Tumgik
lovelyow-blog · 12 years
Text
RF: I love pink.
Tumblr media
0 notes
lovelyow-blog · 12 years
Text
Ang swerte ko lang magkaroon ng kaibigan na tulad niya.
“Basta kung kailangan mo ng makakasama sa pag-iyak nandito lang ako, okay? Kaya mo yan. Nakaya ko, tiyak makakaya mo. Mas matigas puso mo kesa sakin eh. :)) Iloveyou! Ako nalang muna magmamahal sayo.
  - Inah
Ang sweet, noh? Hinding hindi ko yan ipagpapalit sa kahit sino mang lalaki. Kasi kahit na di ako perpektong tao, mahal na mahal ako nyan. Hindi pa ko iiwan kahit kailan, anjan lang siya palagi kahit anong magyari. Tanggap niya kung ano at sino ako. Kaya mahal ko yan eh.
Si Erin Grace Inah Cordero nga pala, girlfriend ko. Hahaha!
Ang sarap isipin na may kaibigan kang handa kang samahan hindi lang sa kasiyahan kundi pati na rin sa kalungkutan.
0 notes
lovelyow-blog · 12 years
Text
Turn on: Lalaking mabango.
Yung tipong di naman kagwapuhan pero pag dumaan sa harap mo. Damn! Ang bango! Masarap singhutin ang taong mabango. Hahaha! Yun bang pag magkayakap kayo, inaamoy-amoy mo siya.
0 notes
lovelyow-blog · 12 years
Conversation
Nalaman nilang buntis kaibigan ko.
Family: Buntis pala yung kaibigan mo, neh?
Ako: Oo nga.
Tita: Hindi ka buntis nyan?
Mom: Baka galang mainggit ka sumunod kang mabuntis?
Ako: *speechless*
Duuuuuh! OA much ha? Maghahanap muna ko ng boyfriend bago ako magbuntis. Hahaha!
1 note · View note
lovelyow-blog · 12 years
Text
RF: Matakaw ako. Malakas kumain.
Pero hindi ako ganon gaanong tumataba. Thank God! Di na ko mahihirapang magdiet. Hehe. Pero mabilis lumaki ang tummy ko. Naipon ang fats ko sa tummy. Hahaha!
0 notes
lovelyow-blog · 12 years
Text
Nicknames. Palayaw. Pen names.
So bago ko isa-isahin ang nicknames ko eh dapat niyo munang malaman ang napakaganda *ehem* kong pangalan. Haha! LOVELY JOY PANGANIBAN at your service. :)
Lovely - Ang gadang pangalan, noh? In tagalog, KAIBIG-IBIG. Haha. Naging nickname ko lang ito ung mag-college na ko. Hindi ata uso sa college na ang nickname eh ang second name kaya Lovely na ang ginamit ko. Ito na din kasi pakilala ko kapag tinatanong nila anong pangalan ko. May mangilan-ngilan din ang tumawag sa akin na Lovely noong highschool.
Joy - Common name na ‘to. Halos lahat ng babae ay pangalan ito or tulad ko ay second name nila. Well, palayaw ko ang Joy sa family and relatives. Sila lang ang tumatawag sa’kin ng Joy. Ito din tawag sa akin nung elementary ako, classmates and teachers ko.
Juyjuy - Woah! Bisayang-bisaya. Hahaha! Saan nga ba nagmula ang pangalan kong ‘to? Isa sa bestfriends ko nagbigay sa akin ng nickname na ‘to. Actually, asar-asaran lang naman talaga ang pagtawag sa akin ng Juyjuy. Naiinis pa ko noon pag tinatawag nila kong ganyan pero nakasanayan ko na din. Napag-isip-isip ko, ang cute naman pala ng Juyjuy.
Love - Parang endearment lang eh. Mga ka-close ko lang ang tumatawag sa akin ng Love esp. mga close teachers ko nung highschool. Ang tamad lang nilang bigkasin ang buong pangalan ko. Lovely na nga lang, inalis pa ang ly. Naku! May mangilan-ngilan ding lalaki ang tumatawag sa akin ng Love, alam mo yung para asarin ka lang? Hahaha!
4 notes · View notes
lovelyow-blog · 12 years
Text
Isa ako sa mga teenager na:
Hindi nagyoyosi. - Sinubukan ko ng magyosi dati pero leche! Ubo lang ako ng ubo paghithit ko sa sigarilyo.
Hindi marunong uminom ng alak. - Tatay ko nga hindi umiinom ng alak, ako pa kaya? Pero na-try ko na din uminom, 5mL siguro ng SanMigLight (kung di ako nagkakamali). Haha! Nagsuka lang ako.
Hindi nagpaparty-party. - Wala talaga akong social life. Hindi ko rin hilig na makipag-party.
Hindi mahilig gumala. - Nasanay na rin kasi akong di pinapayagan pag magpapaalam akong gagala. Kaya kahit may magyaya sa akin na gumala, sinasabi ko na agad na hindi ako pwede kahit na hindi pa naman ako nakapagpaalam.
Mas gusto pang tumambay sa bahay at matulog nalang. - Matakaw ako sa tulog. At mas at ease ako kung nasa bahay lang ako. Homebuddy person eh.
Mas gusto pang tumapat sa computer magdamag at mag-tumblr.
Nasabihan na kong KJ dahil dito. Haha! Anong magagwa ko eh masunurin akong anak na sinusunod lahat ng gusto ng magulang. KJ na kung KJ, ito ako eh. Pakielam ko naman sa sasabihin mo. Nasa demokratiko tayong bansa, sabihin mo kung anong gusto mong sabihin, walang nagbabawal sa’yo.
0 notes
lovelyow-blog · 12 years
Text
Me being lonely. <//3
Whatta title! Ang bitter ko. Haha! Bakit nga ba ito naisip kong title? Lol. Wala lang. Bigla lang pumasok sa isip ko. Hehe. At dahil wala akong magawa, napasulat ako.
Lonely. Lonely. Lonely. Yes, I’m lonely for so long when it comes to love. Matagal-tagal na din. Ang tagal ko ng single. Haha! After the break-up, I focused with my studies and told myself, study first before anything else. The typical obedient child na susundin ang gusto ng mga magulang. Lol. Masunuring bata na ko ngayon. Pag sinabing wag muna magboyfriend, hindi muna. Sabi nila Tita ko, magtapos muna daw ako ng pag-aaral. Pagkagraduate ko daw, kahit mag-asawa na ko ok lang. They’re so OA!
Anyway, it’s nice to be single. But it’s nicer to have someone to come to after a very bad day and tell you ‘iloveyou and ‘it’s okay.’ Oh, yes. It’s nicer! Hopeless na naman ako. Hahaha! XDD
You know, ‘someone’ to come to is better than ‘journal/diary.’ Nakakasawa din kas minsan na kapag di maganda araw mo ay magsusulat ka (then post sa tumblr) sa journal/diary mo at sa sobrang inis mo ay ibabaon mo yung lapis/ballpen sa pinagsusulatan mo. Hahaha! Atleast kung may someone ka, meron ka ng listener, may comforter ka pa. Words and hugs from someone you love will somehow feel you better. :)
Hehe. Kasi naman eh! Nasan na ba ang someone na yan? Ba’t hindi pa magpakita? Ang tagal ko na siyang hinihintay.
0 notes
lovelyow-blog · 12 years
Text
College course.
Tumblr media
Anong unang pumapasok sa utak mo pag narinig mo ang salitang Engineering? Hmm. Lemme guess, MATH? Hahahaha. Pareho tayo ng naiisip kung ganon. :)
After graduation ng highschool, matagal kong pinag-isipan kung anong course ang kukunin ko sa college. Nandyan ang IT, ComSci, Architecture sa listahan ng pinagpipilian ko. Pero bumagsak ako sa Computer Engineering. :D
Pano nga ba nangyari yun? Hmm. Related din naman siya sa computer eh, so go na ko. Kahit na nagdadalawang-isip pa ko dahil sa pangalawang salitang ‘Engineering.’ Alam naman nating lahat ang kaakibat ng salitang yon, ang nakakamatay na ‘Math.’ Hahaha! Yes, nakakamatay.
Kung hindi niyo po alam, ako ay isang bobita pagdating sa Math Subject. Nakakahiya mang amining pero yun po ang totoo. :( Drama much lang. Hahaha! Hate na hate kong nagsosolve ng Math problems, hindi lang ang mata ko ang sumasakit sa nakikita kong numbers kundi pati na rin ang ulo ko. :|
  Pero wala na kong magagawa, nandito na ko eh. Pinasok ko ‘to kaya paninindigan ko na. Dahil kahit anong gawin ko, kasama ko ang Math hanggang sa makagraduate ako. :)
1 note · View note