Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Short Attention Span
Hirap ako makatapos ng task nang isang upuan lang. Ang bilis ko ma-distract sa mga bagay-bagay. Kaninang 5am sabi ko isusulat ko to, pero ngayon 7am na, saka pa lang ako nag log in. Kung saan saang website pa muna ako napunta - Instagram, Reddit, Facebook. Minsan kahit naka focus na ako, biglang may maaalala akong walang kwenta tas ise-search ko sa internet, tas kung san san na ako mapupunta hanggang sa dalawang oras na pala ang lumipas. Baka hindi ako ang problema, yung oras ang problema - masyadong mabilis! Freelancer work ko ngayon. Nagma-manage ng LinkedIn account ng client, tas 3 clients on top of that. Pag magwowork, nakaupo lang. Sa previous jobs ko, hindi ako nakaupo lang. Laging nakatayo, palakad lakad, minsan patakbong lakad, at kapag urgent, takbo na talaga (sa hospital mo ako makikitang ganito). But I loved what it gave me - nice shape of hips and legs. ESL teacher, marketing staff, at hospital secretary pa lang naman jobs ko bago maging freelancer. Nung nag ESL teacher ako, hindi man palaging nae-exercise ang legs ko, nahahasa naman ang Korean skills ko doon. Once, I could do a casual conversation with the natives. The skills just faded in time. Matagal nang out of practice. Nung marketing staff naman ako, most of the time nakaupo lang din ako, pero pwede ako nun maglakad lakad, sisimoy ng hangin sa labas ng building, akyat sa elevator, baba sa hagdan. Best part siguro yung maglalakad pauwi kasi madami at magaganda ang mga puno doon. Sa job ko ngayon, after work... sa kwarto na ang punta. Minsan ang workplace, kwarto na rin. Nag open na ako sa boypren ko dati na nabo-bored ako, ang sabi nya marami raw gusto mag freelancer, nasa bahay ka na lang, mas mataas pa ng husto sahod ko kaysa sa kanila at higit sa lahat, hawak ko ang oras ko. Less than 5 hours lang ako nagwo-work everyday. Oo nga naman, di ko na to ipagpapalit no - unless may kayang tumapat sa sinasahod ko for less than 5 hours everyday din hahaha Pansin ko na hindi rin ako makatapos ng libro nang isang upuan lang. I've read some good books. Pero di ako mapakali kapag nakaupo lang. Kahit na maganda na yung binabasa ko, isasara ko libro at maglalakad lakad sa bahay. Minsan mag-i-squat. Oo nga, hindi nga ako mapakali. Ngayon ko lang napansin na ang gulo ng thoughts ko, bakit isinama ko pa yung job experience sa kwento, e di naman mahalaga. Wala lang. Naalala ko lang. See? Short attention span! Okay, back to the topic. Napansin ko na mas productive ako kapag nagte-take ako ng breaks after every task na natatapos ko. Hindi ko kaya ng isang upuan lang? E di dalwahin. Hindi pa rin? E di tatluhin. Basta take lang ng take ng breaks hanggang matapos na lahat. Pag hindi na yan effective, ewan ko na lang. Iisip ulit ng ibang hack para matapos ang tasks.
bye.
1 note
·
View note
Text
May gusto akong sabihin at sasabihin ko kahit hindi ako interesanteng tao.
Sabi sakin ni Kuya pagka-graduate ko, "Magtrabaho ka. Pag may trabaho ka na, hindi ka na guguluhin nila Mama. Hindi mo na rin kailangan magpaalam kung gagala ka." Syempre kumislap kislap ang mata ko nung narinig ko yung salitang "gala". Sabi ko pa "Weh? Promise?", sabi nya "Oo, promise!" - After a year, they seemed to still mind my fucking business.
Sabi ni Ate Monet, "Pag may trabaho ka na, umalis ka dito. Isama mo si Lali kung gusto mo, kakawawain lang sya dito". - umalis ako sa bahay pero hindi ko naisama si Lali, pero okay lang kasi naka c/o Kuya sya.
No'ng bata ako, naalala ko pa yung unang beses na narinig ako ni Papa magsabi ng "Ibig kong sabihin...", sabi nya "Mabuti ka pa may ibig sabihin." Nito ko lang napagtanto, mahalaga pala talaga yung may gusto kang sabihin at nasasabi mo dahil hindi naman manghuhula ang mga tao.
-
Sa Asian culture, pagma-may ari ka ng mga magulang mo. It would never dawn on them that you have your own mind and body. They will tell you who to love and who to leave. Who you should be happy with, who you should not. Mental health will never be an issue.
I got to a point in my life where I hate conservative people with passion. The world is stuck in a rut because of them.
Magulo ang thoughts ko. Magulo isip ko. Ang ingay ng utak ko. Hindi ko na naman alam ang ibig kong sabihin.
2 notes
·
View notes