livelov3light
livelov3light
Live life to the fullest
963 posts
We have one life to live so be kind, be wild sometimes, and use it very well.
Don't wanna be here? Send us removal request.
livelov3light · 1 month ago
Text
I love my wife!
Lord, thank you for everything na ginagawa mo para samin ng aking asawa. Sa mga blessing na patuloy mong pinagkakaloob sa amin. Sa bawat umaga na pagkakataon na kami'y mag kasama na malakas, malusog, at pani-bagong pagkakataon maranasan ang iyong pagpapala at presensya sa aming mga buhay. I pray na sana mas makilala ka namin sa mas malalim na kaparaanan. At ikaw lamang ang maging sentro ng aming pagmamahalan.
Alisin mo po kung anu mang meron karumihan ang aking puso at hindi magkasala. Panatilihin mong maging matatag ang aking puso't isipan para mapangalagaan at maprotektahan ko ang aking asawa. Patuloy Mo po akong pagkalooban ng biyaya para matustusan ko ang aming pangangailangan sa araw-araw. And sana'y magkaron na kami ng aming sariling tahanan sa mga susunod na panahon.
Maraming salamat at sa inyo ko lamang po binabalik ang lahat ng papuri at pasasalamat, sa matamis na pangalan ng inyong Anak na si Jesus. Amen! :)
#APrayer 5.13.25
0 notes
livelov3light · 1 month ago
Text
Saloobin: Unang Yugto
Magandang araw sa inyo! Dahil wala ako magawa ngayong araw at di ko din alam ang gagawin ko today. Dito muna ko. hehe
May nabasa ako tungkol sa isang babae na pina-follow ko dito. Ang sakit lang na makabasa na may isang pamilya nanaman na masisira dahil sa kawalang respeto nung lalakeng partner nya sakanya at kawalang halaga sa salitang "Pamilya".
Hindi ko maatim na ganun yung lalake sakanya. Pero sino ba naman ako para humusga diba?!
Pero sayo ate girl! Gusto ko lang sabihin na. Tama ka!
Deserve mo na itrato ka ng tama!
Deserve mo na Mahalin ka ng tama!
Deserve mo na paligayahin ka at ang anak nyo ng tama!
Pero higit sa lahat "deserve mo palayain ang puso at sarili mo sa lungkot at bangungot ng kahapon". Hindi ko alam pano ko sasabihin at pano mo magagawa ito. Pero para makalagpas ka diyan sa pinagdadaanan mo ngayon.
Kailangan mo "MAG-PATAWAD". Pero hindi ibig sabihin nun ay makipagbalikan ka parin sakanya o kalimutan mo yung mga bagay na masasakit na ginawa nya sayo at sa anak nyo. Sabi nga diba,
"Forgive, but never forget". Patawadin mo sya sa mga maling bagay o trato nya sayo. Piliin mong magpatawad, sa misirableng buhay na dinanas mo ng kasama sya. At sa sarili mo na nagtiis ka ng mahabang panahon para lamang mabuo ang pamilya nyo.
Kasi kailangan natin bawasan yung bigat na dinadala ng Puso natin, para magkaron ulit ng panibagong espasyo na ilalagay natin na mas masaya, mas matatag, at mas bagong ikaw na ala-ala. Hindi man natin alam kung bakit mo naranasan yan sa ngayon. Pero darating din yung oras na Ipapaintindi sa ating ng nasa Itaas bakit mo kailangan pag daanan yung mga bagay na yan. Hindi madali pero manalig ka sa Itaas at manalangin na gabayan ka at ang anak mo pati na ang iyong pamilya sa mga panahong ito na magulo at di natin maintindihan ang tadhana ng ating buhay.
Jeremiah 29:11
#ChismosongPakielamero
5.10.25
0 notes
livelov3light · 6 months ago
Text
Slamdunk fan
See you again japan! 😍💯👍
#slamdunktrain #2024 #japan
0 notes
livelov3light · 7 months ago
Text
Minsan o Madalas?
Minsan O madalas sa buhay natin di natin alam ang gagawin no? Yung parang feeling mo ok naman lahat. Pero sumasagi sa isip mo na ok lang ba talaga? Ok nga ba? Ok pa ba?
Ang gulo no? Parang buhay di malaman. Tapos halu-halong emosyon ang iyong nararamdaman. Hangang maiisip mo na parang may mali sayo? Anu? Saan? Kaylan? Bakit?
Pero na satin ang kasagutan. Di pa siguro ngayon pero baka sa susunod na mga panahon. Basta kumapit ka lang. Magtiwala sa sarili mo. Mahahanap mo din ang mga sagot sa tanong mo.
Tapangan mo! Tatagan mo! Tibayan mo ang loob mo!
#personal #112024
0 notes
livelov3light · 7 months ago
Text
ikaw?
ikaw ang aking kapahingahan
ikaw ang lakas sa sandaling napanghihinaan
ikaw ang gabay sa magulong isipan
ikaw ang pag-ibig na walang hanggan!
0 notes
livelov3light · 7 months ago
Text
Bakit?
Bakit nga ba tayo umabot sa ganito?
Anu ba ang dahilan?
pwede bang malaman?
😔😮‍💨🤔
0 notes
livelov3light · 9 months ago
Text
pipiliin ka sa araw-araw
Tumblr media
Siargao trip 2k24
0 notes
livelov3light · 11 months ago
Text
Mt. Fuji 2024.
Babalikan ka namin for sure! 😘
#Japan2024 #HappyAnnivLove
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
livelov3light · 1 year ago
Text
buhay may asawa!
Minsan nakakapagod din umintindi ng asawa. Di ko alam kung ako ba mali or siya?Pag kinakausap ko naman at tinanong ano prolema, ang isasagot sayo, WALA. Tapos iiyakan ka nalang. 😅
Sabi nga ng matatanda noon ang pag aasawa ay di parang kanin na pag sinubo mo at mainit mailuluwa mo pa. 😅 I'll give everything naman pero di naman siguro tama na ubusin ko pera namin para lang mapasaya sya at ngumanga na kami after. Di naman ako irresponsible humawak ng pera. Kaso, after nung vacation namin sa japan last month kala ko mababawi ko agad yung ginastos ko. Until now ang hina padin nung business ko at wala padin kita. 😅 Sana talaga makabawi next month.
Tapos bumili pa ko ng minivan na plan ko icamper van at iyouyoutube vlog ko. Kasi dream ko pa dati na malibot ang pinas. And dahil may asawa na ko now gusto ko kasama ko sya, Kaso si wife parang di sya excited sa plan ko. Kaya nahihirapan ako at mentally stressed ako.🥲
Minsan di ko ramdam yung support nya sa mga gusto ko gawin and minsan dota nalang or ibang games ang bisyo ko, pinagaawayan pa namin. 😅 Pero pag tinatanong ko sya anu ba dapat gawin namin wala sya ma isuggest.
Ako madalas na mag insist na mag movie time kami. Kaso magiging busy naman sya sa cp imbis na manuod. Deep inside naiinis ako sa ganun and sinasabi ko sakanya yun before pero wala, ganun padin sya until now. Kaya di nag wowork samin yung movie time and hinahayaan ko nalang kesa pagtalunan namin.
Pero ganun pa man di naman ako nagsisisi na sya ang pinili kong pakasalan. Kasi nga minsan iniisip ko na baka tayo binibigyan ng tao sa buhay ni Lord ee, either kailangan ko sya sa buhay ko or ako ang kailangan nya sa buhay nya para maging mas mabuti kaming tao or maimprove pa namin yung mga sarili namin sa mga bagay na di pa namin alam.
Pero Lord alam mo naman kung anu ang nasa puso ko at nung humiling ako sayo. Kung bigay mo talaga sya Lord para sakin magwowork to hangang dulo. ☺️
#personal #buhaymayasawa #isangtaonnamahigit #lovemehateme
5.25.2024
0 notes
livelov3light · 2 years ago
Text
I'm really sorry meow!😓
OMG! nakasagasa ako ng pusa kanina
When my wife and I going to church. 😥
I thought talaga na nakalampas na sya kaya nagdirediretso ako sa pagdadrive then bigla ko nalang naramdaman na nag bump yung car ng bahagya at narinig ko na yung iyak nung pusa. 😥 Napa shit talaga ako and sorry!
Then nung binalikan ko humihinga pa sya at mahina so I thought na makakasurvive sya and napansin ko na parang bulag yung isang mata nya kaya siguro di nya din napansin na padating ako.
Then after church at uwian na dinaanan ko ulit kaso ayun nakita namin wala na syang buhay. Sorry talaga meow I didn't mean to kill you or something. Di tuloy kami nakapag worshipped ng maayos ni wifey sa church and habang nagtuturo ako sa sunday school ng mga children di ako mapakali. 😅
I'm really really sorry talaga meow and rest in peace meow. 😿😭
7.2.23
5 notes · View notes
livelov3light · 2 years ago
Text
Putang na! Di ko masabi sa Asawa ko na talo ko ng 100k sa sugal! Hahaha
Malamang gigilitan ako nun! Hahaha
2 notes · View notes
livelov3light · 2 years ago
Text
3 buwan
3 buwan na akong walang ginagawa sa negosyo ko. Pero kumita naman ako ng 1.5k dollars. Sa loob ng 3 buwan. Di na masama may pang gastos.
Pero ngayon buwan parang tamad na tamad padin ako. Wala man lang ako motibasyon para mag trabaho.
Nawawala nanaman ako sa sarili ko. Buti nalang yung asawa ko may trabaho na. Dati nung wala pa akong asawa ganado ako magpayaman. Haha
Pero ngayon na may asawa na ko. Parang lumalala yung pagiging tamad ko. 😅 Siguro di kasi kami parehas ng vision at napansin ko na di kami parehas ng gusto sa buhay.
May mga personality na ngayon ko lang nalaman sakanya. Parte naman talaga yun ng buhay may asawa. Unti-unti kong nakikita yung kaibahan namin. Pag dating sa pagdedesisyon at pagiisip kung anu ang dapat gawin sa mga bagay-bagay. Ang hirap pala. Haha
Pero di naman ibig sabihin nun ee nagsisisi ako dahil nagpakasal kami agad. Kasi naniniwala ko na malalampasan naman namin tong sitwasyon na to. Kasi lagi ko ngang sinasabi na always "fill in the blanks"
Saka mahal ko yung asawa ko. And di ko sisirain yung pinangako ko kay "Lord, na ibigay lang nya di ko sasayangin." Kaya laban na to.
Matuto lang tayong mahalin ang proseso at magtiwala hangang dulo.
Kaya sana panalangin ko na bumalik yung motibasyon ko para magpayaman at magtrabaho ulit para samin. Para sa pamilya namin. 🥰
#personal #buhaymayasawa
6.7.23
1 note · View note
livelov3light · 2 years ago
Text
nasolo ko din yung kama.
Umalis kasi si misis ee.
Gumala sila sa baler di ako sumama
mas gusto ko pa maglaro sa PC ko.
Haha
3 notes · View notes
livelov3light · 2 years ago
Text
Buhay May Asawa
It's been a while tumblr!
I'm married na pala. Akalain mo yun! Haha
Kaso eto na nga. Dati wala akong pera binibili ko
Yung gusto kong bilin! Ngayon May pera naman ako at ipon di ko na mabili dahil meron na akong kasama sa buhay. 😅
Di rin pala ganun kadali no. Kaso pinasok ko to ee. So dapat makuntento ako at maging masaya. Sabi nga Happy Wife! Happy Life!
Basta laging samahan ng dasal! 😊
4.19.23
2 notes · View notes
livelov3light · 3 years ago
Text
I'm getting married? One of the biggest decision that I made.
It's always a commitment no turning back.
11.4.22
1 note · View note
livelov3light · 3 years ago
Text
Lagi ko pipiliin ang humingi ng tawad
Kahit na minsan pakiramdam ko di ko kasalanan.
Kasi di kita kayang tiisin at di ko kaya na magkagalit tayo.
Kaya kahit na anu mangyari hihingi ako ng tawad ng paulit-ulit.
Papangitiin ka para maibsan ang iyong inis. 🙂
At paulit-ulit kong sasabihin sayo na hindi ko kaylan man titignan yung kakulangan mo.
Kasi alam ko sa sarili ko na may kakulangan din ako. Pero di rason yun para hindi magkasundo.
Kasi paulit-ulit kong titignan yung mga bagay na nagustuhan ko sayo.
Yung mga bagay na minahal ko sayo. Kasi ganun naman talaga dapat diba. Kapag nagmahal ka, hindi perpekto pero kaya kong makuntento.
Kasi mahal kita at ikaw ang binigay Nya kaya aalagaan at mamahalin kita. Kaya sana wag kang magsawa at sana isipin mo din lagi kung bakit ako ang pinili mo at minahal.
Dahil lagi kitang papasayahin sa abot ng aking makakaya hangang sa tayo ay tumanda na.
Love♥️
07.07.22
1 note · View note
livelov3light · 3 years ago
Text
Love!
Lord, sabi ko sayo diba bigyan mo ko 
hindi ko na sasayangin. 
And I feel na, nasa tamang tao na ko.
Kaya di ko na sya sasayangin pa.
Maliban nalang kung ako ang sayangin nya! haha 
Pero Lord seryoso po ako sakanya.
Kaya thank you sa binigay mo. 
Dalangin ko ang kaligayahan nya sa piling ko. :)
#ThankYouLord #ILoveYou
6.29.22
0 notes