lqdy-blog
lqdy-blog
Fieq
3 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
lqdy-blog · 3 years ago
Text
salitang ugat
Ano't bakit kaylapit ng buntong-hininga sa isang papel, sa isang tainga, mga pahina, ngunit kaylawak naman ng mundong namamagitan sa dalawang pilit na pinipilit maging isa magkaisa. Sa dami ng mga nangyari, pilit sasang ayon kang pikit mata. Nakabibingi ang palakpakan hindi puso ngunit ulo ang unang tumataba, silang mga ambilis makalimot at tumingin sa likod, kanan, at kaliwa. Mga kumikilos na tanging hangad lang ang nais ay mapapala. Kaya't ang sakit nitong tahanan ay lalong lumalala. Maraming mga matang nakapikit ngunit higit pa sa marami ang mga nadadala ng disimpormasyon. Agad na nilulunok pagkasubo ay hindi na nginunguya. Hindi natatalo ang mga gumagawa, ang mga nabibigo ay tayo lang din na mga tumataya. Mga nakikinig, bukas ang tainga pero hindi nakakaunawa. Naka gapos ang memorya wala nang gumagapang na paglaya. Baka bukas makalawa ay kayo na ang taya dahil paurong lang ang unang bwelo ng pana para tumama. Ako'y sinulid sa lubid kung ang labanan ay pakapalan, ngunit pakinggan, damdamin, simutin niyo ko't mabusog. Kakakalampagin nito mga diwang kay tagal nang tulog. Labag sa katotoohanan na nauuna ang kidlat sa kulog. Taliwas sa kasinungalingan na mabibigat lamang ang may kakayahang lumubog. Paglilitis ng idolo kung sasang-ayon sa kasaysayan. Tutol na ang palaman ng nakaraan ay lalantakan sa kasalukuyan. Hindi kayang ikulong ng rehas ang lumilipad kong isipan. Imahinasyon kong kayang puntahan ang malayang tarangkahan. Ganito, ganito maging tao ang mga nililikha kong mga kwento. Pagkatao ng sumusulat ang tumutukoy sa mga salita ko't pangungusap. Patungo sa mapanubok na mundo ng reyalidad. Mga nakikinig, bukas ang tainga pero hindi nakakaunawa. Naka gapos ang memorya wala nang gumagapang na paglaya. Paurong lang ang unang paghigit sa pana tamaan na ang dapat tamaan. Ito'y pagbasag sa katahimikan. Para sa karamihan, kahulugan at kaalaman hindi sapat ang letrahan at tugmaan. Kalayan sa kahapon na matagal nang hangad. Bigyan ng kasaganahan ang mga panatikong matagal nang nakabilad. Sa sikat ng araw ng ama na siyang may kasalanan ng lahat.
0 notes
lqdy-blog · 8 years ago
Text
the best day of my life is still the day we went on that adventure
0 notes
lqdy-blog · 8 years ago
Text
i keep coming back to you, even though you already gave up.
Am I ever honest to myself?
0 notes