lildarkmajesty-blog
lildarkmajesty-blog
LildarkMajesty
2 posts
Take a trip under my ocean of thoughts.
Don't wanna be here? Send us removal request.
lildarkmajesty-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
-PUTING BESTIDA - 
Ako si Marcus Jake Hernando, gusto kong ipakilala sainyo ang pinakamagandang dilag na nakilala ko sa Mandalay. Isang bar sa OPL Building, 100 Don Carlos Palanca, Legazpi Village, Makati City. Siya ay nagngangalang Kate Cristy Medina. Puting bestida na may disenyong rosas ang kanyang suot. Nakakatindig balahido ang kanyang mga ngiti, napakaganda ng pungay ng kanyang mga mata at nakakasilaw ang kanyang taglay na kagandahan. Nakakamangha naman ang ugoy ng kanyang katawan na sabay sa ritmo ng nakakabinging tugtog na “Faded” ni Alan Walker. Hindi ako nag- alinlangan, agad ko siyang nilapitan.
 Lumipas ang anim na buwan, heto na ang aking pinakahihintay . Isa ko na siyang partner , aking binibini, ngunit hindi sa araw na ito natapos ang pagpapadala ko sakanya ng bulaklak. Pagpapadala ng Japanese cake sapagkat iyon ang kanyang paborito. Hatid, sundo ko parin siya kahit sa sariling kompanya nila siya nagtatrabaho. Hindi ko maipagkakaila na siya na ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Lahat ng oras, araw, buhay ko ay nakatuon at alay ko sakanya.
 Napagdesisyonan naming manirahan sa iisang bubong kahit hindi pa kami ganap na mag-asawa. Kasama ko na ang aking binibini mula paggising hanggang sa pag tulog ngunit tila siya'y nagbago. Mas lalo siyang naging mas maalaga ngunit ang katawan ay patuloy na pumapayat. Minsan naisip baka ito’y dahil noon,  huli siyang nagigising at paglulutuan ko siya ng paborito niyang bacon and egg with hot choco na almusal. Ngayon ay siya na ang nagluluto ng almusal at binabaonan niya pa ako ng iba't ibang potahe para sa aking tanghalian, pagkauwi namin ng bahay mula sa trabaho ay agad siyang didiretso sa kusina upang magluto.Kaya baka siya pumapayat dahil nabigla siya sa mga gawaing bahay dahil gagawin niya iyon kahit hindi siya sanay at marunong. Naglilinis narin siya ng bahay kahit napakatamad niya.Napakaraming pagbabago sakanya at ang nakakatuwa pa rito ay marunong na siyang magtipid. Ang laging waldas ng waldas ng pera ay marunong ng mag-ipon. Ngunit hindi ang magandang pagbabagong ito ang aking ikinababahala. Ito ay ang pagrereklamo niya sa kanyang mga pasa at paghihina ng katawan.
 Hindi ko ito labis maintindihan kaya isang araw paglipas ng isang linggo bago siya nagpaalam na pupunta muna sa bahay nila sa Makati para alagaan ang kanyang ama na may sakit sa puso ay tumungo ako sa aming silid at tinignan ang kanyang cabinet. Nakita ko roon ang isang puting damit na may disenyong rosas, ito ang suot niya noong unang beses ko siyang nakita. Mayroong nakadikit na papel roon at may nakalagay na, " Kapag nahanap mo ito, dalhin mo ito sa paborito kong simbahan." National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa may Makati ang kanyang paboritong simbahan. Agad akong pumunta roon at nadatnan ang aking magulang sa loob, naroon rin ang iilang kamag-anak at kaibigan namin ni Kate. Kinuha nila ang damit na hawak ko , tinanong ko sila kung bakit nila ito kinuha ngunit walang sumagot . Pinasuot nila sa akin ang isang suit and tie. Pagkatapos ay nagsimula nang tumugtog ang isang kanta na pamilyar sa akin. Iyan ang paborito naming kanta ni Kate. “Ikaw at ako” na kanta nina Moira dela Torre at kanyang asawa na si Jason. Isa-isa ng naglakad sa pasilyo ang mga flower girl, ring bearer at iba pa. Nang malapit na ang maid of honor sa akin ay agad niyang inabot ang isang sobre. Pagkabukas ko ay sabay ang pagkabukas ng pinto ng simbahan na kanina ay sinarado habang naglalakad ang maid of honor. Nakita kong may liham sa loob ng sobre. Naaaninag kong may naglalakad na tila may hinihila patungo sa may altar ngunit mas pinagtuonan ko ng pansin ang liham.
  " Mahal kong Marcus,
              Salamat sapagkat ako'y minahal mo ng tunay at buong buo. Patawad dahil hindi ko sinabi saiyo ang totoo na magpapaconfine ako dahil lumala ang sakit kong leukemia at sabi ng doktor ay hindi na ako magtatagal. Alam kong hindi mo kakayanin kung kaya't hindi ko na sinabi. Bawat segundo, minuto, oras , araw na kasama kita ay ginawa ko na ang mga bagay na gusto kong gawin kapag ako'y ganap mo ng asawa. Iyon ay ang pagsilbihan ka. Ang paglutuan ka, linisin ang bahay. Sana ay umabot ako sa kasal nating dalawa ngunit kung hindi ay gusto kong mangyari ang kasal sa mismong araw na hindi ko na muli makikita ang tila anghel mong mukha.
              Ang inipon kong pera ay hindi para sa akin o sa atin. Gusto ko kapag nawala ako, magmahal ka muli at gamitin mo ang pera para sa iyong magiging pamilya. Magmahal ka ulit. Mahalin mo ang babaeng nakatakda saiyo higit pa sa kung paano mo ako minahal. Ngayon pa lamang ay pinapalaya na kita hindi dahil sa hindi kita mahal kundi dahil alam kong hindi ko na kaya at malapit  na ang araw na titigil ang aking orasan.
         Mahal na mahal kita aking ginoo.
                                                                                                Nagmamahal,
                                                                                                             Kate
Tanging mga luha ko lamang ang aking naaaninag at tanging pagkapuot lang ang  nadarama. Ngayon ay naintindihan ko na ang lahat. Kung bakit gusto niya akong pagsilbihan, alagaan. Ngayon ay naintindihan ko na kung bakit napakarami niyang pasa. Ngayon ay naintindihan ko na kung bakit araw-araw ay konti-konti siyang nanghihina. Pagkatapos kong punasan ang aking luha ay nakita ko ang nakabukas na ataol sa harapan ng altar . Nilapitan koi yon at naroon ang aking binibini. Payapang natutulog at may singsing sa daliri. Hindi ako makapaniwala na ang suot niyang puting bestida noong unang araw ko siyang nakita ay iyon rin ang suot niya sa huling araw na makikita ko siya.                                                                                        
0 notes
lildarkmajesty-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
TRAVELER’S LETTER 
Once upon a rare midnight, Holding a pillow very tight, Confused by the concept of time, Life is full of begrime.   A clock with flying numbers is an illusion, That gives a feeling of delusion, Letters are sent to yourself, To confide and unbosom oneself, As you read the first letter, your heart breaks into half.   The letter says: Dearest Margarita, I know you experienced traumata, I understand all the smiles you had to fake, All the rules you break.   I felt the sadness of your silent tears that your pillow stained with, I felt the struggles you feel as you strongly breathe, I know all the people you love and you’ve lost, I know you are now feeling exhaust.   But hey, listen; Just to make your understanding deepen, It may not get easier, But you do get stronger, Strong enough to overcome it all, To face everything and stand tall.   In the end of the day, small things won’t hurt you anymore; Ready to clean up the mess on your bedroom floor, In the end of the day, you’ll build a castle with all the bricks they threw to you; Without the feeling of being blue.   You are not alone, Stop being hard as a stone, Let them help, Sincerely, your future self.
1 note · View note