Photo
“I know these will all be stories someday. And our pictures will become old photographs. But right now these moments are not stories. This is happening. I am here and I am looking at her. And she is so beautiful. I can see it. This one moment when you know you’re not a sad story. You are alive, and you stand up and see the lights on the buildings and everything that makes you wonder. And you’re listening to that song and that drive with the people you love most in this world. And in this moment I swear, we are infinite.”
Perks of Being a Wallflower (2012)
3K notes
·
View notes
Text
Ang Wallflower
“And in that moment, I swear we were infinite” (Chbosky, 1999, p. 42).
Isa ito sa mga pinakakilalang sipi sa librong The Perks of Being a Wallflower na isinulat ni Stephen Chbosky. Higit na naging popular ang siping ito dahil ginamit ito sa pelikulang ginawa para sa libro. Sa pelikula, nakatayo si Charlie sa likod ng trak habang tumutugtog ang kantang “Heroes” ni David Bowie (Grabert, 2012). Kung tatanungin ang mga nakapanood ng pelikulang ito, ang eksenang ito ang maaalala nila.
Nagsimula ang The Perks of Being a Wallflower bilang isang coming-of-age na nobela na nailathala noong 1999 at naging popular sa paglabas ng pelikula noong 2012 (Hare, 2012). Makikita sa pelikula ang sikat na mga aktor at mga bida na sina Logan Lerman at Emma Watson. Naging bahagi ang libro sa mga curriculum ng ilang paaralan tulad ng Hadley Junior High School sa Illinois, Wallinford sa Conneticut, Pasco Middle School sa Florida at iba pa sa Estados Unidos (Marshall University Libraries, 2017).
Nahimok ang maraming tao, lalo na ang mga kabataan, ng pangunahing tauhan na si Charlie at ang kanyang paglalahad ng kanyang buhay bilang isang high school freshman sa taong 1991 (Hare, 2012). Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga liham na nagsisimula sa “Dear Friend” at nagtatapos sa “Love always, Charlie.” Sa mga liham na ito, isinasalay ni Charlie ang kanyang mga karanasan sa mental illness, sex, homosexuality, karahasan, paggamit ng droga, at pagtanggap sa sarili na nahanap niya sa kanyang mga kaibigan na sina Sam at Patrick (Hare, 2012). Dahil sa mga masidhing pagbabahagi ng mga temang ito, tinanggal din ang libro sa mga paaralan na nabanggit (Marshall University Libraries, 2017). Naging kontrobersyal Ang The Perks of Being a Wallflower at paksa ng mga debate lalo na sa paglabas ng pelikula.
Nabasa ko ang librong ito bago ko napanood ang pelikula at masasabi ko na isa ito sa mga librong pumakaw sa aking damdamin noong high school pa ako dahil mabigat ang emosyon sa mga liham ni Charlie. Habang binabasa ko ito, kahit man hindi ko nakikitang lumuluha si Logan Lerman, nararamdaman ko ang mga paghihinagpis ni Charlie. Sa pagbuo ng karakter ni Charlie, nakuha ni Chbosky ang diwa ng tipikal na karanasan ng isang teenager. Kahit man sa 90s pa ito nailathala, nakikita pa rin ang pagkakatulad ng karanasan ng mga kabataan. Higit na tinangkilik ko ito dahil papasok pa lang ako ng high school nang binasa ko ito at naintindihan ko si Charlie at ang kanyang paghahanap ng kanyang pagkakakilanlan. Sa palagay ko, naging kilala si Charlie at ang kuwento ng kaniyang buhay dahil naranasan na ng maraming tao ang pagiging isang adolescent na naghahanap ng saysay sa buhay.
Bukod dito, malalim ang kaniyang mga kaisipan tungkol sa mga tao na nakapaligid sa kanya at pati rin tungkol sa sarili. Isang halimbawa ng kaniyang mga sinabi sa libro ay:
I think that if I ever have kids, and they are upset, I won't tell them that people are starving in China or anything like that because it wouldn't change the fact that they were upset. And even if somebody else has it much worse, that doesn't really change the fact that you have what you have. (Chbosky, 1999, pp. 228-229)
Bagaman labinlimang taon pa lamang si Charlie, malawak ang kanyang pagkakaunawa sa mundo. Ang kaniyang simpleng pananalita rin ay isang aspeto na nagbibigay buhay sa karakter niya. Bagaman ito ay simple lamang, nagpapakita pa rin ito ng kaniyang malawakang pagkaunawa sa mga tao. Makikita ito sa siping ito:
So, I guess we are who we are for a lot of reasons. And maybe we'll never know most of them. But even if we don't have the power to choose where we come from, we can still choose where we go from there. We can still do things. And we can try to feel okay about them. (Chbosky, 1999, p. 228)
Ang karakterisasyon ni Charlie ay naging mahalagang elemento sa nobela at pati na rin sa paglaganap ng kaniyang kuwento. Ang karakter ni Charlie ay naging representasyon ng mga taong “wallflower.” Sa siping “He's a wallflower. You see things. You keep quiet about them. And you understand” (Chbosky, 1999, pp. 40-41), makikita na tahimik si Charlie at dahil dito, higit na nakikita niya ang mundong natatanaw lamang ng mga taong “introverted.” Bilang isang “wallflower” din, nakita ko ang aking sarili sa pagkatao ni Charlie. Naging mahalaga si Charlie hindi lang dahil siya ang pangunahing tauhan sa nobela, kundi dahil siya ang yumakap sa mga “wallflower,” mga taong tahimik ngunit naghahanap ng sariling boses. Naging kilala ang nobelang The Perks of Being a Wallflower dahil marami ang nakapagugnay ng kanilang sarili sa karakter ni Charlie. Nakuha ni Chbosky ang mahahalagang aspeto ng pagiging isang teenager at naipahayag niya ang mahahalagang punto tungkol sa tema ng sexuality, pangaabuso, at pagtanggap sa sarili. Bagaman tinatakan itong “disgusting,” “obscene” at “child pornography” ng ilang paaralan (Marshall University Libraries, 2017), nangingibabaw pa rin ang pagiging kanlungan ng kuwento ni Charlie. Ang kanyang kuwento ay kanlungan ng mga “introverts,” ng mga gustong maramdaman na hindi sila mag-isa sa buhay, at ng mga naghahanap ng katahimikan sa kanilang kalooban. Sanggunian Chbosky, S. (1999). The perks of being a wallflower. New York, NY: Pocket Books. Grabert, J. (2012, Setyembre 23). 7 Big differences between the perks of being a wallflower movie and book. Galing sa https://www.cinemablend.com/new/7-Big-Differences-Between-Perks-Being-Wallflower-Movie-Book-33113.html Hare, B. (2012, Setyembre 21). A 'wallflower's' lasting impact. Galing sa edition.cnn.com/2012/09/21/showbiz/movies/perks-of-being-a-wallflower-book/index.html
Marshall University Libraries (2017, Hulyo 10). Marshall University Libraries - Banned book - Stephen Chbosky’s the perks of being a wallflower. Galing sa http://www.marshall.edu/library/bannedbooks/books/perks.asp
0 notes
Audio
I’ve been listening to this a lot lately, before I go to sleep and, whenever I feel like the world has turned it’s back on me again.
Logan Lerman (Charlie) reading the poem from Perks of Being a Wallflower. This is a deleted scene from the movie. (credit)
4K notes
·
View notes
Photo
films to watch: The Perks of Being a Wallflower.
Because this is a masterpiece. It makes you cry and laugh, sometimes at the same time. It tells the story of a teenager with so much heart. It’s just wonderful!
66 notes
·
View notes
Photo
The Perks of Being a Wallflower (2012) dir. Stephen Chbosky
5K notes
·
View notes
Photo
Dear Charlie,
I know you will come flying out of the tunnel, and feel free. The world gets so much bigger, I promise. And you are in it. You are here. You’ve always been right here. Thank you for helping me to know that we can all be happy.
I want you to hold onto these for me until I come home at the end of the year.
I love you, Charlie.
Sam.
18K notes
·
View notes