My 2014 story about how i met my power girls siblings (kat.lhen,weng) and our one and only awesome Idol Mr. Albert Martinez. :)
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Sana Bukas Pa Ang kahapon Screening (june 7, 2014)
nabigyan kami ni tito albert ng 20 tickets for the SBPAK screening. swerte namin talaga :)))))))))

nung nag start na yung screening, mejo nagkagulo. ang dami kaseng artista sa loob ng sinihan pero pumuslit ako at pumunta sa tabi ni tito albert. (HAHA) then nung andun nako sa gilid nya tinatawag ko sya sabe ko "tito albert! daddy A! tito! tingin ka po here" then pag tingin nya saken nakita nya ko na nakasuot pa ng am fanatics tshirt kaya ngumit agad sya at nagpakuha ng picture.

nahuhanan ko nga sya ng maraming picture with ms. bea alonzo pa! :) nanuod na kami ng first 2 weeks episode ng sbpak and then after nun. nagkagulo nanaman kase maglalabasan na yung mga artista. unfortunately, hindi namin naabutan si tito albert kase may event pa pala syang pupuntahan kaya ayun. nag piccture picture nalang kame sa labas ng sinehan. may red carpet e' hahah.
Admins with sir Bry Ramos

eto naman yung mga umattend ng event :)

Admins with mader bibs! :)

Nag dinner din muna pala kami sa mcdo before mag screening :)


over all syempre nag enjoy lahat sa screening kahit saglit lang namin nakita si tito albert, hehe :)
0 notes
Text
Post birthday party Part III (dream do come true)
hindi parin talaga ko makapaniwala sa post birthday party ni Mr. Albert martinez. as in woah! totoo ba talaga lahat ng nangyare? nag host ba talaga ako ng birthday event nya? nakakilala ba talaga ako ng mga taong ina-idolize din sya? talagang nasa harap ko sya chaka totoo bang nangyare na tinawag ko na syang tito albert? OO. fortunately, toong nangyare lahat na dating di ko maimagine na mangyayare! :"">
sobrang saya talaga. lahat ng member ng amf ay nag enjoy. hindi ko talaga makakalimutan tong araw na to APRIL 26, 2014!
and this is my first ever selfie with tito albert! :)

1 note
·
View note
Text
Post birthday party part II (Dream come true)
nag back out ako sa hosting nun. sobrang kabadong kabado ako. di parin ako makapaniwala na nasa harapan ko na si Mr. ALBERT MARTINEZ. pero syempre pinush nila ate lhen at ate kat ang hosting event namin. nakakahiya kase nung nagtatalo pala kami ay nakatingin si AM samin haha. so natuloy na nga.
naging maganda yung program though kinakabahan kaming mga nag hohost, nag pa games, sumayaw at nag pakanta kanta.
This is me habang nag papagames. judge sa game si albert martinez nyan.

Eto naman nung nagsasayawan na lahat habang natugtog yung gentleman. (ang saya kase walang KJ, kahit si Mr. Albert martinez sumayaw din!)

Eto naman yung inalok nya lahat na mag pa picture na magkakasama :)

eto naman yung 1st picture ng mga admin with him (wala pa si ate weng nuon e')

at eto naman ang mga random pics namin nung event.




masyado kamign maraming picture e' eto nalang muna. hahah
0 notes
Text
Post birthday party part I (Dream come true)
eto na! this is the day! nagkita kita na lahat ng fans ni albert martinez sa Getaway restaurant. ready na lahat. naka set up na yung foods, yung design ng buong room na may mga tarpauline nya, ready na din yung malaking tv para sa presentation namin. ang saya kasama ng mga Am Fanatics. four kaming mag hohost ng event. ako, ate kat, ezekiel at ate lhen na mag pipicture din.
ang tagal dumating ni albert martinez, yung manager nya dumating na. pinakilala na kami ni ate kat isa isa kay sir donboy. di parin ako makapaniwala na kasama na namin sa party yung road manager ni albert martinez, tapos pinakain muna kaming lahat para daw di aksaya sa oras.
maya maya lang sabi ng manager nya, nasa baba na daw si albert martinez. SHET! kabadong kabado ako. sabi ko sa isip ko "omygad, makikita ko na yung crush na crush ko sa KTM shet totoo ba to? grabe ano ba to" sobrang kabado ako kase pinapasundo sya. hindi ko kinaya te! sabe ko kala ate kat. dito nalang ako sa taas mag iintay kasama ng mga member, kami nalang ni ezekiel maghahawak ng cake. shemata, nanginginig tuhod ko e'.
kami na nga ni ezekiel ang naghawak ng cake tapos dumating na sya at pagpasok nya sa pinto. pusang gala sobrang na star struck ako! isipin mo yun sa TV ko lang sya napapanuod tapos ngayon nasa harap ko na. mag bloblow pa ng cake. grabe bago pa nya i blow yugn cake tumingin pa sya saken tas sabi nya "ibloblow ko na?" sa sobrang kaba ko nautal ko pang sinabi na "ah.. e.. mag.. wish po.. muna." grabeng starstruck talaga yun. diko makalimutan. tapos nung umupo na sya. ako nalang pala ang nakatayo sa harap at si ezekiel tas kinalabit ako ni ez kase natulala talaga ako. hahah
0 notes
Text
Am fanatics admin meeting
simula nung naging active ako sa twitter kakatweet na anything related about albert martinez, nakilala ko mga admins ng fansclub nya na AM Fanatics.
Sakto malapit na birthday ni albert martinez nun kaya i asked them kung may plano ba ang fansclub nya na pakulo or something na special na kahit ano. then tinanong ako ni ate Kat na pinaka head ng fansclub na kung gusto ko ba daw sumali sa preparation...
Sumali ako, kase hoping ako na ma meet si albert martinez sa personal. inggit kase ako sa mga member ng fansclub nya na naka meet na sya nung december 2013. as in nag dinner sila. kaya pumayag akong maki cooperate sa birthday event na gagawin nya. ang makita si albert martinez sa personal ang nag motivate sakin nun chaka tutal naman summer yun kaya walang school. hindi busy.
Nag meet kami sa SM North edsa that time then pumunta kame sa venus place na gaganapan ng birthday. di ako makapaniwala na si albert martinez at yung road manager nya mismo ang nag ayos ng venue para sa event na gagawin. kaya nung nakausap namin si sir donbon (RM ni AM) sabe ko kay ate kat "omygash, manager nya yung kausap natin sa phone kanina? really? weh? grabe ang bait naman" syempre di ako makapaniwala no. pero go parin kami sa pag prepare. mga plans and everything sinettle na namin.
for 2 weeks natapos kami sa preparations. okay na yung mga tarpauline, baloons, gifts, program at food (si albert martinez at RM nya nag prepare sa food at nag pay sa venue)
Excited na ko sa post birthday party nya! :))) atlas! ma mi-meet ko si albert martinez pag natuloy tong event! :D
eto yung mga photo namin nung first meet up.



0 notes
Text
back to Albert Martinez Fangirl
okay official fangirl na ulit ako kay AM kase pinanuod ko talaga yung pilot episode ng dyesebel because of him. hahah amaze na amaze pako kase nag trend sya sa twitter. na discover ko din na may twitter and IG account sya kaya finallow ko na.
tapos one time nag post sya sa IG na "Am Fanatics meet and greet at megamall" tas sabe ko "may fansclub sya? hala ano yung amf?" tapos ayun nga na discover ko na may fans club pala sya then nakipagusap ako sa head nila si ate Kat. naging friends ko sila through twitter then nadiscover ko na marami palang katulad ko na humahanga kay albert martinez.
tapos tapos sheeet! exam week namin nun tapos may thesis pakong tinatapos then nag pa goodluck ako sa twitter ng AM Fanatics then sheeeeet! nag tweet si Albert martinez saken! as in saken! sabe nya "Stay focus .. and good luck !" ganyan na ganyan omygaaad. si albert martinez nag tweet saken shet lang. HAAHHA then wala pa yun. may mga pinost ako sa Ig na photo nya tapos nila like nya. sheeet men! haha di ako makapaniwala. :O
0 notes
Text
march 2014 albert martinez on dyesebel
kakauwi ko lang ng house nun. tapos naabutan ko yung dyesebel pilot episode palang sa abs cbn putcha gulat ako nakita ko si albert martinez as sireno. i was like "putek si albert bayan? yung crush ko sa kung tayoy magkakalayo dati? shet, parang di nagbago. ang gwapo padin"


Omygad. di ako makapaniwalwa na naging crush na crush ko pala si albert martinez nung 2010 tapos hanggang ngayon di parin nagbabago ichura nya. hahah. naalala ko pa nuod talagang todo research ako sa internet ng mga palabas nya kaso ang hirap talaga maghanap kaya nakalimutan ko nalang. then ngayon naaadik nanaman ako. hindi nako busy sa mga hollywood actors na crush ko. HAHAHAH
0 notes
Text
2011-2014 february
Hindi nako nagkaron ng filipino celebrity crush after nung kay albert martinez at coco martin sa kung tayoy magkakalayo. naging fan ako ng marvel and iron man tapos nila robert downey jr, jeremy renner, hugh jackman, ewan mcgregor, johnny depp. ayan for almost 3 years sila ang shiniship ko, lahat ng movie ng gma artistang yan pinapanuod ko, lahat ng mga videos nila sa youtube pinapanuod ko, interviews at premiers haha basta lahat lahat. di ko na napansin yung mga idol ko dito sa Philippines.
0 notes
Text
2010 continuous story...
naging busy ako sa school this year. grabe yung kaadikan ko sa KTM mejo nabawasan, seriously nagulat nalang ako na tapos na pala ipalabas sa channel 2 yung KTM. di ko napanuod yung ending :( tapos nung papanuorin ko namatay naman ata nung character ni albert martinez kaya di ko na tinapos. grabe. fan na fan na ko ni albert martinez nun. hahaha. makita ko lang sya sa personal solve na solve na ko! haahh kaso imposible kase yun e'. hanggang tv lang talaga :"<
0 notes
Text
2010 Kung tayo'y magkakalayo addiction
1st of all si Coco Martin talaga yung gusto kong panuorin sa KTM haha. pero habang pinapanuod ko yugn KTM mas napopogian ako sa daddy nyang pilot. i remember saying na "ang gwapo naman ni Frank Crisanto" tapos ayun nga, i discovered na si Mr. Albert Martinez pala yun. so habang nanunuod ako nagiging crush ko na si frank crisanto. ang astig astig naman kase tapos ang gwapo gwapong piloto. e' yung character ni Coco dun is parang bipolar pa. so ayun na, tuwang tuwa din ako sa story ng KTM tapos hanggang sa nagmamadali nako lagi umuwi ng school para lang makanuod ng KTM, 2 hours kase byahe ko lagi from school to house. grabe talaga. sobrang crush na crush ko na si albert martinez nun. hahah diko na napapansin si Coco mylabs. grabe talaga kaadikan ko manuod nun ng KTM, inggit na inggit pako sa character ni kim chui na si gwen kase anak sya ni frank crisanto dun hahah then nag start nadin akong mag research kay albert martinez ng wikipedia nya para mapanuod ko yung iba pang movie at teleserye nya kaso ang hirap maka hanap sas internet so ayun.
Kung tayo'y magkakalayo


Grabe oh, tingnan nyo naman kung gano kagwapo si albert martinez jan HAHAHA :">
#coco martin#albert martinez#frank crisanto#kung tayoy magkakalayo#gabby conception#kris aquino#maricar reyes#gerald anderson
1 note
·
View note