Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Museo ni Jesse Robredo
Itatalakay ko sa blog entry na ito ang tungkol sa pagbisita ko sa Museo ni Jesse Robredo. Noong ika-8 ng Pebrero 2018, ang mga mag-aaral ng ika-pito, ika-walo, ika-labingisa at ika-labingdalawang grado ng Philippine Science High School Bicol Region Campus (PSHS-BRC) ay bumista sa mga ibaât ibang pook sa lungsod ng Naga. Ang mga senior high school students (SHS) naman ay pumunta sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Museo ni Jesse Robredo. Ilalagay ko sa blog entry ang ilang sa mga litratong kinuha ko sa nasabing museo.

Noong unang buksan ang Museo noong ika-18 ng Agosto 2017, nagkaroon ako ng interes na pumunta sa nasabing museo dahil gusto kong malaman ang mga mahahalagang pangyayari at mga naitulong ng dating punong lungsod ng Naga na si Jesse Robredo. Bago nagsimula ang tour sa loob, naghintay muna ako at ang iba pang estudyante sa labas. Ako ay mahilig kumuha ng mga litrato, kaya pumunta ako sa taas at gitna ng parke, kung saan nakikita ang nakaupo na si Jesse. Nang nakababa ako mula sa itaas ng museo ay nawawala ang lalagyan ng aking smartphone na may tatak Motorola, kaya bumalik ako sa taas ng museo para hanpin ngunit hindi ko na nakita. Nang pumasok ako sa loob ng museo, ay ibinigay saakin ng ka-batch ko na si GB ang lalagyan ng smartphone ko. Nagpasalamat ako sa kanya at nangako ako na ililibre ko siya ng pagkain mula sa Jollibee Goa. Bago magsimula yung tour ay nagbihis muna ako ng damit kasi pinapawisan na ako sa sobrang init sa labas.

Sa pagsimula ng tour ay nanood muna kami ng isang audio-visual presentation (AVP) tungkol sa lungsod ng Naga at ang buhay ni Robredo. Pagkatapos nito ay pumunta kami sa unang bahagi ng museo, ang âKabataan at Paghubogâ (Youth and Formation). Nakita ko rito ang family tree, chessboard, parangal, at mga yearbook ni Robredo mula sa kanyang pag-aaral sa Naga Parochial School, Ateneo de Naga University, De La Salle University Manila, at University of the Philippines Diliman. Dito nalaman na mahilig pala siya mag laro ng chess at sumama pa siya sa chess tournament. Nakalagay naman ang standee ni Jesse at ang kanyang asawa na si Leni sa isang bahagi malapit sa ikalawang parte ng museo.


Ang ikalawang bahagi ng museo ay tungkol sa âPamumunong Tsinelasâ (Tsinelas Leadership). Dito nakalagay ang mga damit na ginamit ni Robredo nang siya ang punong lungsod ng Naga at Kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG). Kabilang sa mga mahahalagang impormasyon na nakalagay ay ang âSeal of Good Housekeepingâ, âSeal of Disaster Preparednessâ, âFull Disclosureâ, âRepresenation for Indigenous Peopleâ at âAnti-Epalâ. Meron ding replika ng opisina ni Robredo, kung saan may isang mahabang lamesa at maraming upuan, sa isang banda ng lamesa ay makikita ang mukha ni Robredo na nakikita sa salamin (mula sa naka-reflect na imahe sa telebisyon). Kasama rin sa parteng ito ay ang mga naitulong ng nasabing punong lungsod at kalihim sa Naga at DILG.


Ang ikatlong bahagi naman ay ang âSa Puso ng mga Mamamayanâ (In the Hearts of the People). Nakalagay rito ang mga natanggap na sulat ni Robredo mula sa ibaât ibang ahensya, bisikleta na kanyang ginagamit, ang kanyang paboritong damit, at ang kanyang isinulat na liham para sa kanyang anak na si Aika. Nang nakita ko ang bisikleta ko ay naisip ko na dapat mag-bisikleta ulit ako tuwing weekend para maging malusog ang katawan at maiwasan ang mga sakit. May mga iPad at headphones na nakalagay sa pader kung saan pinapakita ang video ng mga talumpati ni Robredo sa ibaât ibang mga pagdiriwang. Sa isang pader nakalagay ang mga maliit na parihaba na parang pintuan, na kung binuksan ito ay may litrato ng pamilya ni Robredo. Nakalagay naman sa isang bahagi ng pader ang mga libro, pager at ballpen na ginamit ni Jesse.

Ang ikaapat ang panghuling bahagi ay tungkol sa âPamanang Robredoâ (Robredo Legacy). Sa pagpasok ko, ang daanan ay may hugis na katulad ng fuselage o ang katawan ng eroplano. Nakalagay sa kanang bahagi ang mapa na nagpapakita ng ruta ng eroplano (mula Cebu hanggang Naga) at ang lugar kung saan bumagsak ang eroplano noong ika-18 ng Agosto 2012. Sa kaliwang bahagi naman ay nakalagay ang mga mahahalagang pangyayari matapos ang pagbagsak at ang mga gamit na nakuha mula sa eroplano. Pagkatapos noon, nakita ko ang hugis tatsulok na watawat ng Pilipinas na inilagay sa taas ng kabaong ni Jesse. Nakita ko rin ang mga parangal na ibinigay sa kanya tulad ng Quezon Service Cross at ang Philippine Legion of Honor award. Nakasulat rin ang mga lugar at daan na ipinangalan sa kanya. Bago natapos ang tour ay nakasulat sa pader ang isang tula na inaalay kay Robredo.
Nang nakababa na ako at ilan sa aking mga kaklase ay tinawagan kami ni Maâam Casasis dahil matagal na kaming hinhintay ng iba pa naming mga kasama. Sa aking pagbalik sa bus ay tinanong ko ang aking kaklase kung gaano sila katagal na naghintay saamin, mahigit 30 minuto ang sinabi niya. Sa tingin ko ay ang pagkuha ng maraming litrato ang dahilan kung bakit natagalan ako sa loob ng museo, pero masaya naman ako dahil sa mga bagong kaalaman tungkol kay Jesse Robredo. Kung pwede, nais kong bumalik sa museo dahil gusto kong makita muli ang kagandahan ng mga naitulong at pamana ni Robredo sa Naga at sa ating bansa. Salamat sa pagbasa ng blog entry na ito, huwag niyo pong kalimutan na i-follow ako sa Instagram, i-search nyo lang âlaustinrivarâ. Ang mga litrato sa blog entry na ito ay kinuha ko gamit ang Motorola Moto Z Play. Maraming salamat po!
1 note
·
View note