo na pag may nakikita akong things na nakakapag-paalala sa kanya. Di naman maiiwan yun pero madalas di ko naman na siya naaalala. Kaya ngayon, masasabi ko na okay na ako. Wala ng yung feelings. Di naman mawawala yung memories and maalala minsan yung masasayang nangyari pero di na ako umaasang mangyari pa yun. Masaya na ako. 
0 notes
laginghopia-blog · 10 years
Text
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga yung mali ko. Bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako pinagpalit? Hindi pa rin kasi sapat yung mga binigay mong mga dahilan sa akin eh. Sa text o sa personal, hindi mo sinabi yung totoo. Diba may karapatan naman ako? Ako yung kasama mo nung mga panahong hindi ka pa nakakamove on sa ex mo. Tinulungan kita makamove on tapos ako pala tong mag-isang magmomove on sayo. Ginawa mo sakin yung ginawa sayo nung ex mo. Pinagpalit ka niya ng walang dahilan, kaya pinagpalit mo rin ako ng walang dahilan. Oo, inaamin may mga pagkakamali ako pero hindi mo manlang ako binigyan ng second chance. Yun pa yung ginawang mong dahilan para iwan ako. I know its a bad joke. Pero bumawi naman agad ako. And sabi mo okay na pero dahil nasulsulan ka ng mga friends mo at nung abanger mo, ayon. Ipinatalo mo lahat. Ipinatalo mo ako. At yung abanger mo ang nanalo. 
0 notes
laginghopia-blog · 10 years
Quote
Nakakapagod din pala ung paulit ulit mong sinusubukan kung pwede pa ba, tapos siya paulit ulit rin pinaparamdam sayo na hindi na.
(via escafeism)
222 notes · View notes
laginghopia-blog · 10 years
Text
To my ex.
2 moths na tayong break. Yehey! 2 months pa lang pero ikaw masaya na... sa piling ng iba. Ang dami mong dahilan kung bakit ka nakipaghilaway nun. Kesyo wala akong oras at effort sayo na pareho nating alam na meron. Na bad timing tayo kasi di ka pa nakakamove on sa ex mo nung nagkakilala tayo. Na dahil sa parents ko na concern lang naman sakin kaya ayaw ako payagang magpalate na kasama ka pero nagpapalate pa rin ako at higit sa lahat... dahil hindi mo na ako nakikita sa future mo. Sa lahat, yun yung nagpadurog sa puso ko. Tapos after three weeks ng break up natin malalaman ko na lang na may dinidate ka na pa lang ibang girl. Then realization hits me. Kaya pala hindi mo na ako nakikita sa future mo kasi iba na ang tinitignan mo. Ang sakit. Kasi pag gising ko nun, nagcheck ako ng facebook ko then yun yung bubungad sakin. Yung photos ng date nyo. Ang masakit pa nun, i texted you before that day hoping na sana makipagkita ka para makapag usap tayo to clear things out. Para makipagbalikan. Kaya pala hindi ka nagreply kasi busy ka sa date nyo. Double yung sakit teh. Then before Christmas you posted a picture again with a caption "Skyping with my girl". Bumilis heart beat ko nun. I don't know what to react kasi nasa tabi ko si mama. Baka magtaka yun pag bigla na lang akong umiyak. Pero napamura ako ng malutong sa isip ko. Sabi ko, ito na yung kinakatakutan ko. Kayo na... officially. Ang sad. Ang sakit. Buti ka pa, okay na. Pero ako, di pa rin nakakamove on. Naaalala ka pa rin araw araw. Paggising at bago matulog, masasayang alaala pa rin natin yung naiisip ko. Hinihiling na sana bumalik ka na para madagdagan pa natin yung mga masayang alaala nating pinagsaluhan nun. Alam mo ba kahit yung once lang natin nadaanan at napuntahan nun, pagnadadaan ko nalulungkot ako. Kasi once lang kita nakasama dun. Sana pala dinamihan natin yung punta dun. Pero paano naman mangyayari yun eh saglit nga lang pala tayo. 3 months nga lang pala tayo. Pero kasi sa loob ng 3 months na yun napasaya mo ako ng bongga, Alam mo yun diba? Sinabi ko yun sayo eh. Iba ka sa lahat. Iba yung pinaramdam mo nung tayo, kaya nga kita pinakilala sa angkan ko eh. Kasi akala ko ikaw na. Alam mo ba 3 years akong walang boyfriend ng dumating ka. Kaya akala ko talaga ikaw na. Yun pala hindi. Akala ko ikaw na yung bigay ni God. Pero hindi. At sa totoo lang, hindi ko pa rin masabi na okay ako. Na masaya ako para sa inyo o sa sarili ko. Kahit na may ini entertain na ako ngayon. Ikaw pa rin. Feel na feel ko nga ngayon yung kanta ni Katy Perry na Thinking Of You eh. "Cause when I'm with him, I am thinking of you". I know it's unfair to the guy pero di ko rin naman alam kung seryoso siya o hindi eh. And sa totoo lang, hindi ko alam kung mahal pa kita. Ang alam ko lang, masakit pa rin... dahil sa memories.
0 notes
laginghopia-blog · 10 years
Quote
Just so you know, I already created a picture of you, walking away and me, not giving any shit about it.
How I wish I was that strong // dysnglnd (via escafeism)
109 notes · View notes
laginghopia-blog · 10 years
Quote
Part of me will always love you and will never forget you no matter what happen.
I’ll keep you in my heart forever. (via escafeism)
160 notes · View notes
laginghopia-blog · 10 years
Quote
I just realized that sometimes, love is not enough. Not because someone falls in love with you, that’s already it. Not because they tell you they love you it already means that they will stay. Because in one point or another, they will leave you. They will leave when that time comes that they’ll see you the way you see yourself.
maybe he left because he saw me the way i see myself (via escafeism)
361 notes · View notes
laginghopia-blog · 10 years
Text
109 days.
109 days lang pero pakiramdam ko 109 months tayo. Sobrang napasaya mo ako. Ang dami mong nabigay na alaala sakin. May masaya, may sobrang saya, may malungkot at sobrang lungkot. Pero ngayon, sakit yung nabigay mo. Simula nung sabihin mong ayaw mo na. Alam ko nagkamali ako. Mali yung joke ko na maghahanap ako ng iba. Pero tsong, ang babaw nun. At mali rin dahil hindi kita nabibigyan ng time dahil hindi ako pinapayagan ng parents ko pero nag eeffort ako. Alam mo yan. Pinupuntahan kita pag pwede ako. Tinatanong kita kung ok lang ba yung ganung setup. Sabi mo ok lang eh. Tapos bigla ka na lang sasabog? Bigla ka na lang mangiiwan ng ganun ganun na lang? Hindi na agad pwedeng pagusapan? Wala na agad second chance? Ayaw mo na lang agad? Alam kong sanay ka na lagi kayong magkasama ng ex mo nung kayo pa. Pero magkaiba kami. Hindi tayo magkaklase at magkaiba ang school natin. Pero diba kung mahal mo yung tao, magcocompromise ka? Nagkikita pa rin naman tayo kahit na taga north ka at south ako. Hindi nga sobrang tagal pero alam mong enough na yun. As much as possible naman gumagawa ako ng way para magkasama pa tayo ng mas matagal eh. Kaya lang bakit ganito? Ang sakit sakit. Suko na ka agad? Hindi ba pwedeng trial lang to sa relationship natin na naguumpisa pa lang? Bye bye na agad kasi nahihirapan ka? Nasaan na yung sinabi mong magtatagal tayo? Yung masasaktan mo ako dahil hindi yun maiiwasan pero hindi mo ako iiwan? Anong nangyari? Ang sakit sakit kasi talaga na yun lang yung sinabi mong dahilan para makipaghiwalay. Pakiramdam ko meron pa. Sana sinabi mo na lang para naintindihan ko pa. 
Alam ko naman eh. Umpisa pa lang natin mali na. Sana hindi na lang ako nagpadala. Sana hindi na lang ako naniwala sa mga sinabi at pinakita mo. Akala ko iba ka. Pinaglaban pa kita at sabi mo sasamahan mo ako sa laban na to. Pero anong nangyari? Iniwan mo ako. Laban natin to. Magkakampi tayo pero ako yung sinaktan mo. Iniwan mo akong luhaan.  Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang sakit sakit sakit sakit kasi talaga. Mahal na mahal pa rin kita. At umaasa pa rin ako na magkakabalikan tayo. 
0 notes
laginghopia-blog · 10 years
Text
Bakit kailangan pang ikaw yung mag advice kung in the end iba naman yung iiyak dahil sa sinabi mo?
0 notes
laginghopia-blog · 10 years
Text
Ngayon ko lang naisip na walang wala pala yung pinag dadaanan ko kesa sa mga tao sa paligid ko.
0 notes
laginghopia-blog · 10 years
Text
Di ko talaga nakeri nung umiyak na ung pinsan ko eh. Tapos sumabay pa ung bestfriend ko. Mas tinalo ko pa ung iyak nila kahit hindi naman talaga ako ung broken hearted. Matatawa ka nalang kasi inuuhog na ako sa kakaiyak pero sila luha lang. Di ko na talaga kayang econtrol ung pagiging emosyonal ko kahit sa simpleng bagay kasi talo ko pa ung may pinagdadaanaan talaga. Kahiya. Hahaha
0 notes
laginghopia-blog · 10 years
Text
Im so confused.
Gusto ko yung friend ng may gusto sa akin pero yung friend ko may gusto ko sa friend ko tapos hindi naman sya gusto nung guy. Gulo diba? Pero di ko talaga bet yung may gusto sakin kasi before pa sa kanya gusto ko na talaga yung friends nya. Kaya lang una silang nagka something nung friend ko pero sabi nung guy wala silang something kasi hindi nya naman gusto yubg friend ko. Ang gulo dibuuuh? Ewan ko ba. Bahala sila
0 notes
laginghopia-blog · 10 years
Text
I wonder if anyone ever looks at me while I’m doing something and thinks I’m pretty. Because I do that all the time to people. 
2M notes · View notes
laginghopia-blog · 10 years
Text
do you ever want to sleep for 14 years without waking up
835K notes · View notes