Tumgik
mangruben · 4 years
Text
Tumblr media
1. AYOS LANG NA MALUNGKOT.
Pakiramdam mo may mga bagay at pagkakataon kang pinalampas. Nagsisisi ka na sana nagawa mo yun nung pwede pa. Sige, mag-emote ka lang. Malungkot ka. Pero pagkatapos, smile ka na ulit. Mas marami pa ring dahilan para maging masaya ka at yun mas mahalaga.
2. AYOS LANG NA MA MISS MO ANG EX MO (Kung meron ka man) O YUNG TAONG DATI MONG MINAHAL.
Kalimutan ang feelings pero wag 'yung tao (mahirap gawin pero dapat). May ambag sya sa kung ano o sino ka man ngayon. Wag ka nang magalit sa kanya kung sinaktan ka nya or na ghosting ka. Matuto kang magpatawad pero 'wag kang makakalimot. Magpasalamat ka at nakilala mo sya kasi naging matibay ka.
3. AYOS LANG NA MAINGIT SA IBA.
Normal naman maiingit sa iba pero maingit ka in a positive way. Paano yun? Gawin mo silang inspiration or motivation para gawin ang mga bagay na gusto mo.
4. AYOS LANG NA KONTI LANG ANG KAIBIGAN MO.
Habang nagkaka-edad tayo lumiliit ang "circle of friends" natin. Actually, hindi na nga sya makakabuo ng "circle" kasi konti na lang talaga sila. Ayos lang yan. Quality over quantity. We are matured enough. Mas pinipili na natin ang mga taong maiintindihan tayo. Sila ang mga kaibigan sasamahan tayo hindi lang sa tagumpay kundi dadamayan tayo sa ating mga pagkabigo.
5. AYOS LANG NA MAWALAN KA NG GANA SA MGA BAGAY NA DATI AY GUSTONG-GUSTO MONG GAWIN.
Magigising ka na lang isang umaga na di ka na masaya sa ginagawa mo. Wala na si spark, wala na si joy. Ayos lang yan. Subok ka ng iba. 'Wag mong ikahon ang sarili sa mga bagay na nasanay ka. Kailangan mong mga grow sa iba't-ibang aspeto ng buhay. Ikaw ang kapitan ng sarili mong barko.
6. AYOS LANG UMINOM NG KAPE NG ALAS DIYES NG UMAGA.
Ibig kong sabihin, gawin mo ang gusto mong gawin nang hindi iniisip ang sasabihin ng iba. Hangga't wala kang naaapakang tao, valid yan.
Oh sya, uubusin ko na ang iniinom ko ang kape ko at malamig na. 😅
PADAYON!
0 notes
mangruben · 4 years
Text
Tumblr media
Isang umaga magigising ka na lang na hindi ka na masaya sa mga bagay na nakasanayan mong gawin. Hindi ka na na-eexcite. Wala na yung spark.
Okay lang yan! Hindi ka dapat mag-alala.
Sumubok ka ng ibang bagay. Sige lang. 'Wag kang matakot magkamali. At kung magkamali ka man, ang mahalaga matututo ka.
Tandaan, "In trying new things, there's difference between being careful and being afraid."
0 notes
mangruben · 4 years
Text
Tumblr media
Para sayo na may pinagdadaanan pero tahimik na lumalaban, mapagtatagumpayan mo rin yan! Fighting! 💪
0 notes
mangruben · 4 years
Text
Tumblr media
NASARANAN MO NA BANG MAG-TRAVEL MAG-ISA?
Kung OO, apir tayo! ✋ Pero kung HINDI pa, BAKIT??! 🤔
Oo, nakakatakot sa una. Isipin mo pa lang na pupunta ka sa isang lugar na mag-isa, walang kakilala at hindi alam kung anong naghihintay sayo. Pero more than takot, hindi dapat mas ma-excite ka?!
It's time to get out of comfort zone and discover your full potentials. Worth it, promise! For sure, you’ll catch the travel bug for life.
Hindi naman ibig sabihin na mag-isa ka, eh malungkot na. This is the perfect time to meet new friends, the best way to meet locals and have the best travel experience on your own!
Now think of a place na gusto mong puntahan mag-isa.
Kapag nagbalik na ang lahat sa normal at pwede na ulit mag-travel, go na! Sa ngayon, ihanda mo muna ang sarili mo, ma-excite at alisin ang takot. I will give you some tips based on my experience.
WALA KANG MARARATING KUNG TAKOT ANG PAPAIRALIN. 💪
0 notes
mangruben · 4 years
Text
Tumblr media
Miss ko nang maghabol sa last trip ng bus, sumakay sa habal-habal ng halos apat na oras, tumambay sa airport habang nanghihintay ng flight.
Miss ko na magbiahe, matulog sa biahe, makipag-kwentuhan sa makakatabi sa biahe.
Soon, makakapag-status na tayo ng OFF TO SOMEWHERE! Sa ngayon, practice lang muna!
3 notes · View notes
mangruben · 4 years
Text
Tumblr media
Miss ko nang gumala, makipag-usap sa mga locals, sumakay sa habal-habal, sa bangka.
Miss ko nang umakyat ng bundok, matulog sa trail, mag-socials.
Miss ko nang tumambay sa dagat, mag-pitch ng tent.
Miss na kita. 😁
Makakagala din tayo soooon! ✈
0 notes
mangruben · 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
VISITED 16 PROVINCES AND 4 LONE CITIES IN MINDANAO LAST 2019! 💪🏽
JULY:
📍Agusan Del Norte
📍Agusan Del Sur
📍Surigao Del Norte
SEPTEMBER:
📍Davao City
📍General Santos City
📍North Cotabato
📍Sarangani
📍South Cotabato
📍Sultan Kudarat
📍Cotabato City
📍Maguindanao
OCTOBER:
📍Zamboanga Del Norte
📍Zamboanga Del Sur
📍Zamboanga Sibugay
📍Zamboanga City
📍Basilan
NOVEMBER:
📍Davao City
📍Island Garden City of Samal
📍Bukidnon
📍Surigao Del Sur
📍Compostela Valley
Why Mindanao? WHY NOT!
#MindaWOW #MindaNOW
2 notes · View notes
mangruben · 5 years
Text
Tumblr media
May FEAR OF HEIGHTS talaga ako ever since pero unti-unti ko 'tong na conquer mula nang magsimula akong umakyat ng bundok wayback 2015.
Pero ngayon, isa na lang ang kinakakatakutan ko, hindi ang mga matataas na lugar kung hindi ang mahulog ako sayo tapos hindi mo masalo. 😅
⛰Nalayag Monolith
📍Brgy. Balibago, Lobo, Batangas
0 notes
mangruben · 5 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
mangruben · 6 years
Text
Tumblr media
PAANO BA MAGING MASAYA?
Sa panahon ngayon na para bang ang daming requirements bago maging masaya, madalas magpapalamon ka na lang sa kalungkutan. Pero wait, bago mo pa tuluyang makalimutang ngumiti, here are some of my kunwaring tips/realization sa buhay; (sorry na, masaydo kasi akong maraming time 😂):
1. Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay, 'yung Gardenia na may palaman na Nutella.
Maraming mananakit sa'yo pero tandaan mo dapat maging mabuti pa rin sa kanila. Magpakita ka pa rin ng kabutihan at magugulat ka na lang na isang araw ang mga bashers mo noon ay followers mo na ngayon.
2. Kapag maigsi ang kumot, wag kang mamaluktot. Pumunta ka sa palengke, bumili ka ng mas mahabang kumot (syempre tumawad ka para mas mura).
Simple lang naman talaga ang buhay. Kung ayaw sayo ng tao, 'wag mong ipagsiksikan ang sarili mo. Tandaan mo, tao ka at hindi ka sardinas. Maraming handang magmahal sayo kahit sino o ano ka pa man, kahit hypebeast or jejemon ka man, o kahit bad breathe ka pa (pero please, mag toothbrush ka na 😁).
3. Walang matigas na tinapay, kung kinain mo kaagad.
Gawin mo ang mga gusto mong gawin. Umakyat ka ng bundok, maglangoy sa dagat, magbiahe ka mag-isa, mag walwal, magmahal kahit paulit ulit kang nasasaktan. Wala naman tamang panahon para gawin ang mga bagay-bagay. Nasa sayo 'yun. Utang na loob, kahit kailan di mauuna ang pagsisisi, lagi talaga yang nasa huli.
4. Aanhin mo ang damo, eh hindi ka naman ikaw kabayo?
Wag mong masyadong problemahin ang problema. Yaan mo sya mamroblema sa sarili nya. 😂 Kaya may problema kasi may mali. At kapag may mali, may dapat tayong itama. At sa pagtatamang 'yun, dun tayo matututo. 👌
5. Ang tumatakbo ng matulin, pagod.
Madalas ang dahilan kung bakit ang hirap maging masaya ay marami tayong gustong makuha or marating. Chill lang. Ang buhay hindi yan sa kung gaano karami ang pera mo or kung gaano ka katagumpay sa career mo, at the end of the day ang mahalaga ay dun sa kung masaya ka ba talaga sa ginagawa mo or kung anong meron ka. Wag mong gawing basehan ang tagumpay ng iba, may sarili kang kapalaran/buhay, dun ka mag focus.
6. Wala na ako maisip. Basta tandaan mo sabi nga ni Zenaida Seva, "Hindi hawak ng ng mga bituin ang kapalaran mo. Gabay lamang sila. May sarili kang free will, gamitin mo 'to." 😂
Ang buhay hindi yan patagalan kundi pasayahan yan.
PYOLO tayo!
P*tcha, You Only Live Once! 👌
-----
ig: instagram.com/mang.ruben
0 notes
mangruben · 6 years
Text
Tumblr media
Halos magunaw ang mundo ko nung unti-unti mong iparamdam ang paglayo mo.
Noon, ikaw ang "Good Morning" at ang "Good Night" ko. Ikaw ang bumubuo ng araw ko. Wala akong gustong ma receive na text kung hindi yung sayo. Inaabangan ko ang My Day mo sa FB para updated ako sa nangyayari sayo.
Biglang isang araw, nagbago ang lahat.
Ang dating malambing na ikaw, hindi ko na maramdaman. Hindi ko alam ang dahilan. Hindi ako nagtanong. Ayaw kong alamin. Ayaw kong malaman kasi wala naman akong karapatan. Tingin mo lang kasi sa akin ay isang KAIBIGAN lang.
Natulala.
Biglang tumulo ang luha.
Umiyak na parang bata.
Tinanong ang sarili, "Hindi ba ako kamahal-mahal o talagang hangang kaibigan lang?"
Umasa na minsan na sana pareho na lang tayo nang nararamdaman. Sana magkasing-timbang ang ating pagmamahal. Sana. Sana lang.
Nagpatuloy sa pagluha.
Hangang sa wala ng tumulo na luha.
Pag gising isang araw, biglang natulala. Nakangiti na at hindi na lumuluha. Natanggap na ang katotohanan na lahat naman talaga nagbabago, na siguro hindi talaga ako para sayo.
Handa na muling magmahal.
Handa na muling umasa.
Handa na muling masaktan.
Patuloy lang ang buhay, patuloy lang ang laban.
Mas matapang na ako mula nung iwan mo.
Mas naging buo mula ng mawasak sa pag alis mo.
Mas matatag dahil alam kong may isang taong naghihintay na mahalin ko tulad na kung papano kita minahal at pinahalagahan.
Salamat sayo dahil masaya ako ngayon na iniyakan kita noon.
0 notes
mangruben · 8 years
Photo
Tumblr media
Okey. Noted. 😂
1 note · View note
mangruben · 8 years
Photo
Tumblr media
Umalis ka na pala Iniwan mo akong nag-iisa Lahat nama'y tila ba maayos mula sa umpisa Masaya ang bawat sandaling kasama kita Ngunit biglang isang umaga Paggising ko'y wala ka na Naglaho kang parang bula
Nag-iisip ng malalim kung anong nangyari satin Nababahala, baka di ka na bumalik sa aking piling Dahil ikaw Ang syang kailangan ko Magpakailan pa man Asahan mong pag-ibig ko'y Di magbabago pinapangakong Maghihintay sayo
🎼DI KA MAN LANG NAGPAALAM
1 note · View note
mangruben · 8 years
Photo
Tumblr media
Kaso hindi eh, BLACK and WHITE! 😳 Sayo? Makulay ba?
🎉 PAHIYAS FESTIVAL 2016 ✈ Lucban, Quezon Province
1 note · View note
mangruben · 8 years
Photo
Tumblr media
Ikaw? Bakit ka umaakyat? 💪
0 notes
mangruben · 8 years
Photo
Tumblr media
Parang sine, ako’y naglalakbay, Sa istorya, ng aking buhay, At bawat sandali, ay inaabangan ang kwento, At ang bida, ay ikaw at ako, Na nagsumpaan, sa isang puno, Inukit ang puso, at nanaginip na di maglalayo 🎼 PELIKULA
0 notes
mangruben · 8 years
Photo
Tumblr media
Ang dami kong gustong i-kwento. Pero tinatamad pa ako. 😞
-Ang Alamat ng Social Climber na naging Mountain Climber
0 notes