Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Baguio: Lugar ng Kaginhawaan

Naranasan mo na ba makapunta sa Baguio? Pangarap ito ng karamihan na makapunta ng Baguio at isa na ko doon. Noong kabataan ko ay pangarap ko na makapunta rito at nasa isip ko pa noon na para bang isang pribiliheyo na maka-akyat ng Baguio. Bukod sa magagandang tanawin na ating makikita rito, nagdasaan din ang samu’t-saring pagkain na makikita lamang natin sa Baguio.
Noong ako ay nasa ika-walong baitang pumunta kami ng pamilya ko sa Baguio ito ay ang aking unang pagkakataon sa lugar na ito. Ako ay para bang naenganyo sa ganda ng mga tanawin at sarap ng mga pagkain. Ang aking paborito pa noon ay ang strawberry ice cream noong kami ay pumunta sa Strawberry Farm sa Baguio.

Sobrang sarap sa pakiramdam na para bang natupad ang isa sa mga pangarap ko sa buhay. Lubos na kaginhawaan ang aking naranasan sa aking pagpunta sa Baguio. Samantala, noong ako ay nasa ika-sampung baitang na sa aking paaralan kami ay may retreat sa Baguio. Sa unang araw na pagpunta roon ay pumunta kami sa mga lugar na kilalang-kilala na at lalo pa naging mas masaya dahil pumunta kami sa Baguio na hindi kasama ang mga magulang ngunit kasama ang mga kaklase at kaibigan.

Source: Wandering Soul Camper
BURNHAM PARK
Ang Burnham Park ang puso ng Baguio ito ay may katagang “Mother of all Parks” ang lugar na ito ang kadalasang pinupuntahan ng mga turista na pumupunta sa Baguio. Bukod sa magaganda ang tanawin marami pang aktibidad na maaring gawin sa lugar na ito. Maari kang mag-bisikleta, mamangka, at mag go-kart at higit sa lahat subaybayan ang ganda ng tanawin at masdan ang mga sariwang bulaklak at malamig na simoy ng hangin. Nagawa namin lahat ng aktibidad na maaring gawin sa Burnham pero hindi pa din namin nakalimutan na kumuha ng mga litrato sapagkat isang matinding karanasan sa buhay ang makapunta dito kasama ang mga kaibigan. Pagkatapos, bago kami umalis ng Burnham Park bumili ako ng mga pagkain tulad ng Peanut Brittle, Crinkles at Lengua de Gato upang akin makain habang nasa biyahe papunta sa aming magiging tahanan sa aming paglalakbay sa Baguio.

Our Lady of Lourdes Grotto
Ang ikalawang lugar na aming pinuntahan sa aming paglalakbay sa Baguio ay ang Our Lady of Loudes Grotto. Naging mahaba ang aming tahakin papunta sa Loudes Grotto sapagkat kailangan pang umakyat ng 252 na beses upang maabot ang pinakatuktok nito. Dahil ako ay eksayted at puno pa ng enerhiya sa aming paglalakbay ako ay umakyat sa taas at nakita ang ganda ng tanawin sa taas nito.

Hindi ko mapigilan na kumuha ng litrato dito at dahil ito ang unang beses na napunta ako sa lugar na ito. Ang Lourdes Grotto ay isang katolikong lugar at lugar ng pagdadasal ng karamihan sa mga deboto nito. Ito ay matatagpuan sa Mirador Hill sa kanlurang bahagi ng lungsod.

Source: Cush Travel Blog
The Mansion
Ang The Mansion ay isang tahanan ng Pangulo ng Pilipinas upang gawing bahay bakasyunan. Ang lugar na ito ay nakatayo na simula pa panahon ng Commonwealth. Ito ang sinasabing Malacanañang ng Baguio, ito ang ikatlong pinuntahan namin sa aming paglalakbay.
Masasabi ko na sulit ang pagpunta rito dahil hindi rin malayo ang Wright Park na kung saan pwede kang sumakay sa kabayo ngunit hindi na kami pumunta dito dahil ito ay wala sa aming iskedyul. Makikita sa The Mansion ang napakalaking bahay sa gitna nito na napapaligiran ng sariwang mga bulaklak at puno.

Souce: Pinterest / baguio-today.com
Mines View Park
Ang Mines View Park ang huling lugar na aming pinuntahan sa aming paglalakbay bago kami pumunta sa aming magiging tahanan. Ito ay kilalang-kilala na parke sa lungsod. Dito ako nakabili ng karamihan sa mga souvenir na iuuwi ko tulad ng t-shirt, keychain, walis at marami pang iba. Dito ko masasabi na dito matatagpuan karamihan ang produktong galing mismo sa Baguio at ang aking ikinatuwa ay mura lang ang mga bilihin dito at masusulit talaga kahit hindi madaming pera ang maidadala mo sa pagpunta dito.
Sa huli, isang pribiliheyo ang mapunta sa lungsod ng Baguio, kakaibang karanasan at kasiyahan ang aking natamo at naramdaman sa pagpunta dito. Ito para sa akin ang lugar ng kaginhawaan kung saan hindi mo maiisip ang mga problema at puro ngiti at saya lamang ang iyong mararanasan bilang isang turista. Sa aking pagtanda, pinapangarap na tumira dito at maging isang lokal na mamamayan ng Baguio. Mayroong napakayaman na kultura at kasaysayan ang mayroon sa lugar na ito, sana maulit muli na makasama ko ang aking mga kaibigan sa Baguio at sana mapuntahan ko pa ang mga lugar na hindi ko pa napupuntahan sa lugar na ito. Sa aking mga natutunan sa lugar na ito ay dapat natin pahalagahan ang ating kasaysayan at tangkilikin lagi natin ang sariling atin at ipakalat pa natin ang kultura na maipagmamalaki natin na atin at tatak Pilipinas.
2 notes
·
View notes