largadonyzzle
largadonyzzle
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
largadonyzzle · 4 years ago
Text
Tumblr media
KORAPSYON SA GITNA NG PANDEMYA
Ano ba talaga ang dapat katakutan ang pandemyang Covid-19 o mapagsamantalang namamahala sa gobyerno natin?
Sa Kabila ng nararanasang krisis ng Corona Virus Disease ( Covid-19 ) pandemic sa bansa, hindi pa rin nawawala ang kaliwa't kanang alegasyon ng korapsyon na talaga namang nagpapahirap lalo sa nararanasan ng mamamayan.Isa na dito ang ahensya ng Philhealth,kung matatandaan sila ang umaalalay sa mga kababayan natin sa pagbabayad sa pagpapaospital lalo na yung mga salat sa salapi.
Ang korapsyon sa Philhealth ay parang pandemic na kahit anong gamot ang gamitin,kahit anong pagbabago ay patuloy na lumalala.Ang pera ng Philhealth ay hindi pera ng gobyerno,Ang pera ng Philhealth ay pera ng miyembro ng Philhealth para kung tayo ay magkasakit ay may mapagkukunan!!!
Alam natin na NAPAKA SAKIT NA MAGKASAKIT, pero mas masakit na yung inaasahan natin na pondo o pera na inaasahan natin na makaka salba ay malalaman natin na nilulustay pala ng ilang tao.
Tumblr media
Ayon sa mga mambabatas hindi sapat ang dialysis sa kaso ng Philhealth!! transplant ang kailangan para sa paggaling ng Philhealth!!!
Idagdag pa ang mga tiwaling opisyal ng baranggay na nahaharap sa iba't-ibang anomalya sa pamamahagi ng Social Amelioration Program o SAP. Kamakailan iniere sa telebisyon ang mga punong baranggay, mga kagawad, mga ingat yaman, mga sekretarya, mga empleyado, mga purok lider at pati mga social worker na nahaharap sa kasong administratibo.
Nakakadismaya na kung sino pa ang inaasahan ng pamahalaan at taumbayan sa panahon ng pandemya ay sila pa ang animong mga linta na sumisipsip sa dugo ng ayuda ang pamahalaan.
2 notes · View notes