Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ano nga ba ang Pag-ibig?
Ano nga ba ang pag-ibig? Marami na ang nagtangka, nagpaliwanag at nagbahagi ng kani kanilang estorya tungkol sa tunay na pag ibig. Marami ang nag akala, naghahanap, nakahanap ng tunay nilang pag ibig ngunit ba natin malalaman ang tunay na pag ibig.
Lahat tayo ay nagmamahal at nais na mahalin, lahat tayo ay nasasaktan at may kakayahang manakit, minsan sa ating buhay lahat tayo ay nabigo ngunit minsan naman’y tayo ang dahilan ng isang pagkabigo. Baki kahit gaano mo ka mahal ang isang tao darating ang isang panahon na kayo’y hindi magkakasundo? Bakit kahit gaano mo ka mahal ang isang tao ay mapahanga at mabibighani ka sa iba? Bakit minsa ay hindi sumasapat ang pag ibig para mapanatiling walang alitan ang isang samahan? Bakit minsan kahit alam m ong may pagmamahal ka may pagkakataong parang nabobored ka at nagsasawa ka? HIndi man mismo sa kanya o sa kanyang prensensiya kung di sa sitwasyong paulit ulit.
MAHAL KITA. Isang maiksing pangungusap na maaring makapagbabago ng matagal o habang buhay sa iyong buhay. Napakadaling sabihin nito lalot sa mga taong may ka aya ayang atraksyong pisikal ngunit pano kung dumating ang panahong hindi na siya maganda o gwapo? Ang katagang mahal kita ay hindi parang isang gift certificate na transferable, kung magsasabi ka ng mahal kita siguraduhin mong pag ibig ang iyong na darama ito ay sagrado na hindi dapat basta basta binibigkas sa kung kanino lang kung ang layunin mo lang ay paglaruan ang damdamin ng iba at ma satisfy ang iyong pagnanasa.
Nakakalungkot lang na patuloy itong inaabuso ng lahat ng uri ng tao: kabataan o may edad mayaman o dukha, may pinag aralan o mangmang.Pag sinabi mong mahal kita siguraduhin mong may pagmamahal ka talagang nararamdaman dahil ang pag ibig ay hindi nagtatap[os sa dalawang salita na ito, habang buhay itong commitment na iyong pangangatawanan sa kanya at sa mabubuo mong pamilya (kung kayoy magkakatutuluyan) ANO NGA BA TALAGA ANG PAG IBIG?
0 notes
Text
Ang Aking Paniniwala
Lahat tayo ay may iba’t-ibang paniniwala sa buhay. May mga taong naniniwalang mayroong Diyos at may iba ring hindi naniniwala na may Diyos. Ako ay isa sa mga taong naniniwalang may Diyos at mapapatunayan ko ito sa pamamagitan ng paniniwala ng aking relihiyon. Alam kong meron rin tayong iba’t-ibang paniniwala ng relihiyon. Ang paniniwala ng aking relihiyon ay may Diyos na nasa langit, na siyang gumawa sa mundo at sa mga tao, ginawa ang mundo sa loob ng anim na araw at ang ikapito ay ang araw ng pagpapahinga, na ngayon ay aming araw rin ng pahinga at pananampalataya sa Diyos. ang paniniwala ng aking relihiyon ay ang pag sunod sa mga utos ng Diyos at ang pinakamahalaga sa lahat ay ang samapung utos na ibinigay ng Disyos sa mga tao. Marami pang paniniwala ang aking relihiyon na nakatulong sa akin na maniwala na may Diyos na buhay na nasa langit, at siya ang Diyos na ibinigay ang kanyang iisang anak upang tayo ay maligtas sa ating mga kasalanan.
0 notes