maryjoyslbg
maryjoyslbg
MaryjoySlbg
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
maryjoyslbg · 4 years ago
Text
Solibaga, Maryjoy B.
AB Journalism 4A
Mula sa nakaraang diskusyon, maraming aral ang tumatak sa aking isipan. Napagugnay ko din ang dalawang aralin na natalakay at nalaman ang kahalagahan nito sa isang mamamahayag. Ang pamamahayag ay dapat na may natural na katanginang mapanuri upang matukoy ang mga maling inpormasyon at hindi totoong balita, lalo pa't laganap sa social media ang mga ito. Natutuhan ko rin ang mga dpaat gawin upang matukoy ito at sa kung ano ang paraan na dapat gawin dito.
Ang isang mamamahayag din ay dapat na propesyunal upang ihiwalay ang mga personal na kagustuhan at kapakinabangan upang maging malinis ang intensyon sa pagbabalita. May sinusunod ding Code of Ethics ang isang mamamahayag na maggagabay sa kanya sa pagbabalita. Ilan nga sa mga ito ay tungkol sa mga hindi dapt gawin sa tuwing nagiinterbiyu. Katulad ng hindi dapat pag kuha ng inpormasyon upang maging parte ng pagbabalita mula sa mga kamaganak, kakilala o kaibigan. Hindi din dapat tumanggap ng kahit anong ibinibigay mula sa mga ininterbiyu at ang pagiging matalino at propesyunal sa paggamit ng mga personal na account. Dapat din na malinaw sa isang mamamahayag ang kanyang objective sa pagbabalita upang hindi ito makitaan ng kahit anong isyu lalo na ang pagiging bias. Malinis dapat at walang halong kasinungalingan ang ano mang ginamit na paraan sa pangangalap ng balita, tulad ng pagbabayad sa isang tao upang makuha ang inpormasyon mula rito.
Sa ating mga mamamahayag dapat nagsisimula ang pagiging totoo upang maging katiwa-tiwala at tayo dapat ang naghihikayat at nangunguna sa pagpapakalat ng mga balitang totoo. Responsable rin dapat tayo sa ating mga personal na social media account upang maging katiwa-tiwala sa mata ng mga mambabasa.
0 notes
maryjoyslbg · 4 years ago
Text
Solibaga, Maryjoy B.
AB Journalism 4A
Bilang isang estudyanteng tumatahak sa landas ng larangan ng pamamahayag, madaming bagay na ang aking natutuhan. Katulad na lamang ng kung ano ang mga dapat kong gawin sa pagkalap ng balita at kung papaano ko ito ipahahayag. Ang mga kaalamang ito ay batid kong hindi pa din sapat, at may mga bagay pa akong kailangang malaman at maintindihan mula sa mga totoong eksperto na minsan ko lamang makilala at makasalamuha. Natutuhan ko ring sumuri ng mga balita at tukuyin ang mga balitang hindi totoo. Nahilig din ako sa pagbabasa ng kwento ng balitang nakilala at naging matagumpay. Ngunit ang kwento ng imbistigasyon ng Rolling Stone sa biktima ng panggagahasa na si Jackie ang talaga namang gumulantang sa akin. Dumating pa sa puntong nagdududa ako sa mga kakayahan ko at nakaramdam ako ng takot. Takot na mangyari din sa akin ang isyu ng batikang mamamahayag na si Sabrina Erdely ng Rolling Stone.
Sa pagbabasa ko at pagunawa ng isyu na nangyari sa imbistigasyon ni Erdely, napagtanto kong sa kabila ng lahat ng kaalaman at kahusayan natin sa pamamahayag, may mga bagay pa ding susubok sa atin. Dahil kung uunawaing mabuti madaling masabi na totoo ang ipinapahayag ng biktimang si Jackie dahil sa siya mismo ang biktima. Ang mga pahayag nya ay matibay na at maituturing ng totoo at walang bahid ng kasinungalingan. Ngunit naunawaan kong hindi dito natatapos ng trabaho ng isang mamamahayag. Kinakailangang suriin ang bawat detalye. Kinakailangang alamin pa din kung nagsasabi ng katotohanan ang biktima. Higit sa lahat, kinakailangan walang malaktawang detalye ng hindi ito sinusuri.
Natutuhan ko ding may mga isyung talagang sensitibo, kaya't ang bawat mamamahayag ay dapat na maging maingat at masuri sa bawat isyung kanilang pinapasok. Nakita ko rin ang kahalagahan ng trabaho ng isang mamamahayag. Kung saan malaki ang naibibigay nating epekto sa lahat ng mga mambabasa at sa mga taong laman ng ating balita. Gaya ng kung gaano umepekto sa mga taong nabanggit sa isyu ni Jackie nang ito ay mailathala sa pahayagan.
Gayunpaman, ang isyung ito ay totoong makatutulong sa akin pagdating ng panahon. Ang mga natutuhan ko rito ay makakatulong sa akin upang higit na mahasa ang mga kaalaman ko at kakayahan.
3 notes · View notes